Oo. Down nanaman ako. Obvious naman sa layout diba? Napaka-saya at napaka-bright.
Kakakuha ko lang ng Physics Long test kanina. At alam ko na na babagsak na ako.
I'm on a failing spree. Mag gra-grandslam na ako sa bagsak kung hindi pa ako pasado sa chem.
Nag-inquire na ako sa mga sponsors ko (magulang) kung papayagan nila ako mag-shift kung sakaling maging box office .
office hit ang aking failure at magkaroon pa ng part 2 pag hindi ko nakayang bumawi...
Engcal2 (4.0 units) + Phyeng1 (3.0) = 7.0 units pailed.
Computer Science? Para ka naring nag-engineering...3.0 pa ang average para makapag-shift.
Iba pang engineering? Wala ring silbi. Nag-shift pa ako.
Business Management? Sa buong talamambuhay hindi pa pumapasok sa isip ko ang kunin ang course na yon.
ISJ? Wala akong trabaho. Wala akong pera.
Advertising Management? Para ring business yon eh.
Sa totoo lang, wala akong pwedeng lipatan na course sa La Salle.
Kaya sabi ko, mag-fi-fine arts nalang ako sa Scho.
Sabi nila mag-nursing nalang ako.
Oo nga..kung nag-nursing nga naman ako, hindi ko na kailangang mag-calculus at physics, malaki pa sweldo ko.
Taga-punas nga lang ako ng pwet ng mga foreyngers.
Okay lang yun no?
Pero wala akong masabi sa moral support ng mga magulang ko.
Sabi nila kaya ko daw yon. Umpisa palang naman daw yan e.
Ang astig nila.
pero....kung alam lang nila...
No comments:
Post a Comment