Tuesday, February 03, 2004

51 na tanong
Sinkwenta Sentavos

Ako ba ay sinusubukan ni Lord?
Ako ba ay pinaglalaruan ng tadhana?
Ako nga ba'y pangengineering?
Kaya ko pa ba nga ba to?
Bakit nga ba ako bumagsak?
Hindi nga ba akong nag-aral mabuti?
Tama bang ipa-sangla ko na ang tv?
Mababawi ko pa nga ba ang 45.5/100?
Makaka-uno nga ba ako sa Calculus?
Makakakuha ba ako ng mas mataas?
Galit nga ba siya sakin?
Tama pa bang pigilin ang iyak?
Hindi na nga ba dapat ako manuod ng tv?
Senyales na ba ito na dapat na akong mag-shift?
Papasa ba ako sa Physics?
Niloloko ko lang ba ang sarili ko?
Bobo nga ba ako at hindi Matalino?
Pinagpipilitan ko nga ba ang sarili ko?
May ibig sabihin nga ba ang puting ipis sa pader namin?
Ano ba ang tinuro kanina sa Calculus?
Pinararamdam ba sakin ni Lord kung anong
dinadanas ng kapatid ko?
Hindi pa ba ako gising?
Paano na kung wala nang tv?
"Matutubos" pa ba ang playstation namin?
Makakapanood pa ba ako ng Chobits?
Dapat nga bang mag-aral na lang ako buong weekend?
Does all work and no play make
bom a dull girl?
Saan ako mag-shishift pag dumating ang panahon?
Masarap bang umiyak?
Hindi ba nakakahiyang umiyak?
Lord, kulang ka nga ba sa pansin?
Tamad nga ba ako?
kelan ba sila titigil sa kakatanong?
Kelan ba sila titigil sa kakatanong kung ako ba ay bagsak?
Kelan ba sila titigil sa pagsasabing "madali lang siya, madali lang siya"?
Bakit naiinis ako kapag naririnig kong pasado sila?
Tanggap ko ba na bumagsak ako?
O hindi dahil sa pride?
bar.
Madali nga ba yung test?
Bakit ako naka 45 kung madali lang siya?
Kelan ba sila titigil sa kasasabing "okay lang yan, bawi ka nalang?"
Kung alam kong mahirap bumawi?
Bakit kaya pag may nagsabi sa yo na okay lang yan ay lalo kang naiiyak?
Okay nga lang ba yon?
Kulang ba ako sa aral?
Makakapasa ba ako sa mga quiz pang darating?
Bakit ba kailangang mag-aral?
Pwede bang huwag nalang?
Ba't ba kasi kailangan nito?
Siyet, hirap na ba talaga ako?
Lord, pwede bang
itulog nalang..itulog nalang..

No comments: