Wednesday, February 25, 2004

Rested.

Yes people..naka pag pahinga narin ako at ako ngayon ay nasa internet cafe sa tabi ng FEATA. Letse dahil wala na akong internet card at wala yung manga na hinahanap ko..*siyet..walang yami na vol.6*. Umorder nalang ako ng Episode Zero na Hapon..phutek! Pag nahanap nila yon...astig...astig sila..

Ngayong wala akong mabiling tankoubon...baka CD nalang ang bilin ko..balak ko sana me bagong CD daw ang sugarfree..matignan nga..

************

Abnormal ang sitwasyon ko. Ba't ba kailangang mag-debut ng dalawang tao sa parehong araw at sa parehong oras. Siyet..dalawang debut ang imbitado ako..yung isa sa Friend ko sa scho..tapos yung isa Blockmate ko Sa La Salle.

Mas nauna akong imbitahan noong blockmate ko..tapos nakalagay pa ako sa imbitasyon..(18 treasures)..nahihiya akong tumanggi..tapos wala pang kasama yung blockmate ko na babae...*engineering block kaya kami lang dalawa lang talaga yung babae doon..kami lang ata close niya..o parang ganon..*..yung isa medyo late na yung imbitasyon..siyet pero lahat ata ng kabarkada ko pupunta don....huhuhuhuhu...tama ba naman yan!!!!

Err...so hindi ko alam ang gagawin ko.. Tapos hindi ko pa alam kung anong ireregalo ko... bibili ba ako ng something o gagawan ko nalang sila ng drawing kahit hindi ako magaling sa drawing.. dun sa blockmate ko balak ko sanang gumawa ng malaking card tapos papa-sign ko lahat ng block mates ko dun kaso iniisip ko kung tama bang yon yung ibigay ko..baka naman magmukha akong tange..

***********
Err....pumasa ako sa test ko sa Calculus...58/100. Tapos me nilagay yung prof na malaking STUDY daw. Tangnang yan..oo nga..kelangan ko talagang mag-aral kasi 6 points pa ang babawiin ko. Ang total ng scores ko ay 104.5/200 at wala pa siya sa 55% ..110/200 dapat ako.

Naasar lang ako kasi ngayon lang nagkakaganito ang grade ko at ngayon lang ako namomoblema ng ganito. Iniisip ko kung bakit...kasi noong unang calculus subject ko naman okayokay pa ako at hindi ako namomoblema tungkol sa kung babagsak ba ako o hindi. Ano bang nanyari sakin? Naiiwanan ko ata utak ko araw-araw sa bahay....waah..wat is hapenings too me...

**********
Gagong english yan...8:30 na ako pinauwi kagabi! letse. Tapos kelangan ko pang magpa-xray..

No comments: