ewan ko ba...bakit pagkatapos ng ROTC kating-kati ako mag-blog...la lang trip..
Unang una sa lahat nagpapasalamat ako sa mga nagsayang ng piso at nag-text sakin ng Happy Valentines..saka sa mga nagsabi sakin ng lab nila ako dito sa blog...siyet..hindi niyo pa ako nakikita lab niyo na ako...touch naman ako..XD parang pananampalataya yang ginagawa niyo ah..lolz XD
Pero hindi pa huli ang lahat...ang pagmamahal para kay bom ay tumatanggap parin ng pagmamahal during school hours...in cash, in kind or in COD, credit is good but i need cash..sorry..
Salamat din sa mga nag-good luck sakin sa AGTI..at nagpasalamat na may AGTI kami...(dahil sila walang pasok...ANG DAYA!) Nakaka-tense nga eh...ano bang mga details tungkol sa mangyayari bukas..
-Ang call time ay 0530 hours sa North Gate
-Ang usapan namin ng kasama ko ay 0500 sa North Gate..putek hindi kaya ako masaksak ng adik niyan?
-Almirolin (starch) ang panyo at fatigue...ang panyo ko..nagmukhang cardboard sa tigas..
-Magshine ng brass articles..
-at dalin niyo narin ang pang-shine niyo..
-Tahiin ang model patch sa left pocket..
-alam niyo ba na ang model patch ay dapat wolf ang nasa logo..letse..nagmukhang BAKA yung nasa patch namin! Gago yung gumawa..
-Off Topic..ang mga wrestler ay walang buhok sa kilikile...pero may chest hair!
-Si Manay Gloring ang Commander-in-Cheif ng AFP, samantalang si Gen. Narciso Abaya ay ang Cheif-of-Staff ng AFP
-Samantalang ang commandant ng 247th NROTC unit ay si Lt.Cmd Ronulfo Saonoy PN GSC ata..
-bawal ang mga buhok na lumalabas..i-hair net ang buhok at i-gel..
-Bawal ang mga tastas! Sunugin ng lighter!
-Sa kaliwang pocket ang panyo
-yehey! Sleeves down kaya hindi ko kailangang magkandarapang mag-tupi
-I-shine ng mabuti ang boots...toothbrushin ang mga gilid-gilid..
-left boots left over right; right boots right over left..
- at siyempre huwag kalimutang magdasal!
Anong nakaka-asar bukas..ang buong angkan namin mag-swiswimming beach!
Hindi ako kasama! Asteeg to..grabe.
No comments:
Post a Comment