Saturday, December 25, 2004

Pasko na...paksiw pa.

Bago ko to simulang, gusto ko munang bumati, pahabol, ng
Maligayang Pasko!
at siyempre huwag kakalimutang
Maligo sa Bagong Taon!

==========================================

Ang pasko ko, okay lang. Ang pasko dito hindi nagsisimula ng 12:01 ng December 25, usually mga ala-6 ng december 25. Wala na akong inaasahang bubuksan na regalo galing sa magulang ko, di tulad nung bata pa ako, yung tipong parang first time mong magpuyat kasi excited ka nang buksan ang regalo mo. Yung tipong stick ka sa "Don't Open 'till Xmas": dati talaga ganun, para marami kang bubuksan sa umaga ng pasko. Pero ngayon, pagka-bigay, kahit december 18 palang, bukas kaagad, para maimtambak mo na sa bahay. Usually ganun yung nanyayari sa mga regalo ng kabarkada ko. Yung galing sa mga magulang, mga tipong 3 days before december 25 binibigay na, hindi na binabalot, kasi excited ka nang gamitin, tulad ng mga PS2, celphone, PC...

Siguro dahil masyado na siyang malaki para ibalot. Iba talaga ang age mo malapit-lapit na sa bente. Hindi ka na yung nagbubukas ng regalo, ni hindi mo nga mabati ang mga tao sa inyo ng "merry christmas". Parang "Okay, pasko ngayon. Merry Christmas sa inyo. Ayos may pera nanaman ako mamayang gabi."

HUwag niyong sabihin hindi ganyan ang nasa isip niyo. Magsitigil kayo mga plastik.

Ba't kaya ganun. Siguro totoo nga na ang pasko ay para sa mga bata

============================================
Pag bata ka: Ibig sabihin ko ng bata ay yung mga mula 7-14 years old. Ako noong bata pa ako, excited ako december 24 pa lang. Tinutulungan ko pa nga ang nanay kong gumawa ng salad, habang yung mata ko nakadikit na sa AXN dahil palabas ang 3x3 eyes. Pagdating ng december 25, bago ang damit, nilalabas yung mga gold na necklaces at bracelets para suotin at hindi iwala, binubudburan ka ng pabango pati yung mga parents mo. Hindi mo muna pwede buksan ang mga regalo mo kasi hindi pa kayo nagsisimba sa 7:00 am mass. Sa simbahan, siyempre kasama sina lola, pinsan, lahat. Tapos makikita mo sa daanan, lahat ng tao naka-bago, para bang walang economic depression sa pilipinas, nakangiti, maaraw, maliwanag, malamig, masaya. Ang festive. Siyempre yung masaya diyan hindi yung pagbibilang ng mga perang natanggap mo nung pasko, kundi yung paglalaro mo ng mga regalong kanina ka pang excited na buksan. Magpapayabangan pa kayo ng mga pinsan mo sa bahay ng lola mo. Ang dami niyong bisita sa bahay, ang sarap ng pagkain, spaghetti. Ang saya, lang tatalo sa pasko.

Pag malapit sa 20: Tinutulugan ang noche buena. Walang tao dito sa bahay, lahat sila tulog, o pangit ang palabas sa TV. Pagkagising mo, diretso agad sa banyo. Pagdating mo sa baba, nagkaka-gulo silang lahat kasi hindi pa handa yung mga pagkain. Sa christmas tree niyo, panay sa mga inaanak mo yung mga naka-lagay. Yung regalo mo, nasa taas, china-charge. O nasa baba, at lalaruin mo na. Magsisimba nanaman. Mga alas-10 am, last mass sa umaga. Sabado. Bukas magsisimba nanaman ulit, kasi linggo. Ang daming mga bata sa baba ng bahay niyo, istorbo. Pero mag-PPC ka parin habang hindi pa naliligo ang mga tao sa inyo para maka-pagsimba na. Soundtrip narin sa PC, hindi pang-christmas at sawa ka na doon. Magsisimba kayo, bagong shirt at pantalon lang, di bale na sapatos, pwede pa yan. Sa wakas nagkadamit narin ako. Simba isang oras. Maaraw na Makulimlim, masaya yung mga bata pero ang mga magulang mukha nang pagod. Ayos, naka-1,200 ako ngayon, mas mababa sa last year, bwiset. Dating sa bahay, bukas TV, ayos marathon sa Animax, replay sa Eat Bulaga at MTB. Daming namamasko, nood parin ng TV. La kong paki. Basta ako, manonood ng TV.

Pag may pamilya ka na: Nung oras na ba, ah, alas-6 na pala. YUng buko salad kaya sa freezer ayos ba...naku, mag-iihaw pa ng barbeque! AAAH!!! ANU BAYAN ANG AGA-AGA MAY NAMAMASKO NA???!! Inday, paliguan na si neneng at junior at magsisimba na..yung damit ko hindi pa pala nakaplantsa..mailabas ko na nga yung damit ng mga anak at asawa ko. Naku magustuhan kana ni inang yung regalo namin..yung inaanak ng anak ko nandito na, kunin mo na yung regalo mo, galing kay ninanag neneng yan. Ay! Malapit nang mag-alas-nuebe! Anu ba gisingin mo na sina junior! Ay sandali lang kukunin ko na yung mga pamasko niyo....anu bato, yung 4000 kong tig-20 NAUBOS??? Grabe, pati tong mga matatandang to ang lalakas ng apog mamasko! Ay merry christmas ate, natanggap mo ba yung ulam? Ay, sina inday wala pang regalo, magbabalot pa ako! Anu ba ineng, nagPPC ka pa magsisimba na tayo! *At marami pang ibang reklamong dumating*
======================================================

Tignan mo yun, based diyan, kanino bang pasko ang mas masaya? Sa batang maliwanag ang pasko, sa teen na nanonood ng animax marathon, o dun sa mga matatandang stressing ang pasko.

O sige sabihin niyo na na ang tunay na diwa ng pasko ay ang pagsasama-sama ng pamilya at ang pagbibigayan, pero hindi ba stressing pag nagsasama-sama ang pamilya at nagbibigayan. Magastos, Nakakataranta. Lahat na.

Para sa bata, masaya. Kasi wala pa siyang kamuwang-muwang sa mundo kundi ang gameboy niyang bago.

Para naman sa mga malapit na sa 20 katulad ko, pasko, maraming bago, makakahingi ka ng celphone, pera at PC sa parents mo. Daming tao sa baba, isang truck (totoo to, pramis) ng mga namamasko nasa bahay niyo, ang ingay.

Para naman sa mga parents, ang daming aasikasuhin, ang gastos na hindi ko akalaing nagbitaw ako ng ganung kalaking pera, nakakataranta, pero at least masaya ang pamilya ko. Pati narin ang mga kamag-anak, biyenan, pinsan ng biyenan, pamangkin ng biyenan, apo ng labandera, syota ng katulong, anak ng pinsan ng asawa mo,kabarkada ng anak mo, apo ng kapatid ng nanay ng asawa mo.... (sa kaso ko, pramis, totoo talaga siya)....

Oh well, at least lang pasok.

Sunday, December 19, 2004

Probably the last nonsense post..

I know, an update was long overdue, but i usually update this blog more nowadays. I've decided to post here when i'm in the mood to post something like my previous entries. My thought-provoking, Bob-Ongish entries. Yung mag-eenjoy saka yung hindi daily update ng buhay ko. Kasi kung gusto niyong makita yun, punta nalang kayong LJ ko.

So this will probably be the last nonsense update i'll be having. From this post onwards, i will be posting my bob ongish post, at least i intend to do so.

So what's up? Christmas is just around the corner and err...i already received my gift, my christmas+birthday gift.

But its not christmas that is keeping me excited (and scared) since friday, its the course card distribution happening tommorrow. Truthfully speaking, i should fail 3 subjects, 1 math subject, 1 major and 1 physics-nonsense course. And i need all the luck i could get.

A friend of mine send me an SMS message saying "To all LaSallians, please pass this message to 10 lasallian friends, or else you will get at least 1 0.0 in your course cards. Better Safe than sorry."

Ako naman: "Hello, sayang load! Para namang napaka-yaman ko para gumasto ng 10 pisong load para lang magpasa ng chain text." *sabay bura*

So i guess i will be getting at least 1 0.0 in the course card tommorrow.

Nah.

2 of my friends will also be sporting a new look tommorrow. Maybe a part of their "bagong buhay" activities they've done for the weekend. They went to confession yesterday...

I bet they look funny in their new haircuts.

Song that best fit tommorrow's festivities:

Himala - Rivermaya
"HIMALAAAAAAA! Kasalanan bang\ humingi ako sa langit ng\ isang himala"

Just Once - (Hindi ko kilala kung sino)
"I did my best, but i guess my best wasn't good enough"

Give love on Christmas Day - (Hindi ko rin kilala kung sino)
"Why don't you/ Give love on christmas deeeeyyyyyyy..."

Tuesday, December 07, 2004

May pauuod-paro-paro pang nalalaman

Dapat mag-bblog lang ako dito tungkol sa nakuha kong score sa QUANMET at ELCI. At habang naka-bukas ang window na yan, ay naka-bukas ang window ng friendster.

Wala lang...pancheck lang baka sakaling may bagong kaibigan o testimonial kasi kasama siya sa Christmas list ko.

Wala.

Napansin ko yung box sa may ibaba, ang nakalagay Waiting confirmation from 2 friends. Pag-click ko, inaantay ko parin ang kasagutan ng dati kong guro sa panitikan at ang kasagutan ng pinsan ko.

Hmm, ano kaya kung nagdagdag pa ako ng mga "kaibigan"?

Click dito, click doon.
Una sa pangalan ni ganito.
Uy, may bagong account na pala si ganito.
Add.
Matignan nga friends nito.
Uy, andami..
Aba, ganito na pala istura nito.
Iba na itsura niya....nila


--------------------------

Mga mukhang pamilyar sakin, at alam ko pa ang mga pangalan. Ang mga ka-batch ko sa noong high school ako. Yung adviser naming rakista na astig nung 3rd year. Yung mga popu samin. Yung mga hindi ganun ka-noticeable na namulaklak na. Mga kilala ko, na hindi ko sigurado kung kilala pa nila ako..

Malamang hindi.

Anu ba ang nakita ko? Pagbabago. Nagbabago ang tao habang tumatanda..at yun ang nakikita ko.

Ang mga babaeng pare-parehas lang ang suot dati, walang tumitingkad kung hindi dahil sa ugali,
sa talino,
o ka-weirdohan
...iba na ngayon.

Hindi ko na maiaalis yun. Yung mga mukhang ordinaryo lang dati
ngayon naka-make-up,
naka-blush on,
rebonded ang mga buhok,
naka-spaghetti't sleeveless,
may mga lalaking nakasandal sa kanilang mga balikat,
mga naka-pearl earings,
ngiting
..kikay.

Parang mga uuod na nag-metamorphosis at naging mga paru-paro.

Wala namang masama sa pagbabago. Sa katunayan, nakakaganda nga yon. Siyempre, college na. Kailangan nang magpapansin sa mga boys, di kagaya non, babae lang ang kahalubilo mo.
Kailangang maayos lagi.
Kailangang demure.
o kung di demure....hot, sexy, cool, noticeable.
Blooming.

Ordinaryo akong estudyante. Ngayon, ordinaryo parin. Walang pagbabago, bumigat lang ako ng 10 kilo. Hindi naka-uniform. Humaba ang buhok.
Parang may eyeshadow sa ilalim ng mata.
Naka-T-shirt at pantalong maluwag.
Naka-stud earings...na pilak.
Naka-timex..na bakal.

Hindi na kailangang magpapansin sa boys, kasi sila ang kausap ko madalas. Kasamang madalas. Hindi maiiwasan.

Pero, hindi ako obit, tibo, yuri...o kung anu man yung tawag niyo dun.

Babae lang, na hindi pa "nag-bbloom."

Uuod na kontento na sa pagiging uuod habang buhay.
------------------------

"Ohtso."
"Nuebe, dun sa may kanan.."

Hindi yan bingo o jueteng. Yan ang mga bagay na naririnig ko sa mga taong nakapaligid sakin.
Kung makapag-score parang kung sinong judge ng beauty contest.
Lowest to highest, 1-10.

Tingin sa kanan. Babae, naka-fit na shirt, naka-pearl earrings, straight na mahaba ang buhok...

"May boyfriend na eh..."

..at may kahawak ang kamay.

Pero hindi nila napapansin yung babae sa may likod niya. Naka-shirt na pula, pantalon, maikli ang buhok, walang earrings, naka-wristband. Pati yung nasa harap niya, naka-tshirt at pantalon lang.

-----------------------------

Kung tutuusin, saan nga ba nagmula ang kamulatan ng babae na kailangan niyang magpaganda..na kailangan niyang ma-notice, kailagan mag-dalaga, mag-ayos, mag-bloom,

..mag-kikay?

Nasa pagpapalaki ba yan?
Sa pamilya?

Noong high-school ba?
Noong mga popu sa school nanghihingi ng facial wash lagi,
para makapunta na sa banyo
na parang bang laging may mga mantika sa mukha nila
pero wala naman.
Magsuklay na para bang magpapapansin sila
pero panay babae naman sila kaya walang papansin sa kanila.
Mag-powder para walang oil sa mukha. Sige eto tanggap pa siguro.
Pero ang mag-lagay ng blush on bago mag-Algebra..
sa pagkaka-alam ko hindi naman nakakatalino ang blush, o ang lip balm.

Kung ganitong sitwasyon ang kamumulatan ng isang walang ka-muwang-muwang, hindi malayong ang isang uuod ay maging paru-paru nga.

Gawa ng mga popu. Ang mga popu, ma-boylet. Kung gusto mong maraming boylet, magladlad ka na ng kapa at maging kikay ka na sister.

----------------------------------------------------

Kung sabagay, hindi mo rin naman sila masisi.
Sino ba ang nakaka-agaw ng attensyon..

yung mga nag-aayos. Mga naka-blush-on.

Sino ba yung mga nakaka-nueve..o otso?

..yung mga naka-fit na tshirt, na mahahaba ang buhok

Eh yung mga nakaka-uno?

----------------------------------

May stereotype ang school namin. Pag-sinabi mong taga-dun ka, (bukod daw sa maraming obit), may class, may breeding, magaling mag-ingles,
prim and proper,
maayos,
ladylike,
kikay.

At anong kalalabasan ko non..

..latak. Para akong hindi taga-doon.
----------------------------------

Ang malungkot na realidad, kung gusto mong lingunin ng mga kalalakihan, kailangang mag-pakakikay, lalo na kung hindi ganoon ka striking ang iyong fez.

Kung kamukha mo man si Cindy Curleto, pero parang pimple na tinubuan ng mukha ang fez mo dahil hindi ka nag-ffacial wash, wala rin.

Kailangang magpaganda, lalo na pag hindi ka maganda.

Kung matalino ka, hindi naman sasabihin pag dumaan ka
"Wow pare, ang talino niya! Ang sarap titigan.."
Malabo naman ata yun.

Ang uuod kailangang maging paru-paro,
para hindi layuan, pandirihan
at bagkus, lapitan at pagmasdan.

-------------------------------

Yun ay, kung gusto mo lang mapansin.

Kahit sabihin mong man-hater ka,hindi mo maiaalis ang paghahanap sa atensyon. O kung hindi naman, alam mo naman ang mga stereotype ng mga babae sa pilipinas.

Pag babae, nag-aayos dapat, naglalagay ng powder sa mukha to get rid of the shine in your face,naka-hikaw man lang, you shop for the latest clothes and bags and shoes in market!market and you make rebond your hair and you make beso-beso with your kada and you go boy hunting.

Pag hindi anong tawag sayo..

Weird..mas maluphet, mapagkakamalan ka pang tibo.

Sino ba namang gustong matawag niyan di ba?

------------------------------------

Wala bang magagawa? Ganoon ba talaga...sooner or later ba magiging paru-paro din ang isang uuod kahit gaano pa to katagal manyari..

Hindi ba pag-nagpalit na ang uuod sa isang paru-paro, magiging paru-paro na siya, at iiwanan niya na ang pagkauuod niya.

Pero paano kapag hindi magawang iwanan ng uuod ang pagiging uuod niya..napag-nagpalit siya at naging paru-paro, ay ibang katauhan na siya..at hindi na niya makilala ang sarili niya..

Lumaki siyang uuod at nasanay na siya dito.

Ngunit Kailangan maging paru-paro ang uuod dahil yun ang dikta ng kalikasan.
-------------------------------------

Hindi ko alam. Baka kainin ko ang mga pinagsasasabi ko ngayon.

Pero kung may "morphin time!" na manyayari..malamang hindi pa ngayon yun.

Basta ang alam ko, hindi ako tibo.
Weird lang. Hindi tipikal pero hindi rin naman pansinin.
Hindi mahilig mag-ayos, pero disente pa namang tignan.

Kontento pa ang uuod sa pagiging uuod niya.

Sunday, December 05, 2004

Quiz results and a new layout...^^

Bilang pambawi sa hindi ko pag-uupdate...yab...i finally changed my layout earlier this morning. Umm...yeah...Quiz results...

Got this one from Kyoukou





You Are the Helper



2




You always put on a happy face and try to help those around you.

You're incredibly empathetic and care about everyone you know.

Able to see the good in others, you're thoughtful, warm, and sincere.

You connect with people who are charming and charismatic.




...saka nasa gilid yung wishlist ko..total pasko naman diba? Hehe...calling lahat ng mababait diyan...^^v

Thursday, December 02, 2004

bad treep.

bad treep ako kasi walang pasok.
walang pasok kasi inannounce ng school.
inannounce ng school kasi signal #2.
Signal#2 dahil sa bagyo.

dahil sa bagyo may patay.
dahil sa patay may sakit ang mga tao.

maysakit ang mga tao dahil sa ibang taong maysakit.
ang ibang tao ay maysakit dahil siksikan.
siksikan kasi sira ang mga bahay nila.
Sira ang mga bahay nila kasi may flashflood.
May flashflood kasi may landslide.
may landslide dahil walang puno.
Walang puno kasi pinutol.
Pintuol kasi ibebenta.
Ibebenta para kumita.

hmm...dapat ata sa isang blog to a.