Bomalabs is a Freshman Student who spends her break lying around doing nothing.Nah.Likes OPM, Anime and Surfing the Net when she has nothing to do.In Fact, bom (shorcut for bomalabs) created this blog kasi...wala lang.She wishes that she wouldn't take Grapone Classes any longer....and not anymore as of September 2, 2003! Yehey!!!!
Sunday, February 29, 2004
2 consective Space Shuttles + Anchor's away =
**********
You belong in the land of darkness, otherwise known
as one of the worlds in which I dwell. All here
is beauty inspired by tragedy and great sorrow.
Write or go through other creative outlets to
express the anguish you may be feeling, and
never let anyone tell you that you are just
being 'weepy' or full of 'teenage angst'(if
you're a teenager.If not, then they really
should be punished for calling you one. They
probably are trying to insult your
maturity...fools.)and always remain yourself,
dark and amazing. Never change.
Where do you belong?(ANIME IMAGES)
brought to you by Quizilla
You're Element is Night. You're a loner who is very
creative but never show your work to anyone.
You may smile a little but sadness or
loneliness surround you and other can feel it
when they're near you. You have a dark or
unusual beauty that makes you mysterious and
you probably have a lot of secrets that you've
never told anyone. You're beauty is intriging
and unorthidox but the real thing that makes
you special is your eyes. Something in them
makes them like "Diamonds in the
Rough."
What's Your Element(girls)? (PICTURES)
brought to you by Quizilla
You are Franklin!
Which Peanuts Character are You?
brought to you by Quizilla
***************
Err...nabanggit ko dito na me field trip kami sa enchanted kingdom...field trip na kanya-kanyang punta at kanya-kanyang uwi. San ka pa di ba? Eh medyo lang sa Sta. Rosa ang enchanted kingdom eh. Malayong-layong commute yon. Dapat yung mga ganon may bus! Pero hinde...sabagay...medyo tipid nga naman yon.
So natutunan ko nang mag-commute mula manila hanggang Enchanted. Sasakay ka ng kung ano papunta taft ave...bababa sa buendia..sasakay ng Tritan na pumupuntang Balibago, Sta. Rosa, Laguna..tapos bababa ng wal-mart...sasakay ng tricycle and nasa enchanted ka na! Astig.
Sinulit namin yung bayad naming 315..(magaling mag-diskwento yung prof eh..)...nasakyan ko yung mga rides..*except yung mga pambata at yung mga swan boat yung me gulong na parang bumpcar pero nasa tubig..hindi ko alam tawag don eh...saka yung carousel..saka yung gocart dahil 160 ang bayad*
Naka-3 space shuttle ako (at sa pagkakataong ito hindi na ako nakapikit! Tangna! Astig! Para kang mahuhulog!)..
2 anchors away..(Huwag mong sasakyan pagkatapos ng space shuttle kung ayaw mong sumuka/ ma-usog/sumama ang pakiramdam mo...nakapag-taas ako ng kamay sa pangalawang sakay ko)
2 jungle log jam..(Sakyan mo para mahimasmasan ka)
3 flying fiesta..(Pampatuyo ng dami..kaya nga siya nasa tapat ng rio grande eh)
4D theather..(me bayad pero sulit..ang galing grabe..me matching talsik ng tubig at hangin pa. Sulit seryoso yung 40 mong bayad)
Bumpcar...(letse..bano talga ako sa bumpcar..wala akong ginawa kung hindi umikot..buti nalang naka andar ako at naka bangga ng ilang sasakyan..pero letse..ayoko na.)
roller skater.....ferris wheel... at yung realto na walang kwenta.
3 rio grande...(ang tapang talaga ng apog ko eh..wala akong dalang pamalit yan ah. tapos naka-upo ako sa parehong spot...at lagi akong nababasa..pwede na akong gumawa ng law kung saan ka uupo para hindi ka mabasa at para mabasa ka. Buong hapon ako nagpapatuyo at nakauwi na ako sa bahay ay basa parin ang pantalon ko. Dahil dito ay hindi ako naka-pagpaintball.....waaaahhhh....)
At iyon na. Noong bandang gabi nag-bilyar ang mga tao tapos nag-videoke. Haha..astigin ang videoke..nakaka-pagbonding ang mga tao dahil doon! Hala birit kahit sintunado! Wala..nakakatuwa siya...^^v ehehehehe..
Umalis na kami ng 8:30 don...sinulit talaga namin..pero 1st time kong abutin ng ganong kagabi at malayo pa ang panggagalingan ko. Nasa Sta. Rosa ako at hindi pa ako nakaka-pagcommute ng ganong kalayo...ng gabi. Pero sa awa ng diyos ay naka-uwi ako! Salamat sa mga nagpahiram sakin ng celphone..tama ba namang mawalan ng battery sa ganoong sitwasyon.
***************
Astig na pala si Krey-Zey dahil may lakas siya ng loob para maging marcher candidate sa ROTC! Bangis mo! Idoul!^^v
***************
At sadly again..i conclude...natatapos ang weekend...panimula nanaman ng bagong linggo at quiz kami sa Calculus again. Ang galing galing!
Wednesday, February 25, 2004
Rested.
Ngayong wala akong mabiling tankoubon...baka CD nalang ang bilin ko..balak ko sana me bagong CD daw ang sugarfree..matignan nga..
************
Abnormal ang sitwasyon ko. Ba't ba kailangang mag-debut ng dalawang tao sa parehong araw at sa parehong oras. Siyet..dalawang debut ang imbitado ako..yung isa sa Friend ko sa scho..tapos yung isa Blockmate ko Sa La Salle.
Mas nauna akong imbitahan noong blockmate ko..tapos nakalagay pa ako sa imbitasyon..(18 treasures)..nahihiya akong tumanggi..tapos wala pang kasama yung blockmate ko na babae...*engineering block kaya kami lang dalawa lang talaga yung babae doon..kami lang ata close niya..o parang ganon..*..yung isa medyo late na yung imbitasyon..siyet pero lahat ata ng kabarkada ko pupunta don....huhuhuhuhu...tama ba naman yan!!!!
Err...so hindi ko alam ang gagawin ko.. Tapos hindi ko pa alam kung anong ireregalo ko... bibili ba ako ng something o gagawan ko nalang sila ng drawing kahit hindi ako magaling sa drawing.. dun sa blockmate ko balak ko sanang gumawa ng malaking card tapos papa-sign ko lahat ng block mates ko dun kaso iniisip ko kung tama bang yon yung ibigay ko..baka naman magmukha akong tange..
***********
Err....pumasa ako sa test ko sa Calculus...58/100. Tapos me nilagay yung prof na malaking STUDY daw. Tangnang yan..oo nga..kelangan ko talagang mag-aral kasi 6 points pa ang babawiin ko. Ang total ng scores ko ay 104.5/200 at wala pa siya sa 55% ..110/200 dapat ako.
Naasar lang ako kasi ngayon lang nagkakaganito ang grade ko at ngayon lang ako namomoblema ng ganito. Iniisip ko kung bakit...kasi noong unang calculus subject ko naman okayokay pa ako at hindi ako namomoblema tungkol sa kung babagsak ba ako o hindi. Ano bang nanyari sakin? Naiiwanan ko ata utak ko araw-araw sa bahay....waah..wat is hapenings too me...
**********
Gagong english yan...8:30 na ako pinauwi kagabi! letse. Tapos kelangan ko pang magpa-xray..
Friday, February 20, 2004
Tired.
Kulang ako sa tulog.
Irregular na ang schedule ng tulog ko.
Natutulog ng 7, gumigising ng 12.
Gumigising ng 1.
Gumigising ng 2.
..ng 3...ng 4...ng 430...ng 5.
Sunod-sunod ang test.
Calculus..Poligov...Physics..
bagsak..pasa..siyet..
bahala na
basta gusto kong matulog.
Quiz nanaman next week
Chem..tapos Calculus.
Letche.
Gusto kong matulog.
Wala nang ginawa kung hindi
mag-aral...mag-aral.
Gabi..araw..madaling araw..
ginagawang gabi ang madaling araw..
kulang ako sa tulog.
Me sipon, ubo at lagnat na ako..
tangna niyo..patulugin niyo ako..
ayoko na kayong aralin..
Alam kong babagsak ako
pero inaaral ko kayo..
kalokohan alam ko..
sawang-sawa na ako sa inyo.
wala nga akong RO
pero nandyan parin kayo..
tang ina niyo..di niyo ba nakikita
pagod na ako..
mas malaki na ang eyebags ko sa mata ko..
mukha na akong punkistang trasher..
na constipated dahil masakit ang tiyan na..
at maiinit ang ulo niya..
kelan ba ako pwedeng matulog..
gusto ko lang talagang matulog.
pwede ba...
Tuesday, February 17, 2004
Happy Days.
Happy ako kasi medyo mataas ako ng konti sa Chem. Kala ko talaga tuloy tuloy na ang ligaya ng pag-bagsak!
Tapos i got some of my blockmates to visit this blog of mine..nyehehehe..hello po sa inyo! Mwehehehe..huwag kalimutang mag iwan ng message!
Laugh trip pa yung email ng MOIC namin sa ROTC..ganon pala magsalita ang kupal..nyahahahahaha...
Sunday, February 15, 2004
and it is done.
Siyettttttt!!!!!!!Tapos na talaga ang AGTI!! Akala ko naman kung anong sobrang major na event ang manyayari tapos maraming eskwelahan ang pupunta...pag-dating namin sa venue...kahit anong school wala. Joke siya ha...sabi daw kasi yung mga inspector na lang daw ang pupunta sa mga regions...oo nga naman...mas tipid kung ganon?
How did it go? Ewan. Hindi ko naman masabi kasi hindi ko makita yung ginawa ng platoon namin...pero eto ang alam ko.I SCREWED UP! Na-mental block ako sa tamang pagbababa ng baril..medyo err...mali pagkakababa ko ng baril at kakaiba ang position niya..pakiramdam ko nakita na ng inspector...pa simple ko nalang kinorek noong nag-attention kami Siyet...minus one point (Sana nga one point lang) for La Salle...hahaha..
(Pero in fairness hindi ako kinorek sa Rank Inspection! Pwede!)
Nararamdaman ko na hindi makukuha ng La Salle ang championship..unless mag-gago yung ibang regions ng sobra..na sa tingin ko naman eh bomalabs manyari.
Pagod na ako. 1130 ako natulog dahil sa MTV Asia Awards (Makita ko lang si Papa Rico
okay na ko!) tapos 330 ako nagising dahil ang call time ay 530. At umalis kami ng La Salle ng 7:45! Uluuuuuuuullll....natapos kami ng mga bandang 1..pero 4 na kami umuwi..ang bangis.
Kung wala lang talagang test sa Physics at Engcal ngayong linggo eh..
NYAHAHAHAHAHA!WALA NANG ROTC!!!!!ANO KAYO NGAYON MS1 AT CWTS?????!!!!!ISANG SABADO LANG KAYO WALANG PASOK!!!!!!!!! KAMI HINDI NA PAPASOK NG SABADOOO!!!!!!!!!!YESSSSSSSSSS!!!!NYAHAHAHAHAHHAHAHAHA!
Okey.Shut up nah.
Saturday, February 14, 2004
Kating-kati magpost..
Unang una sa lahat nagpapasalamat ako sa mga nagsayang ng piso at nag-text sakin ng Happy Valentines..saka sa mga nagsabi sakin ng lab nila ako dito sa blog...siyet..hindi niyo pa ako nakikita lab niyo na ako...touch naman ako..XD parang pananampalataya yang ginagawa niyo ah..lolz XD
Pero hindi pa huli ang lahat...ang pagmamahal para kay bom ay tumatanggap parin ng pagmamahal during school hours...in cash, in kind or in COD, credit is good but i need cash..sorry..
Salamat din sa mga nag-good luck sakin sa AGTI..at nagpasalamat na may AGTI kami...(dahil sila walang pasok...ANG DAYA!) Nakaka-tense nga eh...ano bang mga details tungkol sa mangyayari bukas..
-Ang call time ay 0530 hours sa North Gate
-Ang usapan namin ng kasama ko ay 0500 sa North Gate..putek hindi kaya ako masaksak ng adik niyan?
-Almirolin (starch) ang panyo at fatigue...ang panyo ko..nagmukhang cardboard sa tigas..
-Magshine ng brass articles..
-at dalin niyo narin ang pang-shine niyo..
-Tahiin ang model patch sa left pocket..
-alam niyo ba na ang model patch ay dapat wolf ang nasa logo..letse..nagmukhang BAKA yung nasa patch namin! Gago yung gumawa..
-Off Topic..ang mga wrestler ay walang buhok sa kilikile...pero may chest hair!
-Si Manay Gloring ang Commander-in-Cheif ng AFP, samantalang si Gen. Narciso Abaya ay ang Cheif-of-Staff ng AFP
-Samantalang ang commandant ng 247th NROTC unit ay si Lt.Cmd Ronulfo Saonoy PN GSC ata..
-bawal ang mga buhok na lumalabas..i-hair net ang buhok at i-gel..
-Bawal ang mga tastas! Sunugin ng lighter!
-Sa kaliwang pocket ang panyo
-yehey! Sleeves down kaya hindi ko kailangang magkandarapang mag-tupi
-I-shine ng mabuti ang boots...toothbrushin ang mga gilid-gilid..
-left boots left over right; right boots right over left..
- at siyempre huwag kalimutang magdasal!
Anong nakaka-asar bukas..ang buong angkan namin mag-swiswimming beach!
Hindi ako kasama! Asteeg to..grabe.
Friday, February 13, 2004
Anong Valentines?
Ang valentines kasi parang pasko lang yan...commercial holiday. Ginagawa lang yan para kumita ang iba't ibang sektor ng lipunan..pati gobyerno kikita diyan? Pano? Amusement Tax! Tsaka renta ng public places para sa mga concerts!
Walang valentines-valentines? Putsa..me training para sa ROTC! Competition na sa linggo..siyet...at mag-aaral pa ako dahil sunod sunod ang mga quizzes next week. Waaah...ang bilis..ayoko na...
Gusto kong mag-basa ng Yami No Matsuei pero kailangan kong mag-aral.siyet..tama naaa...
Ah..oo nga..hanggang ngayon wala pa akong natatanggap na pagmamahal...paalala ko lang..pwedeng in cash or in kind..
kung cash i-text o i-email si bom sa bomalabs@hotmail.com..kung inkind...puntahan siya sa may La Salle sa tapat ng engineering gate...canned goods or junkfood are welcome..pwede ring internet card..tankoubon at kung ano ano pa..
Wednesday, February 11, 2004
when the Mothership Calls...
Your wings are BROKEN and tattered. You are
an angelic spirit who has fallen from grace for
one reason or another - possibly, you made one
tragic mistake that cost you everything. Or
maybe you were blamed for a crime you didn't
commit. In any case, you are faithless and
joyless. You find no happiness, love, or
acceptance in your love or in yourself. Most
days are a burden and you wonder when the
hurting will end. Sweet, beautiful and
sorrowful, you paint a tragic and touching
picture. You are the one that few understand.
Those that do know you are likely to love you
deeply and wish that they could do something to
ease your pain. You are constantly living in
memories of better times and a better world.
You are hard on yourself and self-critical or
self-loathing. Feeling rejected and unloved,
you are sensitive, caring, deep, and despite
your tainted nature, your soul is
breathtakingly beautiful.
*~*~*Claim Your Wings - Pics and Long Answers*~*~*
brought to you by Quizilla
Lonliness dominates you. You can hide it well, but
its there, and your friends can see it. You
constantly feel alone, and need to do things to
fill your time. Your afraid to tell people
this, but sooner or later it gets out in a bad
way, and you think you screwed up everything.
And when you are in love is when you are sad
the most. (Please Vote)
What Emotion Dominates you?
brought to you by Quizilla
Love. You Truly Desire Love. You long for someone
to hold you and take the pain away. You haven't
been in much relationships or you need to work
on how to handle them. You always seem lost in
a daydream about the person you care about
most.
PLEASE RATE
What Do You Truly Desire? *PICS*
brought to you by Quizilla
lolz...haba no? hehe..yes, i'm very lonely. AT KAILANGAN KO NG PAGMAMAHAL!
KAYA BIGYAN NIYO AKO! Pwedeng in cash or in kind!^_______^
***************
Malungkot ako ngayon. Wala lang..hindi ko alam kung nataong "meron" ako ngayon kaya ako
malungkot. Haha...pina-paalala nanaman ng mothership na alien ako.
***************
Habambuhay nang malungkot ang alien. Bakit? Kasi nga alien siya. Subukan man niyang mag-blend in sa mga tao..ay hindi pa rin niya kayang makibagay sa mga ito at naiiwanan siyang nag-iisa sa isang sulok. Alam niya ang kadalasang ugali ng tao, mabait pagkaharap mo, pero kaaway mo pagtalikod. Pinag-aaralan niya ang ugali ng tao at hindi nagtitiwala sa mga ito para makasiguro na ligtas siya. Sa pagnanasa niyang makibagay, ay pinipili niya ang sasabihin bago magsalita upang hindi magkaroon ng komplikasyon na dahilan upang lalong mapa-isip ang alien kung papaano reresolbahin ang kagipitang ito. Sensitibo ang mga tao, kaya nararamdaman nila kung mayroong nagpapanggap sa mga kasama nila, at dahil dito kaya nararamdaman nila na iba ang alien. At hindi dapat paniwalaan ito..na hindi sila dapat kausapin hanggang maari. Naiisip nila na ang mga alien ay kakaiba, na ito ay hindi nila katulad at iba ang pag-iisip, na ang sasabihin nila ay kakaiba rin, at hindi nila ito kayang bagayan.
Sunday, February 08, 2004
Of Personality Test and ROTC.
My Bloginality is ISFJ. Ngek...wala lang. Dating kuha ko kasi ISTJ ata ako eh....nagpalit. Naging ISFJ naman ako ngayon. Hindi naman ako nagkamali sa test. Pero Pwede ba yon? Nagpapalit ng personality?
Pero tama nga naman. Ang mga taong ISFJ daw laging inuuna ang iba bago ang sarili. Sa ibang salita, martyr...nyahahaha.... yung mga tipong mag-isang gumagawa ng group project saka hindi maka-tanggi. Loyal tsaka generous. Tapos ano pa ba...yon..hindi daw nag-eexpress ng feelings sa iba at observant sa mga tao-tao (usioso!)...hehe..oo nga..o baka epekto lang to nang pagiging paranoid? Tapos mga madaling ma-depress dahil sa criticism at present thinker kaya nag-iisip ng kung ano-ano...teka..para mas maintindihan niyo..
"ISFJs need positive feedback from others. In the absence of positive feedback, or in the face of criticism, the ISFJ gets discouraged, and may even become depressed. When down on themselves or under great stress, the ISFJ begins to imagine all of the things that might go critically wrong in their life. They have strong feelings of inadequacy, and become convinced that "everything is all wrong", or "I can't do anything right".--Personality Page
"ISFJs are characterized above all by their desire to serve others, their "need to be needed."--type logic
"Staying alone with a person for a long time can make ISFJs feel uncomfortable so does the presence of strangers in their homes."--socionics
Parang ganun..wala lang.medyo tama kasi eh..except for some parts..pero majority tama..pero ang tanong kung normal ba ang nagpapalit ng personality?
*******************
ROTC training kahapon at kanina..hindi kami sa Field ng La Salle kundi sa Fort Bonifacio. Gwaah....ANG BIGATTTT NG GARRRRANNNNTTT! Gulay, hindi ba pwedeng dummy rifle nalang? Tapos hindi pa pantay ang kulay ng braso ko..mas maputi sa taas! Mukha akong ati-atihan nito!
Err..tuwing Sabado at Linggo may training ang model batallion kasi may competition nga. Kaka-fagod. Nagtra-training kami UMUULAN! BASTOS!Buti nalang me libreng pagkain tapos may bus! Dapat lang! Mahal-mahal ng tution eh!
Mga commands na mariring mo sa training grounds..plus more!
...KAnang balikAAAAAAAAAATttttt..
..Kaliwang balikAAAAAtttt..
..aGGAAAAp ta..
...babAAAAAAAA ta..
..tangHAAAAALLL TA...
...Ang front sight nasa may mata niyo! Huwag niyo lang titigan at baka maduleng..
...siya-SAAAAAttt ta!..
...Huwag pilitin pag hindi nakasa!Dayain niyo na lang!
...nuGATS!nuGlure!(No guts, No glory! Tangna da best!)
...Sundan ang Base drum! Ang padyak ng left foot kasabay ng base drum!
...check your Raypol Kerayge!
...I see pride!I see power!I see a mother who would take no crap from nobody!
....TATaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa-AG!!!
...who art thou? We Are..*clap sabay taas ng point finger making a firework effect*
ssssshhhh.....*Clap sabay galaw ng daliri parang nahuhulog na paputok* Modelll..
(mas nakakatawa tignan pag actual eh..hirap describe)
...Fingers should be extended ang joint!
...galaw-galaw...
...ang gagaling talaga ng angels ko...(*eeeecccchhhh!!!!Yaackkkkk!*LolzXD!)
...Huwag ibagsak ang raypol!
...kilala niyo ba si Gamgamboy?
....sir nahihiya po ako eh.......CRAZY?!!! I'm Not Crazy!!!!(*isang officer na nagjojoke tungkol sa pinagacting niyang element*)
...Wow! Ang Snappppy! (Mga antipatikong bystanders na taga-ibang skwelahan)
...left,left,left right left right left..(hindi barok in fairness)
Bakit ako nagkukwento ng tungkol dito...wala lang ...natutuwa kasi ako..*kahit mukhang magkakasakit na talaga ako at pinagpractice kami sa malakas na ulan at biglang umaraw pagkatapos*..kasi nakikita ko nang nag-loloosen up yung mga officers at napansin ko na sila ay Mayroong sariling mundo!AUTI!nyahahahaha...
Hindee..nakikibonding din sila sa elements nila(lalo na ata sa babae)..Tapos kahit kalahating araw lang ay nakaklimutan ko ang mga problema ko sa academics dahil sa mga nanyayaring katatawanan pag break.
Parang takas problema....pambalumbag loob...
masaya...masaya mag model...
Pero natatapos ang weekend.
Natatapos ang sabado at linggo.
Friday, February 06, 2004
Siyet.
Kakakuha ko lang ng Physics Long test kanina. At alam ko na na babagsak na ako.
I'm on a failing spree. Mag gra-grandslam na ako sa bagsak kung hindi pa ako pasado sa chem.
Nag-inquire na ako sa mga sponsors ko (magulang) kung papayagan nila ako mag-shift kung sakaling maging box office .
office hit ang aking failure at magkaroon pa ng part 2 pag hindi ko nakayang bumawi...
Engcal2 (4.0 units) + Phyeng1 (3.0) = 7.0 units pailed.
Computer Science? Para ka naring nag-engineering...3.0 pa ang average para makapag-shift.
Iba pang engineering? Wala ring silbi. Nag-shift pa ako.
Business Management? Sa buong talamambuhay hindi pa pumapasok sa isip ko ang kunin ang course na yon.
ISJ? Wala akong trabaho. Wala akong pera.
Advertising Management? Para ring business yon eh.
Sa totoo lang, wala akong pwedeng lipatan na course sa La Salle.
Kaya sabi ko, mag-fi-fine arts nalang ako sa Scho.
Sabi nila mag-nursing nalang ako.
Oo nga..kung nag-nursing nga naman ako, hindi ko na kailangang mag-calculus at physics, malaki pa sweldo ko.
Taga-punas nga lang ako ng pwet ng mga foreyngers.
Okay lang yun no?
Pero wala akong masabi sa moral support ng mga magulang ko.
Sabi nila kaya ko daw yon. Umpisa palang naman daw yan e.
Ang astig nila.
pero....kung alam lang nila...
Tuesday, February 03, 2004
Sinkwenta Sentavos
Ako ba ay sinusubukan ni Lord?
Ako ba ay pinaglalaruan ng tadhana?
Ako nga ba'y pangengineering?
Kaya ko pa ba nga ba to?
Bakit nga ba ako bumagsak?
Hindi nga ba akong nag-aral mabuti?
Tama bang ipa-sangla ko na ang tv?
Mababawi ko pa nga ba ang 45.5/100?
Makaka-uno nga ba ako sa Calculus?
Makakakuha ba ako ng mas mataas?
Galit nga ba siya sakin?
Tama pa bang pigilin ang iyak?
Hindi na nga ba dapat ako manuod ng tv?
Senyales na ba ito na dapat na akong mag-shift?
Papasa ba ako sa Physics?
Niloloko ko lang ba ang sarili ko?
Bobo nga ba ako at hindi Matalino?
Pinagpipilitan ko nga ba ang sarili ko?
May ibig sabihin nga ba ang puting ipis sa pader namin?
Ano ba ang tinuro kanina sa Calculus?
Pinararamdam ba sakin ni Lord kung anong
dinadanas ng kapatid ko?
Hindi pa ba ako gising?
Paano na kung wala nang tv?
"Matutubos" pa ba ang playstation namin?
Makakapanood pa ba ako ng Chobits?
Dapat nga bang mag-aral na lang ako buong weekend?
Does all work and no play make
bom a dull girl?
Saan ako mag-shishift pag dumating ang panahon?
Masarap bang umiyak?
Hindi ba nakakahiyang umiyak?
Lord, kulang ka nga ba sa pansin?
Tamad nga ba ako?
kelan ba sila titigil sa kakatanong?
Kelan ba sila titigil sa kakatanong kung ako ba ay bagsak?
Kelan ba sila titigil sa pagsasabing "madali lang siya, madali lang siya"?
Bakit naiinis ako kapag naririnig kong pasado sila?
Tanggap ko ba na bumagsak ako?
O hindi dahil sa pride?
bar.
Madali nga ba yung test?
Bakit ako naka 45 kung madali lang siya?
Kelan ba sila titigil sa kasasabing "okay lang yan, bawi ka nalang?"
Kung alam kong mahirap bumawi?
Bakit kaya pag may nagsabi sa yo na okay lang yan ay lalo kang naiiyak?
Okay nga lang ba yon?
Kulang ba ako sa aral?
Makakapasa ba ako sa mga quiz pang darating?
Bakit ba kailangang mag-aral?
Pwede bang huwag nalang?
Ba't ba kasi kailangan nito?
Siyet, hirap na ba talaga ako?
Lord, pwede bang
itulog nalang..itulog nalang..