What is in-store for Bom sa mga darating na araw..
Bukas: Judo Class.
Eto ang mga napapala ng mga taong hindi maagang nag-reregister sa LEAP (isang uri ng alternative class sa La Salle). Napilitang mag-judo. Eh ako pa naman yung taong hindi ganoon. Wala sa imeyge..siyet...buti nalang 3 oras lang siya..sa umaga pa! Yey!
Friday: Dance. Dance. At marami pang sayaw.
Yep. Inabot ng malas lahat ng engineering at computer science frosh (isang term ng mga taga-lasalle para sa freshman) na nag-ttake up ng PEDANCE dahil sasayaw sila sa isang program. Sa KABUTIHANG PALAD eh subli ang napunta sa min at mag-mumukha akong dalagang pilipina dahil sa suot kong balintawak na pwedeng isabit sa bintana anytime para gawing kurtina.
SABADO: HELL DAY.
Yep. Hell Day ng Model Battallion ng 247th NROTC unit sa Sabado. Yung mga tipong sasakit ang katawan mo kaka-excercise at kailangan mong magdala ng isang dosenang tshirt pamalit...Para sa lahat ng kikay, makakapag-make up pa rin naman sila dito eh..kaso ang blush on mo lang ay dinikdik na uling. Meron pa daw bali-balita na kailangan memorize yung "Ito ang Beat" ng coke commercial..at siyempre kailangang memorize mo rin ang mga tulang "Don't Quit", "Love Your Work", "Loyalty Code", "Unity Code" at sari-sari pang code. Hindi pa dumadating ang hell day..hell day na..letse.
LINGGO: Practice sa AGTI
Ano ang AGTI? Annual General Tactical Inspection ata kung hindi ako nagkakamali. Basta parang competition ng iba't ibang NROTC unit na galing iba't ibang skwelahan at kasali ang battallion namin doon...putek. Kami pa talagang mga la-lousy lousy ang isasali sa competition.. siyet to..wala nang Bawi-bawi ng tulog.
Next Week: 1 failed quiz in Engcal2, 1 passed( hopefully) quiz in Chemtwo..and a quiz in Phyeng..
Yep. Magmamaktol sana ako tungkol sa mga quiz na yan pero ubos na ang internet card ko..asar nga eh..magdra-drama pa naman ako.
Dat's it. Baka kasi hindi nanaman ako maka-pagupdate eh.
No comments:
Post a Comment