Monday, January 05, 2004

Nakakatuwa din palang magkaroon ng Tindahan no..hehe..maraming kang matututunan. Kung hindi mo pa alam ay, yep, meron na kaming tindahan/mini grocery/bigasan sa may tapat ng bahay namin...siyempre nung una bad trip kasi GINISING AKO NANG MAAGA para tumoka sa tindahan at nagkataong PUYAT ako. Pero wala, sabi nga ng nanay ko nakakawili mag-tinda..hehe..nga..

Siyempre sa una bibili ng paninda..bumili kami ng panida sa divisoria...*malamang, para mas mura*
Dun kami sa isang tindahan don....iniisip ko nga kung sumigaw ako ng "GMA FOR PRESIDENT!" dudumugin ako doon....baluarte kasi ni Lacson yon..lolzXD. Doon sa wholesaler..err.. malamang nag-tsetsekwa yung mga tao doon...NAKAKATAKOT KAYA!!! Nakakaparanoid kasi hindi mo alam kung ano pinagsasasabi nila. Hmm...napansin ko rin na hindi warm sa tao ang mga intsik...hindi ko lang alam kung ako lang yon o ano. Kasi napansin ko laging Noypi yung mga assistant..sila yung humaharap sa mga namimili...*madalas nga Waray pa yung mga tao* Tapos yung intsik yung laging nasa cash register.XD Siguro kultura narin yon no..sadyang warm and friendly lang talaga ang mga noypi. Pero wala akong sinasabing hindi friendly ang mga intsik ah.

Mga bagay na natutunan ko habang nag-titinda..

[x]Kailangang me paminta ka sa tindahan mo. Kung ayaw mong masabihan ng ganito:*eto memorable line*.."WALA KAYONG PAMINTA??!!!JESUS CHIRIST!!
*medyo lang nabanggit pa si Kristo..kakabirthday lang ng tao eh..*
[x]Hindi na uso ang San Miguel sa mga El Tomador. Red Horse na ang hanap ng mga Sunog Baga/atay ngayon. Mas matindi daw sumipa ang Red Horse eh...hindi daw masakit sa ulo pag bitin ka hindi kagaya ng San Mig....bakit kaya? Siguro dahil 'Red Horse' siya?
[x]Pinaka mabentang bagay:SIGARILYO. Pinaka-mabenta samin Malboro, sunod Philip , tapos Hope, Huli Winston..panget siguro lasa...tuwang-tuwa nga kami ng kuya/pinsan ko nang meron bumili ng Winston.."Sa wakas! Nabuksan narin yung Winston!"
[x]Basta yung Philip daw lasang menthol,yung iba hindi ko alam.^^v Tapos pang sosy lang yung Malboro Lights kasi bibihira lang ang mga bumibili..kaya er..wala kaming stock non.
[x]Mabenta ang mga juice na nasa Litro Pack..seryoso..akala ko walang bumibili non.
[x]Mabili ang Itlog sa umaga..Eh nagkataon wala kaming itlog noong una...eto joke na automatic mong maiisip..."Meron akong itlog dito dalawa pero hindi available.."XD
[x]Pwede palang bilin ang Tuyo sa tindahan.
[x]Kung magbubukas ka ng tindahan, dapat lahat ng bagay me presyo na...kung hindi, yung bibili yung magdidigta sayo...hehe..patay..lugi.
[x]Mas maraming bumibili ng Pop Cola at Sarsi. Siguro mas mura kasi...
[x]Kailangang me plastic ka palagi.

Yun palang...meron na kasing pasok kaya siguro hindi na ako makaka-pagparticipate sa sales..charing.^^ Hay, panget..pasukan nanaman.

No comments: