Amoy Lalaki ang kilikili ko.
Wala lang. Naubusan kasi ako ng deodorant, tapos ang natira nalang na deodorant sa
bahay na hindi pa ginagamit ay panlalaki. Kaya ayon,gumamit ako ng deodorant na panlalaki.
Na-realize ko na hindi ko na pala kailangang alalahanin yung deodorant kasi kahit anong
scent ng deodorant ko ay amoy anghit parin ang kilikili ko.
At ano ang punto ng post na ito? Wala. Gusto ko lang magpatawa. Kasi dumadan nananman ako
sa menopause..ay, wala pa pala ako non.
Nagagago lang kasi ako ngayon. At parang naka-shabu ang utak ko..teka, hindi pala depressant
ang shabu. Basta, iba kasi ang epekto ng Engcalculus 2.
Pamilyar na kasi ang sitwasyon. Eto ako, at nasa board ang lesson ko sa engcal. Eto ako,
nakatanga at hindi alam kung paano i-solve ang problem na nasa board. At alam ko ang magiging
sitwasyon ko pag nagpa-banjing-banjing nanaman ako katulad ng dati.
1.5...ang kagila-gilalas na 1.5.
Mas malupit pa kung 0.0.
At ano nanaman ang ibig sabihin non? Of course, hindi na
ako D.L...anong epekto non, ah..ano nga ba?
Siyempre, patayan nanaman kami ng sarili ko niyan. Hiyang-hiya ako sa katabi ko at siya pa
ang pina-pasolve ko ng problem (pakapalan nalang talaga ng mukha to) kasi baka tawagin ako
at pag-recitin (wala pa akong recitation) sa harap. eh di kung nagkaganon sasayangin ko lang
ang oras ng mga ka-block ko habang naka-tayo ako sa harap at nagpapatawa sa pamamagitan ng
pagpapangap ka kaya kong solvin yung problem.
Hindi ko kayang magsolve ng problem. Siyet na talaga to. Pag ganito na ang sitwasyon, ang mga
bagay-bagay na maglalaro sa isip ko ay:
1) Yan kasi, pinagpipilitan ang sarili sa Engineering, hindi naman magaling sa math.
2) Siyet, gra-graduate ba ako sa ganitong lagay?
3) Wala na akong kinabukasan sa calculus nito.
4) Mukhang ma-dedelay ako nito ng isang term ah.
5) imagining myself Taking her "masteral" course in engcal2
"Siyet! Ganon lang pala yon!"
6) Tangna, eto ba ang DL?!
7) Mukhang first and last ko na ang pagiging DL nung first term ah.
At iba pa.
Kaya ayoko nang tinatawag akong matalino. Kasi sa totoo lang..hindi. Hindi ako matalino.
Sabihan niyo na ako ng "walang DL na hindi matalino!". Di ba lahat ng bagay may exception.
Ako yon.
Masipag, sige. Matatanggap ko pa. Kasi ginagawa ko lahat ng requirements (except siguro mag-
recite). Kahit ultimong mag-drawing for 3 points sa recitation gagawin ko. (Huwag lang sigurong
tumalon sa building).
So to end this up. Mag jojoke nalang ako.
Q:Bakit sikat si Sadako?
A:Kasi lumabas siya sa TV.
No comments:
Post a Comment