Thursday, January 01, 2004

Hindi po kayo nagkakamali...blog parin to ni bom. Kailangan ko na talagang mag-palit ng layout kasi ANO BA??!! BAGONG TAON NA NOHHHH??!!!!!

Err...ganito po yon. Yung unang box sa gilid *points* dun po yung bio at descriptions ekek...tapos yung pangalawang box ay yung mga links sa iba't ibang blog at yung tagboard. Sa pangatlong box yung fanlistings at mga magkakatulad na bagay at yung huling box ay dun ata sa site ng gumawa ng napaka-busising layout na ito.

Ngayon...medyo marami pa akong hindi naayos sa layout na to. Una na dito ay yung mga pop-up windows~~~HINDI AKO MARUNONG NIYAAAAANNNN-----*Pipili-pili kasi ng layout yung matrabaho pa!AAArrrgghh...* Dapat kasi yung mga box sa gilid pag-klinick mo...pop up lang....HINDI KO MAGAWA YON! Tapos yung mga links diyan sa gilid...basta! Marami pa! Tanga parin ako sa web stufff....engot ko talaga no? pipili ng layout mahirap pang ayusin!

Enywei...pasensya na po sa mga nagtext ng Happy New Year at hindi ko nareplyan kasi WALA AKONG LOAD! Happy New Year nalang po!!^^v heheh...

Nagbinyagan na rin at operational na ang tindahan namin! Medyo lang Hapon pa yung pari...nung magpapaagaw na dapat sa tindahan sabi nung pari Yen daw dapat...hindi ko lang alam kung pinaglololoko ako ng tatay ko nung kinwento niya yan.

New Year's Celebration namin...err..wala lang. Nagpa-agaw kami as usual..tapos naka-inom ako ng kalahating shot glass ng Vodka na lasang melon na parang cough syrup ang lasa..tapos nagtulungan kami ng insan ko sa San Mig Light...hehe..dalawa na kami noon hindi pa kami naka-kalahati...saya..mga hindi marunong uminom! Ba't ba gustong gusto ng mga tao ang beer? Mapait naman! Siguro pagtumatanda ka sumasarap ang mga alcoholic drinks...ganon ba yon?

ahh..eh..yun lang po...nga pala...malapit na ang pasukan. In ekyub's words..."Patayan nanaman sa Lunes nito..."

No comments: