At the moment:Naputol ang bakal sa retainers ko.
Kanina: Yes...tapos na rin ang "Hell day" kuno ng Model...ayos to! Model na ako! hehe..pwede na akong contratahin? Pictorials anyone? nyehehe..corny ko.
Ang weirdo ko...pakiramdam ko napaniginipan ko na yung mga nanyari kanina dati..ultimong yung pag pasok sa banyo para magbihis at yung tambayan napaniginipan ko rin..pero hindi ko alam kung ako lang yon..
err...nga pala yon..a..yung "hell day" kuno..
*Buti nalang hindi ako na-late kanina...5:50 am ako nagising, ang call time:6:30
*May uling ako sa mukha.
*Ang venue: The DLSU field....take note:HINDI SIYA TUYO.
*Mga Exercise:naka 50+kaming jumping jacks..40+na mountaineering (daw ha..daw..)...30+ na push ups...40+na squat rast (?)..jogging..
*Mga sinigaw:
Command:How is the model Batallion?
Ans:Sir, Still Alive and Kicking sir!
Command:How is your Hell day?
Ans:Sir, Heaven Sir!
*Mga pinagawa: Tumayo na nakabend ang likod mo papunta sa likod at ang chin up ay hindi chin up kundi pagtingala sa langit...dahil abno ako...hindi ang likod ko ang sumakit kundi ang harapan.Eto ang tinatawag na training position. Pinacrawl din kami sa putikan, low crawl and baby crawl. Pinagapang din kami ng pabaliktad...nakahiga kami tapos crawl pabalik. Meron ding "joyride" ang platoon kung saan nagtatatakbo paikot ang model sa buong field na parang tren.Tinanong din noong officer ang kulay ng underwear ng bawat isa sa platoon..."napagalaman na 30 ang puti, 30 ang itim, 2 pula at isang orange..." ang tawag dito ay tuluyang kulay.
*Ang resulta: Nagkadesign ang pantalon ko dahil sa natuyong putik. Mukha na siyang brown. Tagos-tagusan ang basa hanggang bra at panty. Dahil nakahiga sa field na maputik, malamang ang buhok mo maputik rin. Kakapagod at ang sarap umuwi.
*Iba pang naganap:
1)Nagpractice humawak ng baril, magmarch na may dalang baril, at maglakad na may hawak na baril. Ang Mahiwagang Baril: Isang M1 Garrant mula pa sa panahon ng Hapon na kasing bigat ng 2 encyclopedia.
2)Kumain sa dahon ng saging ng kanin at sardinas, kasama ang isang platoon na puro lalaki. Sabi ng officer natatawa daw siya kasi mukha daw kaming "ti-neyble" ng kasama ko...sabagay..kami lang 2 ang babae doon.
3)Picture-picture pagkatapos.
*Naligo ako pagkatapos..at ang itim ng tubig....loolllzzzzz..hehe..
Yun lang..tsaka nga pala...magpapalit muna ako ng layout..^^v
Bomalabs is a Freshman Student who spends her break lying around doing nothing.Nah.Likes OPM, Anime and Surfing the Net when she has nothing to do.In Fact, bom (shorcut for bomalabs) created this blog kasi...wala lang.She wishes that she wouldn't take Grapone Classes any longer....and not anymore as of September 2, 2003! Yehey!!!!
Saturday, January 31, 2004
Wednesday, January 28, 2004
What is in-store for Bom sa mga darating na araw..
Bukas: Judo Class.
Eto ang mga napapala ng mga taong hindi maagang nag-reregister sa LEAP (isang uri ng alternative class sa La Salle). Napilitang mag-judo. Eh ako pa naman yung taong hindi ganoon. Wala sa imeyge..siyet...buti nalang 3 oras lang siya..sa umaga pa! Yey!
Friday: Dance. Dance. At marami pang sayaw.
Yep. Inabot ng malas lahat ng engineering at computer science frosh (isang term ng mga taga-lasalle para sa freshman) na nag-ttake up ng PEDANCE dahil sasayaw sila sa isang program. Sa KABUTIHANG PALAD eh subli ang napunta sa min at mag-mumukha akong dalagang pilipina dahil sa suot kong balintawak na pwedeng isabit sa bintana anytime para gawing kurtina.
SABADO: HELL DAY.
Yep. Hell Day ng Model Battallion ng 247th NROTC unit sa Sabado. Yung mga tipong sasakit ang katawan mo kaka-excercise at kailangan mong magdala ng isang dosenang tshirt pamalit...Para sa lahat ng kikay, makakapag-make up pa rin naman sila dito eh..kaso ang blush on mo lang ay dinikdik na uling. Meron pa daw bali-balita na kailangan memorize yung "Ito ang Beat" ng coke commercial..at siyempre kailangang memorize mo rin ang mga tulang "Don't Quit", "Love Your Work", "Loyalty Code", "Unity Code" at sari-sari pang code. Hindi pa dumadating ang hell day..hell day na..letse.
LINGGO: Practice sa AGTI
Ano ang AGTI? Annual General Tactical Inspection ata kung hindi ako nagkakamali. Basta parang competition ng iba't ibang NROTC unit na galing iba't ibang skwelahan at kasali ang battallion namin doon...putek. Kami pa talagang mga la-lousy lousy ang isasali sa competition.. siyet to..wala nang Bawi-bawi ng tulog.
Next Week: 1 failed quiz in Engcal2, 1 passed( hopefully) quiz in Chemtwo..and a quiz in Phyeng..
Yep. Magmamaktol sana ako tungkol sa mga quiz na yan pero ubos na ang internet card ko..asar nga eh..magdra-drama pa naman ako.
Dat's it. Baka kasi hindi nanaman ako maka-pagupdate eh.

Wednesday, January 21, 2004
Alam mo naman siguro ang pakiramdam ng intimidated no? Yung tipong manlilit ka talaga..kasi ganito yon..
Sa english class, meron akong mga ka-group....yung isa valedictorian, yung isa galing ng science high school...okay naman sila, pag tinignan mo hindi akalain na ganoon sila.
Meron kasi kaming activity na kung saan i-iidentify mo yung mga errors sa ginawa ng iba...ganito usapan nila...
groupmate1:Hindi ba dapat ganito ang gamit sa word na ito?
groupmate2:Oo nga, kasi yung past principle...*english grammar mambo jambo that bom cannot understand*..
bom: So bibilugan ko nalang to? (Eto lang ang nasabi)
groupmate1:yep,kasi blahblahblah..*english grammar mambo jambo that bom again cannot understand..*
Tapos time na para sabihin sa may-ari noong papel yung mga mali sa work nila..
The wrong sentence: The omnipotent man created the heaven and the earth.
What is wrong: mali ata yung word na man...dapat daw being...
may-ari nung papel: Kasi we used "man" with omnipotent to bring man to a higher power...
groupmate2: But interms of Subject-Verb agreement...we shouldn't bring man to a higher level...
may-ari nung papel: But in other religions...basta me binanggit siya tungkol sa religion..
groupmate2: In religions like budhism, iglesia ni kristo,shintoism..
groupmate1:*pabulong*pati hinduism!
groupmate2: Man is only a prophet..but the creator is a spirit, a being...and if i remember correctly with subject verb agree..there is this rule...rule something...blahblahblah...
tapos na ang debatehan..
bom:ano ba yan...
groupmate1:bakit?
bom:grabe na to..hindi ako karapat-dapat sa group na to...ilayo niyo ako dito...
*keeps repeating this words over and over*...OP na ako dito...
groupmate2:Uy o...tinatakwil na tayo o..
Seryoso...nanlilit ako sa kanila..yung tipong damit nalang ang natira sa upuansa sobrang liit..nag ddrawing sa ako sa yellow pad ng SD na comic strip na mayroong malaking OP letters sa background....yung tipong..ilayo niyo ako sa mga mamaw na ito...parang nagmukha lang akong kulangot sa pader doon at ang silbi ko lang ay tumanga....at tahimik nalang ako..gwaah...=_____=...
Iba pala ang pakiramdam ng nanliliit....=__________=

Tuesday, January 20, 2004
Amoy Lalaki ang kilikili ko.
Wala lang. Naubusan kasi ako ng deodorant, tapos ang natira nalang na deodorant sa
bahay na hindi pa ginagamit ay panlalaki. Kaya ayon,gumamit ako ng deodorant na panlalaki.
Na-realize ko na hindi ko na pala kailangang alalahanin yung deodorant kasi kahit anong
scent ng deodorant ko ay amoy anghit parin ang kilikili ko.
At ano ang punto ng post na ito? Wala. Gusto ko lang magpatawa. Kasi dumadan nananman ako
sa menopause..ay, wala pa pala ako non.
Nagagago lang kasi ako ngayon. At parang naka-shabu ang utak ko..teka, hindi pala depressant
ang shabu. Basta, iba kasi ang epekto ng Engcalculus 2.
Pamilyar na kasi ang sitwasyon. Eto ako, at nasa board ang lesson ko sa engcal. Eto ako,
nakatanga at hindi alam kung paano i-solve ang problem na nasa board. At alam ko ang magiging
sitwasyon ko pag nagpa-banjing-banjing nanaman ako katulad ng dati.
1.5...ang kagila-gilalas na 1.5.
Mas malupit pa kung 0.0.
At ano nanaman ang ibig sabihin non? Of course, hindi na
ako D.L...anong epekto non, ah..ano nga ba?
Siyempre, patayan nanaman kami ng sarili ko niyan. Hiyang-hiya ako sa katabi ko at siya pa
ang pina-pasolve ko ng problem (pakapalan nalang talaga ng mukha to) kasi baka tawagin ako
at pag-recitin (wala pa akong recitation) sa harap. eh di kung nagkaganon sasayangin ko lang
ang oras ng mga ka-block ko habang naka-tayo ako sa harap at nagpapatawa sa pamamagitan ng
pagpapangap ka kaya kong solvin yung problem.
Hindi ko kayang magsolve ng problem. Siyet na talaga to. Pag ganito na ang sitwasyon, ang mga
bagay-bagay na maglalaro sa isip ko ay:
1) Yan kasi, pinagpipilitan ang sarili sa Engineering, hindi naman magaling sa math.
2) Siyet, gra-graduate ba ako sa ganitong lagay?
3) Wala na akong kinabukasan sa calculus nito.
4) Mukhang ma-dedelay ako nito ng isang term ah.
5) imagining myself Taking her "masteral" course in engcal2
"Siyet! Ganon lang pala yon!"
6) Tangna, eto ba ang DL?!
7) Mukhang first and last ko na ang pagiging DL nung first term ah.
At iba pa.
Kaya ayoko nang tinatawag akong matalino. Kasi sa totoo lang..hindi. Hindi ako matalino.
Sabihan niyo na ako ng "walang DL na hindi matalino!". Di ba lahat ng bagay may exception.
Ako yon.
Masipag, sige. Matatanggap ko pa. Kasi ginagawa ko lahat ng requirements (except siguro mag-
recite). Kahit ultimong mag-drawing for 3 points sa recitation gagawin ko. (Huwag lang sigurong
tumalon sa building).
So to end this up. Mag jojoke nalang ako.
Q:Bakit sikat si Sadako?
A:Kasi lumabas siya sa TV.

Monday, January 12, 2004
Hay...matagal-tagal na rin pong walag hapdhate...salamat po sa mga bumati sakin sa birthday ko. Err...yep...birthday ko po ng jan 7, wednesday at naging 17 na ako. Haha! Ni isa sa mga blockmates ko walang alam..hehe...nagbirthday ako nang walang bumabati sakin...hehe..ganyan ako ka-secretive...charing!
Nga pala, i welcam an new member sa Reng of Troika Blaggers...si Funyak. Oo na, mabantot na pangalan niya...hehe...peace tayo..^^v Bakit funyak? Funny at manyak na pinagsama ata yun eh...ewan ko...tanong niyo nalang sa kanila.
Err..actually meron talaga akong gustong i-type na long entry. Yung mga entry ko sa journal na mahahaba...katulad ng previous entry ko tungkol sa pagtitinda...ito po ay tungkol sa pag-cocompute ng Ganda Points. Yes, napasukan na po ng masamang hangin ang youtak ko...hinde...epekto lang to siguro na lalake ang mga kasama....kasi bawat lingon nalang o.."Pre o! Ganda non!"
...yun naman ay mga observation ko lang...kaya abangan ang susunod kong entry.Kung matapos ko dat is.

Monday, January 05, 2004
Nakakatuwa din palang magkaroon ng Tindahan no..hehe..maraming kang matututunan. Kung hindi mo pa alam ay, yep, meron na kaming tindahan/mini grocery/bigasan sa may tapat ng bahay namin...siyempre nung una bad trip kasi GINISING AKO NANG MAAGA para tumoka sa tindahan at nagkataong PUYAT ako. Pero wala, sabi nga ng nanay ko nakakawili mag-tinda..hehe..nga..
Siyempre sa una bibili ng paninda..bumili kami ng panida sa divisoria...*malamang, para mas mura*
Dun kami sa isang tindahan don....iniisip ko nga kung sumigaw ako ng "GMA FOR PRESIDENT!" dudumugin ako doon....baluarte kasi ni Lacson yon..lolzXD. Doon sa wholesaler..err.. malamang nag-tsetsekwa yung mga tao doon...NAKAKATAKOT KAYA!!! Nakakaparanoid kasi hindi mo alam kung ano pinagsasasabi nila. Hmm...napansin ko rin na hindi warm sa tao ang mga intsik...hindi ko lang alam kung ako lang yon o ano. Kasi napansin ko laging Noypi yung mga assistant..sila yung humaharap sa mga namimili...*madalas nga Waray pa yung mga tao* Tapos yung intsik yung laging nasa cash register.XD Siguro kultura narin yon no..sadyang warm and friendly lang talaga ang mga noypi. Pero wala akong sinasabing hindi friendly ang mga intsik ah.
Mga bagay na natutunan ko habang nag-titinda..
[x]Kailangang me paminta ka sa tindahan mo. Kung ayaw mong masabihan ng ganito:*eto memorable line*.."WALA KAYONG PAMINTA??!!!JESUS CHIRIST!!
*medyo lang nabanggit pa si Kristo..kakabirthday lang ng tao eh..*
[x]Hindi na uso ang San Miguel sa mga El Tomador. Red Horse na ang hanap ng mga Sunog Baga/atay ngayon. Mas matindi daw sumipa ang Red Horse eh...hindi daw masakit sa ulo pag bitin ka hindi kagaya ng San Mig....bakit kaya? Siguro dahil 'Red Horse' siya?
[x]Pinaka mabentang bagay:SIGARILYO. Pinaka-mabenta samin Malboro, sunod Philip , tapos Hope, Huli Winston..panget siguro lasa...tuwang-tuwa nga kami ng kuya/pinsan ko nang meron bumili ng Winston.."Sa wakas! Nabuksan narin yung Winston!"
[x]Basta yung Philip daw lasang menthol,yung iba hindi ko alam.^^v Tapos pang sosy lang yung Malboro Lights kasi bibihira lang ang mga bumibili..kaya er..wala kaming stock non.
[x]Mabenta ang mga juice na nasa Litro Pack..seryoso..akala ko walang bumibili non.
[x]Mabili ang Itlog sa umaga..Eh nagkataon wala kaming itlog noong una...eto joke na automatic mong maiisip..."Meron akong itlog dito dalawa pero hindi available.."XD
[x]Pwede palang bilin ang Tuyo sa tindahan.
[x]Kung magbubukas ka ng tindahan, dapat lahat ng bagay me presyo na...kung hindi, yung bibili yung magdidigta sayo...hehe..patay..lugi.
[x]Mas maraming bumibili ng Pop Cola at Sarsi. Siguro mas mura kasi...
[x]Kailangang me plastic ka palagi.
Yun palang...meron na kasing pasok kaya siguro hindi na ako makaka-pagparticipate sa sales..charing.^^ Hay, panget..pasukan nanaman.

Friday, January 02, 2004
err..made a few adjustments..yung tagboard nasa last box na tapos meron nang back link sa baba per page para mas convenient.
*Sa mga panatiko ng L'arc En Ciel alam niyo ba na may bago silang album sa March at may bago silang single sa February..^^v
ASTTTTEEEEEEEGGGGGGG!!
*LESSON FOR THE DAY:HUWAG PUPUNTA SA PICNIC GROVE OR ANY POPULAR TOURIST ATTRACTION PAG HOLIDAY.
Sige..yun lang po.^^v Happy New Year!

Thursday, January 01, 2004
Hindi po kayo nagkakamali...blog parin to ni bom. Kailangan ko na talagang mag-palit ng layout kasi ANO BA??!! BAGONG TAON NA NOHHHH??!!!!!
Err...ganito po yon. Yung unang box sa gilid *points* dun po yung bio at descriptions ekek...tapos yung pangalawang box ay yung mga links sa iba't ibang blog at yung tagboard. Sa pangatlong box yung fanlistings at mga magkakatulad na bagay at yung huling box ay dun ata sa site ng gumawa ng napaka-busising layout na ito.
Ngayon...medyo marami pa akong hindi naayos sa layout na to. Una na dito ay yung mga pop-up windows~~~HINDI AKO MARUNONG NIYAAAAANNNN-----*Pipili-pili kasi ng layout yung matrabaho pa!AAArrrgghh...* Dapat kasi yung mga box sa gilid pag-klinick mo...pop up lang....HINDI KO MAGAWA YON! Tapos yung mga links diyan sa gilid...basta! Marami pa! Tanga parin ako sa web stufff....engot ko talaga no? pipili ng layout mahirap pang ayusin!
Enywei...pasensya na po sa mga nagtext ng Happy New Year at hindi ko nareplyan kasi WALA AKONG LOAD! Happy New Year nalang po!!^^v heheh...
Nagbinyagan na rin at operational na ang tindahan namin! Medyo lang Hapon pa yung pari...nung magpapaagaw na dapat sa tindahan sabi nung pari Yen daw dapat...hindi ko lang alam kung pinaglololoko ako ng tatay ko nung kinwento niya yan.
New Year's Celebration namin...err..wala lang. Nagpa-agaw kami as usual..tapos naka-inom ako ng kalahating shot glass ng Vodka na lasang melon na parang cough syrup ang lasa..tapos nagtulungan kami ng insan ko sa San Mig Light...hehe..dalawa na kami noon hindi pa kami naka-kalahati...saya..mga hindi marunong uminom! Ba't ba gustong gusto ng mga tao ang beer? Mapait naman! Siguro pagtumatanda ka sumasarap ang mga alcoholic drinks...ganon ba yon?
ahh..eh..yun lang po...nga pala...malapit na ang pasukan. In ekyub's words..."Patayan nanaman sa Lunes nito..."

Subscribe to:
Posts (Atom)