Monday, July 25, 2005

yearbook rants

some friend of mine is being a prick right now.Anyway..

Yung yearbook. Binasa ko lahat ng entries sa baba ng iba't ibang mukha ng HS '03. Nga pala, opinyon ko to, alang aangal! kung may reklamo kayo, wala akong paki, blog ko to!
Mga obserbasyon:

Mga gasgas na linya
-She's really God's gift
-That's (insert name here)! sa dulo ng description
-She might be a snob but once you get to know her/jive with her..
-She's a really good friend once you get to know her..
-She's a kind, friendly person..
-Thanks (insert name here) for coming into our lives (WTF?!)

Mga frequently said "likes"
-Chocolate. Oo nga lahat naman ng tao mahilig sa tsokolate. Pero marami talagang tao ang mahilig sa tsokolate.
-Purple Hindi lang pala si Shuro ang mahilig sa purple. Maraming HS '03 ang mahilig sa purple.
-Alex Band Marami din akong na-encounter na entries na may pangalan ni Alex Band. Oo na pogi na siya.

Mga stand out na entries
-Yung kay Joan Cam at kay Karen Martin. Yung kay karen lang ya astig yun, yung kay Joan...ermmm....sabihin na nating na-entertain ako? wahehehehehehe...pramis hindi ko kinaya!

Mga general na obserbasyon
-Lahat ng tao sa 4S magagaling, at mayroon talaga silang sariling mundo. Kung hindi math at physics whiz, best debater. Anak ng pating, totoo ba yan? Tsaka parang sila-sila lang ang magkaka-kilala. Dahil siguro apat na taon din silang nag-bonding.
-Maraming Religious. Totoo nga namang sabi sa bibliya na pag-ika'y nanampalataya, huwag mong gayahin ang mga pariseo na bino-brodkast sa buong mundo na religious sila. Pero at least dapat makita mo sa mga pag-uugali nila na maka-diyos talaga sila. Mga isa't kalahati silang mga plastik. Hindi ko naman sila nilalahat, meron talaga akong mga kilalang mga maka-diyos talaga, at isinabubuhay yung mga pananampalataya nila...(that will be 2 on my list)...Maybe i'm just biased,kasi minsan plastik din naman ako at hindi ako mabuting kristiyano, but that's another story.
-Paulit-ulit yung mga description. Pramis, minsan, pare-parehas na mga salita yung ginagamit. Yung iba para maiba lang, mukhang kinuha pa sa thesarus, langya, Gregarious, sang lupalop ng mundo kinuha yun? Lahat nalang ng tao, kind, sweet, true friend, friend who will listen to you, oo na lahat tayo ganun.
-Parang binebenta yung mga tao. The descriptions make the student ideal. Langya, sana pwede mag-lagay ng mga kagaguhan doon. "Elise is a paranoid student na laging iniisip na pinagtritripan siya ng mga tao, its hard to make friends with her, siya ay mukhang gusgusin at may putok.."..parang ganun.
-Maraming tao gusto mag-doktor or lawyer. Sige mag-doktor kayong lahat, para walang kulasa sa engineering. Mwahahahahahah!
-Marami palang mga Mother Theresa sa batch namin. At hindi ako kasama dun. Masama ako eh. So sue me.
-Under the sea ang motif ng yearbook. Who the fuck decided that?
-Besides the pictures and the directories and the clubs, what else? Walang kalokohan sa yearbook. Extra stuff. Yun lang? Corny. Ang lakas kong mag-reklamo eh no? Kung gusto ko ng kalokohan, dapat nag-staffer ako ng PAX! Wakekeke..

----------------------

Tapos namin makuha yung yearook, nag-mcdo kami ni e_kyub. Natanong niya sakin kung ano bang mas gusto ko, college or high school? Sagot ko nung una: Di ko alam eh, bawa't isa kasi kanya kanyang kalokohan. What the yearbook made me realize? That i like college better. Bakit? I realize that I'm surrounded by REAL people in college, nakaka-baba nga lang ng morale kasi mas maraming matalino sayo (feeling matalino nga ako nung HS), pero at least totoo yung mga tao sa college, o sa eng, in particular. I felt that noong high school, ang mga tao, divided into strata, kanya-kanyang barkadahan, mga popu sa mga hindi popu, mga kikay sa hindi. Parang ang hirap maabot ng mga tao noong high school, sa harap mo nakangiti, pero tinatawanan ka na pala ng mga kabarkada sa likod. Parang mas tanggap ako ng mga tao ngayong college, noong high school hindi ko maramdaman na ganoon. Pakiramdam ko noong high school, lahat ng tao hinahamak ka. Pag iba ka, kakaiba ang tingin nila sayo. Mga isa't kalahating plastik, ika nga. Pero uulitin ko lang, hindi ko nilalahat. Siyempre nandyan ang TNTC, at mga dalawang dosenang totoong taong naencounter ko noong HS.

Ngayong college, malay ko ba, baka parehas din sila ng mga tao noong HS at hindi ko lang alam, pero at least hindi ko nararamdaman na ganoon. Hindi ko nararamdaman na plastik sila. Tsaka medyo mayabang na ako ngayong college eh..wahehehehe..tama ba yun? O baka biased lang ako kasi there's this grudge/insecurity/feeling-ko-pinagtritripan-ako-ng-buong-mundo-noong-highschool angle...WTF?...yun lang.

Friday, June 24, 2005

Mga bagay na you could learn from Manong Driver.

The DotA game ended in Surf Trip and the players were making bayad na so I decided to go home.It almost 9 o'clock pm na and so I made para the jeepney along taft near Yellow Cab. Walang tao in front so I rode sa harap. Maya-maya there's this smell, it smelled like alak. I make silip in the back and then there's this mama who looks like a taong grasa. And he's drunk! My God I felt I bit scared 'coz you know he might make wala-wala and make saksak me with his payong. But you know what the mamang driver was talking to the taong grasa, being patient I guess. The drunk tg dropped off at Quirino and I was relieved. I said to the mamang driver..

"Ma, nagbayad ba yun?"
The mamang driver didn't sagot me.
"Nakakatakot eh, baka mamaya saksakin tayo ng payong nun.." I said, pabiro
The mamang driver said..
"Matino namang kausap yung mama eh.."
"Di katulad ng ibang tao diyan, maayos nga yung itsura, bastos naman."
Ouch.
"Dapat sa mga ganyan kinakausap ng maayos. Kasi sasagutin ka naman niyan ng maayos eh. Yung ibang tao naiilang, gaya mo kanina diba? Naiilang ka.."
Oo nga.

I do not remember what I said and what the mamang driver said pagkatapos nun. Basta all I remembered that I was made pahiya by the mamang driver. Mabait naman yung mamang driver eh. Tinanong pa nga niya me kung saan ako baba. I told him to drop me off sa tapat ng PGH. Then I went home na.Grabeh whatta night...and it was raining really hard pa.

*****

Nahihiya ako sa sarili ko. I became something I loathe. Putsa, ako tong aasta asta na hindi ako konyo, tapos pinamuhka sakin nung mamang drayber na ganun ako. Para tuloy nag mukha akong makasariling konyo na galing ng La Salle, na walang ginawa kundi mandiri sa mga taong hindi niya ka-lebel. Iniisip ko takot lang ako nung gabing yun, pero hindi eh.

Siguro yung mama, anghel na pinadala ni lord para paalalahanan ako na magpahalaga sa kapwa ko. Pero tangina talaga, nahihiya ako sa sarili ko pramis.

Kung hindi niyo nagets yung entry sa taas, I was being sarcastic by the way.

Friday, June 17, 2005

hayy...naku...

...so finally 2 out of 5 exams are finished. There's another one on monday, but I'm not really in the mood to study right now. One of the two exams..is one hella BS...looks like the 3 I got from the past exam is making a comeback. And the professor doesn't seem to be generous with grades and partial points...and yeah, as the RO players say, ASA. The other exam, I was able to answer, but yeah, stupidity happens and shit.

Joined orgs today, nanhingi ako sa nanay ko ng pera XP. Yep orgs, besides joining our professional org, ECES, I joined NKK. Hehe, ang gastos no. Ganyan sa lasalle, lahat ng bagay may bayad. I've always wanted to join but for some reason I didn't. The thought of being active crossed my mind...but not on my professional org. I think I don't really love my course that well...wahehehe...panlagay din sa resume yan....

Joining our professional org ECES meant joining IECEP (Institute of Electronics and Communication Engineers of the Philippines)...someone said its compulsary so that we could take the board exams, have connections, etc and all those sales pitch. 150 membership fee...langya kurakot. I'm really reluctant to join because I'm really not sure about my future yet. Am I really going to be an ECEngineer after I graduate? Will I even Graduate in the first place? What if I got kicked out before I reached immortality and pursue a Multimedia Arts career instead...(something I really like to do,I think, for now)...and then I find myself a member of IECEP. Parang inuunahan mo na yung kinabukasan eh.

Somehow, I do not see myself becoming an ECEngineer. What keeps me going is that I took a lot of engineering units already, and I'll be wasting my parent's only money if I screwed up my academics now. Nandito na rin lang ako, Panindigan ko na.

Speaking of la salle....ba't wala ang lasalle ng ganito?. All they did to welcome the froshies was a lousy concert during U-break...with a popular alternative band that we've all heard before. Sana mag-karoon ulit ng rockology sa La Salle.

FETE DE LA MUSIQUE is tommorrow. Gusto kong pumunta!!!!!!!!!!

Kaso may test. At sira ang A:/ drive ko. Bad trip.
link

Tuesday, June 07, 2005

Tenshun.

Tenshun. Bigay galang ako sa mga taong nag-cocomputer science. Sa mga programmer. At hindi na ako magtataka kung bakit mayaman si Bill Gates.

Bakit ba may mga taong sadyang matalino. Gaya ng mga programmers. Dati kasi pag sinabi mong programming, medyo ang dating sakin no big deal. Pero letse, ngayong kuma-comeback nanaman ang programming (using C language), nagmumukha nanaman akong bobo. Kami ng mga kaklase ko.

Pasahan diskette. Pasahan program. Its cheating, I know. Pero putek, eto nanaman yung isa sa mga bagay na may tagline na "its either you have it, or you don't." May mga sadyang talentado lang pagdating sa programming. Sino ba namang gusto mangopya ng program? Wala siguro.

I feel degraded and inferior. Ba't ba kasi may mga taong talentado sa programming. Nak ng tinapa...

Monday, May 30, 2005

And so the classes start...

We started last week, nothing really big happened during the first week, Parokya ni Edgar came to school (escorted by some policemen, bigtime!), and I got my attention called by a prof because I was smiling (WTF?!).

What's up for this term? Hard subjects, as usual, but this time I have to face them alone. Alone in the sense that my friends are all on the same block and I got seperated from them because of the stupid prio-non-prio enrollment system. All the subjects that I took up are all coming together in one big hodgepodge and I had to recall all those past lessons.

Maybe i'm just not used to not having friends with me in my subjects. And this is the term that I just have to get used to it, there is nothing that I can do. At least matino and schedule ko, at may mga kasama pa naman ako sa lab. I also have to get used to the sight of an empty, frosh-occupied tambayan, people have other priorities these days: orgs to attend to, studies, dotA, different schedules, other set of friends.

The coming terms are not as lively as the past terms, probably because things (acads) are to be taken more seriously from now on, or many people have woken up and thought that they are not in the right place and they have to bail themselves out.

As for me, I haven't woken up yet.

Wednesday, May 18, 2005

Nasabi ko na bang adeek ako?

I had to admit I am easily swayed by things...bakit? Madali akong ma-adeek. Anong kina-aadeekan ko ngayon? SUIKODEN IV for the PS2! Waaahhhhhhhh! Ako'y adeek sa Suikoden...wahehehehe...nalaro ko na kasi yung Suikoden III (Also for the PS2) dati...I enjoyed finding all 108 stars of destiny...(with the help of a guide though)..hindi ako ganun katiyaga mag-discover. I also enjoyed the story...unlike the Final Fantasy Series...HINDI SIYA CHEEZY. Ika nga ng Suikosource..."Suikoden involves human drama..."..friendship, betrayal,fate,love(medyo? puro hints lang eh), yaoi (ako lang yun. Walang yaoi sa Suikoden! Ahahahahaha)...serioso nakiki-sympatya talaga ako dun sa mga characters. Baliw na talaga ako no?...

Because of this, I remembered having a Suikoden game for the PS...I searched my CD rack...lo and behold I found it! Tuwang-tuwa talaga ako...nag-sisigaw ako sa bahay ng "Nahanap ko siya! Nahanap ko siya!"..Suikoden II. Dati kasi, I was too "panicky" to play games, yung tipong pag-na-game over na hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko na itutuloy yung laro. Maybe that's why it took me 4 years before I finished Final Fantasy VIII. So yun, hindi ko nalaro yung suikoden II ko noon. Buti nalang I took care na itago yung mga CDs sa bahay. Meant to be talaga yung pagbili ko sa bala na yun. Kasama siya dun sa mga libreng CDs na included sa PS unit ko.

Ngayon ang problema ko nalang, saan ako hahanap ng PS or PSone for that matter. I had one though my cousin broke it. Siyet, hihiramin nalang sisirain pa.

So right now I want a: PSone and a SUIKODEN (the original one) CD. It was released way back 1995 so I doubt if I could get a copy here. Asa pa ako. Pero libre namang mangarap.

Kung kelan talaga mag-papasukan...letch. That's it I'll join the fanlisting.

Saturday, May 07, 2005

2 weeks to go

At pasukan nanaman sa minamahal kong eskwelahan. Unlike other schools, maaga ang pasukan namin. Depende sa panahon kung matutuwa ako sa sitwasyon. Sa ngayon, natutuwa ako kasi titirik na ang aking mga mata dahil wala akong magawa sa bahay. Si Lola, nasa Leyte na. Ayokong gumastos dahil bibili pa ako ng t-shirt pang-pormaAhahahaha...charing!), kaya hindi ako maka-bili ng pwedeng magawa (Tulad ng bala ng Playstation). Mayroon na akong primer sa pag-pplantsa at hindi sa paglalaba, dahil nahihiya akong istorbohin yung naglalaba samin.

Pinagkaka-abalahan ko ngayon...tweaking with my Photoshop. Meron kasi akong na-discover na link sa mga malulupha-et na tutorials sa Photoshop. Napapaisip ako kung bakit nga ba akong nag-engineering, kasi mas interesado ako sa Graphic Design. Napapaisip ako kung dapat nag-multimedia arts nalang ako sa Benilde, or sa St.Scho. Now I'm considering taking up a second degree pag nagtratrabaho ako. Ayos yun, Engineer na Graphic Artist! San ka pa?! I could imagine myself quitting from an engineering position and presenting myself to the HR department to apply for a designer job. Sayang ang aral ko para sa board exams.

So anyway, I still have nothing to do.

Thursday, April 28, 2005

Nagbabagang Update..

joke lang.Ngayon lang ako nagpost kasi akala ko may mag-bobother magbasa nung mahaba kong entry. Pero asa pa ako.

Mga nagawa ko ngayong mga nakaraang araw/linggo:
-Nagawa ang una kong blog layout. Yep made it all by myself gamit ko photoshop at dreamweaver. Kung gusto niyong tignan punta kayo dito.
-#6 Ranking sa Need for Speed. At hindi pa ako marunong mag-drift. Maganda sana yung Mitsubishi Eclipse kaso ang bagal ang hirap paabutin ng gear 5. Pag drift kapatid ko pinaglalaro ko.
-Nakapunta akong Cartimar Recto. Refer to past post. Lang ya dun lang pala yung lugar na yon. In case na nagtataka kayo kung bakit ako nandoon, gusto ko kasing makabili ng mga cd na pirated na mahirap hanapin sa ibang lugar.
-Binasa yung libro ni Agatha Christie, The Moving Finger tsaka Man in the Brown Suit. Grade six ko siya binili, ngayon ko lang binasa. At hindi na ako magtataka kung bakit. British English hindi ko matake. Pero tinapos ko siya. Meron pa akong isang libro niya, wala pa akong balak basahin. Manigas siya.
-Binasa yung libro ni Nelson DeMille, The General's Daughter. Astig yung libro nakakatuwa siyang basahin. Literal na natatawa ako dun sa mga banat ni Pareng Nelson, pero don't get me wrong. Detective novel siya. Alam niyo naman ako, mahilig sa mga ganyan.
-One Piece, Naruto, Hajime No Ippo. Holy trinity ko sa Hapon. Pag lumabas sinisigurado kong makaka-uwi ako ng alas-singko. Nakakatuwa lang ngumiti si Luffy..hehehehe^^
-Tumambay sa Uste. Was supposed to be girl bonding, pero hindi pumot-si yung isa naming kasama. Ang ginawa namin ng mga barkada ni e-kyub,tumambay lang sa isa sa mga tambayan doon dahil pare-parehas kaming mga walang pera pang mall. Lolz umalis ako pa ng bahay tatambay rin lang pala ako.HAaha..Eto yung picture o....de joke lang.
-Sumama sa mga pinsan ko sa kanilang Job Hunting. At ang hirap mag-hanap ng trabaho! Siyete. Ngayon pa nga lang pinapakuha ako na ng Non-Pro Civil Service Exam.
-Kumain at Matulog ng Matino. Mga bagay na hindi ko nagawa ng 10 buwan.
-Magpagupit. Its totally short now. Init eh.

Wala akong pera. Wala akong magawa. Bored na ako. Gusto nang pumasok na hindi. Miss ko na mga tao sa La Salle. Kupal kapatid ko laging nag-raragnarok sarap burahin ng account niya sa PC. Wala akong naabutan sa YM. Ayokong mag-advance reading. Gusto kong gumala pero wala nga akong pera. Gusto kong pumunta ng Sarabia Optical sa UP. Gusto ko ng Sanwich Rockers t-shirt tsaka shirt ng typecast para bago ang porma sa pasukan. Pero wala akong Pera. Hindi nag-bblog ang mga tao ngayong summer. Dati araw-araw kung mag-update. Wala akong Pera. Alang nagyaya ng lakad. Nasabi ko na ba na wala akong pera?

Saturday, April 23, 2005

WAHOOOOO!!!

Finally! Naka-gawa narin ako ng sarili kong layout! Kahit medyo sabog yung code...nyehehehehe...astig ba? Sorry kung puro blue...lolzXD

Thursday, April 21, 2005

TRIP OBJECTIVE NO.1 - Acheived!

Nung una bad trip ako, kasi ginising ako ng 6:00 ng umaga para pumunta sa Ninang ko sa
Pag-ibig (Yung housing Corporation po). Anong time namin siya na-meet....mga 9:30 am lang naman. Nagising pa ako ng maaga. Yun na nga, yung Pag-ibig, located siya sa Atrium sa Makati, pati narin yung BIR.

atrium1

The Atruim of Makati. Mukhang big time no?

Okay na sana eh. Mangha na ako...astig na sana, eh biglang nagyaya sa C.R. yung mga kasama ko (Si Mama, Si Tita, yung Anak ni Tita, at yung daughter in law ni tita)...anak ng pating! Walang salamin yung CR...nakita ko plywood....mga government offices talaga...'alang budget...

Yun, bukod sa nakapag-mano ako sa ninang ko, sinamahan ko ang mga sanpips ko para mag-apply ng trabaho sa Pag-ibig. Siyempre inuna sila sa interview, kasi medyo matindi yung Backer nila (yung ninang ko). Ngayon ko lang talaga na-realize na TANG INA ANG HIRAP MAHIHIRAPAN AKONG MAGHANAP NG TRABAHO! Bukod sa wala akong backer, dahil ang aking pamilya ay walang kilala sa electronics field, at nung tumingin ako sa Classified ads sa dyaryo wala akong nakitang naghahanap ng ECE grads, at kung meron man, lalaki.AT BABAE AKO....siyete...natatakot na ako. Narealize ko rin na ang hirap mag-hanap ng trabaho sa pilipinas.

Pero ipag-patuloy natin ang kwento...pag-katapos namin kumain ay pumunta kami sa DBP service agency (nakalimutan ko yung pangalan) sa may tapat ng DBP building sa Makati Avenue. Para kaming mga tangang nagfi-fieldtrip kasi ang dami-dami namin! Sa mga job hunters diyan, kung balak niyong mag-trabaho sa government, pumunta kayo sa DBP. Yan ang agency ng mga government offices. Pero bago ka maging regular
kailangan mo muna ng Civil Service Exam.

Pagkatapos nun, mula makati, nag MRT-LRT ako at ang pinsan ko papuntang Carriedo. Layo no?

Kukuha kasi siya ng NBI at Transcript of Records sa City College of Manila. Sa NBI, kailangan pa siyang interviewhin kasi may kapangalan siya Estafadora (Kaya buti nalang Unique ang pangalan ko).

Nung pumunta akong CCM, isa lang ang masasabi ko, SALUDO AKO SA MGA ESTUDYANTE DON! Oo nga, libre siya, pero sa mga facilites, parang hindi ka talaga gaganahan mag-aral. No offense sa mga taga-CCM, pero nalulungkot ako sa mga nakita ko. Eto yung mga estudyanteng masisipag mag-aral (Scholar silang lahat mga tsong), at hindi nila deserve ang mga facilites na ganun. Hindi ko siya ma-describe..basta para siyang lumang office building nung panahon pa ni Marcos, na ginawang make-shift school. Yung mga classroom, parang mga dating opisina na nilagyan ng Blackboard at upuan, yung registrar's office, parang Accounting Office/Cashier ng mga nagoopisina, yung label nga ng registrar's office, computer printout lang, madilim, yung mga hagdanan nila, yung staircase ng typical office building, tapos yung mga elevator, hindi gumagana. Paano pag nagkasunog dun? Nakakaasar, wala talagang budget ang gobyerno para sa edukasyon. Kung kasing yaman lang ako nina Yuchengco, mag-dodonate talaga ako ng isang matinong building dun eh.

Tapos nun, pumunta na kami dito:

cartimar1

Cartimar Recto: PunkRock/Alternative/OPM cd heaven

Ngayong summer vacation, dalawang lugar ang gusto kong puntahan. Una: yung Sarabia Optical sa UP shopping Center. Pangalawa: Cartimar Recto. At naka-punta na ako sa Pangalawa! Yey!

Medyo mahaba yung nilakad namin (Mula Sta. Cruz hanggang Recto, ang layo!)..tapos nung una sinabi ko pa sa pinsan ko, "Ha? Eto na ba yun"...pero mukhang yun na nga. Maraming nagbebenta ng mga pankista gear sa sidewalk (i.e. : Black beads, black earrings, mga pouch na may mukha ni Che Guevarra, mga wristband na may marijuana at flag ng jamaica, mga tunnel earrings, mga bracelet, etc), tapos sa isang gilid, nandoon ang gold mine, YUNG MGA CD MISMO!

Taragis! Wala akong paki kung may mga mandudukot don! 3 for 100 ang mga CD..at hindi lang basta ang mga CD..mga Cd ng mga independent na banda, tsaka yung mga rock na hindi mo makita sa Tower Records! Hell they even have Coheed and Cambria and Mars Volta Cds! Kaya pala ang tawag dun:TOWER RECTO! Siyete..pag nagkataon, baka maging suki na ako dun.

Sayang ngalang hindi ako nakalibot at CD lang ang nabili ko dun. Dun nakabili ng mga astigin na Shirt yung ka-block ko eh.^^v

NEXT STOP: The UP SARABIA OPTICAL STORE and the newly opened store in Congressional Avenue named "The Bukswagen Experiments"...pero siyete, hindi ako marunong pumunta sa Congressional Avenue!

Now this would be easier if I had a Car.

CDs
cds

Mga merch na nauwi ko, 3 for 100

Friday, April 08, 2005

Finally

Yey! Finally i'm back. Hehe, after 3 final exams! Still 2 more to go...BASETRO and ELCITWO..dalawang mga matitindi na exam sa dalawang huling araw. Hindi na ako depressed masyado, medyo bad trip lang kasi...WALA AKONG BOSES mga kaibigan, tatlong araw na. Kaya lagi akong nababatuhan ng linyang.."San ang concert ha?"...letse para akong nagbibinata.Malala na kasi yung ubo ko. Hindi nga ako nakapag-aral ng matino eh. Mag-aaral ako 2 hours before the exam. San ka pa?

Ang hirap pala ng walang boses. Lalo na pag nag-cocommute ka. Dyahe mag-salita, imbes na sabihin mong makiki-abot ng bayad, kailangan mo pang kalabitin yung mga katabi mo, tapos magtataka sila kung bakit, sabay papakita mo sa kanila yung pamasahe mo, tapos iaabot na nila. Hindi ka pwede sumakay ng jeep na may padding yung bubong,kasi hindi ka pwede kumatok para pumara. Wala kang boses kaya hindi ka makakasigaw ng "PARA!", at ng, "SA TABI LANG PO!". Kung wala kang choice,at padded jeepney ang nasakyan mo, kailangan mong umupo sa strategic places, sa likod malapit sa driver, o sa harap sa tabi ng driver, para rinig yung namamalat mong boses. Kailangan sakto yung pamasahe mo, para hindi ka na tatanungin kung "SAAN PO BABABA?", patay kung ganun, kasi kahit sumigaw ka na, lalabas sayo, supot.

Mahirap pa pag gusto mong magsalita, kailangan mong isulat sa papel o di kaya itype sa celphone mo. HIndi ka maka-order, kasi nga wala kang boses. Hindi ka ma-gets nung mga kaklase mo, gusto mong mag-react pero hindi ka maka-react, hindi ka maka-pagexplain pag nagtatanung yung mga kaklase mo.

Kaya bilib din ako sa mga pipi eh. Ngayon ko lang naintindihan kung gaano kahalaga ang ating mga boses.

Monday, March 28, 2005

before studying..DUQ:SSS!

Sabihin niyo nang mga masama kaming katoliko, pero kapag ikaw ay eng na nag-aaral sa La Salle, ang Holy Week ay hindi panahon ng pagninilay kundi panahon ng pag-aaral. Biro mo ba naman, pagkatapos na pagkatapos ng easter sunday, bigla kang may quiz. Di lang isa kung maswerte ka 5 sunod-sunod! So much for meditating. Pero pag ikaw si Bom, walang aral-aral pag Good Friday, kahit mapa-10 quiz pa yan.

Abnormal siguro ako kasi ako lang ata ang may gusto ng Good Friday. Wala lang, tahimik kasi, magaganda yung mga pelikula sa mga local channels, o sige, MATINO yung mga pelikula sa local channels at walang tao sa kalsada, kasi lahat nag-bakasyon. Pero ang gusto ko talaga sa Good Friday, bukod sa mayroong Halo-Halo, ay yung bisita iglesia.

O sige, abnormal nanaman ulit ako, pero enjoy akong bumisita sa mga simbahan, sadly, hindi para mag-dasal ng dibdiban kundi dahil nakakapasyal ang lola niyo. Ngayon taon, bad trip lang kasi hindi kami nakadaan ng San Agustin Church, at hindi ko nakuhanan yung mga lapida sa loob mismo ng simbahan. Astig yon pramis, yung mga heading imbes na R.I.P nakalagay, S.L.N. pa! Old school mga tsong! Sinong makaka-hula kung anong ibig sabihin ng S.L.N?

Kung trip niyong tignan yung mga picture ng mga simbahan na pinuntahan ko, eto mga sampol:

SanSebastian04

Marami pa sa photostream chenes ko: dito o

Ba't akong ginanahan mag-post ngayon, kasi tinatamad akong mag-aral. Wala akong ginawa kahapon kundi mag-aral, tapos mag-aaral nanaman! Sawang-sawa na akoh! *Ate Guy impersonation*. Saka i'm getting my usual BECK fix, adeek eh. Para pampagana mag-aral ng ELCITWO q4.

cross posted to WKL

Saturday, March 12, 2005

I just realized that my blog stinks like shit right now. Sira ang tagboard, walang haloscan, at walang pumupunta. Magtataka paba ako kung bakit walang pumupunta, kasi hindi ko inuupdate! Naman kasi ang tagboard, sira lagi! Parang tanga. Yung haloscan ayaw gumana sa layout ko! Taragis..

Dahil sira ang tag-board, hindi ko na alam kung sinong mga nagpalit ng links, kung sinong nagdagdag sakin...putsa naman.

Sorry nalang talaga, kasi naman sa dami nang mga test hindi ko na maasikaso to. Dapat nga mag-aaral ako ngayon eh...break lang muna.

Baka sa summer, maayos ko na to. Mamonitor ko rin kung saan-saan ako sumali, at mauupdate ko na yung mga links ko. Pero for the meantime, eto lang ang magagawa ko.

Thursday, February 24, 2005

Hay..

Just as I promised,



Yep. I've already received the feared ELCITWO Quiz 1 paper, and in case you haven't noticed, I got a DAMN 3 out of 100. See, told ya I was older than my score.



The Quiz Booklet

It was as if my prayers were answered, I did not have to wait for long before i received my paper. And yes, it was a 3. 3...putsa, hindi man lang umabot ng line of 1. Of course my blockmates asked me for my score, i said, and without hesitation...

"3 ako"

"Line of 3?"

"Hinde, 3 lang seryoso."

Of course i could not help it. My voice was trembling a bit when I talked with my seatmates about their scores. The highest was a 68. The lowest in the batch, mine, I guess. It looked like the professor pitied my "Neat" quiz booklet and placed a 3, sayang naman ang tinta ng ballpen ko. But i did not allow myself to breakdown any further, ...emotional training, emotional preparation.... And then i got hold of myself. Everytime someone asks us for our scores, i would say, with a smile (not sarcastically), 3 LANG AKO! GALENG NO? LOWEST AKO SA BATCH! I guess i got over it, i did not feel too bad or down that day even though i got the lowest in the batch. I should not, because I still have a quiz that afternoon.


What went wrong?

I guess i kinda expected my score to be within that range right after i took ELCITWO quiz 1. I did not answer anything, i got too focused on part 2 (The part were i was given my 3 pts) because it was needed to solve part 3. I did not notice that there was a part 5. No points were given in part 4. I went home right after the quiz, I was almost in tears (read:ALMOST).

What went wrong? I did not solve problems beforehand. There was no time management.Did not examing the test paper carefully. Did not even write ANYTHING for partial points. Mental block. There was nobody else to blame, but myself.


What i did the afternoon after i took the ELCITWO quiz

I Slept. It was what E_kyub told me if ever there was something deeply bothering me. After I woke up, I still felt bad, REALLY BAD. I prayed seriously, watched TV, wrote about it, blogged about it, Ate, and i still could not keep it out of my head. I had to study for a quiz that evening, and i can't because of what i was feeling. I felt really bad because i was thinking, Tang ina, ako na ata ang lowest sa batch namin. Nakakahiya, Nakakahiya. Nasagutan nila, ako hindi. Ang bobo ko. Hindi ko ata kakayaning bumagsak. Hindi ako ganito, nakakahiya, nakakahiya. Mukhang irreg na ako..Mahirap nang bumawi

The next day, I sort of got over it. I was able to study for my examinations for that day.

Emotional preparation, WTF?

I did not feel all that bad. I dunno, maybe because I emoted way before the results were out. I kinda accepted it already. I did bad in the quiz, and there's no one else to blame but myself. I was anticipating the day that the results were given out, and how I was going to react my score. Tanggap ko na, bagsak ako. Lowest ako, at mas matanda ako sa score ko. Kaya huwag nang masyadong mag-eemote. Walang manyayari. Bawi nalang....kahit impossible

Of course, there is this factor where almost all of the class got VERY low scores, (even the sharp ones). At least, you wouldn't pity yourself too much. And of course, your friends who are trying their best to cheer you up. Weird thing though, when one of them tried to cheer me up, there is this lump that keeps popping in my throat. But still having friends to cheer you up are a lot of help. I guess i should be really thankful.

It also helps when you tell someone. I texted E_kyub and joke with Charlou about it.

And of course, writing about it in your blog...hehe...


What now?

The next quiz is on this Saturday. I should try to make up for my score, even though its kinda impossible since the coverage for the second exam is WAY TOO LONG, and i couldn't understand a thing as of writing. Bagsak ako o hindi sa ELCITWO, who knows. Bagsak kung bagsak, pasa kung pasa. There's nothing i could do with the 3, (except of course to write about it), all i could do is study, and try to do better in the next exam, and pray for a miracle to happen.

Kailangang Bumawi. Mahirap, pero kailangan.

*cross posted sa LJ

Saturday, February 05, 2005

Yan! Tapos ng matagal na panahon makakapagupdate narin ako!

Medyo lang kasi, sunod-sunod na yung mga test. Lahat ng subject test. Last week 3 ang test namin. Letse, kung hindi ka ba naman mapraning sa kaka-aral nun diba.

My latest frustration, yung test ko sa ELCITWO. Letse mas matanda pa ata ako sa score ko. Mahirap bumawi pag ganun, pero kaya!

I'll try to change my layout for the month of february, and make use of bloggers comment system if i can...if not, ill revert back to my haloscan again. Hope it works with my next layout. And luckily, come up with a better post.

Thanks for dropping by, *Nag-popost ako sa ingles, shet...* Sinabi ko na nga dati, madalas na ako sa LJ ko.

Thursday, January 06, 2005

Ang adjustment...

hindi ko alam kung paano to sa UP o sa ATENEO...basta ganito yan sa'min.

Sa kasamaang palad, nung nag-eenroll ako, nag-bug down yung internet connection sa cafe na pinuntahan namin ng mga ka-block ko. At nawalan ako ng isang laboratory subject, siya yung tipong pag nawala yung laboratory na yun, delayed ka na ng isang term. Regular ka nga, delayed ka naman! Siyempre hindi ako makakapayag nun diba?

Eh di punta ako sa adjustment para sa mga regular, noong Jan.4 (Tuesday). Nagsisign palang ng petition para magbukas ng bagong section nung laboratory na yun. Napakagaling naman kasi eh, gagawa lang ng section 2 pa! Di pa ginawang tatlo? Di nasayang ang pamasahe ko papuntang eskwelahan namin! Di bale, naka-pagpalit naman ako ng section.

Yung sa laboratory kong hindi nagbukas..kinabukasan ko daw aayusin, 10 ng umaga daw, bukas na daw yung section para sa laboratory, eh di papasukan ko mung yung klase ko bago yun. Pagkatapos, hindi pa daw bukas yung laboratory na section. Eh di tumambay muna kami ng mga kablock ko....na NAGING ISANG MALAKING PAGKAKAMALI! Buti nalang nagyaya siya na pumunta sa Opisina ng Vice Dean (kasi dun nagaadjust/nagpapalit ng section)..at ganitong kahabang pila ang tumambad samin!

Ang habaaah!

Fig. 1 Ang pilang nakakatense!

Pumila kami ng isang oras! At ang naabutan namin? Ang pagllunch break ng taga-Vice Deans office! Ang galing, mamimigay ng numbers (PILA numbers) ng 1:30. Ang dilemna(?), kung aalis kami sa pila, kasi lunch na nga, at hindi pa kami kumakain ng mga kablock ko. Pero sabi namin... Hindi, hindi tayo aalis dito! Mag-vivigil tayo!. At yun naman yung naging TAMANG desisyon namin! Naawa siguro yung taga-Vice dean at namigay ng numbers, kung hindi baka tumirik na ang mga mata namin sa gutom.

Pagkakain namin, pumila ulit kami nang isang oras. Inaantay namin na papasukin kami sa aircon office ng vice dean. Ang masama pa nun, may klase kami ng 2:30! Baka hindi kami makapasok sa class. Ang nakakabwiset pa, yung mga first batch na may numbers 50 above (mga hindi pumunta nung umaga) sila yung inuna. Eh di hintay to death naman kami. Pero sa wakas nakapasok narin kami, tapos may pila pa sa loob. Ang galing. Pero at least nakapasok na kami. Tuwang-tuwa ako ng maka-upo na ako sa booth ng STUDENT PERSONAL (?) ASSISTANT. Nakita ko narin sa wakas ang isa sa mga LEGENDARY persons sa College of Engineering..si Sir Apollo.

Magical Hands at work

Fig.2,Ang mahiwagang booth ni Apollo. Malabo yung kuha kasi pinakuha ko lang yan sa kaklase ko, kita pa yung daliri niya!

Tapos niyan, siyempre nakalock yung pinto dun sa front entrance kasi nga limited lang yung mga taong nakakapasok. At dumaan kami sa isang daan na minsan ka lang talaga makakadaan, ang mahiwagang shortcut papuntang velasco lobby.

Hagdanan

Fig.3, Ang mahiwagang hagdanan. Yan, kung kanina daliri niya, ngayon naman yung paa niya! Taragis!

Yung referral slip na binigay sayo ng vice dean, dadalhin mo sa accounting office. Biro mo, naka-check dun, RO (Registrar's Office) Supplies, yung isang papel na ipapaprint mo, SISENTA PESOS! Tapos yung adjustment fee, 200+, eh kasalanan ko bang mag-bug down yung computer ko...pero wala naman akong magagawa di ba?



Fig.4, Ang study hall na ginawang accounting office. Dalawang beses ako nag-antay sa mga benches na to para sa resibo

Pag nakuha mo na yung resibo mo dito, pupunta kana sa registrar ulit, at kukunin yung EAF mo.



Fig.5, Ang window 2 ng registrar's office. Siyempre, pila ulit

Eto nga pala yung EAF mo.



Fig.6, EAF, Sa wakas nakuha narin kita!

Yung EAF, enrollment assesment form. Dun mo makikita yung mga subject mo, tsaka kung magkano yung babayaran mo. At nandoon na yung maiwagang laboratory subject, ELTWOLA.
Hindi ko pa siya nababayaran, kasi nga hindi ko siya na-enrollan. Siyempre balik ako sa accounting office...para makuha ito.



Fig. 7, Resibo! Finally!

At yun ang istorya ng adjustment/late enrollment ko. At dahil yan sa adjustment na yan, 2 klase ang hindi ko napasukan! Ang galing diba. Pero atleast hindi na ako tanga adjustment.^^ Engineering student na ako! nyahahahahha

Saturday, December 25, 2004

Pasko na...paksiw pa.

Bago ko to simulang, gusto ko munang bumati, pahabol, ng
Maligayang Pasko!
at siyempre huwag kakalimutang
Maligo sa Bagong Taon!

==========================================

Ang pasko ko, okay lang. Ang pasko dito hindi nagsisimula ng 12:01 ng December 25, usually mga ala-6 ng december 25. Wala na akong inaasahang bubuksan na regalo galing sa magulang ko, di tulad nung bata pa ako, yung tipong parang first time mong magpuyat kasi excited ka nang buksan ang regalo mo. Yung tipong stick ka sa "Don't Open 'till Xmas": dati talaga ganun, para marami kang bubuksan sa umaga ng pasko. Pero ngayon, pagka-bigay, kahit december 18 palang, bukas kaagad, para maimtambak mo na sa bahay. Usually ganun yung nanyayari sa mga regalo ng kabarkada ko. Yung galing sa mga magulang, mga tipong 3 days before december 25 binibigay na, hindi na binabalot, kasi excited ka nang gamitin, tulad ng mga PS2, celphone, PC...

Siguro dahil masyado na siyang malaki para ibalot. Iba talaga ang age mo malapit-lapit na sa bente. Hindi ka na yung nagbubukas ng regalo, ni hindi mo nga mabati ang mga tao sa inyo ng "merry christmas". Parang "Okay, pasko ngayon. Merry Christmas sa inyo. Ayos may pera nanaman ako mamayang gabi."

HUwag niyong sabihin hindi ganyan ang nasa isip niyo. Magsitigil kayo mga plastik.

Ba't kaya ganun. Siguro totoo nga na ang pasko ay para sa mga bata

============================================
Pag bata ka: Ibig sabihin ko ng bata ay yung mga mula 7-14 years old. Ako noong bata pa ako, excited ako december 24 pa lang. Tinutulungan ko pa nga ang nanay kong gumawa ng salad, habang yung mata ko nakadikit na sa AXN dahil palabas ang 3x3 eyes. Pagdating ng december 25, bago ang damit, nilalabas yung mga gold na necklaces at bracelets para suotin at hindi iwala, binubudburan ka ng pabango pati yung mga parents mo. Hindi mo muna pwede buksan ang mga regalo mo kasi hindi pa kayo nagsisimba sa 7:00 am mass. Sa simbahan, siyempre kasama sina lola, pinsan, lahat. Tapos makikita mo sa daanan, lahat ng tao naka-bago, para bang walang economic depression sa pilipinas, nakangiti, maaraw, maliwanag, malamig, masaya. Ang festive. Siyempre yung masaya diyan hindi yung pagbibilang ng mga perang natanggap mo nung pasko, kundi yung paglalaro mo ng mga regalong kanina ka pang excited na buksan. Magpapayabangan pa kayo ng mga pinsan mo sa bahay ng lola mo. Ang dami niyong bisita sa bahay, ang sarap ng pagkain, spaghetti. Ang saya, lang tatalo sa pasko.

Pag malapit sa 20: Tinutulugan ang noche buena. Walang tao dito sa bahay, lahat sila tulog, o pangit ang palabas sa TV. Pagkagising mo, diretso agad sa banyo. Pagdating mo sa baba, nagkaka-gulo silang lahat kasi hindi pa handa yung mga pagkain. Sa christmas tree niyo, panay sa mga inaanak mo yung mga naka-lagay. Yung regalo mo, nasa taas, china-charge. O nasa baba, at lalaruin mo na. Magsisimba nanaman. Mga alas-10 am, last mass sa umaga. Sabado. Bukas magsisimba nanaman ulit, kasi linggo. Ang daming mga bata sa baba ng bahay niyo, istorbo. Pero mag-PPC ka parin habang hindi pa naliligo ang mga tao sa inyo para maka-pagsimba na. Soundtrip narin sa PC, hindi pang-christmas at sawa ka na doon. Magsisimba kayo, bagong shirt at pantalon lang, di bale na sapatos, pwede pa yan. Sa wakas nagkadamit narin ako. Simba isang oras. Maaraw na Makulimlim, masaya yung mga bata pero ang mga magulang mukha nang pagod. Ayos, naka-1,200 ako ngayon, mas mababa sa last year, bwiset. Dating sa bahay, bukas TV, ayos marathon sa Animax, replay sa Eat Bulaga at MTB. Daming namamasko, nood parin ng TV. La kong paki. Basta ako, manonood ng TV.

Pag may pamilya ka na: Nung oras na ba, ah, alas-6 na pala. YUng buko salad kaya sa freezer ayos ba...naku, mag-iihaw pa ng barbeque! AAAH!!! ANU BAYAN ANG AGA-AGA MAY NAMAMASKO NA???!! Inday, paliguan na si neneng at junior at magsisimba na..yung damit ko hindi pa pala nakaplantsa..mailabas ko na nga yung damit ng mga anak at asawa ko. Naku magustuhan kana ni inang yung regalo namin..yung inaanak ng anak ko nandito na, kunin mo na yung regalo mo, galing kay ninanag neneng yan. Ay! Malapit nang mag-alas-nuebe! Anu ba gisingin mo na sina junior! Ay sandali lang kukunin ko na yung mga pamasko niyo....anu bato, yung 4000 kong tig-20 NAUBOS??? Grabe, pati tong mga matatandang to ang lalakas ng apog mamasko! Ay merry christmas ate, natanggap mo ba yung ulam? Ay, sina inday wala pang regalo, magbabalot pa ako! Anu ba ineng, nagPPC ka pa magsisimba na tayo! *At marami pang ibang reklamong dumating*
======================================================

Tignan mo yun, based diyan, kanino bang pasko ang mas masaya? Sa batang maliwanag ang pasko, sa teen na nanonood ng animax marathon, o dun sa mga matatandang stressing ang pasko.

O sige sabihin niyo na na ang tunay na diwa ng pasko ay ang pagsasama-sama ng pamilya at ang pagbibigayan, pero hindi ba stressing pag nagsasama-sama ang pamilya at nagbibigayan. Magastos, Nakakataranta. Lahat na.

Para sa bata, masaya. Kasi wala pa siyang kamuwang-muwang sa mundo kundi ang gameboy niyang bago.

Para naman sa mga malapit na sa 20 katulad ko, pasko, maraming bago, makakahingi ka ng celphone, pera at PC sa parents mo. Daming tao sa baba, isang truck (totoo to, pramis) ng mga namamasko nasa bahay niyo, ang ingay.

Para naman sa mga parents, ang daming aasikasuhin, ang gastos na hindi ko akalaing nagbitaw ako ng ganung kalaking pera, nakakataranta, pero at least masaya ang pamilya ko. Pati narin ang mga kamag-anak, biyenan, pinsan ng biyenan, pamangkin ng biyenan, apo ng labandera, syota ng katulong, anak ng pinsan ng asawa mo,kabarkada ng anak mo, apo ng kapatid ng nanay ng asawa mo.... (sa kaso ko, pramis, totoo talaga siya)....

Oh well, at least lang pasok.

Sunday, December 19, 2004

Probably the last nonsense post..

I know, an update was long overdue, but i usually update this blog more nowadays. I've decided to post here when i'm in the mood to post something like my previous entries. My thought-provoking, Bob-Ongish entries. Yung mag-eenjoy saka yung hindi daily update ng buhay ko. Kasi kung gusto niyong makita yun, punta nalang kayong LJ ko.

So this will probably be the last nonsense update i'll be having. From this post onwards, i will be posting my bob ongish post, at least i intend to do so.

So what's up? Christmas is just around the corner and err...i already received my gift, my christmas+birthday gift.

But its not christmas that is keeping me excited (and scared) since friday, its the course card distribution happening tommorrow. Truthfully speaking, i should fail 3 subjects, 1 math subject, 1 major and 1 physics-nonsense course. And i need all the luck i could get.

A friend of mine send me an SMS message saying "To all LaSallians, please pass this message to 10 lasallian friends, or else you will get at least 1 0.0 in your course cards. Better Safe than sorry."

Ako naman: "Hello, sayang load! Para namang napaka-yaman ko para gumasto ng 10 pisong load para lang magpasa ng chain text." *sabay bura*

So i guess i will be getting at least 1 0.0 in the course card tommorrow.

Nah.

2 of my friends will also be sporting a new look tommorrow. Maybe a part of their "bagong buhay" activities they've done for the weekend. They went to confession yesterday...

I bet they look funny in their new haircuts.

Song that best fit tommorrow's festivities:

Himala - Rivermaya
"HIMALAAAAAAA! Kasalanan bang\ humingi ako sa langit ng\ isang himala"

Just Once - (Hindi ko kilala kung sino)
"I did my best, but i guess my best wasn't good enough"

Give love on Christmas Day - (Hindi ko rin kilala kung sino)
"Why don't you/ Give love on christmas deeeeyyyyyyy..."

Tuesday, December 07, 2004

May pauuod-paro-paro pang nalalaman

Dapat mag-bblog lang ako dito tungkol sa nakuha kong score sa QUANMET at ELCI. At habang naka-bukas ang window na yan, ay naka-bukas ang window ng friendster.

Wala lang...pancheck lang baka sakaling may bagong kaibigan o testimonial kasi kasama siya sa Christmas list ko.

Wala.

Napansin ko yung box sa may ibaba, ang nakalagay Waiting confirmation from 2 friends. Pag-click ko, inaantay ko parin ang kasagutan ng dati kong guro sa panitikan at ang kasagutan ng pinsan ko.

Hmm, ano kaya kung nagdagdag pa ako ng mga "kaibigan"?

Click dito, click doon.
Una sa pangalan ni ganito.
Uy, may bagong account na pala si ganito.
Add.
Matignan nga friends nito.
Uy, andami..
Aba, ganito na pala istura nito.
Iba na itsura niya....nila


--------------------------

Mga mukhang pamilyar sakin, at alam ko pa ang mga pangalan. Ang mga ka-batch ko sa noong high school ako. Yung adviser naming rakista na astig nung 3rd year. Yung mga popu samin. Yung mga hindi ganun ka-noticeable na namulaklak na. Mga kilala ko, na hindi ko sigurado kung kilala pa nila ako..

Malamang hindi.

Anu ba ang nakita ko? Pagbabago. Nagbabago ang tao habang tumatanda..at yun ang nakikita ko.

Ang mga babaeng pare-parehas lang ang suot dati, walang tumitingkad kung hindi dahil sa ugali,
sa talino,
o ka-weirdohan
...iba na ngayon.

Hindi ko na maiaalis yun. Yung mga mukhang ordinaryo lang dati
ngayon naka-make-up,
naka-blush on,
rebonded ang mga buhok,
naka-spaghetti't sleeveless,
may mga lalaking nakasandal sa kanilang mga balikat,
mga naka-pearl earings,
ngiting
..kikay.

Parang mga uuod na nag-metamorphosis at naging mga paru-paro.

Wala namang masama sa pagbabago. Sa katunayan, nakakaganda nga yon. Siyempre, college na. Kailangan nang magpapansin sa mga boys, di kagaya non, babae lang ang kahalubilo mo.
Kailangang maayos lagi.
Kailangang demure.
o kung di demure....hot, sexy, cool, noticeable.
Blooming.

Ordinaryo akong estudyante. Ngayon, ordinaryo parin. Walang pagbabago, bumigat lang ako ng 10 kilo. Hindi naka-uniform. Humaba ang buhok.
Parang may eyeshadow sa ilalim ng mata.
Naka-T-shirt at pantalong maluwag.
Naka-stud earings...na pilak.
Naka-timex..na bakal.

Hindi na kailangang magpapansin sa boys, kasi sila ang kausap ko madalas. Kasamang madalas. Hindi maiiwasan.

Pero, hindi ako obit, tibo, yuri...o kung anu man yung tawag niyo dun.

Babae lang, na hindi pa "nag-bbloom."

Uuod na kontento na sa pagiging uuod habang buhay.
------------------------

"Ohtso."
"Nuebe, dun sa may kanan.."

Hindi yan bingo o jueteng. Yan ang mga bagay na naririnig ko sa mga taong nakapaligid sakin.
Kung makapag-score parang kung sinong judge ng beauty contest.
Lowest to highest, 1-10.

Tingin sa kanan. Babae, naka-fit na shirt, naka-pearl earrings, straight na mahaba ang buhok...

"May boyfriend na eh..."

..at may kahawak ang kamay.

Pero hindi nila napapansin yung babae sa may likod niya. Naka-shirt na pula, pantalon, maikli ang buhok, walang earrings, naka-wristband. Pati yung nasa harap niya, naka-tshirt at pantalon lang.

-----------------------------

Kung tutuusin, saan nga ba nagmula ang kamulatan ng babae na kailangan niyang magpaganda..na kailangan niyang ma-notice, kailagan mag-dalaga, mag-ayos, mag-bloom,

..mag-kikay?

Nasa pagpapalaki ba yan?
Sa pamilya?

Noong high-school ba?
Noong mga popu sa school nanghihingi ng facial wash lagi,
para makapunta na sa banyo
na parang bang laging may mga mantika sa mukha nila
pero wala naman.
Magsuklay na para bang magpapapansin sila
pero panay babae naman sila kaya walang papansin sa kanila.
Mag-powder para walang oil sa mukha. Sige eto tanggap pa siguro.
Pero ang mag-lagay ng blush on bago mag-Algebra..
sa pagkaka-alam ko hindi naman nakakatalino ang blush, o ang lip balm.

Kung ganitong sitwasyon ang kamumulatan ng isang walang ka-muwang-muwang, hindi malayong ang isang uuod ay maging paru-paru nga.

Gawa ng mga popu. Ang mga popu, ma-boylet. Kung gusto mong maraming boylet, magladlad ka na ng kapa at maging kikay ka na sister.

----------------------------------------------------

Kung sabagay, hindi mo rin naman sila masisi.
Sino ba ang nakaka-agaw ng attensyon..

yung mga nag-aayos. Mga naka-blush-on.

Sino ba yung mga nakaka-nueve..o otso?

..yung mga naka-fit na tshirt, na mahahaba ang buhok

Eh yung mga nakaka-uno?

----------------------------------

May stereotype ang school namin. Pag-sinabi mong taga-dun ka, (bukod daw sa maraming obit), may class, may breeding, magaling mag-ingles,
prim and proper,
maayos,
ladylike,
kikay.

At anong kalalabasan ko non..

..latak. Para akong hindi taga-doon.
----------------------------------

Ang malungkot na realidad, kung gusto mong lingunin ng mga kalalakihan, kailangang mag-pakakikay, lalo na kung hindi ganoon ka striking ang iyong fez.

Kung kamukha mo man si Cindy Curleto, pero parang pimple na tinubuan ng mukha ang fez mo dahil hindi ka nag-ffacial wash, wala rin.

Kailangang magpaganda, lalo na pag hindi ka maganda.

Kung matalino ka, hindi naman sasabihin pag dumaan ka
"Wow pare, ang talino niya! Ang sarap titigan.."
Malabo naman ata yun.

Ang uuod kailangang maging paru-paro,
para hindi layuan, pandirihan
at bagkus, lapitan at pagmasdan.

-------------------------------

Yun ay, kung gusto mo lang mapansin.

Kahit sabihin mong man-hater ka,hindi mo maiaalis ang paghahanap sa atensyon. O kung hindi naman, alam mo naman ang mga stereotype ng mga babae sa pilipinas.

Pag babae, nag-aayos dapat, naglalagay ng powder sa mukha to get rid of the shine in your face,naka-hikaw man lang, you shop for the latest clothes and bags and shoes in market!market and you make rebond your hair and you make beso-beso with your kada and you go boy hunting.

Pag hindi anong tawag sayo..

Weird..mas maluphet, mapagkakamalan ka pang tibo.

Sino ba namang gustong matawag niyan di ba?

------------------------------------

Wala bang magagawa? Ganoon ba talaga...sooner or later ba magiging paru-paro din ang isang uuod kahit gaano pa to katagal manyari..

Hindi ba pag-nagpalit na ang uuod sa isang paru-paro, magiging paru-paro na siya, at iiwanan niya na ang pagkauuod niya.

Pero paano kapag hindi magawang iwanan ng uuod ang pagiging uuod niya..napag-nagpalit siya at naging paru-paro, ay ibang katauhan na siya..at hindi na niya makilala ang sarili niya..

Lumaki siyang uuod at nasanay na siya dito.

Ngunit Kailangan maging paru-paro ang uuod dahil yun ang dikta ng kalikasan.
-------------------------------------

Hindi ko alam. Baka kainin ko ang mga pinagsasasabi ko ngayon.

Pero kung may "morphin time!" na manyayari..malamang hindi pa ngayon yun.

Basta ang alam ko, hindi ako tibo.
Weird lang. Hindi tipikal pero hindi rin naman pansinin.
Hindi mahilig mag-ayos, pero disente pa namang tignan.

Kontento pa ang uuod sa pagiging uuod niya.

Sunday, December 05, 2004

Quiz results and a new layout...^^

Bilang pambawi sa hindi ko pag-uupdate...yab...i finally changed my layout earlier this morning. Umm...yeah...Quiz results...

Got this one from Kyoukou





You Are the Helper



2




You always put on a happy face and try to help those around you.

You're incredibly empathetic and care about everyone you know.

Able to see the good in others, you're thoughtful, warm, and sincere.

You connect with people who are charming and charismatic.




...saka nasa gilid yung wishlist ko..total pasko naman diba? Hehe...calling lahat ng mababait diyan...^^v