Thursday, April 21, 2005

TRIP OBJECTIVE NO.1 - Acheived!

Nung una bad trip ako, kasi ginising ako ng 6:00 ng umaga para pumunta sa Ninang ko sa
Pag-ibig (Yung housing Corporation po). Anong time namin siya na-meet....mga 9:30 am lang naman. Nagising pa ako ng maaga. Yun na nga, yung Pag-ibig, located siya sa Atrium sa Makati, pati narin yung BIR.

atrium1

The Atruim of Makati. Mukhang big time no?

Okay na sana eh. Mangha na ako...astig na sana, eh biglang nagyaya sa C.R. yung mga kasama ko (Si Mama, Si Tita, yung Anak ni Tita, at yung daughter in law ni tita)...anak ng pating! Walang salamin yung CR...nakita ko plywood....mga government offices talaga...'alang budget...

Yun, bukod sa nakapag-mano ako sa ninang ko, sinamahan ko ang mga sanpips ko para mag-apply ng trabaho sa Pag-ibig. Siyempre inuna sila sa interview, kasi medyo matindi yung Backer nila (yung ninang ko). Ngayon ko lang talaga na-realize na TANG INA ANG HIRAP MAHIHIRAPAN AKONG MAGHANAP NG TRABAHO! Bukod sa wala akong backer, dahil ang aking pamilya ay walang kilala sa electronics field, at nung tumingin ako sa Classified ads sa dyaryo wala akong nakitang naghahanap ng ECE grads, at kung meron man, lalaki.AT BABAE AKO....siyete...natatakot na ako. Narealize ko rin na ang hirap mag-hanap ng trabaho sa pilipinas.

Pero ipag-patuloy natin ang kwento...pag-katapos namin kumain ay pumunta kami sa DBP service agency (nakalimutan ko yung pangalan) sa may tapat ng DBP building sa Makati Avenue. Para kaming mga tangang nagfi-fieldtrip kasi ang dami-dami namin! Sa mga job hunters diyan, kung balak niyong mag-trabaho sa government, pumunta kayo sa DBP. Yan ang agency ng mga government offices. Pero bago ka maging regular
kailangan mo muna ng Civil Service Exam.

Pagkatapos nun, mula makati, nag MRT-LRT ako at ang pinsan ko papuntang Carriedo. Layo no?

Kukuha kasi siya ng NBI at Transcript of Records sa City College of Manila. Sa NBI, kailangan pa siyang interviewhin kasi may kapangalan siya Estafadora (Kaya buti nalang Unique ang pangalan ko).

Nung pumunta akong CCM, isa lang ang masasabi ko, SALUDO AKO SA MGA ESTUDYANTE DON! Oo nga, libre siya, pero sa mga facilites, parang hindi ka talaga gaganahan mag-aral. No offense sa mga taga-CCM, pero nalulungkot ako sa mga nakita ko. Eto yung mga estudyanteng masisipag mag-aral (Scholar silang lahat mga tsong), at hindi nila deserve ang mga facilites na ganun. Hindi ko siya ma-describe..basta para siyang lumang office building nung panahon pa ni Marcos, na ginawang make-shift school. Yung mga classroom, parang mga dating opisina na nilagyan ng Blackboard at upuan, yung registrar's office, parang Accounting Office/Cashier ng mga nagoopisina, yung label nga ng registrar's office, computer printout lang, madilim, yung mga hagdanan nila, yung staircase ng typical office building, tapos yung mga elevator, hindi gumagana. Paano pag nagkasunog dun? Nakakaasar, wala talagang budget ang gobyerno para sa edukasyon. Kung kasing yaman lang ako nina Yuchengco, mag-dodonate talaga ako ng isang matinong building dun eh.

Tapos nun, pumunta na kami dito:

cartimar1

Cartimar Recto: PunkRock/Alternative/OPM cd heaven

Ngayong summer vacation, dalawang lugar ang gusto kong puntahan. Una: yung Sarabia Optical sa UP shopping Center. Pangalawa: Cartimar Recto. At naka-punta na ako sa Pangalawa! Yey!

Medyo mahaba yung nilakad namin (Mula Sta. Cruz hanggang Recto, ang layo!)..tapos nung una sinabi ko pa sa pinsan ko, "Ha? Eto na ba yun"...pero mukhang yun na nga. Maraming nagbebenta ng mga pankista gear sa sidewalk (i.e. : Black beads, black earrings, mga pouch na may mukha ni Che Guevarra, mga wristband na may marijuana at flag ng jamaica, mga tunnel earrings, mga bracelet, etc), tapos sa isang gilid, nandoon ang gold mine, YUNG MGA CD MISMO!

Taragis! Wala akong paki kung may mga mandudukot don! 3 for 100 ang mga CD..at hindi lang basta ang mga CD..mga Cd ng mga independent na banda, tsaka yung mga rock na hindi mo makita sa Tower Records! Hell they even have Coheed and Cambria and Mars Volta Cds! Kaya pala ang tawag dun:TOWER RECTO! Siyete..pag nagkataon, baka maging suki na ako dun.

Sayang ngalang hindi ako nakalibot at CD lang ang nabili ko dun. Dun nakabili ng mga astigin na Shirt yung ka-block ko eh.^^v

NEXT STOP: The UP SARABIA OPTICAL STORE and the newly opened store in Congressional Avenue named "The Bukswagen Experiments"...pero siyete, hindi ako marunong pumunta sa Congressional Avenue!

Now this would be easier if I had a Car.

CDs
cds

Mga merch na nauwi ko, 3 for 100

No comments: