Sabihin niyo nang mga masama kaming katoliko, pero kapag ikaw ay eng na nag-aaral sa La Salle, ang Holy Week ay hindi panahon ng pagninilay kundi panahon ng pag-aaral. Biro mo ba naman, pagkatapos na pagkatapos ng easter sunday, bigla kang may quiz. Di lang isa kung maswerte ka 5 sunod-sunod! So much for meditating. Pero pag ikaw si Bom, walang aral-aral pag Good Friday, kahit mapa-10 quiz pa yan.
Abnormal siguro ako kasi ako lang ata ang may gusto ng Good Friday. Wala lang, tahimik kasi, magaganda yung mga pelikula sa mga local channels, o sige, MATINO yung mga pelikula sa local channels at walang tao sa kalsada, kasi lahat nag-bakasyon. Pero ang gusto ko talaga sa Good Friday, bukod sa mayroong Halo-Halo, ay yung bisita iglesia.
O sige, abnormal nanaman ulit ako, pero enjoy akong bumisita sa mga simbahan, sadly, hindi para mag-dasal ng dibdiban kundi dahil nakakapasyal ang lola niyo. Ngayon taon, bad trip lang kasi hindi kami nakadaan ng San Agustin Church, at hindi ko nakuhanan yung mga lapida sa loob mismo ng simbahan. Astig yon pramis, yung mga heading imbes na R.I.P nakalagay, S.L.N. pa! Old school mga tsong! Sinong makaka-hula kung anong ibig sabihin ng S.L.N?
Kung trip niyong tignan yung mga picture ng mga simbahan na pinuntahan ko, eto mga sampol:
Marami pa sa photostream chenes ko: dito o
Ba't akong ginanahan mag-post ngayon, kasi tinatamad akong mag-aral. Wala akong ginawa kahapon kundi mag-aral, tapos mag-aaral nanaman! Sawang-sawa na akoh! *Ate Guy impersonation*. Saka i'm getting my usual BECK fix, adeek eh. Para pampagana mag-aral ng ELCITWO q4.
cross posted to WKL
No comments:
Post a Comment