Sunday, December 18, 2005

Hay....sobrang tagal na talaga as in..

Yey! Sa wakas bakasyon na namin! At sa wakas makakapag-post narin ako ng entry.
Grabe, sobrang daming nanyari ngayong term! Sige, irerecount ko isa-isa para may matino naman akong entry sa pagbabalik!^^

1.ENG DAY! - 60 years na ang eng..siyempre bongga ang celebration. Dan Dizon ba naman mag-organize eh. Daming pakulo, may souvenir pa na-dog tag! Eto yung block pic namin kasama yung original ORIENT1 prof namin. ORIENT1 yung orientation subject namin nung mga freshman pa kami at buo pa yung block namin. Nakakatuwa nga eh, we were simply having a block pic tapos nakita kami ng prof namin, tapos eto yung naganap:

ProfNamin:"Original Block ba to?"
Kami:"Opo.^^"
ProfNamin:"Sinong ORIENT niyo?"
Kami:"Kayo po!"
ProfNamin:"Ay! Yan sige Picture tayo!"


At yung picture na yun ay yung nasa kaliwa. Madami pang nanyari, astig nung concert nung gabi. Hale bored me..pero at least napanood ko yung sugarfree live, tapos ang angas nung mga MechEng na mga prof na nag-Old School Rock..tapos benta ako dun sa isang prof ng chem eng, talbog silang lahat na nagsasayaw dun! May fireworks pa nung gabi, grabe ang big time talaga. Mga 11:30 ng gabi na natapos, tapos may make-up class pa kami ng 8 kinabukasan sa COCIRFU. Ang galing no?

2.HABITAT FOR HUMANITY - Gumawa kami diyan ng bahay para sa community service namin nung relstri. Isang araw lang kami gumawa kasi sa Home for the Dying and the Destitute yung isang sabado namin. (La kong picture kasi bawal kumuha). Buti nalang talaga hindi maaraw, masarap mag-trabaho. Pinagawa kami ng drainage, kaya kailangan naming mag-pala, piko, at maglipat ng dumi sa kabilang street. Masaya siya, hindi mo iniinda yung pagod kasi marami kang kasama tapos naggagaguhan kayo dun. Masaya siya grabe.^^

3.PROJECT+QUIZ+FINALS = NGARAG at WALANG TULOG - Yan ang mga itsura ng mga estudyanteng nag-kukumahog sa STRC at gumagawa ng project. Yeah, we're rushing, and panicking and all that, but it was fun in a way because you get to bond with your batchmates while waiting for the FeCl to eat your PCB's copper. You're also relieved dahil meron karing mga kasamang nagkukumahog. Nakakausap mo yung mga ka-batch mong hindi mo nakakausap dati. Tapos habang ginagawa namin yan, may mga quiz kami..mga hindi pa kami aral...hehe..masaya yan pramis. Tapos by this time hindi ko alam kung pasado kami or hinde.

4.Making Enemies out of your friends - 'Nuff said.

5.Rigodon ng mga Samahan - Siyempre, hindi naman maiiwasan yan every term, kasi sa kasawiang palad may mga bumabagsak, or some problems on relationships (Note:not related to love). New faces are showing up in our tambayans, and we get to discover new people, and knowing new people, siyempre may mga dalang chizmaks yung mga yan.hahahaha:D

6.Analcom,Cocirfu,MOBOT,RADIO - 'Nuff said #2.


Madami pa yan, hindi ko lang talaga ma-account sa sobrang dami ng nanyari ngayon term.

==============================


Gusto ko lang idagdag...birthday kahapong nga mga troika people na si Crissy at Tina. Nilibre nila kami sa glorietta! Asteeg! Pero ang mas astig pa, nag-kataong may FREE CONCERT ng P.A.R.I.! Siyete! ANG GALEENG TALAGA NG UP DHARMA DOWN! Picture nila yang nasa taas..bad trip hindi ako maka-lapit kasi may barrier. IDOL KO NA SILA..hehe...tapos meron narin akong EMBRACE ng Urbandub! hehe...sa wakassss!

Napanood ko rin yung MTV Homecoming Featuring Aia De Leon ng Imago. Sa St.Scho pala yun nag-high school! Ang astig! Teacher na yung mga naging teacher ko..si Mrs.Isidro, sina Ms. Bucad..tapos yung picture sa taas (na kinuhanan ko sa TV), sa music room ng St.Scho yan. Tapos meron ding binigay na shirt sa kanya, nakalagay KULASA AKO....gusto ko yung Shirt na yuN!!!!

Thursday, November 17, 2005

Kay bilis (x-posted ulit..eheheeh)

Wala lang, pumapatay nanaman ng oras, na dapat ginagamit kong pang-aral or pang-tulog..tsktsk...tapos sisisihin ko sarili ko kung bakit ako bumabagsak..hay..

So yun. Its really weird hearing lower batches screaming here..."Siyetttt...hindi ko nakuha yung dream sched ko"..."or...nakuha mo ba to", or "anong section mo..?"...things like that. Somehow, I feel really old. Ang tanda ko na. I remember when me and my friends trek different internet cafes so that we chould enroll in the same sections. Sabay-sabay kami mag-eenroll...tapos tinatawanan yung mga hindi maka-pasok sa ganitong section...which is ginagawan ng paraan sa adjustment. Ngayon, hindi na ganun. Hiwa-hiwalay na kami ng enrollment dates dahil sa priority enrollment. 2 nalang kaming nag-eenroll ngayon ng mauuna, tapos siyempre, may mga bagong issues na kaming iniisip ngayon. Dapat umiwas sa mga powerhouse ng batch (hehe..medyo allergic ang mga tao sa kanila...lolz:P), we also have to make sure to enroll in sections where our other (unfortunate) friends can enroll. Tapos anak ng pating, Methods of Research for ECE students na kami...tama yan. Feeling ko talaga napaka-tanda na namin. Sumasalpak na sa muhka ko na THIRD YEAR KA NA, ISANG TERM NALANG THESIS KA NA....I'm already hearing the term THESIS often, from people looking for thesis mates...to casual conversations..to what ifs. Ewan ko lang, medyo takot kasi ako sa thesis eh. Its not that I don't have thesismates...actually nag-usap-usap na kami..as usual, silang tatlo ang kasama ko..and i'm thankful na meron. Pero its scary, hindi pa naman sigurado eh, paano pag-bumagsak ako, may kailangan pa akong kunin na subjects para sure na, pero paano pag bumagsak ako sa isang subject..na sana hindi naman manyari. I'm also scared of the actual THESIS, I'm still having doubts if we could do something that big. (Haha, walang tiwala sa sarili)

It seems like yesterday na sinasabi ko na bakit ko ba sinadlak ang sarili ko sa course na to, tapos ngayon, third year na ako. Parang noong pinaka-una kong electronics subject (ELCIONE), i'm having doubts kung pang-ECE talaga ako, tapos next term, kukunin ko na ang pinaka-huli kong electronics subject (INDELIN). Tignan mo nga naman ang buhay. Parang noong 2003 lang, kaka-LPEP niyo palang, at kumukuha palang kayo ng Calculus subjects, tapos ang dami niyo pa, ngayon, pati upper and lower batches ka-tropa mo na kasi sobrang konti nalang kayo. Yung iba, nasa ibang bansa na, yung iba sa ibang school, sa ibang course, sa ibang bundok. Hindi na pipitsuging subjects yung mga kinukuha mo...yung mga kabarkada mo sa ibang college nag-thethesis na...may mga boyfriend na...

Ang bilis ng buhay.
Nakaka-overwhelm.

Monday, October 31, 2005

Weeh~~~uber long weekend^^

Tagal ko na palang hindi nagpopost dito...kalahating buwan na...hehe..la lang^^ Ang hirap pala ng walang internet...este..walang telepono. Paano kasi bigla nalang nawalan ng dial tone yung telepono namin, eh ang PLDT sampung taon pa bago dumating pag-tinawagan niyo...haha, hindi makapag-ragna ang kapatid ko..mwahahahahahhaha(Evil Laugh >:D)..

--------------------------------------------

Ang boring ng long weekend na to. Hindi ko alam kung kelan kami pupunta sa sementeryo kasi napaka-undecided ng mga tao sa kabilang bahay..(or kung gusto niyo ng mas sosy na version, main house)..wala naman akong magawa dito. Nagpapataba lang ako lalo na't may dumating na mga balikbayan galing kena-duh...(daming tsokolateh~~~). Nood nood ng TV, nagpapaka-adeek sa Initial D Fourth Stage (kahit abnoy ang dubbing)..nagiging tolerable na nga yung dubbing eh...kasi sobrang nagagandahan ako sa series..kahit si Angel Loks-sin pa si Kyoko,o di kaya Sosing bulol pa si Takumi, wala nang kaso yun! Kahit pangit ang drawing...wala paring kaso yun~~~ Gusto ko na tuloy paanoorin yung First stage, heck, pati yung live action movie (na si Jay Chou ang bida) gusto ko ng DVD...mwahahaha...bagong ka-aadikan nanaman to. Pero I wouldn't bother with the technical parts of the series (yung mga kotse at yung mga drifting techniques)..pupurol lang utak ko dun^^

------------------------------------------

Nagsimula na akong mag-accept ng job orders para gumawa ng mga powerpoint presentations kasi mayabang ako. Pero seryoso, nakakataba ng puso at nakakalaki ng ulo yung mga kwento sakin ng mga tinulungan kong gumawa ng presentations habang nagpre-present sila...yung mga nagiging reactions ng class nila, at reactions nung mga prof^^ Malay ko ba kung totoo yung mga kwento na yun..pero nakaka-yabang siya..(haha) Hindi ko nga alam kung magkano ang i-ccharge ko eh...usually pang-lunch lang..(mga 60)...hindi ko alam kung cheap, or mahal yun..(kasi iba-iba sila ng opinion)...pero wala paring pumapatol sa offer ko...haha....better yet..dapat itigil ko na tong kahibangan ko at mag-tetest na...may exam kami sa 7 sa ADVELIN. (Hinde pa ako nag AARALLLLL!!!!) Imbis na gumawa ako ng powerpoint...ay dapat nag-aaral nalang ako..kaya pinag-iisipan ko kung itutuloy ko tong bagong kalokohan ko...hmm....

Yung pinaka-huling gawa ko nasa kanan...wala lang..->->

Saturday, October 15, 2005

Halfway through

...the exams that is. I've taken 2/4 quiz one's, and fortunately, passed one of them despite the usual katangahans along the way (sabit tsong). There's a THERMOD quiz on Tuesday, and a very MAJOR one on Friday (that will have to be COCIRFU). Yah, so I'm taking a break this erm..early morning because my brother wouldn't let me use the PC...kupal, nagraragna kasi.

------

Its been a busy, and bizzare week. First, there were two quiz ones' on both ends of the week, and Tuesday was LEAP day. LEAP day = Alternative Class day. Also this week, lahat ng tao sa engineering may sakit. Ako may sakit, yung isang friend ko may sipon/sinusitis/allergycolitis/whatever, yung isa may trangkaso, and he was annoying all the while he was sick....langya. Yung mga nakakasalubong ko sa hallway may sakit, pati tatay ko may sakit, probably because of the weather we're having.

-------

Naka-enroll ako sa Japanese Calligraphy noong LEAP. Pagpasok ko nga nagkamali pa ako nang room, naman kasi eh, sabi sa original schedule M410 daw eh. Nalaman ko lang na nasa maling class ako (kasi origami class yun) nung pinasa na yung attendance sheet. Buti pala maagang nagpa-attendance kundi yari ako. Sponsored siya ng NKK...hiya nga ako eh...ito na nga lang ang attendan kong org activity, sa LEAP pa. (wala talaga akong kwentang member). Ako lang mag-isa kasi mas pinili ng mga taong mag-korean (bahala sila, jap ako..mwehehehe).

Siyempre, bago ka matuto ng calligraphy, dapat alam mo muna kung paano magsulat ng characters. Hiragana tsaka Katakana chart yang nasa kaliwa. La pang kanji..(asa..hehe)..yung nagturo sami exchange student, Hanako pangalan. Okay lang naman, me kasama naman siyang assistant na taga-NKK. Natuto ako kung paano magsulat ng pangalan ko sa hiragana. Pasalamat ako sa mga magulang ko madali lang gawing nihongo yung pangalan ko kasi walang d,p,b,j...hindi ko na kailangan lagyan ng tenten at maru (mga special characters po ito, parang mga punctuation marks) at kung ano pang chuva yung mga characters para ma-vary yung tunog mga kataga. Masarap siyang aralin, ang tanong, kung may oras ba..(di hamak na mas urgent ang mag-aral ngayo ng protected mode addressing).

Eto naman sa kanan, yung calligraphy paper tsaka brush..binabaso pa nung mga facilitator yung ink. Pinagkagastusan talaga, ika nga ng katabi ko. Ang astig ng papel, para siyang filter paper sa laboratory (sarap i-uwi), yung isang side coarse, yung isang side smooth. Magsusulat ka daw dapat sa smooth side. Tapos dapat concentrated tsaka tahimik. Yung position ng brush, diretso dapat. Sit straight, bawal naka-yuko, tapos yung elbow daw, a fist away from the table. Tapos sulat all the way kana.

Ito yung finished product. Calligraphy lang yung pinapagawa samin pero nilagyan ko narin ng art pambawi dun sa maling nasulat ko sa baba. Elise/Erisu dapat yun eh kaso na-mental lapse ako, maling character nasulat ko. Yung sa taas tamang hiragana na yan (well, sa tingin ko tama, paki correct kung mali) tapos yung Kanji character na tomo yung nasa gitna. Hindi napaliwanag kung ano yung ibig sabihin nung character na yan, kailangan ko pang i-google. Ibig sabihin niyan, companion. Gusto ko sanang ipa-frame eh, kaso muhkang hanggan ref nalang ata namin yan. Awwww...

Thursday, October 13, 2005

got this from someone's blog

10 Years Ago, I...
1. was so fascinated with Sailor moon that I joined the fan club
2. wanted to be a volcanologist and replace Ricardo Punongbayan.
3. wasted trees drawing anime characters and writing cheezy stories that mixed Ranma 1/2 and Marimar characters...(weird isn't it?)

5 Years Ago, I...
1. 2nd year student at St.Scho
2. was "Auti."
3. declared that I was an otaku.
4. had a crush on Quatre Raberba Winner(hahahaha_

3 Years Ago, I...
1. was a hs senior sa St. Scho
2. became a part of Tapat ng Troika Congregation
3. started to lose interest in Anime.
4. sinadlak ko ang sarili ko sa ECE dahil lahat ng entrance exam na kinuha ko, ECE ang nilagay kong course. Bwiset.

A Year Ago, I...
1. was still a regular student (oo, mayabang ako)
2. finally met friends I stucked to 'til today.
3. was starting to realize that I wasn't in the right course but still decided to go on anyway because a lot of money was spent on my tuition fee.
4. realize that everybody from high school have different lives now.
5. frequently listened to indie pinoy rock artist.


This Year, I...
1. fell off a jeepney.
2. am still a regular student.
3. started to listen to RnB.
4. celebrated my 18th birthday
5. realized that my favorite female artist was Mariah Carey.hehe(:P)

Yesterday, I...
1. had a very BAD cold.
2. slept early and woke up at 11pm, catching the 1st ep of MTV Get Hitched.
3. had chicken for dinner.

Today, I...
1. will cram for ANALCOM exams tommorrow.
2. am with my friend "assisting(kuno)" him in FEEDLAB.

Tomorrow I will...
1. have an exam in ANALCOM at V501
2. have to wake up early to read on protected-mode programming dahil may graded recitation bukas.
3. will have to download something for RELSTRI.

Monday, October 10, 2005

Break Muna

Sa prof namin sa Rels, The Lecture Notes folder is closed parin sa IVLE. Pwede bang paki-print nalang tapos inwanan na lang sa Miguel, pa-paxerox nalang namin. (mwehehe, as if naman nababasa niya to?)

-------------

Anong ginagawa ko at nagpost ako ng ganitong oras? As usual, break nanaman sa aral. Exam sa ADVELIN mamayang tanghali. Alam niyo nanaman siguro ang routine ko, at hindi ko na kailangang ulitin. Nag-net ako kasi nga dahil sa RELS, langya, folder is closed parin. (Mag yahoo groups nalang kayo sir!) Pangalawa, tinignan ko yung balitang pinalayas na daw si Sir Rono sa St. Scho

------------

May hiwagang nanyayari sa St.Scho since umalis ang batch namin. Muhkang naghihigpit ang admin for some reason. Unang rinig ko, nag-resign daw yung dalawa sa literature teachers namin, kasi daw, hindi gusto ng admin yung paraan ng pagtuturo nila. Masyado daw liberal ang mga topics na tinatalakay sa literature classes. Siyempre nagtaka ako,tsaka nalungkot din. Kahit na medyo tagilid ang pagtuturo ng math sa st.scho (which explains kung bakit ako hirap sa math...o ako lang yun? hehe)...bawing-bawi naman pagdating sa mga lit and english classes! I mean, that's what kulasas are known for diba? (kaya wala masyadong kulasa sa engineering..haha!)...kaya ganun ang mga kulasa dahil sa trademark na mga literature classes na maluluphet, yung mga tipong mageenjoy ka talaga kasi hindi lang siya lectures, may mga activities talaga. Tapos yung mga dini-discuss, Vagina Monologues, House of the Spirits..medyo liberal, pero yun yung dahilan kung bakit interesting ang mga literature classes sa St.Scho. San ka ba naman makaka-kita ng mga prof na nag-peperform ng music video sa harap mo? (Ms. Gisala and Ms. Dela Rosa...remeber?), San ka makakahanap ng literature class na tinuturan ka ng mga chants para mainlove sayo yung crush mo (in connection with the Middle Age literature topic, Canterbury Tales), wala, wala kang mahahanap na ganyan sa ibang eskwelahan! Tapos biglang tatanggalin, liberal daw?! Potah,Ano bang meron ngayon?

Tapos ngayon naman, na-fire daw si Sir Rono. Nyemas! Institusyon na yun sa Mataas na Paaralan ng Sta. Eskolastika ah! Tapos tatanggalin? Putcha, sino bang kumag ang naging admin at ganyan na ang mga nanyayari?! Sabi nga ng mga nag-comment dun sa LJ na binasa ko, hindi na st.scho ang st.scho pag wala si Sir Rono...sabi ko sa inyo eh, institusyon na yun. Kumbaga hindi mo pwedeng tawagin ang sarili mong kulasa kung hindi ka niya Na-Okray sa Debate Class. Bakit daw siya tinanggal? Liberal daw, Outspoken...anu ba yun?!

Tama nga si Crissy, Ano na bang nanyayari sa St.Scho? I mean, yung mga tipong bagay na nagpapa-st.scho sa St.Scho, tinatanggal? Eh di para mo naring binabaan yung standards ng english classes sa st.scho...nakakalungkot isipin, hindi na mararanasan ng mga lower batch kung gaano kasaya ang mga klase na yun...ano kayang susunod na manyayari?

Sunday, September 25, 2005

Sharing lang...^^


One usual weekend getaway to Glorietta, me and my friends were strolling along G2 and I found the thing on the left. Yes friends, Ito po ay Isang Pixy Stix!
Wala lang, masaya ako at nakakita ako niyan. Brings back memories of St. Scho Grade School. Kung nagtataka kayo kung ano ang pixy stix, ito po ay isang plastic tube na may lamang candy powder.^^ Yung nakikita niyo, ang haba niyan kasing haba ng baton ng majorette. Try niyo masarap.^^ hehe..

----------------------------------

I was fixing our bookshelf and realized that at least 80% of the books belong to me^^, meaning, isa talaga akong malaking bookworm. I think it has something to do with me coming from St.Scho kasi doon, tinatadtad ka nila sa pagbabasa, grade school palang (SRA anyone?).

Nagsimula yan sa Goosebumps at Ghost of Fear Street ni R.L.Stine, ang pinaka-lumang libro sa aking koleksyon. Nangongolekta ako ng Goosebumps noong grade 5 ako, eh yung mga kaklase kong kups, mahilig manghiram, tapos hindi na sinosoli, mga 20 na ata yung nabili kong libro, lima nalang ngayon! Bad trip nga eh, tapos yung mga Bring yourself goosebumps (hindi ako sigurado sa title sorry), walang natira!

So yun, nung grade 6 naman ako, nahilig ako sa romance novels (hindi yung Mills and Boon ah), yung mga tipong Judith McNaught, Jude Deveraux, Danielle Steel (pero hindi ako mahilig kay Danielle Steel), na ngayon, isa nalang din natira, dahil hiniram ng mga kaklase ko. Sinubukan ko rin magbasa ng mga Stephen King at Agatha Christie, hindi ko kinaya yung english, sayang lang pera ko. One time, dumaan kami ng college library, tapos nakita ko ang daming Judith McNaught, iniisip ko sana college nalang ako, kasi bawal kami pumasok sa library ng college eh. Dito rin ako nahilig sa Fear Street (R.L Stine Parin), yun yung talagang kinolekta ko hanggang Highschool, kaso wala na sa pilipinas eh, badtrip. Yun yung pinaka maraming libro sa koleksyon ko.

Noong high school naman, doon na ako bumanat ng mga hebigat na libro at author, kasi may Literature/Panitikan subjects na kami. Siyempre hindi mawawala ang mga high school staples na Ang Ibong Adarna (sino na nga ba nagsulat nun?), Florante at Laura, Noli Me Tangere at El Filibusterismo (na kinuha namin noong 3rd year, sabay),tapos dinagdagan pa ng Mga Ibong Madaragit. Sa literature naman, nagbasa kami ng House of the Spirits,To Kill a Mockingbird,tsaka God of Small Things. Noong una hindi ko na-enjoy yung pagbabasa, kasi nga under time pressure. For leisure reading naman, natuklasan ko sa library namin ang hiwaga ng Nancy Drew series, si Sidney Sheldon, at Mary Higgins Clark. Doon ko rin natuklasan si Bob Ong. Member din ako ng Page Turner's club noong highschool, pero hindi naman kami nagbabasa doon, `labo.

Yun, simula noong high school, i've been collecting books. Ngayon, medyo kaya na ng english ko sina Agatha Christie at Paulo Coelho. Through the years, nadevelop ang hilig ko sa pagbabasa..^^ Feeling ko yun nalang ang takas ko from all the engineering stuff that's coming my way. Bihira lang talaga sa eng ang mga mahihilig magbasa,usually mga babae ang mahihilig (bakit kaya?).

Reading is fun..^^ Siguro meron lang talagang mga taong sadyang tamad magbasa no?

Friday, September 16, 2005

Reviews Galore^^

Since I just came from a 2-week term break and the first week of classes, I had the chance to catch up on my reading *lyrics ng kanta yun ah* and watch some movies. Here are some things I could say about them..hehe^^

Eleven Minutes
Paulo Coelho
(c)2004,Harper Collins


I realized that I was still too young to read this book. Its not that I don't understand the plot completely, on the contrary, I enjoyed it^^. The theme basically is sex and love (Oo,sex.) and is expressed through the story of Maria a Brazilian prostitute in search of true love.

Kung iisipin mo, parang napaka-contradicting nun diba? Diyan nakikita ang henyo ni Paolo Coelho. Usually kasi, ang pakaka-portray sa mga prostitute yung tipong bayaran na biktima ng kahirapan, and usually, ang magiging reaction mo ay either awa, or iisipin mong madumi yung babaeng yun. Pero dito sa librong 'to, iba ang pagkakapresent sa bida, matalino (san ka nakakita ng prostitute na palapuntang library?), at lalong-lalo nang hindi biktima ng pakakataon. The Character CHOSE to be a prostitute in Switzerland,kahit pwede siyang maging maid or tindera nalang. Sobrang kakaiba yung presentation.

Yung isa pang ma-eelibs ka eh yung pagkaka-present ng sex, hindi siya in the context na bastusan, or yung typical na sex sa isang romance novel.
It was presented in a Philosophical sense. Eto yung isang linya..
If you love another person, you don't depend on the sex act in order to feel good. Those who live together and love each other need to adjust the hands of their clocks, with patience and perseverance, games and "theatrical representations", until they realize that making love is more than just an encounter, it is a genital "embrace"..

Para kasi sakin, mahirap ipresent ang sex sa paraang hindi bastusan at hindi cheezy. Not to mention you're placing it side by side with a theme such as love. Magaling yung pagkakagawa ng novel (malamang, Paolo Coelho eh.) But as I have said earlier, I was too young to read this book. Hindi ko siya ma-appreciate fully kasi feeling ko hindi siya pa siya applicable sakin. Another thing is that yun, medyo heavy sa puso kasi marami kang mapupulot na aral (para kang nagmarathon ng Fruits Basket) though yung mga aral na yun, hindi ko pa ma-aaply..^^

Angels and Demons
Dan Brown
(c)2000,Pocket Books


I shared the same opinion with the person whom I borrowed the book from. I think this one by Dan Brown is better than The Da Vinci Code.^^ The story is about Symbologist Robert Langdon's quest to save Vatican City from destruction brought about by an anti-christian group called the Illumunati. There were a lot of things similar to the Da Vinci Code, the calls received by the protagonist early in the morning, the protagonist pairing up with the Daughter of the first victim revealed in the story, the treasure hunt, the chase,Hindi ko alam kung nananadya ba yung author, yun nga naman yung nagdala sa kanya sa kasikatan.

I look at AnD as a spectacle. Spectacle kasi ang daming nanyayari, napaka-grandioso,sa Vatican pa nanyayari. It was much more exciting than Da Vinci Code in my opinion. It also had it share of shocking facts, though not as groundbreaking as DVC. There was a nice twist in the ending, astig na sana, pero yung ending looked like it was taken straight out of a teleserye. Nevertheless, the comment at the beginning of the book was true, it was Unputdownable, hell, I went shopping with my mom and still brought the book with me,hindi ko siya tinigilan hanggang alas-2 ng madaling araw. It was a nice read, but I can't help but compare it to his original work.

Azumi
Ryuhei Kitamura
(c)2003, Toho Company Ltd.


I was suprised when I recently learned that this movie made it to the prestigious Sundance Festival (in 2004). Not that it shouldn't be, wala lang, nagulat lang ako.

This was my first Samurai movie, so I don't know what to expect. Of course, for any samurai movie expect a lot of gore. And this movie didn't disappoint.Talsikan yung dugo, pugot na mga ulo, yah, that sort of gore. The movie, which was based on a Manga series by the way, revolves around the innocent-looking, but deadly, assassin Azumi whose mission, together with her childhood friends (who turns out to be assasins too) is to eliminate the feudal lords challenging the Tokugawa rule (I'm not sure if I remembered it correctly).

Kung ganito ba naman kaganda ang papatay sayo, bakit hindi? Aya Ueto as Azumi

The plot, Okay lang, its not your typical plot, so you wouldn't be bored. What bothers me though was the effects. Yung pag pinu-pugot yung ulo, bothered kasi ako dun sa dugo eh, halatang computer generated. Tapos the way Azumi moved during the fight scenes, I would've appreciated it more if they did it Hong Kong style,Yung mga tipong de-tali..but no, it was computer generated. Lessened the realism in the movie. Another thing that bothered me was the ending, it was so illogical (or maybe I was just confused...NAH!), I was literally shouting TA*&*NA PAANO NANYARI YON??!!, which was a big letdown (o ako lang talga yun), pero its not all that bad.

What wowed me was Azumi's fight scene with Bijomaru on the enemies' base. I wasn't expecting the camera angle, I mean the camera angle revolving lateral to the characters was already ordinary, but imagine placing the camera in a Ferris Wheel, where the characters are positioned smack in the middle of the ferris wheel, elibs ako grabe, ang galing nung idea. Astig din yung scene na kakalabanin ni Azumi ang isang buong batallion sa base ng kalaban. And she did it realistically! Kung baga pwede talagang manyari yung ganun. (Pero bad trip talaga yung ending eh.) The characters were very convincing, Aya Ueto looks innocent (as she should be),Bijomaru was literally, ermm..crazy...and he looks like a bishounen...hindi siya ganun ka-awkward. I can't help but notice that one of the characters looked like Buwi Meneses of Parokya ni Edgar.

The movie (erm, don't let the fact that its gory bother you) is something one could enjoy.^^ Its anything but boring, Pero medyo ma-bobother ka lang sa effects, kasi hindi siya ganun ka polished. Aside from that, go get a DVD copy.^^ I just borrowed mine, and I still need to pass it to someone.

The Dukes of Hazzard
Jay Chandrasekhar
(c)2005, Warner Bros.


To be honest, I watched this movie because of Jessica Simpson. I saw her music video and thought that she was going to do some serious ass-kicking in the movie. Little did I knew that I was going to be disappointed T_T.

The plot was simple, the revolves around the Dukes' quest to save the little quiet town of Hazzard from being turned into a strip mine by a wealthy businessman in their town. Since I haven't watched the first Dukes of Hazzard movie, I can't compare it with the original(But reviews were saying that it screwed the original). As I see it, the stunts were great!, the movie was filled with punchlines which makes the movie fun all in all.^^ I was disappointed though, with Jessica's role (as Daisy Duke), all she did was attract attention then her cousins (the protagonists Bo and Luke played by Sean William Scott and Johnny Knoxville respectively) take action. Pa-sexy lang yung ginawa niya sa movie, I mean, yun lang ba talaga yung gawain niya?..

You cannot find any serious points for you to ponder on in the movie (except Environmental Awareness siguro), because the movie was not meant that to be that way (I think ^_^), I think it was just meant to be taken as a fun movie^^ at Nag-enjoy naman kami ng mga kaibigan ko^^

-END of reviews^^v-

----------------------------------------------------------------------------

So the first days have come and gone, tapos na ang first week ng klase. At this point, its time to get serious. Somehow, I feel overwhelmed by this term because I'm taking up subjects which I thought I'll never take up. Parang nung first year pinapangarap lang namin yung mga subjects na yun, tapos ngayon,we're actually attending these classes. Two subjects, CoCirFu (Comuputer Circuits Fundamentals) and its laboratory counterpart, CoCirLa, scares me the most because the subjects are way out of my league. Generally, the subjects are about Microprocessors and Interfacing with Input/Output devices. By the end of the term, you probably know how much your PC technician knows about what's inside your CPU. The professors were like talking in Alien Tongues, I couldn't understand a thing they were saying T_T. The quote, "what you don't know, won't hurt you" is definitely not applicable here (hehe).^^

Sunday, September 11, 2005

Leaving you with some USEFUL links~~!

A new term will start tommorrow..^^ So I'm posting some ramblings here, because I won't be able to post for 3 months again. Next time i'll be posting I have a new layout, or it will be the end of another term.

====================================

This summer, I just realized how much of a Music/Manga junkie I am. I'm up until 2 am either downloading songs or Manga. Halos baligtarin ko na ang buong World Wide Web kakahanap ng mga kanta at Manga. Lahat na ata ng yahoo groups, forums at sites nagpamember na ako, para lang makadownload ng Manga at Kanta.

Since time immemmorial, my quest was to find a certain mp3 and complete a Manga series. It was Butterfly Carnival by Sandwich.

After searching the whole WWW for songs (both OPM,Foreign Punk/Rock,Jpop/rock), these are the useful links that I've come up with.^^ Para dun sa mga hindi pa nakaka-alam:

Bom's Recommended mp3 sites:
soundclick.com - Forget Tristancafe and FiestaMundo! If you're desperately looking for OPM mp3s, try checking this site out. You have to be a member though. I highly recommend it, because you could find some hard to find OPM mp3s there. Cheese, Sandwich, Chicosci, Wolfgang, The Late Isabel, Stonefree, basta sikat na OPM song, meron. It was suppose to be a site for indie bands to expose themselves, but some users use it to host mp3s.Haha, ang mga pinoy talaga.

opm_mp3s LJ community - If you just happen to have a LiveJournal account, just follow some easy steps and join the community. They're posting Yousendit/Rapidshare links for mp3s downloads. Of course, there's this disadvantage of using Yousendit links, it expires.

regnyouth.com - Discovered this link through the pinoyrock yahoo!groups. Its a music blog that has A LOT of mp3 albums online! Seryoso, sa sobrang dami, malulula ka. Ayos to pag naghahanap ka ng mga kantang foreign. Mapa-rock, RnB, world music, hiphop, pop, lahat meron.. There are also some useful articles to help you in your quest for finding that darn mp3.
Useful yung searching google for music na article

PunkMusic101 - Another music blog for punk rock junkies out there. Has links to different songs from Finch, Taking Back Sunday, My Chemical Romance, Halifaxx, Funeral for a Friend and The Ataris to name a few. Some of the links are inactive though.

Gendou Anime Musicand minglong - A recommendation from a friend.^^ If you're looking anime mp3s, punta lang kayo diyan. Marami diyan. Pero feeling ko lahat naman ata ng anime mp3 hunters, alam na yan eh..

Play it Loud! - Listahan ng mp3 rotation sites. Usually has Jpop/KPop/Cpop/Asian music rotation sites.^^

Yun lang muna, so far, I've downloaded songs from these sites. Hope this helps!^^ Kung may maiirerecommend kayo, sabihin niyo lang..^^, comment kayo sa baba^^

===============================================

Now...if only this was the same case as Fruits Basket manga. Para talaga akong adeek na naghahanap ng shabu this summer because of that Manga. I have yet to master the art of downloading from miRC and bittorrent..(I know they are great resouces just waiting to be discovered). Sadly, all my resources have closed down (because the series was licensed!>___<), someone was messing up with the email accounts of the mangahosterz yahoo groups, stoptazmo.com is always offline...eerrrrghhh...

===============================================

Tommorrow, I'll learn if I have mad peacemaker skillz. *wink* hahah...^^v

Saturday, September 10, 2005

Interesting Quiz

I was suppose to post a review of Azumi and write something about the movie we watched (e.g. ->Dukes of Hazzard) but I was lazy looking for pictures so I'm posting this instead.^^

"...Take your mp3 player. Put it on shuffle mode. The first song is the answer to the first question. The second song to the second question, and so on..."

I really had a hard time, because some of the songs are in Japanese. Hellow! Dehins ako nakaka intindi ng Jap tsong.

What do you think of me?
Takui - Saraba Matenro no Fairy Tale

Here's the lyrics:
Let's continue to betray and deceive / We don't need any compassion / I want to sing our scars open...

hmm..., so traydor talaga ako...huhuhuhuhhhu...>__<

Will I have a happy life?
Narda - Crime Fighting

Is living a life of fighting crime happy? Siguro.^^ Baka sa National Telecommunications Commission ako magtratrabaho..di kaya sa NBI..hehe:P

What do my friends really think of me?
Slapshock - Bleed

Lyrics (Well, at least the things I understand from the song anyway)
"..Let this m**fcuking love(?) go...because somethings wrong here..

Okay, wala akong ma-pick-up dun. Slapshock.com doesn't have the lyrics. Tama yan!

Do people secretly lust after me?
The Ambassadors - A Thousand Reasons

Lyrics:
"...so here I am/ saying sorry..."

Meron siguro? haha...and they're sorry for it..mweheheh:P

How can I make myself happy?
Michael Buble - Sway
Haha! That's Simple. I could make myself happy by dancing..with someone(?) hehe..

What should I do with my life?
TM Revolution - Destined For
Pursue the thing that I'm destined for? (Hindi ako makahanap ng translation!)

Why must life be so full of pain?
Noir Soundtrack - Coppelia no Hitsugi

Lyrics:
People are tired of dancing / Where does this mechanical life lead?

..dahil napapagod ang tao? Ewan..hehe

How can I maximize my pleasure during sex?
Barbie's Cradle - Shiny Red Balloon

Lyrics:
"...A shiny red balloon/Destroys Everything..

...Iwasan ang istorbo! Hahahahahahahhaha (LOLZ!)
From Robbie: Huwag daw mag-condom...oo nga no..didn't think of that..haha!

Will I ever have children?
Finch - Bury Me

Lyrics:
"..take these arms/ and bury me/ somewhere that I can't see your face..(?)"
Meron? I guess?

Will I die happy?
Sugarfree - TummyAche

Mamamtay ako sa sakit ng tiyan, so siguro hinde^^

Can you give me some advice?
Ayumi Hamasaki - A Song for XX

Lyrics:
"..I thought I was born alone and I would live by Myself / I thought this kind of life was normal/ Until I met you..."

Ang advice? Everybody is meant for someone..hehe..^^

What do you think happiness is?
Dicta License - Duct Tape

Lyrics:
Masyadong mabilis para habulin. But it was something about silence.

What's my favorite fetish?
Sponge Cola - Saturn

My favorite fetish -> "..i'll see Saturn through a Telescope.."
Telescopes?

Benta ako sa shiny red balloon.^^

Monday, September 05, 2005

6 days to go

..at lagarian nanaman to. Pasok nanaman ulit. Pero bago yun, siyempre, praktis muna ng pwedeng manyari pagkatapos grumaduate, magpagka-bum. Hehe, kain, tulog, nood tv, ps2, PC hanggang madaling araw.

Specifically:
1.Download ng Fruits Basket..(hindi ako maka-download ngayon,cannot find server daw, letse..)
2.Nood ng Naruto DVD (Naka-delehensya ako kay e-kyub na dinelehensya niya rin sa kaklase niya..mwehehehe)
Marami pa akong naka-line up dito para panoorin: Azumi DVD tsaka huling episode ng Weiss Kreuz Gluhen
3.Tapusin ang Suikoden IV (para masoli ko na sa may-ari..hehe, kakatamad kasing mag-level up eh!Waaaahhh)
4.Lakad Usually sa Glorietta, pero gusto ko talagang maka-rating dun sa may Congressional Ave. na tindahan, kaso wala akong oras (at pera..mweheheh).
5.The usual kain at tulog. Mwehehehehe..

-------------------------------------------------------

Aalis na ang isa kong kaibigan papuntang Japan bukas. Wala lang, siyempre hindi mo maiiwasang malungkot, kasi yun nga, isang taon din siyang mawawala. Hindi ko pa naman siya masyadong nakakausap. Pero siyempre, natutuwa din, kasi kahit papaano meron naring na-acheive sa mga goals niya. Haha, inggit nga ako eh^^...Kung nababasa mo to...Doble Ingat! hehe..kaya mo yan...^^

Thursday, September 01, 2005

The Aftermath

'Told you i'll be editing this entry...^^V So yesterday, I received my course cards and luckily passed all my subjects! eheheheh...I'm still a regular student (NYETA REGULAR PARIN AKO...MWAHAHAHAHAHHAHA..yabang >__<) which means I could still take advantage of priority enrollment *That's the only thing that's nice about being a regular sudent.* My mom texted from work saying that I should go to mass today to say thanks..guess I'll do just that..later at 6. Prayers do work, as they say...My friend called and said he prayed 4 decades of the rosary so that he'll pass, guess what...he did!

=============================================

What I did today..ermm, I performed the scratch-paper-creation ritual and created scratch papers out of laboratory reports (and there were sure plenty of them, we had 5 laboratory subjects).I blogged about this ritual before, so for those who read my past entries (meron nga ba?), you probably know what I'm talking about. I also gathered all of my handouts and placed them in seperate boxes, gathered my notebooks and placed them in a paperbag, emptied my filecases of quizzes and threw them all away (except the questionaires, which are also placed in the same box together with the handouts) and fixed my books. Yeah, I am OC with my things, too bad I'm not like that with myself.

It sure felt good, keeping, boxing and throwing things knowing that you're not going to use them for the time being.^__~

=============================================

I was searching the PC for files and found these pictures:

yearbuk

This is SSC HS'03 Yearbook looks like. A big, encyclopedia-sized hardbound book, sobrang bigat, pramis with a Under the Sea theme (who the hell decided that?). And this is where we got it:

reunion kuno

A reunion/merienda at Maryville in St.Scho. And this is were we, the Tapat ng Troika Congregation, sat:

TNTC table

And those who sat at this table, used to hang-out at this place when they were in High School

Image004

Eto yung hall sa Tapat ng Troika..kaya nga Tapat ng Troika Congregation ang tawag samin. Kami yung natambay diyan sa hallway na yan. We sat on the floor and we ate there during lunch and recess. The picture is dark because it was nearly evening when I took it.

Image005

And this was something new we saw at the High School Building. This is located at the garden infront of Troika Hall. Natakot kami,Kala namin may kulasang naka-upo talaga sa may garden, statwa lang pala!?

Tuesday, August 30, 2005

New Layout!!!!

Finally, the term is over and I had time to create this layout!^^ Nice! So for those of you whom I haven't linked yet, see if your names are on the sidebar..^^ If you wish to be linked, just say so in the tagboard, with the GREY smiley (hehe...i'm fond of grey..^^v)

Just noticed that my blog will be celebrating its 2nd birthday on Thursday (September 1)! 'Stig! Dalawang taon na pala ang blog ko. And so many things have changed...Two years ago I was still using the blogger default template and I didn't know a thing about creating a layout, ngayon, kita niyo naman, sarili ko nang gawa yan! Maybe someday I'll have my own domain (ASA! hehe..)

This was my first ever post on this blog:

Hmm...my first entry on my so-called 'blog'. I wonder...what does 'blog' mean anyway. Is it a acronym of some sort..or just a slang version of something..i Dunno...i can't even create a decent template. I'm using one of the templates the program provided.Sux.

Hmm...course card distribution is tommorrow.I hope i don't fail anything.

No. I have to think positive.

I WON'T fail anything


Angas, sino ba namang mag-aakala na parehas ang sitwasyon ko ngayon sa sitwasyon ko 2 years ago, a day before the course card...hehe^^

I think I will be able to post here more often..My plans for the break? I'll work on a collective...a place to dump all my fanlistings...medyo marunong na akong gumawa ng site eh (salamat sa FEEDCON)...^^ I also plan to go to the Bukswagen Experiments, a store selling indie cds and shirts in Congressional Ave., though I don't know how to get there..paturo nalang ako sa tatay ko..hehe^^

Sunday, August 21, 2005

Isang buwan...

..na rin akong hindi nag-ppost dito. Ganyan ka-hectic ang engineering. Ni hindi na ako maka-pag-post pag weekends. Nagpost lang ako kasi gusto ko munang mag-break sa aral ko. Finals na kasi namin sa lunes...(hanggang biyernes). Dalawang alanganing subjects ko. hehe..patay. Sana hindi ako ma-karne ng dalawang subject na yun, sayang naman kasi eh. Ma-dedelay ako ng isang term pag-hindi ko sinummer. Sa totoo lang, pagod na talaga ako. Andami kasing projects eh, sabayan pa ng mga lectures. Wala pa akong extra-curricular activities niyan ha.

Sa mga nag-lilink sakin na hindi ko pa nalilink, pasensya na ha. Wala kasing oras eh. Gusto ko sabay sabay na. Pag-nagpalit ako ng layout, dun, lahat kayo nandoon. Siguro mga sembreak ko na magagawa yun. Pagkatapos ng finals.

Ano pa ba, yun, naka-gawa ako ng site (project namin)..daan kayo. Yun lang. Daan kayong LJ ko.

Monday, July 25, 2005

yearbook rants

some friend of mine is being a prick right now.Anyway..

Yung yearbook. Binasa ko lahat ng entries sa baba ng iba't ibang mukha ng HS '03. Nga pala, opinyon ko to, alang aangal! kung may reklamo kayo, wala akong paki, blog ko to!
Mga obserbasyon:

Mga gasgas na linya
-She's really God's gift
-That's (insert name here)! sa dulo ng description
-She might be a snob but once you get to know her/jive with her..
-She's a really good friend once you get to know her..
-She's a kind, friendly person..
-Thanks (insert name here) for coming into our lives (WTF?!)

Mga frequently said "likes"
-Chocolate. Oo nga lahat naman ng tao mahilig sa tsokolate. Pero marami talagang tao ang mahilig sa tsokolate.
-Purple Hindi lang pala si Shuro ang mahilig sa purple. Maraming HS '03 ang mahilig sa purple.
-Alex Band Marami din akong na-encounter na entries na may pangalan ni Alex Band. Oo na pogi na siya.

Mga stand out na entries
-Yung kay Joan Cam at kay Karen Martin. Yung kay karen lang ya astig yun, yung kay Joan...ermmm....sabihin na nating na-entertain ako? wahehehehehehe...pramis hindi ko kinaya!

Mga general na obserbasyon
-Lahat ng tao sa 4S magagaling, at mayroon talaga silang sariling mundo. Kung hindi math at physics whiz, best debater. Anak ng pating, totoo ba yan? Tsaka parang sila-sila lang ang magkaka-kilala. Dahil siguro apat na taon din silang nag-bonding.
-Maraming Religious. Totoo nga namang sabi sa bibliya na pag-ika'y nanampalataya, huwag mong gayahin ang mga pariseo na bino-brodkast sa buong mundo na religious sila. Pero at least dapat makita mo sa mga pag-uugali nila na maka-diyos talaga sila. Mga isa't kalahati silang mga plastik. Hindi ko naman sila nilalahat, meron talaga akong mga kilalang mga maka-diyos talaga, at isinabubuhay yung mga pananampalataya nila...(that will be 2 on my list)...Maybe i'm just biased,kasi minsan plastik din naman ako at hindi ako mabuting kristiyano, but that's another story.
-Paulit-ulit yung mga description. Pramis, minsan, pare-parehas na mga salita yung ginagamit. Yung iba para maiba lang, mukhang kinuha pa sa thesarus, langya, Gregarious, sang lupalop ng mundo kinuha yun? Lahat nalang ng tao, kind, sweet, true friend, friend who will listen to you, oo na lahat tayo ganun.
-Parang binebenta yung mga tao. The descriptions make the student ideal. Langya, sana pwede mag-lagay ng mga kagaguhan doon. "Elise is a paranoid student na laging iniisip na pinagtritripan siya ng mga tao, its hard to make friends with her, siya ay mukhang gusgusin at may putok.."..parang ganun.
-Maraming tao gusto mag-doktor or lawyer. Sige mag-doktor kayong lahat, para walang kulasa sa engineering. Mwahahahahahah!
-Marami palang mga Mother Theresa sa batch namin. At hindi ako kasama dun. Masama ako eh. So sue me.
-Under the sea ang motif ng yearbook. Who the fuck decided that?
-Besides the pictures and the directories and the clubs, what else? Walang kalokohan sa yearbook. Extra stuff. Yun lang? Corny. Ang lakas kong mag-reklamo eh no? Kung gusto ko ng kalokohan, dapat nag-staffer ako ng PAX! Wakekeke..

----------------------

Tapos namin makuha yung yearook, nag-mcdo kami ni e_kyub. Natanong niya sakin kung ano bang mas gusto ko, college or high school? Sagot ko nung una: Di ko alam eh, bawa't isa kasi kanya kanyang kalokohan. What the yearbook made me realize? That i like college better. Bakit? I realize that I'm surrounded by REAL people in college, nakaka-baba nga lang ng morale kasi mas maraming matalino sayo (feeling matalino nga ako nung HS), pero at least totoo yung mga tao sa college, o sa eng, in particular. I felt that noong high school, ang mga tao, divided into strata, kanya-kanyang barkadahan, mga popu sa mga hindi popu, mga kikay sa hindi. Parang ang hirap maabot ng mga tao noong high school, sa harap mo nakangiti, pero tinatawanan ka na pala ng mga kabarkada sa likod. Parang mas tanggap ako ng mga tao ngayong college, noong high school hindi ko maramdaman na ganoon. Pakiramdam ko noong high school, lahat ng tao hinahamak ka. Pag iba ka, kakaiba ang tingin nila sayo. Mga isa't kalahating plastik, ika nga. Pero uulitin ko lang, hindi ko nilalahat. Siyempre nandyan ang TNTC, at mga dalawang dosenang totoong taong naencounter ko noong HS.

Ngayong college, malay ko ba, baka parehas din sila ng mga tao noong HS at hindi ko lang alam, pero at least hindi ko nararamdaman na ganoon. Hindi ko nararamdaman na plastik sila. Tsaka medyo mayabang na ako ngayong college eh..wahehehehe..tama ba yun? O baka biased lang ako kasi there's this grudge/insecurity/feeling-ko-pinagtritripan-ako-ng-buong-mundo-noong-highschool angle...WTF?...yun lang.

Friday, June 24, 2005

Mga bagay na you could learn from Manong Driver.

The DotA game ended in Surf Trip and the players were making bayad na so I decided to go home.It almost 9 o'clock pm na and so I made para the jeepney along taft near Yellow Cab. Walang tao in front so I rode sa harap. Maya-maya there's this smell, it smelled like alak. I make silip in the back and then there's this mama who looks like a taong grasa. And he's drunk! My God I felt I bit scared 'coz you know he might make wala-wala and make saksak me with his payong. But you know what the mamang driver was talking to the taong grasa, being patient I guess. The drunk tg dropped off at Quirino and I was relieved. I said to the mamang driver..

"Ma, nagbayad ba yun?"
The mamang driver didn't sagot me.
"Nakakatakot eh, baka mamaya saksakin tayo ng payong nun.." I said, pabiro
The mamang driver said..
"Matino namang kausap yung mama eh.."
"Di katulad ng ibang tao diyan, maayos nga yung itsura, bastos naman."
Ouch.
"Dapat sa mga ganyan kinakausap ng maayos. Kasi sasagutin ka naman niyan ng maayos eh. Yung ibang tao naiilang, gaya mo kanina diba? Naiilang ka.."
Oo nga.

I do not remember what I said and what the mamang driver said pagkatapos nun. Basta all I remembered that I was made pahiya by the mamang driver. Mabait naman yung mamang driver eh. Tinanong pa nga niya me kung saan ako baba. I told him to drop me off sa tapat ng PGH. Then I went home na.Grabeh whatta night...and it was raining really hard pa.

*****

Nahihiya ako sa sarili ko. I became something I loathe. Putsa, ako tong aasta asta na hindi ako konyo, tapos pinamuhka sakin nung mamang drayber na ganun ako. Para tuloy nag mukha akong makasariling konyo na galing ng La Salle, na walang ginawa kundi mandiri sa mga taong hindi niya ka-lebel. Iniisip ko takot lang ako nung gabing yun, pero hindi eh.

Siguro yung mama, anghel na pinadala ni lord para paalalahanan ako na magpahalaga sa kapwa ko. Pero tangina talaga, nahihiya ako sa sarili ko pramis.

Kung hindi niyo nagets yung entry sa taas, I was being sarcastic by the way.

Friday, June 17, 2005

hayy...naku...

...so finally 2 out of 5 exams are finished. There's another one on monday, but I'm not really in the mood to study right now. One of the two exams..is one hella BS...looks like the 3 I got from the past exam is making a comeback. And the professor doesn't seem to be generous with grades and partial points...and yeah, as the RO players say, ASA. The other exam, I was able to answer, but yeah, stupidity happens and shit.

Joined orgs today, nanhingi ako sa nanay ko ng pera XP. Yep orgs, besides joining our professional org, ECES, I joined NKK. Hehe, ang gastos no. Ganyan sa lasalle, lahat ng bagay may bayad. I've always wanted to join but for some reason I didn't. The thought of being active crossed my mind...but not on my professional org. I think I don't really love my course that well...wahehehe...panlagay din sa resume yan....

Joining our professional org ECES meant joining IECEP (Institute of Electronics and Communication Engineers of the Philippines)...someone said its compulsary so that we could take the board exams, have connections, etc and all those sales pitch. 150 membership fee...langya kurakot. I'm really reluctant to join because I'm really not sure about my future yet. Am I really going to be an ECEngineer after I graduate? Will I even Graduate in the first place? What if I got kicked out before I reached immortality and pursue a Multimedia Arts career instead...(something I really like to do,I think, for now)...and then I find myself a member of IECEP. Parang inuunahan mo na yung kinabukasan eh.

Somehow, I do not see myself becoming an ECEngineer. What keeps me going is that I took a lot of engineering units already, and I'll be wasting my parent's only money if I screwed up my academics now. Nandito na rin lang ako, Panindigan ko na.

Speaking of la salle....ba't wala ang lasalle ng ganito?. All they did to welcome the froshies was a lousy concert during U-break...with a popular alternative band that we've all heard before. Sana mag-karoon ulit ng rockology sa La Salle.

FETE DE LA MUSIQUE is tommorrow. Gusto kong pumunta!!!!!!!!!!

Kaso may test. At sira ang A:/ drive ko. Bad trip.
link

Tuesday, June 07, 2005

Tenshun.

Tenshun. Bigay galang ako sa mga taong nag-cocomputer science. Sa mga programmer. At hindi na ako magtataka kung bakit mayaman si Bill Gates.

Bakit ba may mga taong sadyang matalino. Gaya ng mga programmers. Dati kasi pag sinabi mong programming, medyo ang dating sakin no big deal. Pero letse, ngayong kuma-comeback nanaman ang programming (using C language), nagmumukha nanaman akong bobo. Kami ng mga kaklase ko.

Pasahan diskette. Pasahan program. Its cheating, I know. Pero putek, eto nanaman yung isa sa mga bagay na may tagline na "its either you have it, or you don't." May mga sadyang talentado lang pagdating sa programming. Sino ba namang gusto mangopya ng program? Wala siguro.

I feel degraded and inferior. Ba't ba kasi may mga taong talentado sa programming. Nak ng tinapa...

Monday, May 30, 2005

And so the classes start...

We started last week, nothing really big happened during the first week, Parokya ni Edgar came to school (escorted by some policemen, bigtime!), and I got my attention called by a prof because I was smiling (WTF?!).

What's up for this term? Hard subjects, as usual, but this time I have to face them alone. Alone in the sense that my friends are all on the same block and I got seperated from them because of the stupid prio-non-prio enrollment system. All the subjects that I took up are all coming together in one big hodgepodge and I had to recall all those past lessons.

Maybe i'm just not used to not having friends with me in my subjects. And this is the term that I just have to get used to it, there is nothing that I can do. At least matino and schedule ko, at may mga kasama pa naman ako sa lab. I also have to get used to the sight of an empty, frosh-occupied tambayan, people have other priorities these days: orgs to attend to, studies, dotA, different schedules, other set of friends.

The coming terms are not as lively as the past terms, probably because things (acads) are to be taken more seriously from now on, or many people have woken up and thought that they are not in the right place and they have to bail themselves out.

As for me, I haven't woken up yet.

Wednesday, May 18, 2005

Nasabi ko na bang adeek ako?

I had to admit I am easily swayed by things...bakit? Madali akong ma-adeek. Anong kina-aadeekan ko ngayon? SUIKODEN IV for the PS2! Waaahhhhhhhh! Ako'y adeek sa Suikoden...wahehehehe...nalaro ko na kasi yung Suikoden III (Also for the PS2) dati...I enjoyed finding all 108 stars of destiny...(with the help of a guide though)..hindi ako ganun katiyaga mag-discover. I also enjoyed the story...unlike the Final Fantasy Series...HINDI SIYA CHEEZY. Ika nga ng Suikosource..."Suikoden involves human drama..."..friendship, betrayal,fate,love(medyo? puro hints lang eh), yaoi (ako lang yun. Walang yaoi sa Suikoden! Ahahahahaha)...serioso nakiki-sympatya talaga ako dun sa mga characters. Baliw na talaga ako no?...

Because of this, I remembered having a Suikoden game for the PS...I searched my CD rack...lo and behold I found it! Tuwang-tuwa talaga ako...nag-sisigaw ako sa bahay ng "Nahanap ko siya! Nahanap ko siya!"..Suikoden II. Dati kasi, I was too "panicky" to play games, yung tipong pag-na-game over na hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko na itutuloy yung laro. Maybe that's why it took me 4 years before I finished Final Fantasy VIII. So yun, hindi ko nalaro yung suikoden II ko noon. Buti nalang I took care na itago yung mga CDs sa bahay. Meant to be talaga yung pagbili ko sa bala na yun. Kasama siya dun sa mga libreng CDs na included sa PS unit ko.

Ngayon ang problema ko nalang, saan ako hahanap ng PS or PSone for that matter. I had one though my cousin broke it. Siyet, hihiramin nalang sisirain pa.

So right now I want a: PSone and a SUIKODEN (the original one) CD. It was released way back 1995 so I doubt if I could get a copy here. Asa pa ako. Pero libre namang mangarap.

Kung kelan talaga mag-papasukan...letch. That's it I'll join the fanlisting.

Saturday, May 07, 2005

2 weeks to go

At pasukan nanaman sa minamahal kong eskwelahan. Unlike other schools, maaga ang pasukan namin. Depende sa panahon kung matutuwa ako sa sitwasyon. Sa ngayon, natutuwa ako kasi titirik na ang aking mga mata dahil wala akong magawa sa bahay. Si Lola, nasa Leyte na. Ayokong gumastos dahil bibili pa ako ng t-shirt pang-pormaAhahahaha...charing!), kaya hindi ako maka-bili ng pwedeng magawa (Tulad ng bala ng Playstation). Mayroon na akong primer sa pag-pplantsa at hindi sa paglalaba, dahil nahihiya akong istorbohin yung naglalaba samin.

Pinagkaka-abalahan ko ngayon...tweaking with my Photoshop. Meron kasi akong na-discover na link sa mga malulupha-et na tutorials sa Photoshop. Napapaisip ako kung bakit nga ba akong nag-engineering, kasi mas interesado ako sa Graphic Design. Napapaisip ako kung dapat nag-multimedia arts nalang ako sa Benilde, or sa St.Scho. Now I'm considering taking up a second degree pag nagtratrabaho ako. Ayos yun, Engineer na Graphic Artist! San ka pa?! I could imagine myself quitting from an engineering position and presenting myself to the HR department to apply for a designer job. Sayang ang aral ko para sa board exams.

So anyway, I still have nothing to do.

Thursday, April 28, 2005

Nagbabagang Update..

joke lang.Ngayon lang ako nagpost kasi akala ko may mag-bobother magbasa nung mahaba kong entry. Pero asa pa ako.

Mga nagawa ko ngayong mga nakaraang araw/linggo:
-Nagawa ang una kong blog layout. Yep made it all by myself gamit ko photoshop at dreamweaver. Kung gusto niyong tignan punta kayo dito.
-#6 Ranking sa Need for Speed. At hindi pa ako marunong mag-drift. Maganda sana yung Mitsubishi Eclipse kaso ang bagal ang hirap paabutin ng gear 5. Pag drift kapatid ko pinaglalaro ko.
-Nakapunta akong Cartimar Recto. Refer to past post. Lang ya dun lang pala yung lugar na yon. In case na nagtataka kayo kung bakit ako nandoon, gusto ko kasing makabili ng mga cd na pirated na mahirap hanapin sa ibang lugar.
-Binasa yung libro ni Agatha Christie, The Moving Finger tsaka Man in the Brown Suit. Grade six ko siya binili, ngayon ko lang binasa. At hindi na ako magtataka kung bakit. British English hindi ko matake. Pero tinapos ko siya. Meron pa akong isang libro niya, wala pa akong balak basahin. Manigas siya.
-Binasa yung libro ni Nelson DeMille, The General's Daughter. Astig yung libro nakakatuwa siyang basahin. Literal na natatawa ako dun sa mga banat ni Pareng Nelson, pero don't get me wrong. Detective novel siya. Alam niyo naman ako, mahilig sa mga ganyan.
-One Piece, Naruto, Hajime No Ippo. Holy trinity ko sa Hapon. Pag lumabas sinisigurado kong makaka-uwi ako ng alas-singko. Nakakatuwa lang ngumiti si Luffy..hehehehe^^
-Tumambay sa Uste. Was supposed to be girl bonding, pero hindi pumot-si yung isa naming kasama. Ang ginawa namin ng mga barkada ni e-kyub,tumambay lang sa isa sa mga tambayan doon dahil pare-parehas kaming mga walang pera pang mall. Lolz umalis ako pa ng bahay tatambay rin lang pala ako.HAaha..Eto yung picture o....de joke lang.
-Sumama sa mga pinsan ko sa kanilang Job Hunting. At ang hirap mag-hanap ng trabaho! Siyete. Ngayon pa nga lang pinapakuha ako na ng Non-Pro Civil Service Exam.
-Kumain at Matulog ng Matino. Mga bagay na hindi ko nagawa ng 10 buwan.
-Magpagupit. Its totally short now. Init eh.

Wala akong pera. Wala akong magawa. Bored na ako. Gusto nang pumasok na hindi. Miss ko na mga tao sa La Salle. Kupal kapatid ko laging nag-raragnarok sarap burahin ng account niya sa PC. Wala akong naabutan sa YM. Ayokong mag-advance reading. Gusto kong gumala pero wala nga akong pera. Gusto kong pumunta ng Sarabia Optical sa UP. Gusto ko ng Sanwich Rockers t-shirt tsaka shirt ng typecast para bago ang porma sa pasukan. Pero wala akong Pera. Hindi nag-bblog ang mga tao ngayong summer. Dati araw-araw kung mag-update. Wala akong Pera. Alang nagyaya ng lakad. Nasabi ko na ba na wala akong pera?

Saturday, April 23, 2005

WAHOOOOO!!!

Finally! Naka-gawa narin ako ng sarili kong layout! Kahit medyo sabog yung code...nyehehehehe...astig ba? Sorry kung puro blue...lolzXD

Thursday, April 21, 2005

TRIP OBJECTIVE NO.1 - Acheived!

Nung una bad trip ako, kasi ginising ako ng 6:00 ng umaga para pumunta sa Ninang ko sa
Pag-ibig (Yung housing Corporation po). Anong time namin siya na-meet....mga 9:30 am lang naman. Nagising pa ako ng maaga. Yun na nga, yung Pag-ibig, located siya sa Atrium sa Makati, pati narin yung BIR.

atrium1

The Atruim of Makati. Mukhang big time no?

Okay na sana eh. Mangha na ako...astig na sana, eh biglang nagyaya sa C.R. yung mga kasama ko (Si Mama, Si Tita, yung Anak ni Tita, at yung daughter in law ni tita)...anak ng pating! Walang salamin yung CR...nakita ko plywood....mga government offices talaga...'alang budget...

Yun, bukod sa nakapag-mano ako sa ninang ko, sinamahan ko ang mga sanpips ko para mag-apply ng trabaho sa Pag-ibig. Siyempre inuna sila sa interview, kasi medyo matindi yung Backer nila (yung ninang ko). Ngayon ko lang talaga na-realize na TANG INA ANG HIRAP MAHIHIRAPAN AKONG MAGHANAP NG TRABAHO! Bukod sa wala akong backer, dahil ang aking pamilya ay walang kilala sa electronics field, at nung tumingin ako sa Classified ads sa dyaryo wala akong nakitang naghahanap ng ECE grads, at kung meron man, lalaki.AT BABAE AKO....siyete...natatakot na ako. Narealize ko rin na ang hirap mag-hanap ng trabaho sa pilipinas.

Pero ipag-patuloy natin ang kwento...pag-katapos namin kumain ay pumunta kami sa DBP service agency (nakalimutan ko yung pangalan) sa may tapat ng DBP building sa Makati Avenue. Para kaming mga tangang nagfi-fieldtrip kasi ang dami-dami namin! Sa mga job hunters diyan, kung balak niyong mag-trabaho sa government, pumunta kayo sa DBP. Yan ang agency ng mga government offices. Pero bago ka maging regular
kailangan mo muna ng Civil Service Exam.

Pagkatapos nun, mula makati, nag MRT-LRT ako at ang pinsan ko papuntang Carriedo. Layo no?

Kukuha kasi siya ng NBI at Transcript of Records sa City College of Manila. Sa NBI, kailangan pa siyang interviewhin kasi may kapangalan siya Estafadora (Kaya buti nalang Unique ang pangalan ko).

Nung pumunta akong CCM, isa lang ang masasabi ko, SALUDO AKO SA MGA ESTUDYANTE DON! Oo nga, libre siya, pero sa mga facilites, parang hindi ka talaga gaganahan mag-aral. No offense sa mga taga-CCM, pero nalulungkot ako sa mga nakita ko. Eto yung mga estudyanteng masisipag mag-aral (Scholar silang lahat mga tsong), at hindi nila deserve ang mga facilites na ganun. Hindi ko siya ma-describe..basta para siyang lumang office building nung panahon pa ni Marcos, na ginawang make-shift school. Yung mga classroom, parang mga dating opisina na nilagyan ng Blackboard at upuan, yung registrar's office, parang Accounting Office/Cashier ng mga nagoopisina, yung label nga ng registrar's office, computer printout lang, madilim, yung mga hagdanan nila, yung staircase ng typical office building, tapos yung mga elevator, hindi gumagana. Paano pag nagkasunog dun? Nakakaasar, wala talagang budget ang gobyerno para sa edukasyon. Kung kasing yaman lang ako nina Yuchengco, mag-dodonate talaga ako ng isang matinong building dun eh.

Tapos nun, pumunta na kami dito:

cartimar1

Cartimar Recto: PunkRock/Alternative/OPM cd heaven

Ngayong summer vacation, dalawang lugar ang gusto kong puntahan. Una: yung Sarabia Optical sa UP shopping Center. Pangalawa: Cartimar Recto. At naka-punta na ako sa Pangalawa! Yey!

Medyo mahaba yung nilakad namin (Mula Sta. Cruz hanggang Recto, ang layo!)..tapos nung una sinabi ko pa sa pinsan ko, "Ha? Eto na ba yun"...pero mukhang yun na nga. Maraming nagbebenta ng mga pankista gear sa sidewalk (i.e. : Black beads, black earrings, mga pouch na may mukha ni Che Guevarra, mga wristband na may marijuana at flag ng jamaica, mga tunnel earrings, mga bracelet, etc), tapos sa isang gilid, nandoon ang gold mine, YUNG MGA CD MISMO!

Taragis! Wala akong paki kung may mga mandudukot don! 3 for 100 ang mga CD..at hindi lang basta ang mga CD..mga Cd ng mga independent na banda, tsaka yung mga rock na hindi mo makita sa Tower Records! Hell they even have Coheed and Cambria and Mars Volta Cds! Kaya pala ang tawag dun:TOWER RECTO! Siyete..pag nagkataon, baka maging suki na ako dun.

Sayang ngalang hindi ako nakalibot at CD lang ang nabili ko dun. Dun nakabili ng mga astigin na Shirt yung ka-block ko eh.^^v

NEXT STOP: The UP SARABIA OPTICAL STORE and the newly opened store in Congressional Avenue named "The Bukswagen Experiments"...pero siyete, hindi ako marunong pumunta sa Congressional Avenue!

Now this would be easier if I had a Car.

CDs
cds

Mga merch na nauwi ko, 3 for 100

Friday, April 08, 2005

Finally

Yey! Finally i'm back. Hehe, after 3 final exams! Still 2 more to go...BASETRO and ELCITWO..dalawang mga matitindi na exam sa dalawang huling araw. Hindi na ako depressed masyado, medyo bad trip lang kasi...WALA AKONG BOSES mga kaibigan, tatlong araw na. Kaya lagi akong nababatuhan ng linyang.."San ang concert ha?"...letse para akong nagbibinata.Malala na kasi yung ubo ko. Hindi nga ako nakapag-aral ng matino eh. Mag-aaral ako 2 hours before the exam. San ka pa?

Ang hirap pala ng walang boses. Lalo na pag nag-cocommute ka. Dyahe mag-salita, imbes na sabihin mong makiki-abot ng bayad, kailangan mo pang kalabitin yung mga katabi mo, tapos magtataka sila kung bakit, sabay papakita mo sa kanila yung pamasahe mo, tapos iaabot na nila. Hindi ka pwede sumakay ng jeep na may padding yung bubong,kasi hindi ka pwede kumatok para pumara. Wala kang boses kaya hindi ka makakasigaw ng "PARA!", at ng, "SA TABI LANG PO!". Kung wala kang choice,at padded jeepney ang nasakyan mo, kailangan mong umupo sa strategic places, sa likod malapit sa driver, o sa harap sa tabi ng driver, para rinig yung namamalat mong boses. Kailangan sakto yung pamasahe mo, para hindi ka na tatanungin kung "SAAN PO BABABA?", patay kung ganun, kasi kahit sumigaw ka na, lalabas sayo, supot.

Mahirap pa pag gusto mong magsalita, kailangan mong isulat sa papel o di kaya itype sa celphone mo. HIndi ka maka-order, kasi nga wala kang boses. Hindi ka ma-gets nung mga kaklase mo, gusto mong mag-react pero hindi ka maka-react, hindi ka maka-pagexplain pag nagtatanung yung mga kaklase mo.

Kaya bilib din ako sa mga pipi eh. Ngayon ko lang naintindihan kung gaano kahalaga ang ating mga boses.

Monday, March 28, 2005

before studying..DUQ:SSS!

Sabihin niyo nang mga masama kaming katoliko, pero kapag ikaw ay eng na nag-aaral sa La Salle, ang Holy Week ay hindi panahon ng pagninilay kundi panahon ng pag-aaral. Biro mo ba naman, pagkatapos na pagkatapos ng easter sunday, bigla kang may quiz. Di lang isa kung maswerte ka 5 sunod-sunod! So much for meditating. Pero pag ikaw si Bom, walang aral-aral pag Good Friday, kahit mapa-10 quiz pa yan.

Abnormal siguro ako kasi ako lang ata ang may gusto ng Good Friday. Wala lang, tahimik kasi, magaganda yung mga pelikula sa mga local channels, o sige, MATINO yung mga pelikula sa local channels at walang tao sa kalsada, kasi lahat nag-bakasyon. Pero ang gusto ko talaga sa Good Friday, bukod sa mayroong Halo-Halo, ay yung bisita iglesia.

O sige, abnormal nanaman ulit ako, pero enjoy akong bumisita sa mga simbahan, sadly, hindi para mag-dasal ng dibdiban kundi dahil nakakapasyal ang lola niyo. Ngayon taon, bad trip lang kasi hindi kami nakadaan ng San Agustin Church, at hindi ko nakuhanan yung mga lapida sa loob mismo ng simbahan. Astig yon pramis, yung mga heading imbes na R.I.P nakalagay, S.L.N. pa! Old school mga tsong! Sinong makaka-hula kung anong ibig sabihin ng S.L.N?

Kung trip niyong tignan yung mga picture ng mga simbahan na pinuntahan ko, eto mga sampol:

SanSebastian04

Marami pa sa photostream chenes ko: dito o

Ba't akong ginanahan mag-post ngayon, kasi tinatamad akong mag-aral. Wala akong ginawa kahapon kundi mag-aral, tapos mag-aaral nanaman! Sawang-sawa na akoh! *Ate Guy impersonation*. Saka i'm getting my usual BECK fix, adeek eh. Para pampagana mag-aral ng ELCITWO q4.

cross posted to WKL

Saturday, March 12, 2005

I just realized that my blog stinks like shit right now. Sira ang tagboard, walang haloscan, at walang pumupunta. Magtataka paba ako kung bakit walang pumupunta, kasi hindi ko inuupdate! Naman kasi ang tagboard, sira lagi! Parang tanga. Yung haloscan ayaw gumana sa layout ko! Taragis..

Dahil sira ang tag-board, hindi ko na alam kung sinong mga nagpalit ng links, kung sinong nagdagdag sakin...putsa naman.

Sorry nalang talaga, kasi naman sa dami nang mga test hindi ko na maasikaso to. Dapat nga mag-aaral ako ngayon eh...break lang muna.

Baka sa summer, maayos ko na to. Mamonitor ko rin kung saan-saan ako sumali, at mauupdate ko na yung mga links ko. Pero for the meantime, eto lang ang magagawa ko.

Thursday, February 24, 2005

Hay..

Just as I promised,



Yep. I've already received the feared ELCITWO Quiz 1 paper, and in case you haven't noticed, I got a DAMN 3 out of 100. See, told ya I was older than my score.



The Quiz Booklet

It was as if my prayers were answered, I did not have to wait for long before i received my paper. And yes, it was a 3. 3...putsa, hindi man lang umabot ng line of 1. Of course my blockmates asked me for my score, i said, and without hesitation...

"3 ako"

"Line of 3?"

"Hinde, 3 lang seryoso."

Of course i could not help it. My voice was trembling a bit when I talked with my seatmates about their scores. The highest was a 68. The lowest in the batch, mine, I guess. It looked like the professor pitied my "Neat" quiz booklet and placed a 3, sayang naman ang tinta ng ballpen ko. But i did not allow myself to breakdown any further, ...emotional training, emotional preparation.... And then i got hold of myself. Everytime someone asks us for our scores, i would say, with a smile (not sarcastically), 3 LANG AKO! GALENG NO? LOWEST AKO SA BATCH! I guess i got over it, i did not feel too bad or down that day even though i got the lowest in the batch. I should not, because I still have a quiz that afternoon.


What went wrong?

I guess i kinda expected my score to be within that range right after i took ELCITWO quiz 1. I did not answer anything, i got too focused on part 2 (The part were i was given my 3 pts) because it was needed to solve part 3. I did not notice that there was a part 5. No points were given in part 4. I went home right after the quiz, I was almost in tears (read:ALMOST).

What went wrong? I did not solve problems beforehand. There was no time management.Did not examing the test paper carefully. Did not even write ANYTHING for partial points. Mental block. There was nobody else to blame, but myself.


What i did the afternoon after i took the ELCITWO quiz

I Slept. It was what E_kyub told me if ever there was something deeply bothering me. After I woke up, I still felt bad, REALLY BAD. I prayed seriously, watched TV, wrote about it, blogged about it, Ate, and i still could not keep it out of my head. I had to study for a quiz that evening, and i can't because of what i was feeling. I felt really bad because i was thinking, Tang ina, ako na ata ang lowest sa batch namin. Nakakahiya, Nakakahiya. Nasagutan nila, ako hindi. Ang bobo ko. Hindi ko ata kakayaning bumagsak. Hindi ako ganito, nakakahiya, nakakahiya. Mukhang irreg na ako..Mahirap nang bumawi

The next day, I sort of got over it. I was able to study for my examinations for that day.

Emotional preparation, WTF?

I did not feel all that bad. I dunno, maybe because I emoted way before the results were out. I kinda accepted it already. I did bad in the quiz, and there's no one else to blame but myself. I was anticipating the day that the results were given out, and how I was going to react my score. Tanggap ko na, bagsak ako. Lowest ako, at mas matanda ako sa score ko. Kaya huwag nang masyadong mag-eemote. Walang manyayari. Bawi nalang....kahit impossible

Of course, there is this factor where almost all of the class got VERY low scores, (even the sharp ones). At least, you wouldn't pity yourself too much. And of course, your friends who are trying their best to cheer you up. Weird thing though, when one of them tried to cheer me up, there is this lump that keeps popping in my throat. But still having friends to cheer you up are a lot of help. I guess i should be really thankful.

It also helps when you tell someone. I texted E_kyub and joke with Charlou about it.

And of course, writing about it in your blog...hehe...


What now?

The next quiz is on this Saturday. I should try to make up for my score, even though its kinda impossible since the coverage for the second exam is WAY TOO LONG, and i couldn't understand a thing as of writing. Bagsak ako o hindi sa ELCITWO, who knows. Bagsak kung bagsak, pasa kung pasa. There's nothing i could do with the 3, (except of course to write about it), all i could do is study, and try to do better in the next exam, and pray for a miracle to happen.

Kailangang Bumawi. Mahirap, pero kailangan.

*cross posted sa LJ

Saturday, February 05, 2005

Yan! Tapos ng matagal na panahon makakapagupdate narin ako!

Medyo lang kasi, sunod-sunod na yung mga test. Lahat ng subject test. Last week 3 ang test namin. Letse, kung hindi ka ba naman mapraning sa kaka-aral nun diba.

My latest frustration, yung test ko sa ELCITWO. Letse mas matanda pa ata ako sa score ko. Mahirap bumawi pag ganun, pero kaya!

I'll try to change my layout for the month of february, and make use of bloggers comment system if i can...if not, ill revert back to my haloscan again. Hope it works with my next layout. And luckily, come up with a better post.

Thanks for dropping by, *Nag-popost ako sa ingles, shet...* Sinabi ko na nga dati, madalas na ako sa LJ ko.

Thursday, January 06, 2005

Ang adjustment...

hindi ko alam kung paano to sa UP o sa ATENEO...basta ganito yan sa'min.

Sa kasamaang palad, nung nag-eenroll ako, nag-bug down yung internet connection sa cafe na pinuntahan namin ng mga ka-block ko. At nawalan ako ng isang laboratory subject, siya yung tipong pag nawala yung laboratory na yun, delayed ka na ng isang term. Regular ka nga, delayed ka naman! Siyempre hindi ako makakapayag nun diba?

Eh di punta ako sa adjustment para sa mga regular, noong Jan.4 (Tuesday). Nagsisign palang ng petition para magbukas ng bagong section nung laboratory na yun. Napakagaling naman kasi eh, gagawa lang ng section 2 pa! Di pa ginawang tatlo? Di nasayang ang pamasahe ko papuntang eskwelahan namin! Di bale, naka-pagpalit naman ako ng section.

Yung sa laboratory kong hindi nagbukas..kinabukasan ko daw aayusin, 10 ng umaga daw, bukas na daw yung section para sa laboratory, eh di papasukan ko mung yung klase ko bago yun. Pagkatapos, hindi pa daw bukas yung laboratory na section. Eh di tumambay muna kami ng mga kablock ko....na NAGING ISANG MALAKING PAGKAKAMALI! Buti nalang nagyaya siya na pumunta sa Opisina ng Vice Dean (kasi dun nagaadjust/nagpapalit ng section)..at ganitong kahabang pila ang tumambad samin!

Ang habaaah!

Fig. 1 Ang pilang nakakatense!

Pumila kami ng isang oras! At ang naabutan namin? Ang pagllunch break ng taga-Vice Deans office! Ang galing, mamimigay ng numbers (PILA numbers) ng 1:30. Ang dilemna(?), kung aalis kami sa pila, kasi lunch na nga, at hindi pa kami kumakain ng mga kablock ko. Pero sabi namin... Hindi, hindi tayo aalis dito! Mag-vivigil tayo!. At yun naman yung naging TAMANG desisyon namin! Naawa siguro yung taga-Vice dean at namigay ng numbers, kung hindi baka tumirik na ang mga mata namin sa gutom.

Pagkakain namin, pumila ulit kami nang isang oras. Inaantay namin na papasukin kami sa aircon office ng vice dean. Ang masama pa nun, may klase kami ng 2:30! Baka hindi kami makapasok sa class. Ang nakakabwiset pa, yung mga first batch na may numbers 50 above (mga hindi pumunta nung umaga) sila yung inuna. Eh di hintay to death naman kami. Pero sa wakas nakapasok narin kami, tapos may pila pa sa loob. Ang galing. Pero at least nakapasok na kami. Tuwang-tuwa ako ng maka-upo na ako sa booth ng STUDENT PERSONAL (?) ASSISTANT. Nakita ko narin sa wakas ang isa sa mga LEGENDARY persons sa College of Engineering..si Sir Apollo.

Magical Hands at work

Fig.2,Ang mahiwagang booth ni Apollo. Malabo yung kuha kasi pinakuha ko lang yan sa kaklase ko, kita pa yung daliri niya!

Tapos niyan, siyempre nakalock yung pinto dun sa front entrance kasi nga limited lang yung mga taong nakakapasok. At dumaan kami sa isang daan na minsan ka lang talaga makakadaan, ang mahiwagang shortcut papuntang velasco lobby.

Hagdanan

Fig.3, Ang mahiwagang hagdanan. Yan, kung kanina daliri niya, ngayon naman yung paa niya! Taragis!

Yung referral slip na binigay sayo ng vice dean, dadalhin mo sa accounting office. Biro mo, naka-check dun, RO (Registrar's Office) Supplies, yung isang papel na ipapaprint mo, SISENTA PESOS! Tapos yung adjustment fee, 200+, eh kasalanan ko bang mag-bug down yung computer ko...pero wala naman akong magagawa di ba?



Fig.4, Ang study hall na ginawang accounting office. Dalawang beses ako nag-antay sa mga benches na to para sa resibo

Pag nakuha mo na yung resibo mo dito, pupunta kana sa registrar ulit, at kukunin yung EAF mo.



Fig.5, Ang window 2 ng registrar's office. Siyempre, pila ulit

Eto nga pala yung EAF mo.



Fig.6, EAF, Sa wakas nakuha narin kita!

Yung EAF, enrollment assesment form. Dun mo makikita yung mga subject mo, tsaka kung magkano yung babayaran mo. At nandoon na yung maiwagang laboratory subject, ELTWOLA.
Hindi ko pa siya nababayaran, kasi nga hindi ko siya na-enrollan. Siyempre balik ako sa accounting office...para makuha ito.



Fig. 7, Resibo! Finally!

At yun ang istorya ng adjustment/late enrollment ko. At dahil yan sa adjustment na yan, 2 klase ang hindi ko napasukan! Ang galing diba. Pero atleast hindi na ako tanga adjustment.^^ Engineering student na ako! nyahahahahha