Monday, December 29, 2003

err...hello. Hindi ko po mapigilan ang sarili kong mag-internet dahil wala akong magawa. Err..actually tatalunin ko pa yung boss sa X-2 pero pakshit siya ang hirap niya. Bahala ka. Basta kailangan bago magpasukan makita ko yung ending ng X2...kahit hindi na 100% completed okay lang.

Nga pala, lumipat na po si Presea at may in-add ako na bagong links sa blog nina Ohtso at Yara. Ngayon lang po ako naka-pagupdate ng links kaya pasensya na po.

Err..kaya ako napa-internet originally dahil mag-hahanap ako ng font para sa campaign pin ni Shuro. Tatakbo ata sa pagkapresidente. Pero hindi ako naka-bili ng internet card at eto ako ngayon, sa internet cafe at hindi makapag-download ng font. Oh well.

Yep. Tama po ang dinig niyo...gumagawa ako ng pin. Pero yung design lang. Yung actual pin hindi ako gumagawa dahil wala akong kakayahan para gawin yaon. hehe..charing.

Err..ano pa ba..malapit lang mag-bukas ang tindahan/bigasan namin. Sana naman po ay hindi mabangkarote para maka-pagaral pa ako sa sobrang mahal na unibersidad na pinapasukan ko....^^v

Malapit na rin mag-new year. Masaya ang new year samin kasi may paagaw...makikita ko nananaman nagkakagulo sa barya ang buong angkan namin...yep...pati matanda nakikisali kaya hindi na bago na may madaganang mga bata. Not to mention masarap ang handaan pag new year at nakakatikim ako ng bagong drink sa panahong ito...yung matitikman ata ngayon ay yung vodka na may halong something....huwag ko nang batiin baka hindi pa matuloy.

Sino ditong naka-panood ng mga year enders ng iba't ibang station? Ako napanood ko yung sa GMA..yung Pulitika,Pelikula atbp. Wala lang...tuwa ako sa presentation nila..kakaiba kasama pa yung sexbomb. Astig nga yung linya ng modified spaghetti nila eh..

"Ang mga pulitiko ay nag-pepelikula at ang mga artista ay gustong sumabak sa pulitkaaa! Awww!"

Hay. Wala na atang pinag-iba ang showbiz at pulitika dito no? Mas malala nga lang Pulitika. tsktsk...^^v

Boto ko nalang si Shuro for president.

Sunday, December 28, 2003

haha...ngayon lang ako nagpost. Hindi kasi ako de-prepaid ngayon. De internet cafe lang ako...at pambayad ko pamasko ko.

Err...ano ba. Belated merry christmas sa inyong lahat. Na-get/got over ko na yung Hindi ko pagiging DL...yep. Ganyan lang talaga ang buhay...haha..Bawi nalang daw next term.

Ano bang nanyari sa akin ngayong pasko? Hmm...pagkatapos kong kumain ng Ispaghetting Puti noong noche buena ay deretso tulog ako at hindi ako maka-pag PS2. Masayang gumising dahil isusuot ko na ang get-up ko at magsisimba..hehe. Nakoh..ano tong nanyayari sakin...nakikiporma narin kagaya ng mga kasing gulang ko..hehe....

Hmm...ano pa ba..yep. Isa kami sa mga katangi-tanging pamilya na pumupuntang sementeryo pag pasko. Naburat lang ako kasi mahabang kwento. Basta..pinag-lead nanaman ako ng prayer sa puntod. Sabihin niyo nang masama ako para hindi magdasal...pero ano ba? Marunong naman kayo mag-dasal di ba???!!! Tapos pagdadasalin niyo pa ako ng rosary na hindi niyo naman maintindihan kasi Ingles?? Yan tuloy...siguro binato na ni Mama Mary yung mga rosas na nakarating sa kanya kasi sapilitan lang yon. Ang pinupunto ko lang dito eh mas magandang magdasal noong spontaneous at taos sa puso...hindi yung memorized prayers na hindi mo naman maintindihan ang totoong ibig sabihin...Aarrgghh..eto lang talaga ang ayaw ko sa pag punta sa Sementeryo.

Anong pinagkaka-abalahan ko ngayon? Final Fantasy X-2....frustrated ako at hindi ko matatapos ang laro ng 100% story complete....*At may walkthrough na ako non*...sinusubukan ko nalang na makarami ng percent as much as possible...hay..letche yung mga boss..mahirap matapos.

Err...naka-1,600 ako noong pasko. Nangalahati ba naman?! Pinambili ko kasi ng regalo sa mga kamag-anakan at sa troika people...yep..naka-800 ako...ganyan ko kayo kamahal...drama ba daw?! Hindi ko talaga alam kung paano ako umabot ng 800...mura lang naman yung mga pinamili ko...pero inabot ako ng 800. Hoy..mga troika people...kelan pa tayo magkikita-kita para mabigay ko mga regalo mo..

Friday, December 19, 2003

I WAAAAAASSSSSSSSSSSSSSSSS SSSSSSSSSSSOOOOOOOO CLLLLLLLOOOOOOOSSSSSSEEEEEEE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Yes. I was so close to being a Dean's Lister! ANAK NG TINAPA AT KAMATIS! Tama si Kuya boy....SINIRA NG PROF KO SA ANSOGEOMETRY ANG AKING MGA PANGARAP!AAAHHHHHH!!!!MY SHATTERED DREAMSSSSSSSSSSSS................

Okay..bago ang lahat. Maraming salamat sa mga response niyo sa aking entry na pagkahaba-haba.hehe...nakakatuwa kayo...kiss nalang regalo ko sa inyo.....hehe...charing!

Ganito kasi yon. Kinompute ko ang aking average grade...at ito po ay 2.97...something...as in totally...sumigaw ako ng ANAK NG TINAPA sa mga ka-block ko....sayang talaga. Kung hindi lang ako 1.5 sa geometry....letse.

Ako lang ba yon o nasa prof talaga.....feeling ko mas malaki ang fault ko kasi hindi ko pinag-buti. Nanghihinayang talaga ako......*NanghihinaYYYYYYannnggg....* Okay. Tama na.

Banas kasi ako sa prof ko eh. Hindi ko alam. Wala akong natutunan sa kanya. Its either that o hindi talaga ako nag-aaral. Sinapian nanaman ako ng demonyong tinatawag nila na katamaran.Geeezzzz....

Kung hindi lang talaga ako 1.5 sa geometry....it would mean a lot.Kahit man lang dos...hindi na ako ma-didisqualify for deans list....aabot pa ang average ko. Owwtttsss talaga....maluha-luha na talaga ako kanina sa panghihinayang...pero siyempre bawal ipakita at nakakasira ng image...hehe...

Bakit nga ba ako 1.5 sa geometry...una...siguro hindi ako masyadong nakikinig. Yun yon or nakakaantok lang talaga siya magturo..*kayang patunayan yan ng mga ka-block ko*...pangalawa...sinasapian nanaman ako ng kaluluwa ni Juan Tamad na hindi ko naman pinatawag sa spirit questor....patunay niyan...eto ang mga quiz scores ko...60.5, 72...*okay pa no?*....biglang naging 49 at sumunod....55....SA PINAKA MADALING QUIZ 55 LANG AKO. At ilan ako sa finals.....40!!!!!! San ka pa! Pasalamat pa ako at pumasa ako! Letse!

Gwaaah...its all my fault. Oo..sasabihin niyo nanaman lumalaki na ang ulo ko at humahaba nanaman ang buhok..pero wala.. naiinis lang talaga ako sa sarili ko at napaka-inconsistent ko...ako lang sa mga DL sa block namin last term ang hindi na DL ulit......sige...iyak na tayong lahat.

Ika nga nila There's Always a Next Time.

MUKHA NIYO!!!!!

Monday, December 15, 2003

Okay. Medyo mahaba-haba ang isusulat ko ngayon kaya..err...to start things off..

Kay Ate Meian..nalagay ko na sa fanlisting section ko yung code ng podn blogs sa wakas..hehe^^v

***************
Kung ikaw ay isang anime fan malamang ay alam mo na merong major event na nangyari kamakailan lang..noong saturday at sunday. Ito po ang *drumroll please* C3 CONVENTION! Yep. I was there..sang araw nga lang..noong saturday. Anong pakiramdam ko noong araw na yon? Halo. Badtrip na Goodtrip na hindi ko alam. Dahil sa mga dahilang..

*Medyo letdown ng konti kasi wala akong taga-troikang
kasama *ahemahemtamaannaangtamaan* Pero okay lang...naiintindihan ko kayo....

*WALA AKONG PERRRRRRRRAAAAAAAAAA! AS IN! And to think na ang daming pwedeng bilin don! At eto ang mga listahan na bibilhin ko sana kung me pera talaga ako..
1)CCCOM issue 13
2)Tshirt ng C3-seryoso..para meron akong maipakita sa mga sa block ko..hehe...*yabang blues ulit*
3)Pin ng CCCom-para bagong isasabit sa bag
4)Ground zero- Sa tingin ko sa C3 lang talaga ako makakabili ng comics nila...kahit hantingin ko pa ang iba't ibang mall na kaya kong hantingin....waaahhhh...
5) Pugad Baboy disi-sais- Waaaahhhh.....pugad baboy yon! And to think kung bumili ako non pwede ko pang pa-autograph kay Idol Pol Medina Jr.
6)VCD NG Gluhen!- Ang dameeeng nagbebenta ng VCD don...promise!
7)Pagkain- yep. Pagkain. Kumain ako sa bahay para hindi ako gumastos at maka-uwi pa. Habang nakatamabay ako non gusto kong kumain.

*HINDI KO NAKITA ANG STAY AWAY ENTRY NA NA-PLAY SA MAIN SCREEN!- Wala lang. Kahit hindi kami manalo *inaasahan na talaga namin yon* basta makita ko lang mapanood ng tao yung video namin...masaya na ako don.
hindi na-fullfill ang aking sense of acheivement..and to think na maraming sakripisyo ang taong troika para sa video na iyon..

Goodtrip parin dahil....

*NAKITA KO ANG RIVERMAYAAAAAAAAAAAAAAA!!-Yep. Nagperform live ang rivermaya sa C3 as suprise guest. Talagang na-suprise ako! ASTEEGGGGGGGGGGGGG!!!!!AHAYYYYYYYYYY!PAPA RICOOOO!ANG SARAP MONG DAKMAIN!!!!!ASSSTTTTTTEEEEEGGGGGGG KA TALAGAAAA! ILABSHU!AHAHAYAYAHAHAYAAYYYYYY...hehe...lumalabas ang tunay kong kulay.... panira ng image..

*Nakita ko si Idol Pol Medina Jr..ang may gawa ng pugad baboy. Sayang hindi ako nakakuha ng autograph.

*At marami akong nakitang tao...hehe..especially galing PODN...at sila ay sina...in no particular order..

JC,Cheska at Michiko- Nope. Hindi po sila taga-PODN. Sila'y mga friends ko sa lower batch sa scho..saya ng kwento niyo...hindi ko alam na mahirap pala ang entrance test sa La Salle Ngayon...grabe..good luck sa inyo..^^v

Karina- Hello! astig ng Indie niyo! Yan lang ang binili ko sa buong Con..seryoso..

Renchan- Thank you po sa CD. Huwag po kayong mag-alala...isosoli ko yan! Ngayon ang problema ko nalang ay kung paano paganahin ang CD sa PC ko at me period nanaman ang PC ko. Naks naman...ang galing mag-voice over...

Ate Meian-hehe...sure ka gagawan mo ako ng layout? Kung totoo man yan..ay thank you po! Ang mga ateng katulad mo ay pinagpapala..hehe..basta huwag kang hihingi sakin ng sports car ah...

Ate Presea- HINOTO-SAMAAAA! Hehehe..sa mga hindi po nakaka-alam siya po ay nag-cosplay as Hinoto ng X/1999. Hindi po biro ang ginawa niya dahil medyo komplikado (at mahal) yung kasuotan ng kanyang character... instant celebrity po ang bruha....finalist pa siya na deserve naman po niya..hehe..hello po!

Amerei- Sa wakas! Nakita ko narin ang alien sa katalinuhan! Hellooo po! Tuwang-tuwa siya dahil nakita niyang nag-perform ang student council officer nila sa Battle of the Bands....kung hindi ako nagkakamali...

Ate Mara aka Marqeaux Urameshi - Ang friendly niyo po sobra! Makwento pa kayo..hello po! Sorry po kung kinulit ko kayo sa text noong sunday....hehe...

Zechs- Siya ang nakinabang sa ballpen na dinala ko noong c3...hehe...nakwento ko na sa isang taga-troika yung sinulat mo sa papel...malamang nakarating na kay shuro yon...hehe...^^v

Silver Moon- Nagulat ako sa reaction niya noong nakita niya ako.....hindi ko talaga alam kung ba't ganoon yung reaction niya...hehe..hello po..

ZannyWammy- Asteeeeggggg...nagcosplay as Sakura Kinamoto...nakahanap pa siya ng Tomoyo niya...hehe..^^v

Kyokou- Hello po. Hindi ko po siya masyadong nakausap kasi me iba po siyang kasama.

Bluewind- Ang haba pala ng buhok mo..hello din!^^v

Bryan- Err...hindi ko rin siya masyadong naka-usap.

Ano pa bang meron sa c3...ah..

*Err...merong dalawang cosplayer...si GunMage Yuna at GunMage Rikku. Seryoso...para silang mga model. Maganda na Sexy pa at carry nila yung mga costume nila na maganda rin ang execution. Crowd Favorite sila at hindi sila tinigilan ng mga Pictures buong maghapon! No wonder nanalo sila ng 3rd place sa Competition. Seryoso. Ganda nila. Nakaka-tibo...swear!

*Kapansin-pansin ang dami ng booths! Seryoso! Ang daming merchandise na pwedeng bilin!From VCDs to Action Figures to Inflatable Porings to Comics to CCcom merchandise...kulang nalang magbenta sila ng aliw..

*For some reason ang konti ng tao...hindi ko lang alam baka sabay-sabay nawalan ng pera ang mga tao o sadyang bad timing talaga ang mga tao..

*Ang astig noong Short Entry Film na Mala-Matrix. Ang astig ng effects at kahanga-hanga ang editing! Professional talaga! Bidang-Bida! Ang galing-galing!Hands down ako grabe! Meron ding mga animated entries na mapapasabi ka ng SIYET!PAANO NILA GINAWA YANNNN????!!!

*Instant Celebrity si Hinoto..haha...at sa sobrang haba ng kanyang costume eh naging assitant pa kami ng mga ibang taga-PODN...nagkaroon pa kami ng Stage exposure..nakakahiya...nyeheheh...

*Hindi ko na-ikot ng maayos ang mga booths...wala kasi akong kasama eh..saka nahihiya akong tumingin..wala akong pera......*sobsobsobsob*

All in all...organized at maayos talaga yung event. Magaling talaga mag-organize ang CCCom...kung sino man ang behind sa event na iyon...saludo ako sa inyo mga kapatid.

Too bad. Sa tinigin ko talaga hindi ko siya na-enjoy fully.

Oh well. Ganyan talaga..

And one more thing..hindi ko nakuha yung video. Yun lang talaga ang main reason ko kung bakit ako pumuntang c3.

Friday, December 12, 2003

FINAL EXAM

Heto't naka-Indian Sit
Sa exercise mat ni Mama
At sabay humigop
ng KapeatNesquik
in one
na lumamig sa aircong
parang electric fan
kung umihip

Heto't nag-sosolve
ng iba't ibang
problema
Habang nakikinig sa piyesa
ni Tchaikovsky
Sumasabay sa
bawa't nota
ang mga derivative
at limit
Nagwa-waltz sa aking
isip
ang tangents at normals
at higher order
derivatives

Na sana ay patuloy na
magsayaw
hanggang bukas.

Thursday, December 11, 2003

Hahaha...kakatapos lang namin ng finals sa calculus...hindi ko alam kung papasa ako o ano..pero..sana diba...para naman masaya ang pasko natin...ang panget naman kung paskong-pasko meron kang bagsak na grade...mapapa-FELIZ NAVIDAD! ka talaga niyan..

Hmm..pero baka ganyan ang manyari sakin...lalo na ngayong ang average ko sa quizzes sa ansogeo ay 59.
Yep.59.Tangna. Kasukdul-sukdulan na lagpak ang matatangap ko. Wala na nga akong pag-asang maka-DL ulit kasi pinagkait sakin yung 4.0 ko sa JPRIZAL dahil meron akong isang absent...*at yun ay yung araw na nag-cut ako* aarrrrrrrrrggggggggghhh....ang laking kawalan non....grabe...dami ko palang na-sacrifice dahil sa video na yan..

Hay. Ngayon pa lang ay mamamaalam na ako sa natitira kong pag-asang makaka-DL ako ulit. Silent night na ang pasko ko..

Sayang...nasa taft ako nang pi-nost ko to. Hindi ko ma-eenter ang aking tulang isinulat habang nag-aaral ako sa calculus...di bale...next time nalang...

Uy! Sinong mabait diyan na pwede akong gawan ng layout...hehe....^^

Monday, December 08, 2003

Sa baba po ay ang aking supposed to be post for thursaday. Pero dahil naprapraning na ang internet connection at computer ko ay hindi ko po ito nai-post. Pasensya na po..hehe..^^v

AT LAS ABELGAS!I FINISHED MY AUTOCAD PROJECT! Haaayyy...success. Pero feeling ko mababa grade ko dahil sobrang plain ng project ko. Nothing exciting about it. Haaaaaayyy....ang baba ko pa naman sa graphing namin. Kaya sigurado na akong hindi ako makaka-DL niyan ulit eh.

Huwag niyo akong tularan. Finals na namin sa Thursday at Friday.At hindi pa ako nag-aaral at sa halip ay naglalaro ako ng Final Fantasy X-2 *adeeeeeiiiikkkkkkk*hehe...gash...bilis ng panahon. Parang kelan lang nung kunin ko yung schedule ko for 2nd sem..ngayon naman 3rd sem na...AT DISSOLVED NA ANG BLOCK NAMIN...Huhuhuhuhuhuhu..nakakalungkot...block EN na ako next term...waahh...

Pero at least TAPOS NA ANG PE!!!GOODBYE VOLLEYBALL!!NYAHAHAHAHAH!

Tapos na rin ang ROTC namin(for this term)! At nakapag-paputok kami ng M-16...inggit kayo no..hahaha...astig na ako..hehehe....anong feeling...nakakakaba sa una...pero enjoy na paghawak mo na baril..

**************************

"Pasensya na Ladies and Gentlemen kailangan ko lang gawin to.."-Gloc9,Hinahanap ng Puso

Out na ang results ng Final Quiz ng Engcal kanina. Nakuha ko, 65/100.Pasado.

Pero hindi ako masaya.Bakit?

Ang block namin sa Engcal...maraming lalake...4 lang kaming babae.And guess what...3 sa mga babae ang highest sa quiz. Sinong hindi kasama...Eh di siyempre ako.

Para sa mga katulad kong egotistical..*mga taong laging ego/sarili/reputasyon ang iniisip*....owttttttttssssssssssssss....ang sakit. Na-bad trip na ako buong hapon. Parang ano ba yan...HINDI AKO KASAMA DON.

Sabi nung isang babae don..."Well,girls are smarter.."
ISANG NAPAKALAKING PAKSHEETTTTTTTTTTT! Na-ishtryeyt ako.Ano ba yan. Insecure na Insecure na ako don...parang pagnakikita ko yung mga babaeng yon..nadedegrade ako....dahil highest sila. Ako hindi.ISANG PAKING 65 LANG AKO!!!
NAGIISANG GIRL NA HINDI HIGHEST. SI BOM YON. .
Parang naisip ko nung time na yon na sana lalake nalang ako para me-excuse ako na hindi maging highest.

Ngayon medyo alam ko nang yung feeling ng mga taong bumagsak at nadeblock. Mashaket sa ego..

Pero kasalan ko rin naman yon eh. Hindi ako nag-aral. Ba't hindi ako nag-aral.Noong Sabado nag-submit kami ng entry sa C3.NA SA DECEMBER 10 PA PALA ANG DEADLINE!!!! Noong linggo ay ginawa ko nga ang aking proyekto sa Graphing na sa LETSENG TUESDAY PA PALA IPA-PASS!!!Noong Lunes ay may activity pa kami sa Filipino at Nag-research ako dun ng konti at tinamad nanaman akong gumising ng madaling araw. Ang nakuha kong grade...ISANG ORDINARYONG 2.5!!!!Dahil hindi organized ang thoughts ko. Noong day itself kailangan kong kompletuhin yung HW na i-chcheck habang nag-qquiz kami. At dahil sa katangahan ko ay HINDI AKO NAG-ARAL!!!!!!PAKSHEET TALAGA!!!!!!!*Untog ulo sa pader*

Hay...*sobsobsob*

Sunday, November 30, 2003

Things to blog about..in chronological order.

FRIDAY
1) Pumunta akong sa Japan Week Activity ng NKK. At nakita ko sina "Ate" *hehe..* Renchan at Chilyunnie...wow..EB kami...
2)Tama ang hula ko;)
3)NAG-CUT AKO NG JPRIZAL. Ayos Nabinyagan na ako!
4)Nag-pa edit kami ng video entry namin for C3. Our STAY AWAY PROJECT! PAKSSHHHHHEEEEEEEEEETT! TAPOS NA SIYA!
5)Pero 2100 ang binayad namin dahil 250 per CD COPY. PAKSHET!
6)Nangutang pa ako sa tatay ko ng 800.Nakakahiyaaaaaaaa....
7)11 ng gabi na ako naka-uwi sa bahay.

SATURDAY
1)3:30 ako ng umaga nagising dahil kailangan kong pang mag-shine ng boots,pistol belt at garrison belt. In other words...KULANG PA AKO SA TULOGGGGG!
2) Halos wala kaming ginawa sa ROTC. Nag-Map Reading Kami at tumanga. Ang sagot sa tanong ni sir, yung puno sa may stage sa field ng La salle ay 140 deg southeast!
3) Pumunta kami ni e-kyub sa Megamall para mag-submit ng entry.
4)Pagkatapos naming mag-submit ng entry ay nalaman namin na DECEMBER 10 PA PALAAA ANG SUBMISSION!WAAAAAAAAHHHHHHH!!!!!!!!!!!*Sana mas napractice pa ng matino yung dance!*
5)Pumunta kami sa Kids Section ng SM. Nagkagulo kami sa mga padjama na Gundam Wing..hehe..parang kasya samin yon....wala si WuFei baka daw malugi pagnagmanufacture sila
non.Wala rin daw si Heero.
3)Bago na ang pangalan ng FEATA. Its not Feata anymore, JF Animedia something na yung pangalan niya. Bago narin ata ang management nila. Ano ba Yaaaannn...wala na si Ate Maria don..hehe. Pero don't get me wrong, they still honor membership cards.
4) AYAW PA RING GUMANA NG AUTOCADD.

NGAYON
Nakaka-asar!!! Nafrufrustrate ako at tinotopak na talaga ang PC ko. Kahit anong edition ng AUTOCAd ayaw gumana sa PC ko dahil letseng error sa AC1ST15.DLL error na yan. *Yan, Memorize ko na yung file na nag-eerror!* Ngayon kailangan ko pang-makigamit ng PC. Pero sabi ng aking itay ay ipapaayos namin tong PC. SAna nnaman diba! *Ngawa*

Thursday, November 27, 2003

Sadyang pinag-tripan ata ako ni Lord kaninang Calculus.
Ganito kasi nanyari.

Prof:" Let's Solve the assignment i gave you yesterday.."
Nagtawag ng tao.
Siyet! Hanap ng Assignment NASAAN NA ASSIGNMENT KO! PAKSHIT NAKAIPIT LANG YON DITO!
Prof: * my name here* , Answer number 23 on the board!
HUWAATTTT?!!! ASSIGNMENT KO NAWAWALAAAA.....
Tumayo nalang ako sa harap at si-nolve on the spot ang problem.Buti naman na-solve ko.
Prof:"Who answered number 13..please explain your solution.."
ANOOO???E-EXPLAIN PA ISA-ISA??!!!!!
Mega-explain ako sa harap.
Ako:"umm...mali ata yung ginawa ko kasi pri-noduct rule ko siya..."
Prof:"Tama naman yang ginawa mo kasi *Calculus gibberish*"
Ako:"Ah...pakshit.*explain explain*"
Buti naman hindi siya nag-comment.

Isa pa..
Prof:"Get a half-sheet of Paper...we're going to have a quiz.."
Solve...solve solve...nang biglang..
BA'T NGAYON KA PA NAWALAN NG TINTAAAAAAA...
Buti nalang me dala akong lapis kanina.

*****************

Siyet. Nagkaka-dilemna na kami sa Editing ng Troika Cong. entry for C3..yung Stay Away video namin! Mag-ccut na nga ako ng JPRIZAL para maka-sama sa editing eh. Tapos biglang yung may-ari ng camera hindi makakapunta. PAKSHIT naman oh. waaahh...kung maari ma-edit yun. Kahit hindi sila-sila nalang mag-edit. Kaya naman ata nila yun...waaaaahhhhh.....

Kala ko pa naman malalantad na kalokohan namin. Sayang yung ballpen na consolation prize.

*****************

Wow! I Got Final Fantasy X-2 in ENGLISH!!!!!!! Yehey!
Nasimulan ko na siya at take note: Pati kanta english. Ano ba yaaaaannnnn...

*****************

BAKIITTTTTTTT BAAAAAA AYAWWWW GUMANA NG PAKINGSHIT NA AUTOCAD SA PC KO!!??????

*****************

Added a new person to my dailies..si Ohtso..
actually hindi ko siya masyado kilala pero ni-link niya ako eh...thank you sa link!

*****************

Lumalaki na ang possibility na makapunta akong C3...Calculus and Geometry test were scheduled earlier than C3! Yey! Religion nalang iintindihin ko.

Tuesday, November 25, 2003

pasensya na po at nagloloko po ang aking tagboard.
Alangya.Lahat naman ng ata bagay ay pumapalpak din.
Kaya kung gusto niyong ipahayag ang inyong damdamin..please..paki-click nalang yung natameme link diyan..thank you po.

**************************

Gusto kong magpainom kanina pagtanggap ko ng papel ko sa calculus. PUTCHA! 84/100 ako! San ka pa? And to think na nag-aral ako nun morning before the test! Napaka-saya! Isa pa! Walang Pasok bukas! At hindi ito binawi ng La Salle! Grabe na to.

Pero siyempre meron ding downside. Ang swerte ay hindi umubra sa Geometry. Guess what? 49/100 lang ako sa test. Olats. Ang masagwa pa, yung mga kaklase kong matitino naman sa geom, lumagpak din. Naalala ko tuloy nung Trigo ko. The same score ang nakuha ko noong bumagsak ako. Siyeters. Do better nalang next time,ika nga.

Sunday, November 23, 2003

Alam niyo ba yung palabas na Joe Millionaire? Kung hindi, isa siyang palabas tungkol sa isang millionaryo na mag-ddate ng 20 contestants and out of the 20 contestants ay pipili siya ng isang makakasama. Ang catch: hindi siya tunay na millionaryo at kailangang niya itong sabihin sa napili niyang girl sa katapusan ng show. Ewan ko ba. Natuwa ako sa show na ito.hehe..^^v

Bakit ko ito na-kwento? Wala lang. Kasi meron daw isang contestant doon nag-star sa "bondage film".
Ha? Eh ano ba yung bondage film na iyan?
Syempre search naman ako sa internet para mabawasan ang aking katangahan.

Anak ng....BASTOS pala yon. Shet.

Hindi ako magtataka kung meron nanaman akong matanggap na email na nagsasabing merong nakitang kabastusan sa kompyuter ko.

Well at least....Me bago akong natutunan.

******************
Napanood ko yung commercial ni Ping Lacson. Yung me slogan na "Huwag mainip, May sasagip". Anak ng! Nakakatawa siya. Lalo na yung sa dulo kung saan me kumakanta ng Jingle Bells pero yung mga words panay Ping. "Ping ping Ping! Ping ping Ping! Ping ping Ping ping Ping!" NGEK!ANO YAN! Medyo lang magaling yung concept nung gumawa ng commercial! May impact yung commercial in fairness.

Napanood ko rin yung commercial ni Tessie Aquino -Oreta tungkol sa Basic Education eklat. Halatang nagpapabango. Pati ata si Jamby Madrigal.

Putek. Hindi ko alam na campaign season na pala ngayon.

Pano pa kaya pag dumating na ang 2004. Mas marami tayong commercials na ganyan.

Naalala ko tuloy noong 1998 ba yon...hindi 2001. Ah basta! Yung year na maraming commercial tungkol sa 13-0 or 0-13..tsaka yung mga commercials ni L-O-I Loi! tsaka mambo mambo magsaysay! Tsaka yung commercial ni Villar na may mga babaeng bubuka-bukaka sa tunog ng sexbomb. Tangna..eleksyon na talaga.

So ngayong darating na eleksyon...

Siguro merong mga election jingle ngayon na mala-F4..hmm..

"Oh Baby baby baby, my baby baby, si Ping iboto natin!"

or siguro otso-otso..pero 13 ang mga kandidato for each party...kaya meron tayong

"Tayo'y mag trese-trese! Tresw-trese na!"

or spaghetti narin
"Appear tayo! Si FPJ ang boto ko!
Ayoko nga kay ate Glo!
Da King! Da King! Da King!"
with matching movements payan!

Ano ang punto ko?

Creative ang Pinoy. Yun lang.

Saturday, November 22, 2003

Err...i don't want to rant because i've been ranting for the past few posts... so what i'm posting is my version of the "National Anthem ng mga Kabataan..." which is Basketbol from rivermaya.

"-------------"
Bom

Ayoko nang mag-engcal..
Ayoko nang mag-compute..
Ayoko nang mag-recite...
Mamoblema sa grade..

Gusto ko lang ay matulog
gusto ko lang ay matuloogg tayo..

Ayoko nang mga plastik...
Ayoko na sa block..
Ayoko nang ma-LO...
Ayoko na ng quiz...

Gusto ko lang ay matulog
Gusto ko lang ay matu...

O kay sarap humiga..
O kay sarap humiga..

Ayoko nang mag-aral....
Ayoko nang mag-isip...
Ayoko nang mag-isa...
Ayoko nang Huminga.

Wednesday, November 19, 2003

Aaagh.Sa mga nagbabas ng blog ko..pansin niyo panay pagka-Loser ko ang nababasa niyo dito. Pasensya na po. Dahil sa mga panahong ito ay tanging ito lang ang mga nanyayari sakin. Pansensya na ho.

*Reader Throws tomatoes at Bom*

--------------------------

Aagh. Sakit ng paa ko. Alam niyo yung pakiramdam na nag-suot ng bagong leather na high-heeled shoes na walang medyas o stockings. Siyet. Ang lalim ng sugat sa paa ko. Nahihirapan akong maglakad.

Ang nakaka-asar pa..nagkasugat ako para lang maka-kuha ng isang nakaka-insultong DOS *lowest grade sa activity na iyon*

Pakshit.Ba't ba mukhang may galit sakin yang hinayupak na subject na yann! Last activity namin naka 1.5 ako! *lowest grade 1* Wala namang problema sa prof. Yung mga grade lang talagang napupunta sakin eh!

Hindi ko alam kung me balat ako sa pwet o ano.

:ngawa:

Tuesday, November 18, 2003

hay..wala lang. Medyo frustrated ako ngayong araw na to. Actually, ngayong mga nakaraang araw. Wala lang. Naasar ako sa sarili ko at tinatamad ako. At dahil don kaya parang babagsak ako sa mga quiz ko.

CASE 1: Anal Geometry test [Monday,3:30-5:30 PM]
Ang Dapat Gawin: Mag-aral ng 9:30-11:00 PM at 3:00-6:00 AM
Ang Nanyari: Tinamad mag-aral ng 9:30. Nag-alarm ng 3:00 ng madaling araw. Gumising. Natulog at nagbalak gumising ng 4:00. Nagising-6:00 AM. Pasok? 8:00
Resulta:Halos walang nasagot sa quiz. Expecting to fail.

CASE 2:Eng Calculus test [Tuesday, 2:30-4:30 PM]
Ang Dapat Gawin: Same as Case 1
Ang Nanyari: Nakapag-aral ng 9:30-11:00 PM. Pero nagising ng 7:00 ng umaga. Pasok? 9:30.
Resulta: Nag-cram mag-aral noong lunchtime. Nakasagot naman kahit papaano.

Nakaka-asar lang kasi kung hindi ako tinamad sa pag-aaral baka matino-tino pa ang magiging score ko. Sa geometry. baka pumasa pa ako kahit papaano. Sa Calculus, kung nag-aral ako ng mabuti, sana mataas ang score ko. Kinuha kasi ng prof yung mga problems sa libro at assignments. Ang dali nalang kasi dapat non! Dun pa ako hindi nag-aral...aaarrrrgghh...ayoko na. Sayang ang pagkakataon na tumaas ng score. Not to mention kailangan ko pang bawiin yung sa geometry kung lumagpak ako. Demn.*untog ulo sa pader*

Isa pa. Yung sa filipino dos lang ang score ng group namin eh. Tapos yung mga ka-group ko yun pa yung pinag-dadasal na score namin. Parang ako Ano ba! Gusto ko ng mataas na grade! pero hindi nalang ako nagsalita. Parang okay na sila sa grade na yun..pwes ako hindi. Pero wala eh, kinamalas-malas eh natupad ang hiling nila. Eliminated ang group namin kaya dos kami. Saya. Ano nanaman kaya ang grade ko sa Filipino nito. Swerte nalang kung mga 3 pa ako sa subject na iyon.

Haha. Mukhang magkakatotoo ang prediksyon ko na hindi na ako DL next term. 5 out of 7 ang subjects na ang prino-problema ko..(GraphTwo,EngCal, AnsoGeo, PETeams*OO PE! Tangnang Volleyball yan!* at Filipitwo)

Pero libre naman ang mangarap di ba? Ika nga ng Itchyworms, kung may bayad ang mangarap, marami na sana tayong utang ngayon...

huhu...iyak na tayong lahat! Chenes!

Monday, November 17, 2003

Season = Winter
You're Most Like The Season Winter ...

You're often depicted as the cold, distant season.
But you're incredibly intelligent, mature and
Independant. You have an air of power around
you - and that can sometimes scare people off.
You're complex, and get hurt easily - so you
rarely let people in if you can help it. You
can be somewhat of a loner, but just as easily
you could be the leader of many. You Tend to be
negative, and hard to relate to, but you give
off a relaxed image despite being insecure -
and secretly many people long to be like you,
not knowing how deep the Winter season really
is.

Well done... You're the most inspirational of
seasons :)


?? Which Season Are You ??
brought to you by Quizilla

galing po ito kay amerei

************

err...haha...thank you po sa mga comment sa aking report. Gaya po ninyo, natutuwa po ako at hindi magsasara ang feata.^^v Err..ano pa ba...wish me laks sa mga quizzes ko ngayon...oral quiz sa JPRizal at quiz sa calculus...yun lang po.kelangan ko pang magbasa..

*********
nga po pala...ang bagong PODN.Net ay bukas na!^^v

Saturday, November 15, 2003

news adivisory: dahil po sa aking pagkabwisit sa chatterbox ay pinalitan ko na po siya.Tenk Yu...^^v
hindi ko po ma-figure out kung papaano iibahin yung kulay ng mga messages...kaya blue muna siya pansamantala..

***************
ahahaha....magpapanggap muna akong reporter kahit sandali lang..hehe..charing..


FEATA HINDI MAG-SASARA
by Bom
November 15,2003 Wednesday

May mga kumakalat na mga balita na nagsara at lilipat ang Feata, isang tindahan ng kilala sa mga orihinal manga na kanilang ipinagbibili. Nagsimula ang balita nang may mga mamimili na nagpunta sa nasabing tindahan at nakita ito na sarado. Ayon sa post ng mamimili na ito noong Nobyembre 9, ang nakita niya lang noong pumunta siya sa nasabing tindahan ay "isang madilim na kwarto na panay karton at wala umanong mga manga." Wala rin umanong "karatula o pagpapaalam kung ito ay sumasailalim sa renobasyon o sa paglilipat."

Isang mamimili ang nagimbestiga dito. Kanyang tinawagan ang Feata at sinabi umano ng isang tindera na hindi ito magsasara bagkus ay sumasailalim lamang sa renobasyon at muling mag-bubukas sa ika-15 ng Nobyembre. Aking sinamahan ang patron sa Feata noong nasabing araw at nakita ang mga tindera na inaayos ang mga panindang manga ng naturang tindahan. Hindi pa siya bukas noong araw na iyon, ngunit napag-alaman namin na ito ay hindi mag-sasara o lilipat ng lokasyon.


haha....pwede na ba akong reporter?

***********
Lumalamig ang simoy ng hangin at 6:00 ng hapon ay mukhang 7:00 ng gabi...anong ibig sabihin non? Tiba-tiba nanaman ang mga snatcher at pulis dahil Pasko na.

Speaking of pasko...merong wish list si Presea sa kanyang blog. Makikigaya narin ako..

Wish List ni Bom

1.MAGANDANG GRADES- walang tatalo. Sana po hindi po bumababa ng 2.0 ang aking mga grade at sana po umabot ng 3.0+ ang aking average para DL ulit...hehe..^^v kung ito po'y pagmamalabis...huwag niyo na lang ako ibagsak sa kahit anong subject (lalo na ang EngCalculus na 4 units at pre-requiste sa sandamukal sa subjects) masaya na ang pasko ko.

2.DREAMWEAVER CD- Kahit taong mahihiraman lang. Trip kong matuto ng program na ito na nakaka-gawa ng mga matinding layout. Magkano? Huling Tanong ko sa Harrison 130 per CD.

3.HARRY POTTER AND THE ORDER OF THE PHOENIX- Naiintriga ako sa librong to. Magkano, 1000+...plus...pag sa national nabili yan meron na akong libreng tshirt ng LAKING NATIONAL. Ayos.

4.Eps 11-13 ng WEISS KREUZ GLUHEN- Naasar na ako. Last 3 eps nalang hindi ko pa matapos. Hindi ko matsambahan sa Animenia. Lagi wala. Packs naman o...magkano? 100 sa Animenia eh...meron diyan nag-offer 60 Php...

5. LAST ORDER SA PENGUIN- Isa siyang libro na kasama sa mga jubilee publications ng UP Press. Maganda daw siya kaya naiintriga ako. Mahirap huntingin sa National. Magkano? Sabi ng mga taga-UP press affordable for students..ewan ko lang kung ano ang affordable sa kanila..

6.BAGONG CD NG RIVERMAYA AT BIGOTILYO- They're my peyborit bands. 'Nuff said. Meron na akong live and acoustic ng Rivermaya eh. Magkano? 250...ata..

7.BLUEBERRY CHEESECAKE NG RED RIBBON- Matagal na akong di nakakakain nito..miss ko na..magkano? Isang slice=39

8.BAGONG BLOG LAYOUT- Yep. Kelangan ko talaga niyan. Pero isa tong bagay na hindi pwede ibigay kasi gusto ko ako ang me gawa. Magkano? HUwag mo nang itanong..

9.YAMI NO MATSUEI (Vols. 2-9)/FRUITS BASKET (6-10)-Mga manga na kinokolekta ko ngayon.hehe...^^v magkano? 300 per tankubon sa Feata...390 sa CCHQ.

10. MAKAPUNTA AKONG C3- Sige na. Sana naman ang finals namin hindi matapat sa araw na kasunod ng weekend na to. MAgkano? Hindi po ito nabibili.

**********

ROTC...bukod sa pagkabadtrip ko dahil ang luwag daw ng shoelaces ko...*HINDI NAMAN!*...ay nagpractice kami humawak ng M-16...putek..san ka pa? Wala pa namang bala..pero sa finals namin totoong bala daw...7 rounds kami ng firing..hanep. Ang score mo nga lang ay naka-depende sa tama mo sa target.

Pag-uwi ko..siyet! Freedom ng Paa!

Wednesday, November 12, 2003

Bakit ako naka-pagpost ngayon? Dahil wala kaming quiz sa Calculus!Na-move siya for next week tuesday! Happy!^^v...hehe..la lang..

err...yep.But we still have a quiz on Friday...on Geometry....ahehehe...good luck sa kin!

Monday, November 10, 2003

HASH(0x86d13fc)
avoidant


Which Personality Disorder Do You Have?
brought to you by Quizilla

****************

Para mabawasan ang pagbagal ng pag-load ng page...i made a seperate link for my fanlistings. Nakakainggit ang blog nina Shuro at Chilhyunnie dahil bago na ang layout nila.

**************

Ei...err...haha. Still no change of layout....and it wouldn't change still for this week because the math quizzes in Geometry and Calculus ARE COMING!! *Jupapayans sabay-sabay...* HUWATT??!! *too bad...wala akong smiley ni Ogie Diaz..*corny no?

Believe me...gusto ko talagang palitan tong layout ko.
Inip na sina Trowa at Quatre.Charing! Charing!

****************

Well, its a good start. HINDI AKO PUMALPAK sa graphics class namin! Wow! Happy! Magandang panimula ng linggo..sana tuloy tuloy na yan.

*****************

Bad news. Sarado na ang feata. Sa mga hindi nakaka-alam ang Feata ay isang tindahan ng orig na japanese manga(comics) na okay kahit papaano ang presyo. San ka pa makakabili ng manga na 150???!! Bukod sa malapit pa siya sa bahay...anu bayan...tatapusin ko pa ang Yami No Matsuei tska Furuba...ngekkk....sabi daw lilipat lang sila..sana naman hindi sa Basilan! Nyahahaha...

***************

Siguro naman nabalitaan niyo yung pang-hihi-jack ng ATO control tower noong Sabado ng dalawang Air Force Personnel dahil sa kagustuhan nilang ipahayag ang hinanakit nila sa gobyerno. Ang malungkot ay napatay sila ng swat bago man lang sila nakapagsalita.

Yep, Mali ang ginawa nila. Hindi maitatanggi yon. Pero mali rin naman yung patayin sila ng walang negosasyon. Meron akong narinig sa isang Radio Station na yung ginawa nila ay hindi gaanong makaka-apekto sa Air Traffic dahil anytime ay pwedeng mag-take over ang ibang Air towers na naka-palibot dito. So, meron paring lugar para sa negosasyon.

Pero wala rin namang magawa ang swat team. Trabaho lang naman nila ang sumunod sa utos.
Actually nga ang galing nila eh, nagawa nila ng mabilis yon.

Wala tayong karapatan mang-husga doon sa commander ng swat team o doon kina Col. Villaruel.
Pero ang tanong lang naman diyan...ilang tao pa ba ang kailangang mang-hijack ng air tower at mapatay bago magbago ang sitwasyon ng corruption sa Pilipinas?

Friday, November 07, 2003

instead of writing...i'm just going to post this drawing i made during my thursday afternoon classes..


Kayo nang bahala humusga kung anong pakiramdam ko noong araw na iyan...

Thursday, November 06, 2003

12:30 ng madaling araw....wow.Ganito pala pag hindi ka nag-iinternet ng matagal...nagbababad ka.

Hehehe...me ginawa kasing time consuming...*nag-send ng resume*

hay...as usual..wala akong masabi. Epekto ng Kabangagan.

Matagal-tagal na pala yung layout no? Siyet...kahit ako gusto ko nang palitan yan...*para matuloy na yung labing-labing nina trowa...hehe...charing!*..pero gwah...*bom..<---hindi parin marunong mag-code ng page*...gawa na yung image para sa rage against the kikay machine eh...anu ba yan...huhuhu...

Saturday, November 01, 2003

quizzes muna..*swims..*

Sagitarrius
You should be dating a Sagittarius.
22 November - 21 December
Your mate is frank and open, optimistic and honest.
Though the Archer can display bouts of
argumentative, impatient and critical
behaviour, he or she is extremely adventurous
in bed.


What Zodiac Sign Are You Attracted To?
brought to you by Quizilla

*maghahanap ng prospect na sagittarius..hehe..*
Ano kamo? Good in bed? haha..charing...

The Lost Soul
The Lost Soul


What sign of the Black Zodiac are you?
brought to you by Quizilla

*************

hay...sabi sakin ng tatay ko...*nang patawa*

You have to face reality...wala nang labas-labas

gulat nga ako eh..bigla siyang nag-english...tapos tinanong nga sakin to...

Ano bang kailangan nating palitan sa lifestyle natin?

Naghihigpit na sila ng sinturon..oo nga...siyet..ano ba to..early retiree kasi tatay ko...hindi impossibleng mag-drop-out ako sa La salle dahil wala na akong pang-tuition..kahit parents ko agree diyan...wala naman akong college plan..haha...saya..sabi sakin..

1)Mag-apply ka for scholarship diyan sa la salle..

eh hello? Para namang napaka-talino ko at makukuha akong Star Scholar diyan! Eh ang mga star scholar diyan mga halimawwww eh...tao lang ako.Lang ya...medyo lang engineering ang course ko!Student Assistance? Baka may required average yon...hirap na nga ako sa mga subjects ko ngayon eh...

2)Mag-transfer ka sa UP..
Same response...para namang napaka-talino ko para matanggap sa UP.....mga halimaw din ang mga nakatira don...tsaka hassle mag-transfer!

Wala lang...nakakahinayang kasi eh...iba rin talaga pag graduate ka (hopefully) sa top 3 schools ng bansa...saka adjusted ka na sa school mo tapos bigla kang mag-ddrop out..sana naman huwag mangyari yon...sabi nga sakin ng nanay ko.. I-hanap mo na nga ng sponsor tong anak mo...sabihin mo kay inang sponsoran niya tong apo niya.... wow...sponsored pa ako...ano ako?Concert?!

************

Pero ano kaya kung naging dropout ako sa school...ano kaya manyayari sakin...baka kasi kahit Mapua o USTE hindi na rin namin kayanin yung tuition...baka mag-AMA o STI nalang ako...
Study Now...Pay Later o di kaya sa NU nalang...Guzman Institute of Technology?TIP?TUP?FEATI?
Ah...alam ko na...

SA RICKY REYES SCHOOL OF BEAUTY nalang ako mag-aaral....BS COSMETOLOGY major in pag-kukulot...

kung hindi naman...


magtatanim na lang ako ng kamote.

Friday, October 31, 2003

Oct.31 ngayon at tulad ng inaasahan...konti lang ang pumasok! Kaninang hapon 7 lang kaming pumasok! San ka pa! Kasi nga naman nakakatamad pumasok kung isa lang ang klase mo sa hapon..
me mga dumating na galing sa pag-vivideoke sa Rob Place...total of 12..haha...grabe..saya...

Dapat nga hindi ako papasok kanina...kasi ganito ang nanyari..
Mama:Me pasok ka pa ba?
Ako:Meron pa po....tinatamad nga ho ako pumasok eh..
Mama:Ano bang klase mo?
Ako:Geometry ho..
Mama:Geometry?! Aba pumasok ka! Mahirap yan..

Kaya napilitan akong pumasok...hehe...

PE...okay lang...hindi siya nakakabadtrip ngayong araw na ito...

Thursday, October 30, 2003

inaatake nanaman ako ng paranoia ko...yung feeling na pinag-uusapan at pinag-tatawanan at pinag-tritripan ka sa likod mo...gwaaah...epekto ata ko ng grade school and high school days ko...dami ko kasing nakikitang ganyanan eh..anyway...hay..

ME PASOK KAMI SA OCT.31. TANONG NG BAYAN: Papasok kaba bukas?
Ako: Sa PE baka pumasok ako kasi baka may points pag pumasok ka...
Sa geometry...ewan ko lang...^^v volleyball nanaman bukas...saya...

Stay Away...grabe...feeling ko maraming gagawa ng video na yan for C3....sa ngayon dalawa na ang alam kong gagawa...hindi kaya mag-sawa ang CCCom staff sa Stay Away...hindi siguro...kasi pihado akong maraming gimik ang mga magpapasa ng video..

Nasasama ako sa mga taong magic sa klase namin...
Magic:The Gathering def: Isang card game na mahirap ipaliwanag kasi kahit ako ay hindi naglalaro non. Sport ng block EK second to basketball.
Baka pagkatapos ng term ng to..nag-mamagic na rin ako...dehins naman siguro..
me blog pa naman akong pwedeng asikasuhin...pero masarap sumulat ng phenomenology paper tungkol sa pag-mamagic. Wala lang..heh..

Tuesday, October 28, 2003

Pluggs...plags and more plags..

Forum para sa mga Kulasa:Blue and White
Sa wakas...meron na rin..

Blog ni long lost Amerei

Blog ni Renchan dahil nag-palit na siya ng layout..

*************
Wow..tagal ko na ring hindi nakakapag-post..dahil sa mga dahilang..
1)Wala akong pambili ng internet card
2)Tambakan na ang mga HW sa Calculus na hindi ko ginagawa at hindi ko ma-gets hanggang ngayon..
3)Nagbabasa ako sa JPRizal..

Naka-pagpost lang ako ngayon dahil gumawa ako ng resume...hindi pa po ako graduate..pero ginagawan ko ng resume ang aking pinsan...kasi emailed yung resume at wala siyang alam tungkol don..kung hindi pa dahil don eh..

Kung tutuusin..hindi pa dapat ako nag-ppost ngayon dahil....
1)Me bagong assignment sa Calculus
2) Me assignment sa Analytic Geometry
3)Quiz namin bukas sa JPRizal..*madali lang daw*
4)Quiz namin sa Calculus sa Thursday

Lumalabas nanaman ang katamaran ko...

**************
Bad trip yung Quiz ko sa Graphing...tangna! Bagsakations na..akala ko pa naman okay na yung ginawa ko sa AUTOCAD...bigla pa naman zi-noom-in yung drawing! Nakita yung mga katangahan sa pag-tr-trim ng figures...bagsak na talaga!

Okay na sana eh...tanggap ko na...bagsak ako dahil sa kabanuan ko sa AUTOCAD...pero ANAK NG TOGUE'T PORK CHOP! Tinawanan ako ng prof ko....hanggang ngayon naaalala ko pa yung tawa niya...tsaka yung boyoyong niyang pagmumukha! Alam ko...pikon ako masyado..pero kung ikaw ba naman yung nasa sitwasyon na yon...tapos tatawanan ka pa...bagsak ka na nga eh...parang barkong lumulubog na tapos hinagisan mo pa ng sandamukal na Ref!Awts!

Parang ang sarap i-apply ng tinuro samin sa ROTC
noong sabado...ang TAMANG PAGHAHAGIS NG GRANADA...ang sarap niyang huntingin sa Faculty room at mag-side arm throw ng granada! Kung pwede lang talaga eh..

And i quote:"stop me!"

**************
Nakuha ko sa Calculus test....63/100...baba...sobrang baba...
Tapos quiz nanaman ngayong thursday...san ka pa..wala pa akong natutunan quiz nanaman
**************
Sana walang pasok sa Oct.31...sige na naman...yun na nga lang ang maka-pagpapasaya sakin ngayong linggong to...kasi nga walang volleyball..tapos...huhuhuhu..*iyak*...magdedeclare sila na MAY PASOK!..anu ba yan..

Friday, October 24, 2003

Plug ko lang ang blog ni shuro..hindi na niya pala to i-aabolish..hehe..

*************
natapos nanaman ang isang linggo...ay hindi pa pala...may ROTC pa bukas...hindi pa tapos ang linggo..hehe..at natapos nanaman ang isang friday..
"tinuruan" kami mag-serve sa PE...as usual...bano pa rin..forever na ata yan..naiisip ko na ngang mag-practice sa bahay eh...sa sobrang kabanuan..ngayon ko lang na-realize na pati pala PE kelangang seryosohin...wala namang bumabagsak sa PE..pero nakaka-hila din kasi ng grade yan eh...pataas o pababa..parang Spaghetti...*labo* huhuhhuhuhu....*iyak*....

Pansin ko sa sarili ko....nagiging tamad ako ngayong mga araw na to...lahat ng assignment...asa sa kopya, kaya hindi ko masyadong gets ang mga lessons..hindi ako nagbabasa...imbes na gumawa ng assignment..nag-iinternet ako...*Beee---Ayyy--* kaya kelangan ko ngayong mag-aral...at umiwas sa internet...malalayo ako sa pinaka-mamahal kong blog...oh no!woe is bom....nyehehe...charing! pero kailangan ko siyang mapalitan ang layout...Raaagge against the kikay machine...*oo show yon!*

***************
Quiz na bagay sa mga taga-engineering...haha...

What Irrational Number Are You?
You are π

Of all the irrational numbers, you are the most famous. You have many friends and fans. Like many people, non-Euclidean geometry makes you feel uncomfortable. You are involved in so many things that it seems like it would take two of you to make ends meet.

You are particularly close to the rational number 22/7. However, you and e have been called "remarkable."

Your lucky number is approximately 3.14159265

Shiny Lemur
Straif's Blog

Wednesday, October 22, 2003

Hay..saya-saya...naalala niyo yung naghihimutok ako tungkol sa studies ko...haha...i got 72/100 in that test! Yey! At least pasado...pero alam niyo naman ako...ayaw ng pasado..hay...mababa yun..72...+________+''''...now i have to wait for my engcalculus result....*sana mataas..sana mataas..*
at kailangan ko pang bawiin yung 0 ko sa PE....tang na...ayoko talaga ng PE..bigla akong naasar sa friday kasi may PE...

***************

Speaking of Calculus...letche kanina...bad trip yung prof namin sa isang blockmate kaya yun...nag-suprise quiz! Napaka-saya...dahil lang yun sa isang tao..ang masama pa..hindi diniscuss yung assignment namin! Eh hindi ko pa naman gets yun...AAAAAAAARRRRRRRRGGGGGHHHHHHHH!
Porket ba Dean's lister siya...ka-ulol...wala man lang considerasyon..huwag naman siyang mandamay

***************

Eto...pampalubag ng loob..and i quote..*from the same blockmate*

"Bakit...me itsura naman siya ah...masama nga lang..."

Isa pang pampalubag loob..
6100
Nokia 6100 is the phone for you. You always do what
you are told. You never make mistakes - or
atleast you try not to. You get upset easily
when what you have plan need to be changed,
especially at the last minute.


Which Nokia Cellphone is Most Suitable for You?
brought to you by Quizilla

************
Yan na! Baboo!

Tuesday, October 21, 2003

hello po mga people...^^v wala kasi akong i-popost ngayon...mag-lilibang lang..hehe..^^v

********
Unahin ko na to..



What Gundam Wing Character Are You?

Wow...si Doroshi Cataronia nakuha ko...di ba siya yung nalilink kay Quatre...nyahahahaha...
hay...umamandar nanaman..

*********

Sa block ko ngayon...kulang nalang mag karoon ng musical ang klase namin...napaka-galing kasi mang-alaska ng mga tao..

and i quote:

"Bakit...kamukha naman niya si Paolo Bediones ah.....na-nacomatose........"

"Alam mo kasi,mamahalin ka lang yan..pag-pumuti ka na..."


Lahat na yata ng love songs tungkol sa Broken Hearted at ka-torpehan kinakanta na sa klase namin..haha...tulad nang..

"Nothing's gonna change my love for you.."
"What can i do to make you love me.."
"Ako ay pinanganak na torpe..diyan sa tabi-tabi.."

iba talaga ang may mga lovelife..
san ka pa?

*************
Nagbabalak na akong mag-palit ng layout...bigla nalang ako nag-karoon ng concept..title nung blog
RAGE AGAINST THE KIKAY MACHINE...hanep di ba? asteeg..gusto kong gawin na grunge na layout..
Kung meron lang talaga akong dreamweaver eh..
Pero subukan ko parin..haha...RAGE AGAINST THE KIKAY MACHINE...^^v

Sunday, October 19, 2003

Linggo ngayon.Kahapon Bumisita at Umalis si Bush. Kahapon nag buhat kami ng Garrant.Ngayon masakit ang braso at leeg ko...lang ya.

Napasubo ako sa MiRc para maka-download ng scanlation ng Fruits Basket v05..di kasi kumpleto yung mga translations...chapter 26&28 lang ata...ang hirap..hindi ko pa masyadong gets ang MiRc...kaya kung sino diyan merong translation/scanlation ng buong Fruits Basket v 05..please..huwag niyo na akong pahirapan..enge translation..^^v

Gwaa...ayos kanina..minasahe ako ng Parents ko..wala lang..masaya..hehe..bihira lang ang mga anak na ginaganyan...^^v

Friday, October 17, 2003

SA WAKAS! hehehe...tapos na yang mga letcheng quiz na yan! Nakaka-ulol...ay..may filipino pa pala.

Panay ka-badtripan ang laman ng post na ito..kaya bago yun..plag ko muna ang blog ni Silver_moon..ashteeg..

at i-post ito..
Ichi
Ichi - "That one with wisdom"
Sponsored by www.life-blood.cjb.net


What would your Japanese name be? (female)
brought to you by Quizilla

Ewan..maraming nangyari noong mga araw na hindi
ako nagpost..ilan sa mga ito ay..

-compirmado na:Dean's Lister ako! Pahksyet! Asteeggg....lasap-lasapin ko na yan.
Ngayong sem lang yan..baka una't huli ko na to...

-Nakuha ko na ang Alumni Card ko Sa st.scho..la lang..

-Tinamad akong mag-aral sa Calculus..pero pinilit kong gumising ng maaga para mag-aral sa AnsoGeo..natapos akong mag-aral..wala pa rin akong alam..iba no?

Hay..badtrrrippp...0 ako sa test sa PE kanina...anak naman kasi ng tinapa..bigla siyang nagtawag..isa ako dun sa mga sawing palad na natawag..pinag-volleyball ako at hindi ko na-balik ng maayos ang bola..anong nanyari..malamang..0 ako.

Buti pwede siyang ulitin.

Pero wala eh..naaasar ako sa sarili ko..parang lahat na lang ng PE subjects ko ang Bano-bano ko..nakaka-asar na eh. Mapa-volleyball, badminton,swimming..dance..lahat na..basta involving physical activities..including crafts..
Nakakiyak na nga minsan eh...siguro kung major subjects ang mga PE subjects..malamang na-expel na ako sa sobrang kabanuan.

Buti nalang hindi.

Ayoko sa lahat, ang nakakatanggap ng 0. Sabihin niyo nang mayabang ako...pero alang ya! 0...wala..olats..nothing..sakit nyan..hirap tanggapin.
Di kasi sanay.
Okay na pasa...huwag lang talaga 0..

Gusto niyong mabadtrip ako..maging prof ko kayo sa mga subjects ko at bigyan no ako ng itlog..

hay..kanta nalang ng Rivermaya...badddtrrrippp..aga gising bukas..may RO..(hindi po ragnarok)
Huwag kang maawa sa iyong sarili
Isipin na wala ka nang silbi..
Isang dambuhalang kalokohan..


Thursday, October 16, 2003

salamat sa encouragement people...
hay...+____+...
Okay na ako sa calculus..anso geo nalang..
huhuhuhhuhu....+_______+ *iyak*

Monday, October 13, 2003

This would probably my last post for the week.I wouldn't open internet explorer this
week,unless of course..it's necessary.

There are several quizzes upcoming for this week. That includes quizzes for Analytical
Geometry and Engineering Calculus. Sure, a quiz..just study the night before and you'll pass.

But that's not the case. I'm having a hard time understanding my lessons. I can't even
answer our assignment in both subjects. Things are getting complicated..all those formulas
you have to memorize and the things you have to analyze..gwaaahh..its getting hard...seriously.

A example of a situation:
Blockmate:Uy! Me sagot ka na ba sa assignment?
Me:Ha? Ako? Wala pa...itong letter b lang nasagutan ko..
Blockmate:*looks at paper*...itong number one madali lang yan...eliminate mo lang tong
dalawang equations tapos yung x & y i-substitute mo sa original equation..
Me:Aah..okay..*thinks* 'Tangna...Ganun lang pala yun'..


They were able to answer the assignment..O__O''''...

during the class.....
tagna...naiiyak na ako...hindi ko siya ma-gets..paano nila nakuha yon..anu ba yan..
paano yan pag test...malalaman ko bang ganyan ang gagawin ko...putek..ba't sila gets nila..
siyet..paano ulit..


I was thinking if i chose the right course..engineering...considering that i'm not that good in math...i'm harding a hard time understanding our lessons..i was already thinking that engineering was not for me..i'm having a hard time understanding the basics..what more if i moved on to higher math..*that is..if i pass my major subjects this semester*

Gwaah..help me..

*************

Since probably i'm not posting for the week...i'd like to plug
Ayah Enna's
blog..

And post my results from the NOIR quiz i took...

Kirika
Kirika Yuumura:
"Who am I? ...I am... Noir..."


Which NOIR character are you?
brought to you by Quizilla



*************

I was singing this song the whole afternoon..i think it kept my spirits up..

Umaaraw, Umuulan
Rivermaya


Hindi mo maintindihan
Kung ba't ikaw ang napapagtripan
Ng halik ng kamalasan

Ginapang mong marahan ang hagdanan
Para lamang makidlatan
Sa kaitaas-taasan

Kaibigan
huqag kang magpapasindak
Kaibigan
Easy lang sa iyak

Dahil wala ring manyayari
Tayo'y walang mapapala..
Wag mong pigilan ang pagbuhos ng ulan

May panahon para maging hari
May panahon para madapa
Dahil ang buhay natin ay sadyang ganyan..

Umaaraw, umuulan
Ang buhay ay sadyang ganyan
Umaaraw.......umuulan...

Huwag kang maawa sa iyong sarili
Isipin na wala ka nang silbi
San' dambuhalang kalokohan

Bukas ay sisikat din ang araw
Ngunit para lang sa may tiyagang...
Maghintay

Kaibigan
Huwag kang magpaaptalo
Kaibigan
Itaas ang noo..

Sunday, October 12, 2003

Napaaga ang post ko kasi kelangan kong mag-search sa net ng project sa graph2...

*******
ANAK NG TUYO'T KAMATIS! Me nakita akong disc ng FINAL FANTASY VII sa Harrison! As in 'alang hiya! Akala ko hindi ko na malalaro yung larong iyon!
Putek..inis ako sa sarili ko....nagastos ko na yung pera ko sa cd ng RIVERMAYA...yung Rivermaya: live and coustic featuring slapshock...asar pa kasi wala yung 214 dun sa CD na yun..huhuhuhu..sana marami akong okane..para pati yung librong LAST ORDER SA PENGUIN nabili ko na rin...kasama yung CD..huhuhuhu...oh well..dat's layf..

*****

Isang sitwasyon kanina sa Harrison:
Utol:"Ate!Ate!Me nakita akong Final Fantasy X-2 na english dun sa may tindahan!"
Ako:Talaga?!! Saan?
Utol:Dun! Sa May NIntendo!

*tumakbo ako sa excitement*

Ako:Ms...meron na ba kayong Final Fantasy X-2 na english?
Saleslady: Ha? Ay...wala pa eh...
Ako:*glares at kapatid*
Utol: HAHAHAHAH!NALOKO!


Inabot siya ng sakal sakin...putek! Kung hindi ba naman ako uto-uto...tsktsk...

*****


Hmm...first...my results sa M&M quiz..nakuha ko siya na blog ni Chilyunnie

Take the M&M's Test @ /~erin

Haha...pina-iral ko nanaman ang aking pagiging paranoid...

I got a score of 80% in Krey-zey's quiz...

Malay ko bang grey and blue ang cellphone niya..hehe...

******

Pag tinitignan ko yung layout ko...parang ang gulo...
nag-didikit yung mga message ko at yung menu sa gilid..phalpak pa rin ako gumawa ng layout..

*****
haha...bagong pupuntahan...Ayah Enna's blog...
ayos..dumadami ang lahi..

*****

Ang apelyido ni Tado ay...Jimenez!
Ang totoong pangalan ni Chito ay...Alfonso Miranda??!!

Totoo kaya tong mga to?..asteeg...

Saturday, October 11, 2003

Paggooood ako ngayong araw na ito...ROTC kasi...tapos volleyball ako kahapon..

***

Waah...me blog si na si Krey-zey...nyahahahah...ayos..dumadami links ko...
Black siya...wala lang...iba eh...buti pa siya nakakapag-post sa ingles ng hindi na-co-concious

Speaking of Blogs...baka mag-palit narin ako ng layout...theme...si TADO AT ERNING! Asteegg...abangan..
***

ROTC...hindi ka ba mapapagod kung naka-attention ka ng 1 1/2 oras...
Hindi mo pa rin ma-visualize?
imaginin mong me mag-speech na limang tao sa yo..
at nakatayo ka lang...
na naka-combat boots..
sa ilalim ng araw..
na naka-fatigue
Sige..nag-"Tikas pahinga" kami..pero wala...nangawit pa rin ako..useless..

Hay...ranting nanaman...dapat iwasan ko na to...bukod sa nagiging boring ang entry..at wala
talaga akong karapatan...dahil pinili kong mag-ROTC..hahaha..tiis-tiis muna..

***

Nagunlantang ako sa post na ito sa yahoo! Groups ng
BobongPinoy
...

GAGAWIN DAW 51st STATE NG AMERIKA ANG PILIPINAS???!!!

Ang automatic na pumasok sa utak ko...SIYET!GAGO!HINDI NIYO NA GINALANG ANG MGA PINAGLABAN
NG MGA BAYANI NATIN!


Pero oo nga..me point din kasi tong email na to...possibleng ma-resolba kaagad ang mga problema natin
sa bansa kung magiging 51st state tayo ng Amerika...tama...aksyon ang kailangan ngayon..
madaling solusyon to sa mga problema ng mga taong naghihirap at sa katakot-takot na problema pang-seguridad
ng bansa natin..agarang solusyon..

Ewan ko ba kung sino ang nagsabi nito..pero tama ang sinabi niya...mahilig sa madadaling bagay
ang mga tao...gusto nila..instant...yung tipong hindi pinag-hihirapan..automatic kumbaga.

Parang ganito rin ang usapan dito eh..*click*..51st state na ng US ang Pilipinas..*click* tanggal kurakot..
ayos ekonomiya..tanggal poverty..*click* automatic..solb na ang problema..

Saan ang pwede mong ipagmalaki dun? 51st state kana ng US...Amerikano kana...nawalan ka ng identidad..
hindi ka na Pilipino..at pinagdidikan mo ang sarili sa pagiging Amerikano mo..pero mismong mga Amerikano
niluluwa ka...nasaan na ang identity mo..wala na..Amerikano ka na nga eh..

Naging maunlad ka nga...ng mabilis..pero pinaghirapan mo ba?..hindi..automatic ginhawa kasi ang buhay mo
Ang pagunlad kasi...ang pagresolva sa mga problema ng bansa...pinaghihirapan yan..ang mga bansang maunlad
ngayon sa SouthEast Asia, tulad ng Korea at Japan, Mahihirap din naman yan eh...pero nagtiyaga sila...yun
umunlad..hindi automatic...hindi *click*...

At ang problema din sa mga automatic na solusyon..madali silang nawawala...

Ang pagunlad na pinaghirapan..permanente..at..natututo ka..

Oo..inaamin ko...wala akong maibibigay na solusyon sa talamak na problema ng bansa ngayon.
pero GHULAY! Maging state ng Amerika ang Pilipinas..anong klaseng solusyon yan? Automatic..
hindi pinag-hirapan...at hindi ka pa SIGURADO! Malay mo ba kung papayag ang mga kano diyan?
Plus..hindi matututo ang pilipino na magpatakbo sa sarili niyang pamahalaan..hindi niya matututunang
tumayo sa sariling paa..

Saka san ka ba nakarinig ng bansa nag-pa-tuta sa ibang bansa..ngayong mga panahon na ito..
Mga pinoy lang ang mga makaka-isip niyan..

Friday, October 10, 2003

putek! Ang saya ng PE ko ngayon! Tuwang-tuwa ako! hahaha...pero hindi pa rin ako nakaka-gawa ng 25 na volleys...pero kasi...naka-score ako sa team namin sa volleyball! LANG YA! San ka pa diba! Hindi lang pala ako pang-decoration at pang-moral support dun sa team namin!
Naka-tira ako! Nyahahahha...nagkaroon ako bigla ng silbe!
Ayos na umaga ko...sana yung hapon hindi ako ma-badtrip! Nyahahahah...*evil laugh*

Thursday, October 09, 2003

hwow...na-exempt ako sa paggawa ng midterm paper sa rels..*religion*...ayos na...proproblemahin ko na lang ang calculus at analytic geometry...at PE..

Natatakot na ako sa calculus....okay pa yung first few lessons..medyo na-ggets ko pa...pero siyet...ngayong mga nakaraang araw...ang daming pina-pamemorize na kung ano-anong formulas...and they're piling up...ang mahirap pa..hindi mo kayang intindihin yung isang lesson kung hindi mo gets kung paano gamitin yung formulas na inaral niyo last lesson...siyet talaga...hindi ko na masagutan ang assignment ko ng mag-isa lang ako...kelangan kong mag-aral ng seryoso...

Isa pang problema ko yung analytic geometry...kailangan mo talagang mag-isip...lalo yang letcheng proving na yan...tapos nakikinig naman ako sa lecture..pero ghulay..hindi ko parin siya ma-gets...

Yung PE...sige..pagtawanan niyo na ako...pinanganak na ata akong bano sa PE...volleyball naman kami ngayon...powtsa..HINDI AKO MARUNONG MAG-VOLLEYBALL! practical pa namin bukas! Alam kong walang bumabagsak ng PE..pero nakakahinayang naman kung yun yung lowest mo di ba...pangeeettt...talaga...

ano ba to...walang kwenta..panay rant na ang nilalagay ko dito...panget ang blog kung panay rant ang nilalagay di ba?
Sige...eto nalang..pag-isipan mo tong tanong na to ah...

"Kung panget ba ang commercial model ng ponds,me bibili ba ng produkto nila..."

me nakalimutan akong ilagay...me bago...sigurado akong magugustuhan siya ni mommy at kuya....charing...nyehehehe...Chilyunnie's Blog..

Wednesday, October 08, 2003

wala ngayong masyadong nanyari.Ordinaryong araw lang to..hay..

Sabi ng mga tao...huling araw na daw ng burol ng batchmate kong namatay...hindi man lang ako naka-dalaw..tapos may mass kanina hindi ako naka-punta..

Wala lang....ika nga ni duo_girl...mapapa-isip ka....hindi mo alam kung kelan kukunin yung mga taong nasa paligid mo...tapos tini-take mo pa sila for granted...creepy na nakakatakot...tapos ikaw..hindi mo alam kung kelan ka kukunin...mapapa-isip ka...siyet...marami pa akong gustong gawin sa buhay ko..
kaya nga sabi nila...live your life to the fullest everyday....tapos let your love ones know that you love them, habang hindi pa sila nawawala...


hmm.....


ayoko nga....ehehehehehehe....
napaka walang kwentang konklusion...

Tuesday, October 07, 2003

lesson for the day.."Kung may-ari ka restaurant, huwag na huwag mong gugutumin ang customers mo..."

Ang saya ng araw na ito...nag-lunch kami ng mga ka-block ko at inabot ng mahigit 1 oras para ma-serve ang pagkain namin.Napaka-saya...grabe...bad trip lahat ng tao..pati yung mga katabi naming table kasi matagal ding na-serve yung pagkain nila...tuliro na rin siguro yung mga nag-serve..

Bakit ka nga naman hindi ma-babadtrip? Ang tagal na nga ng pagkain mo...ang mahal ng bayad mo..at hindi pa masarap ang pagkain mo. Sino ba namang hindi ma-babadtrip nun...

Gutom na yung mga tao..kulang nalang magwala sila..nakakain na kami 15 minutes bago ang klase namin...garapalan na sa kanin...kinuha ng mga kasama ko yung mismong lalagyan ng kaning sabay lagay sa plato ng kanin, kahit hindi nag-papaalam dun sa staff ng kainan....lang ya...ang tindi..tawa na nga lang kami...pati yung sa kabilang table pinagtatawanan na kami...

Natural late na kami nun...usapan nga namin mag-pa-late na kaming lahat...sabay nag-quiz pala dun sa subject na yun...siyet! Kung hindi ka ba naman sini-swerte...

Napaka-ewan ng araw na ito....nakita ko kung gaano ka-sabog ang mga tao pag-gutom...kaya huwag na huwag mong gugugtumin ang mga tao...kung ayaw mong mag-kagulo sa kainan mo at hindi na sila bumalik...heheheh..

Monday, October 06, 2003

Nyehehehe...^^v Its monday today and i'm not late for my graphics class for the first time!Nyahahahahaha!*final fantasy victory theme* tenen-tenen-ten-ten-ten-tenen! I arrived at exactly 8:00 AM!

Ayos! Dumadami ang blog traffic!Lalaki na ulo ko niyan...charing..^^v Plug ko lang blog ni renchan na bago na ang domain at asteegg ang layout with the double "t" and "g".^^v Ako...mahirap lang ako...wala akong sarili kong domain..lahat yan libre...pati yung image host kaya pasensya na kung hindi niyo makita yung mga images minsan..

Ano pa ba...wala lang...sulat lang ako ngayong 4 na oras nanaman ang break ko..umuwi pa ako sa bahay para tipid! Me assignment pa ako sa geometry na hindi ko ginagawa dahil sa mas trip ko mag-net...nag-ayos ulit ng blog ni duo_girl.

*huwag niyo akong tutularan...gawin niyo muna mga assignment niyo*

Sino nga pala diyan may CD ng AutoCad?Pahiram na man o..i need practice!

Sunday, October 05, 2003

linggo ngayon at wala akong magawa..^^V kaya kumuha ako ng quiz..

: : :   Prophetic Dreamer : Hinoto   : : :

You are the Prophetic Dreamer

Hinoto

Tied to the lacking of your physical availability, you only wish for a better end, relying in your Dreams. Not so centered personality that can create a powerful alter-ego making yourself not completely trustful in your predictions.


What kind of Dreamgazer is more appealing to you?


Quiz made by Let-kun, based on Melange's
Treatise on Dreams



Asteeg no? Actually meron akong gagawin ngayon..gagawin ko ang project ng kapatid ko..Asar nga eh..bakit ba ako ang kailangan gumawa ng project ng kapatid ko? Porket ba ako ang matanda akong gagawa? Noong grade school naman ako akong gumagawa ng project ko ha...nagpapakahirap akong gumawa tapos ang kapatid ko naglalaro lang ng game boy sa labas ng bahay! Nakaka-asar....

Sana matuloy kami sa greenhills...para makakita ako ng soundtrack ng Noir...asteeggg...^^v

Saturday, October 04, 2003

nyehehe...iba talaga feeling pag tinitignan ko yung layout ko...*baliw na*

nga pala...plug ko lang ang blog ni duo_girl..ako rin gumawa ng layout...nyahaha..kina-reer ba daw ang paggawa ng layout..

matagal na rin akong hindi nakaka-pagpost..grabe...back to back ang quizzes namin sa Calculus at Analytic Geometry..sumama pa ang JpRizal..halos bumaliktad na ang ulo ko...

Thank you nga pala sa mga nag-comment sa bago kong layout.Opo.Yaoi siya.Nyehehehe...na-infect na ako ng yaoi fever...at hindi ng STD...

Hay..gulat ako kanina. Dahil dito na-conclude ko na hindi mo talaga alam kung kelan ka kukunin ni Lord. Nabalitaan ko kasi ngayon na namatay ang isa naming batchmate..noong HS..road accident ata. Mag-ka-department pa naman kami...tapos nakikita ko pa siya dati sa building namin...tapos biglang ganun. Takot na tuloy akong mag-commute.

Tama nga siguro sinabi ni Super Mama at Papa....
"Kaya nga dapat nagdarasal ka na hindi ka ma-holdap, masagasaan..."-tatay ko
"Dapat huwag kang maki-pagpatintero sa jeep.." - nanay ko..

yan...takot na tuloy ako...

Kung saan man ang batchmate namin ngayon...S.L.N...

Tuesday, September 30, 2003

Nyahahahahahaha.....nahawaan na ako ng yaoi virus....hinde...dati pa naman akong nagbabasa ng yaoi...nabuhay lang ulit ngayon...this layout is...

"Dos.Uno.Quatro.Version 2."

Also known as the yaoi version! NYahahaha...ako may gawa niyan! ay...actually modified default html lang yan eh.

Quatre at trowa....walang kamatayan....kung meron taong bagay kay quatre..*bukod sa kin...charing!* Si trowa na yon!
Besides...maganda naman yung drawing di ba? Made by Karyon...gumagawa talaga ata siya ng drawing ng doujin!
Waah...kung makakagawa lang ako ng ganyang drawing...
TANGING INA! TANGING INA TALAGA! OLAAAAAAAAAATTTTSSS ANG LA SALLLLLE!

Mukhang nasa panig ng Ateneo si Lord. Natupad yung dasal nila eh...nakita ko na dibdiban ang dasal nila...at panay blue ang nakikita ko sa TV....siguro nga na meant to be na manalo ang ateneo.....umaandar nanaman ang gulong ng kapalaran...ngayon naman ateneo ang mag-cchampion ng 14 years...tapos la salle itong humahabol....hay...panahon lang talaga ng ateneo ngayon.. Pana-panahon ang pagkakataon...charing!

Nyehehehe...wala lang. Sana nung high school pa kami...parang sa la salle at ateneo ang school spirit namin. Pero hindi...mga ka-klase ko pa tong nangunguna na mag-cheer sa lasalle at ateneo kesa sa sariling ekwelahan.Napaka-saya. Sabagay hindi rin ako pwede mag-turo kasi kahit ako walang school spirit ng skwelahan namin...

Hmm...habol na lang sa 3rd place...nyehehehe...

Monday, September 29, 2003

Nyehehe....napaka-wala kong kwentang estudyante..nandito ako sa cybernook ng eskwelahan namin imbes na mag-aaral ako sa quiz...sandali lang naman ako dito eh..mga 30 mins. lang...mag-aaral ako pag katapos...pag may kasama na ako..

Gusto ko lang mag-comment Dun sa concert ni Lea Salonga...ayos.Sobra! Bilib ako! Dito ko nalaman kung gaano kayaman ang Original Pilipino Music...Magaling pa ang rendition niya!*si lea ba naman eh*

Ang nakakalungkot lang isipin...mas tinatangkilik pa natin ang kanta ng ibang bansa. Nung time kasi nung concert...sumabay siya sa concert ng F4 - 2 sa pinas. Kung hindi sumabay yon...sigurado akong mas marami pang pumunta don.

In other words, gusto ko lang sabihihin na napaka-yaman ng OPM. Ang OPM ay hindi lamang Salbakuta o Sexbomb o Nina or Jay-R o kung sino pa man diyan...ang OPM ay ang Slapshock, si Levi Celerio, Si lea salonga, ang Parokya ni Edgar. Kahit na hindi mo panahon ang mga kanta ni Sharon o ni Eva Eugenio, hindi mo maitatanggi na napaka-galing ng pagkakagawa nito. Saka sino pa bang makakagawa ng kantang tulad ng Anak at Mr.Swave? Pinoy lang ang may kaya niyan!

Saludo ako kay Buhawi ng Parokya ni Edgar...timeless classic na ang Mr.Swave! Asteeeeggg....

Sige...baka bumasgsak ako sa Quiz niyan eh...kailangan ko pang mag-aral...

Saturday, September 27, 2003

yep...i survived another ROTC training day without fainting....yessed! Nyehehehhe....

Pangit lang sa ROTC yung mga lectures..sige..medyo interesado ako sa topic *military intelligence ba ang pagusapan eh*..pero somehow nagiging boring siya after 2 and 1/2 hours...literal na nagddrawing na ako sa likod.
Naka-fatigue na kami next week at merong nag-plug samin para mag-donate ng dugo...maganda sana..2 training days excused..magiging modern hero ka pa! Pero baka himatayin lang ako don...takot ako sa karayom at dugo...
nakakawindang na kukuhanan ka nila ng isang beaker ng dugo...*shudders*

Lang ya...tinotopak ang image server ko....nagmumukha tuloy alien ang layout kong bano...*kicks villagephotos*
Hoy! Tumino ka nga diyan!

Hay...i bought the CCCom's 12th issue...as usual...astig pa rin...kelan ba nabago yun...pero they're improving! Ayos..Nag-iimprove kasi yung mga stories tumatakbo na talaga....umaandar na yung plot...*yung kubori non-linear ata...hindi ko parin siya ma-gets* Yung ODID, lumalabas na yung conflicts, yung PASIG, astig yung action scenes, yung Cat's Trail continous pa rin ang pagtakbo ng storya niya..maging ang pagkakadevelop ng plot kaya hindi boring..plus....ME BAGONG CHARACTER!

Ang panget ngayong weekend na to...may quiz kami sa geometry sa Monday!At hindi ako nakabili ng gluhen na VCD...huhuhuhu...ang gagawin ko lang ngayon ay ang mag-aral...gwaaaaaaaaaahhhhh...napaka-saya.
12:45 ng madaling araw.

Hindi pa ako natutulog.May ROTC ako bukas at kelangan akong magising ng 5:00.Napaka-saya.Hindi nalang ako magtataka kung bigla akong himatayin bukas pag binilad ako sa araw.

Bakit 12:45 gising pa ako: Una, Nagdagdag ng fanlisting at Pangalawa, Sumali ako sa bagong forum. Forum ng mga taong idol si Bob Ong..Speaking of which..nadagdag ko yung site na iyon sa gilid.(ibaling mo ang iyong tingin sa kaliwa)

Speaking na rin of Bob Ong. Isa siyang taong astig.As in.Writer siya ng 3 libro, ABNKKBSNPlako??!!, Bakit baliktad magbasa ang Pinoy?, at Ang Paboritong Libro ni Hudas. Bakit siya astig? Malalaman mo pag nabasa mo ang mga libro niya. Mamumulat ka..seryoso. Lalo na yung pangalawa at pangatlo niyang libro. Mapapaisip ka talaga eh.. Kaya saludo ako sa taong yun. Pero hindi siya boring ah..matatawa ka..pero mapapaisip ka rin..kaya siya astig
(ba't kaya wala siyang fanlisting no?)

Ang panget.Quiz na namin sa Ansogeo bukas..nakaka-ulol...wala akong alam sa Geometry...o sige..medyo me alam ako pero yung prof namin mukhang mahirap mag-bigay ng quiz...mapapa-aral pa tuloy ako...*imbes na manood ng Gluhen o di kaya magbasa ng Megatokyo*..
(huwag tularan:Masamang estudyante)

Dun sa quiz namin sa Jprizal.Napaka-ganda ng grade ko.
12/25. Grabe.Umabot pa ako ng 12.Pero 17 ang passing.Lang yang buhay...kelangan bumawi.

Sige.Kelangan na talagang ma...tuuuuuuuuuu......llooooggg.....*snorgggggkkkk*

Thursday, September 25, 2003

On the Kris and Joey issue...

Dito mo makikita kung gaano ka-tsismoso ang mga pilipino at kung gaano kasugapa ang media sa ratings. Tignan mo...kung ordinaryong tao ba yan...magiging headline ba yan ng mga dyaryo?Hindi. Pagpipiyestahan ba yan ng media? Hindi. Yun na nga kasi..si Kris Aquino yon..sikat siya...kaya malamang buong pilipinas excited sa kanya..kaya lahat ng manyayari sa kanila covered ng media eh..siyempre...ratings yan eh.

Tayo namang mga pilipino..mas iniintindi pa ito...dati si Jose Pidal..pulitika..ngayon naman si Kris at Joey...showbiz...*kasalukuyang nag-aaway ang ateneo at la salle players dahil sugapa si Gaco sa bola*.....ba't hindi na lang pag-tuunan ng pansin ang lumalalang problema ng kidnapping sa pilipinas...palibhasa kasi...controversial.

controversial=issue=kuha atensyon lahat tao=walang nagagawa.

Kaya masaya.

On Megatokyo...

Waiiii~~~~me bago akong discovery! Ang MEGATOKYO...maraming salamat kay Ushaia ng Philotaku. Kahit amerikano gumawa...asteeegggg pa rin!!!!! Kasalukuyan ko palang siyang binabasa...asteeeggggg talaga....grabe...new discovery...

On Ateneo and La Salle ball game of Sept.25..

Gaguhan....nag-suntukan ang mga players ng la salle at ateneo...nag-simula ng naging sugapa si Gaco sa bola...tapos naki-pagsuntukan si Tenorio at nagkagulo na silang lahat paglipat ko ng channel. Ang saya-saya. Technical silang pareho.Tanggal sa court yung mga naki-pagsuntukan.Mabuti lang yon..sa ngayon hindi ko pa alam kung sino mananalo...

Tuesday, September 23, 2003

hay...ewan ko ba...meron talagang mga araw na sadyang panget...

ewan ko ngayon.....kamuntikan nanaman akong mapahiya kanina...medyo yung plema ko nag-pupumilit lumabas kaya ubo ako ng ubo...tapos bigla akong pinag-basa ng prof...masaya siya di ba?
sinumpong ulit ako nung 2nd subject...kelangan kong magtatatakbo sa labas para maka-inom ng tubig..

tapos nararamdaman ko nanamang kailangan kong pakiramdaman ang mga ka-block ko ngayon...iba nanaman ang vibes....sumasama na hindi ko alam...tsktsk..

Sana bukas hindi ganito...wala lang...

Monday, September 22, 2003

gwaah....eto nanaman tayo...nabura ko yung post ko...english pa naman...bobo...

Ano bang sinabi ko dun...ah...as i was saying i've got to post now during my 4-hr break...because i've got to do my homework in calculus tonight........

I took a gluhen quiz!!Waiii! Asteeg...



I'm Glühen Aya.
Which Weiß Kreuz Glühen Character Are You? @ Shakunetsu no Honoo.


I got Aya!*super papa*.Nyehehehe...Weiss Kreuz Glühen is one of my current favorites..(aside from noir)...
er....the series is nice...no...i think i used the wrong adjective...gluhen is not nice..its actually dark...much darker than the original series...and the characters are much more mature..as shown not only in the character designs *hindi na sila pa-cute--duo girl but also in the character's actions and perspectives...there are less fight scenes and more dialogues between characters..(that can be quite dragging)...but nevertheless..the story and the pacing is good...

If you enjoy animes with dark themes...*like me*..you'll definitely enjoy this. Its quite short..*13 episodes* and i'm currently in episode 8...i can't wait to finish the series..

Some major spoilers i learned..
*The Schwartz are going to make an appearance in episode 10..*gwaahh...major spoiler*
*There is a drama cd before gluhen and a manga series after gluhen...which i'm sure is not translated until now..

Well..try to search around for some sites to learn more about this series...while i post this and get ready for my next class..^^v

Sunday, September 21, 2003

Bakit ba me mga taong sadyang Ungas sa mundo?!

Nakaka-ewan kasi yung quiz sa Jprizal...Kailangan mong -memorize yung libro! San ka pa?! 25 items na objective type! maloloka ako! Himala na pag-naka 10 ako dun...para naman kasing ang galing niya mag-turo diba?!
Paano na ako makaka-4.0 niyan!Gago talaga siya...*sowee for the term*

Me sipon ako ngayong araw na to. Ano nanaman to?! Karma?! Na-karma na nga ako sa quiz eh...anu ba yan...
Nabuo tuloy ang concept ko ng hell...hell is having a runny nose for all eternity...grabe! Totoo yan!

Ano pa ba nanyari sa kin...nung friday..*pagkatapos ng quiz na napaka-saya*...pa-uwi na ako. Wala akong masakyan...nagpasundo ako sa tatay ko at voila! Kakain pala ang tatay at nanay ko sa labas...ang saya-saya...na-dawit pa ako...kakaiba..

Nga pala...kung napansin niyo..marami-rami na rin akong nasalihan na fanlistings...nyehehhe...iba na talaga ang nawiwili...tsktsktsk...^^

Thursday, September 18, 2003

Me conclusion ako....ang posting ko ay tuwing tuesday at thursday nalang....kung saan ang mga schedule ng uwi ko ay 4:10 ng hapon. Wala lang...

Yung commenting ko...pinalitan ko na rin...since pwede na yung Haloscan...yun na yung ginagamit ko...pero hindi ko parin ma-figure out kung pano papalitan yung link para sa comments habang pinapakita yung number ng comments...
*sakit sa ulo*

Pero mas masakit sa ulo ang Calculus....sobra! Nagsimula na kami ngayon sa limits...grabe...medyo madali pa siya...pero lagi namang sa umpisa madali...pag dating sa dulo...wala na..magkita-kita nalang tayo sa next sem...same time! Same subject! *huwag naman sana*

Eto...mas madalas na akong tumambay sa velasco..kasama ang mga blockmates kong lalakwe...nyehehe...marami narin akong nalalaman tungkol sa kanila...wala lang...masaya...nyehehehhe...

nga pala! Matakot kayo sa kin!

Dahil ako'y isang Capricorn.
(Also known as "Goat")
My Horroscope starts like this:
" Cruel, cold and heartless, the Capricorn has all the warmth of an iceberg in January. He is a tyrant at work and an inquisitor at home. " (Read more | Find yours)

Tuesday, September 16, 2003

Hay...tagal ko din hindi nag-post.Dami kasing nanyari tsaka gagawin kaya hindi na ako nag-post...gwaah..

Weekend.Umaga.ROTC.Tayuan sa gitna ng init ng araw.
Hapon.Gimik sa Glorietta.Mahabang lakaran.Pagsamahin mo sila anong makukuha mo?SAKIT NG PAA.

Weekdays.Naglalabasan na ang mga homeworks.Gabi narin ako umuuwi ngayong mga araw na to.Actually nung monday lang.

Monday.Na-meet ko ang graphtwo teacher namin na boyoyong clown pero walang make-up.Para siyang nakalagok ng isang pakete ng vetsin.Naranasan ko narin ang recitation kay Yabes..malupit ang recitation..at hindi ako natawag.(buti nalang.)

Tuesday.Ngayong araw na to.Astig ang guro namin sa Filipitwo...sobra...mga ilang bagay na natutunan ko sa kanya ngayon..

Syota- Nanggaling sa salitang "Short Time". In other
words, babaeng bayaran. Kaya kung may girlfriend ka, huwag na huwag mo siyang tatawaging syota.

Atat- Eto pa ang isang bagay na huwag na huwag mo nang babanggitin. Nanggaling kasi ito sa salitang "hot na hot." Magmumukha kang horny pag ganito.

Hay...masaya...parang mas nakakausap ko mga ka-block ko ngayon...improvement yan..nyeheheh...siguro ngayong linggo lang yan...pero huwag naman sana...hehehe...

Lord...iligtas niyo ako sa Calculus at sa Ansogeo at kay Yabes.

Thursday, September 11, 2003

Quote for the day..
"Hoy! Potang Ena Mo! Bwal Umihi Dito"
---post ng isang member ng PODN, nakita daw niya sa isang pader.

SIYET! Me nakasabay ata akong malas pagsakay ko ng jeep..umuwi ako sa bahay nagkanda-letse-letse na ang aking hapon...

-umulan ng malakas, kaya hindi ko nakuha ang 1x1 ko
-Muntikan nang masira ang PC ko..kala ko na-virus na.
-Natusok ang loob ng daliri ko ng stapler...masakit sobra.

Sana naman hindi ko madala yan bukas..PE pa naman. Lahat ng swerte sa buhay kelangan ko sa PE...dahil bano nga ako dun.

Narealize ko kung gaano ka-negosyante ang la salle. 33 na nga lang kami sa calculus, hinati pa kami at mi-nerge sa isang block. Putek! Ano ba! Eto ba ang nakukuha namin sa pagkalaki-laking tuition namin!? Grabe na talaga toh...

Di bale...nakahiram naman ako ng Endless Waltz na may extra scene *nandoon daw si dorothy*..kay kuya Boy Abunda...nyeheheh...Lol....!

Wednesday, September 10, 2003

grabe na to....pumasok ako kanina ng 3:00 *excited ba? 3:40 pa yung klase namin*

Gulat ako.....ANG KONTI NAMIN!

Onse ang nabawas samin...from 44 naging 33 nalang kami sa block...siyet! Panu pa kaya sa 3rd sem! baka masama ako sa mga matatangal sa block namin! Huwag naman sana! *Katok sa kahoy!*

Pero wala lang...nakakamiss din yung iba naming kaklase...kahit hindi ko kinakausap yung mga yun...parang kulang na ang block EK! Huhuhuhuhuhu...kakalungkot tuloy...

Nakakatakot na rin.....may Analytical Geometry kami...may Calculus Pa! Scary....

Tapos May ROTC na kami...paki sabi naman sakin kung kailangang nang mag-fatigue sa first day...KASI WALA PA AKONG FATIGUE!( Sabi sa kin 1000+ daw yung set...)

Nakakapraning din yung teacher namin sa JPRIZAL....recitation at memorization ang drama niya! dadag pasakit pa siya! Grrr....

Hay...bukas naman...isang araw na walang gagawin....

Astig tong quiz na to...at guess kung sino nakuha ko...
Duo
Duo


The One Deep Gundam Wing Personality Test
brought to you by Quizilla

Tuesday, September 09, 2003

Siyet! Bobo...Ulit nanaman ako ng type.

Wow.Grabe. Parang kelan lang nung nag finals..tapos nag-course card distribution...tapos ngayon may pasok na..grabe.Ang bilis..

Nga pala 3:30-6:00 ang pasok ko...baka makalimutan kong pumasok.....nyehehehhe...

Pumunta akong USTE at CCHQ ngayon. Pumunta akong USTE para daanan yung kasama ko..(Hi Elaine! Nyehehe..) papuntang CCHQ. Hindi ako pinapasok ng gwardya kaya kelangan pa naming ikutin ang perimeter ng USTE...sabi niya wala pang nag-aatempt nun...oo nga...sino ba naman susubok nun...papayat ka sa kalalakad nun eh...

Nameet ko rin yung mga classmates niya.grabe....ingay nila...hehehehe...

Mga narinig ko kanina...

"Di ba si Edgar yung singer ng Parokya ni Edgar?"

"Ano ang tagalog ng grasshopper?....HULING HAPUNAN!"

"Gusto mo i-sandwich kita?"

"Ano ba yung pak (palitan natin yung spelling...ma-censored tayo)fest na yan?!.....eh di tiganan mo yung etymology ng word? Ano ba yung Pak?!"

"Colored ba yung uniform niyo?"


Tapos sabi niya hindi pala niya ka-close yung mga yon...ah..okay...

Pagpunta namin ng CCHQ....wala yung hinahanap namin...-->"Yami No Matsuei...vols.1&2.."

Kaya ang nabili ko lang...isang 70 pesos na indie comic.

Siyempre pauwi sakay ng MRT...baba ng Ayala...sabay uwi.

Parang wala lang...pinagod lang namin yung mga sarili namin. Wala naman kaming nabili. Lalo na siguro yung kasama ko...mabigat pa yung dala niya kasi nga galing siyang school...tapos may importante siyang gagawin na school related..pagod pa siya pauwi. ...para nga siyang bad trip pauwi...nakaka-guilty tuloy. Ayoko naman kasing gumastos nun eh..

*Breaking News! Ang Story kong Nawawala! Nakita ko na! WAAAAAAAAAHHHHHH!!!!!!!ANG SAYA-SAYA!!!!!!*

as i was saying...ayoko na kasing gumastos nun...kasi me binili na ako 2 -3 days ago lang...kaya yun lang yung binili ko. Kakaguilty tuloy..

Pero astig yung Noir trading cards ha...

Kaya ang Hirap pag walang pera eh....

Next time....wag lumakad pag hindi kailangan...mapapagod ka lang...mapapagastos ka pa...mababad-trip pa yung kasama mo.

Siyet.May pasok na talaga bukas no?

-o-0-o-
Nakakatakot tong isang test na tinake ko....bakit? TAMA KASI SIYA!!!!!

Bom is an unsung hero, an undiscovered genius...and an unknown quantity. It is because Bom is such an unknown quantity that her heroism goes unsung and her genius undiscovered. Some people will blow their own trumpets from the highest hill even when those trumpets are battered and badly out of tune. Bom is rather the opposite. No matter how bright the light inside her shines, she will always find a bushel big enough to hide it under. Bom wants to be thought of as stable, steady and solid. She tries her best to do what the world expects of her, she wants to be a trooper - a loyal, reliable, down-to-earth kind of character. In the attempt to give this impression Bom strives to be modest, restrained and realistic. She almost succeeds. Through diligent effort Bom manages to persuade herself and the rest of the watching world that she is a known quantity. At best she will allow himself to be known for her talent in one particular area or for her courage with regard to one particular topic. The trouble is Bom is a Capricorn and Capricorns, despite all that some astrologers say, are always unknown quantities.

Deep down inside Bom yearns to be wild and crazy, footloose and fancy-free. She wants to break the rules, question convention and court controversy. Only one thing stops her - a little voice in the back of her head that says "Excuse me, who do you think you are? That's not the kind of activity that Bom can get away with." If you want to be a true friend to Bom you must encourage her to ignore that voice. She will love you for it and she won't need much encouraging. Bom was born to be brilliant. She was destined to be daring. One day she will realise this and then...the world had better look out.

eto yung link dyan...subukan mo...baka sakto rin...

Sige.Baka mabura nanaman to...


Monday, September 08, 2003

Nyahahahhaha! Upadates galore!

Una sa lahat! Nagawa ko nang panganahin ang aking commenting system! Yehey!!!Mangiyak-ngiyak na talaga ako! Kaya ikaw na nagbabasa...comment ka ha...click mo lang yung link pagkatapos ng message na to!

Second! bago na kulay niya! Di na siya boring! Nyehehehhe....de. Actually pinalitan ko lang yung kulay para makita yung link ng commenting system...

Third!Natutunan ko nang palitan yung mga links...kaya expect some updates diyan!

-o-O-o-

Astig! May blog pala si Shuro! Kaso di ko pa napupuntahan! Hindi ko kasi alam yung link! *ahem* pakibigay...*ahem ahem*...

Ano ba to...masyado na akong natutuwa. Kasi naman eh...eto lang ang ginagawa ko buong sem break! Hindi na ako nababato! Wala nga lang makatawag sa bahay kasi naka-internet ako....*patay*

Nga pala...nahagilap ko yung troika quiz! Matagal ko narin di nakita to!...pwede ko na siyang i-post! Astig! Ko nga pala may gawa niyan!

you are bom!
You're kind of similar to Bom!Even though she
always keeps to herself, she entertains people
by doing an imitation of LA Lopez, and stuff
like that. She prefers listening to talking.
She'll be disappointed if she gets low scores
to the point that she will rant about it the
whole day.Oftentimes, she could be too much of
a killjoy that makes her annoying. She loves
doing things with Photoshop, and she truly
appreciates pinoy talent.


Which Taong Troika are You?
brought to you by Quizilla

Sige! Masyado pa akong natutuwa eh! Nyahahahhaha....

Sunday, September 07, 2003

pag eto ayaw pa....give up...waahh...
*wag pansinin...tungkol ito sa isang web commenting something na ilalagay ko dito..*


testing lang...^^v


hay. Bago ang lahat!

Log for Sept.6,2003
"Dalawang Bading Na Nagsasayaw...check!" 5:34 PM. September 6,2003. McDonalds Makati Cinema Square.

Nakakagulat kasi. Kumakain kami ni Elaine sa McDo kung saan may Children's Party..tapos dun sa children's party na yun may dalawang bading na nang-gatecrash...at sumayaw ng Spaghetti! Galing mag-otso-otso!Bongga diba?!
Hindi naman sila kamag-anak nung celebrant...at hindi sila staff ng Mcdo.

"Baka kasama sila sa [birthday] package"--Ako

Siguro naghahanap ng Racket yung mga Bading...o di kaya nag-prpractice para sa Audition dun sa isa sa mga Studio sa may Pasong tamo area.

Log for September 7 ,2003

Patay...napaparami nanaman ang kain ko.... Tsk. Tumataba nanaman.

Panu bang hindi tumaba?

Kumain ng Veggies at Fruits? Mag-Exercise? Umiwas sa pagkain? Uminom ng Gamot? Magpa-lipo? (ako mag papalipo? Nyehehhe.....Joke Joke Joke...para parehas na kami ni katya santos....nyehehe...pwede..)

Kumain ng Veggies at Fruits? Kumakain naman ako nun ah...hindi nga lang palagi.
Kasi panay kanin, patatas, meat (hindi taba), at preserved foods ang kain ko. Naku...patay talaga tayo diyan...hindi maganda ang diet.

Mag-exercise? Isang bagay na hindi ko ginagawa. Kasi madali akong mapagod. parang hingal na hingal na nga ako pagumakyat ako ng 7th floors....talaga?Normal ba yun? Sorry. Pero hindi nga...hindi talaga ako nag-eexercise...konti lang ang aking Physical activity...2 points na...patay talaga tayo dito..

Umiwas sa Pagkain? Eh di pag ganun lalo kang magugutom...eh di lalo kang magtatakaw....no use diba? Siguro magbawas ng kinakain..pwede...

Uminom ng Gamot? Ano kaya? xenical? Grabe naman to. Hindi ko pa naman kailangan niyan.

Mag-pa-lipo?Pwede. Kung boldstar ako.Tsaka kung close kami ni Vicky Belo.
Saka kung kelangan ko na talaga.

Bakit ba sinasabi kong hindi ko kailangan.Hindi pa naman ako lumalampas ng 150 lbs. at wala akong balak umabot don. Hindi pa naman ako mataba to the point na obvious na. *Sa tingin ko naman to...ewan ko lang sa iba*....at ang mga t-shirt na masikip sa kapatid kung nakababata sakin ay kasya pa sakin.

Eto nalang siguro. Subukang huwag kumain ng maraming tsitsirya.

Parang magagawa ko yun.

Pfft.