hay. Bago ang lahat!
Log for Sept.6,2003
"Dalawang Bading Na Nagsasayaw...check!" 5:34 PM. September 6,2003. McDonalds Makati Cinema Square.
Nakakagulat kasi. Kumakain kami ni Elaine sa McDo kung saan may Children's Party..tapos dun sa children's party na yun may dalawang bading na nang-gatecrash...at sumayaw ng Spaghetti! Galing mag-otso-otso!Bongga diba?!
Hindi naman sila kamag-anak nung celebrant...at hindi sila staff ng Mcdo.
"Baka kasama sila sa [birthday] package"--Ako
Siguro naghahanap ng Racket yung mga Bading...o di kaya nag-prpractice para sa Audition dun sa isa sa mga Studio sa may Pasong tamo area.
Log for September 7 ,2003
Patay...napaparami nanaman ang kain ko.... Tsk. Tumataba nanaman.
Panu bang hindi tumaba?
Kumain ng Veggies at Fruits? Mag-Exercise? Umiwas sa pagkain? Uminom ng Gamot? Magpa-lipo? (ako mag papalipo? Nyehehhe.....Joke Joke Joke...para parehas na kami ni katya santos....nyehehe...pwede..)
Kumain ng Veggies at Fruits? Kumakain naman ako nun ah...hindi nga lang palagi.
Kasi panay kanin, patatas, meat (hindi taba), at preserved foods ang kain ko. Naku...patay talaga tayo diyan...hindi maganda ang diet.
Mag-exercise? Isang bagay na hindi ko ginagawa. Kasi madali akong mapagod. parang hingal na hingal na nga ako pagumakyat ako ng 7th floors....talaga?Normal ba yun? Sorry. Pero hindi nga...hindi talaga ako nag-eexercise...konti lang ang aking Physical activity...2 points na...patay talaga tayo dito..
Umiwas sa Pagkain? Eh di pag ganun lalo kang magugutom...eh di lalo kang magtatakaw....no use diba? Siguro magbawas ng kinakain..pwede...
Uminom ng Gamot? Ano kaya? xenical? Grabe naman to. Hindi ko pa naman kailangan niyan.
Mag-pa-lipo?Pwede. Kung boldstar ako.Tsaka kung close kami ni Vicky Belo.
Saka kung kelangan ko na talaga.
Bakit ba sinasabi kong hindi ko kailangan.Hindi pa naman ako lumalampas ng 150 lbs. at wala akong balak umabot don. Hindi pa naman ako mataba to the point na obvious na. *Sa tingin ko naman to...ewan ko lang sa iba*....at ang mga t-shirt na masikip sa kapatid kung nakababata sakin ay kasya pa sakin.
Eto nalang siguro. Subukang huwag kumain ng maraming tsitsirya.
Parang magagawa ko yun.
Pfft.
No comments:
Post a Comment