Monday, September 29, 2003

Nyehehe....napaka-wala kong kwentang estudyante..nandito ako sa cybernook ng eskwelahan namin imbes na mag-aaral ako sa quiz...sandali lang naman ako dito eh..mga 30 mins. lang...mag-aaral ako pag katapos...pag may kasama na ako..

Gusto ko lang mag-comment Dun sa concert ni Lea Salonga...ayos.Sobra! Bilib ako! Dito ko nalaman kung gaano kayaman ang Original Pilipino Music...Magaling pa ang rendition niya!*si lea ba naman eh*

Ang nakakalungkot lang isipin...mas tinatangkilik pa natin ang kanta ng ibang bansa. Nung time kasi nung concert...sumabay siya sa concert ng F4 - 2 sa pinas. Kung hindi sumabay yon...sigurado akong mas marami pang pumunta don.

In other words, gusto ko lang sabihihin na napaka-yaman ng OPM. Ang OPM ay hindi lamang Salbakuta o Sexbomb o Nina or Jay-R o kung sino pa man diyan...ang OPM ay ang Slapshock, si Levi Celerio, Si lea salonga, ang Parokya ni Edgar. Kahit na hindi mo panahon ang mga kanta ni Sharon o ni Eva Eugenio, hindi mo maitatanggi na napaka-galing ng pagkakagawa nito. Saka sino pa bang makakagawa ng kantang tulad ng Anak at Mr.Swave? Pinoy lang ang may kaya niyan!

Saludo ako kay Buhawi ng Parokya ni Edgar...timeless classic na ang Mr.Swave! Asteeeeggg....

Sige...baka bumasgsak ako sa Quiz niyan eh...kailangan ko pang mag-aral...

No comments: