Tuesday, October 07, 2003

lesson for the day.."Kung may-ari ka restaurant, huwag na huwag mong gugutumin ang customers mo..."

Ang saya ng araw na ito...nag-lunch kami ng mga ka-block ko at inabot ng mahigit 1 oras para ma-serve ang pagkain namin.Napaka-saya...grabe...bad trip lahat ng tao..pati yung mga katabi naming table kasi matagal ding na-serve yung pagkain nila...tuliro na rin siguro yung mga nag-serve..

Bakit ka nga naman hindi ma-babadtrip? Ang tagal na nga ng pagkain mo...ang mahal ng bayad mo..at hindi pa masarap ang pagkain mo. Sino ba namang hindi ma-babadtrip nun...

Gutom na yung mga tao..kulang nalang magwala sila..nakakain na kami 15 minutes bago ang klase namin...garapalan na sa kanin...kinuha ng mga kasama ko yung mismong lalagyan ng kaning sabay lagay sa plato ng kanin, kahit hindi nag-papaalam dun sa staff ng kainan....lang ya...ang tindi..tawa na nga lang kami...pati yung sa kabilang table pinagtatawanan na kami...

Natural late na kami nun...usapan nga namin mag-pa-late na kaming lahat...sabay nag-quiz pala dun sa subject na yun...siyet! Kung hindi ka ba naman sini-swerte...

Napaka-ewan ng araw na ito....nakita ko kung gaano ka-sabog ang mga tao pag-gutom...kaya huwag na huwag mong gugugtumin ang mga tao...kung ayaw mong mag-kagulo sa kainan mo at hindi na sila bumalik...heheheh..

No comments: