Tuesday, September 30, 2003

Nyahahahahahaha.....nahawaan na ako ng yaoi virus....hinde...dati pa naman akong nagbabasa ng yaoi...nabuhay lang ulit ngayon...this layout is...

"Dos.Uno.Quatro.Version 2."

Also known as the yaoi version! NYahahaha...ako may gawa niyan! ay...actually modified default html lang yan eh.

Quatre at trowa....walang kamatayan....kung meron taong bagay kay quatre..*bukod sa kin...charing!* Si trowa na yon!
Besides...maganda naman yung drawing di ba? Made by Karyon...gumagawa talaga ata siya ng drawing ng doujin!
Waah...kung makakagawa lang ako ng ganyang drawing...
TANGING INA! TANGING INA TALAGA! OLAAAAAAAAAATTTTSSS ANG LA SALLLLLE!

Mukhang nasa panig ng Ateneo si Lord. Natupad yung dasal nila eh...nakita ko na dibdiban ang dasal nila...at panay blue ang nakikita ko sa TV....siguro nga na meant to be na manalo ang ateneo.....umaandar nanaman ang gulong ng kapalaran...ngayon naman ateneo ang mag-cchampion ng 14 years...tapos la salle itong humahabol....hay...panahon lang talaga ng ateneo ngayon.. Pana-panahon ang pagkakataon...charing!

Nyehehehe...wala lang. Sana nung high school pa kami...parang sa la salle at ateneo ang school spirit namin. Pero hindi...mga ka-klase ko pa tong nangunguna na mag-cheer sa lasalle at ateneo kesa sa sariling ekwelahan.Napaka-saya. Sabagay hindi rin ako pwede mag-turo kasi kahit ako walang school spirit ng skwelahan namin...

Hmm...habol na lang sa 3rd place...nyehehehe...

Monday, September 29, 2003

Nyehehe....napaka-wala kong kwentang estudyante..nandito ako sa cybernook ng eskwelahan namin imbes na mag-aaral ako sa quiz...sandali lang naman ako dito eh..mga 30 mins. lang...mag-aaral ako pag katapos...pag may kasama na ako..

Gusto ko lang mag-comment Dun sa concert ni Lea Salonga...ayos.Sobra! Bilib ako! Dito ko nalaman kung gaano kayaman ang Original Pilipino Music...Magaling pa ang rendition niya!*si lea ba naman eh*

Ang nakakalungkot lang isipin...mas tinatangkilik pa natin ang kanta ng ibang bansa. Nung time kasi nung concert...sumabay siya sa concert ng F4 - 2 sa pinas. Kung hindi sumabay yon...sigurado akong mas marami pang pumunta don.

In other words, gusto ko lang sabihihin na napaka-yaman ng OPM. Ang OPM ay hindi lamang Salbakuta o Sexbomb o Nina or Jay-R o kung sino pa man diyan...ang OPM ay ang Slapshock, si Levi Celerio, Si lea salonga, ang Parokya ni Edgar. Kahit na hindi mo panahon ang mga kanta ni Sharon o ni Eva Eugenio, hindi mo maitatanggi na napaka-galing ng pagkakagawa nito. Saka sino pa bang makakagawa ng kantang tulad ng Anak at Mr.Swave? Pinoy lang ang may kaya niyan!

Saludo ako kay Buhawi ng Parokya ni Edgar...timeless classic na ang Mr.Swave! Asteeeeggg....

Sige...baka bumasgsak ako sa Quiz niyan eh...kailangan ko pang mag-aral...

Saturday, September 27, 2003

yep...i survived another ROTC training day without fainting....yessed! Nyehehehhe....

Pangit lang sa ROTC yung mga lectures..sige..medyo interesado ako sa topic *military intelligence ba ang pagusapan eh*..pero somehow nagiging boring siya after 2 and 1/2 hours...literal na nagddrawing na ako sa likod.
Naka-fatigue na kami next week at merong nag-plug samin para mag-donate ng dugo...maganda sana..2 training days excused..magiging modern hero ka pa! Pero baka himatayin lang ako don...takot ako sa karayom at dugo...
nakakawindang na kukuhanan ka nila ng isang beaker ng dugo...*shudders*

Lang ya...tinotopak ang image server ko....nagmumukha tuloy alien ang layout kong bano...*kicks villagephotos*
Hoy! Tumino ka nga diyan!

Hay...i bought the CCCom's 12th issue...as usual...astig pa rin...kelan ba nabago yun...pero they're improving! Ayos..Nag-iimprove kasi yung mga stories tumatakbo na talaga....umaandar na yung plot...*yung kubori non-linear ata...hindi ko parin siya ma-gets* Yung ODID, lumalabas na yung conflicts, yung PASIG, astig yung action scenes, yung Cat's Trail continous pa rin ang pagtakbo ng storya niya..maging ang pagkakadevelop ng plot kaya hindi boring..plus....ME BAGONG CHARACTER!

Ang panget ngayong weekend na to...may quiz kami sa geometry sa Monday!At hindi ako nakabili ng gluhen na VCD...huhuhuhu...ang gagawin ko lang ngayon ay ang mag-aral...gwaaaaaaaaaahhhhh...napaka-saya.
12:45 ng madaling araw.

Hindi pa ako natutulog.May ROTC ako bukas at kelangan akong magising ng 5:00.Napaka-saya.Hindi nalang ako magtataka kung bigla akong himatayin bukas pag binilad ako sa araw.

Bakit 12:45 gising pa ako: Una, Nagdagdag ng fanlisting at Pangalawa, Sumali ako sa bagong forum. Forum ng mga taong idol si Bob Ong..Speaking of which..nadagdag ko yung site na iyon sa gilid.(ibaling mo ang iyong tingin sa kaliwa)

Speaking na rin of Bob Ong. Isa siyang taong astig.As in.Writer siya ng 3 libro, ABNKKBSNPlako??!!, Bakit baliktad magbasa ang Pinoy?, at Ang Paboritong Libro ni Hudas. Bakit siya astig? Malalaman mo pag nabasa mo ang mga libro niya. Mamumulat ka..seryoso. Lalo na yung pangalawa at pangatlo niyang libro. Mapapaisip ka talaga eh.. Kaya saludo ako sa taong yun. Pero hindi siya boring ah..matatawa ka..pero mapapaisip ka rin..kaya siya astig
(ba't kaya wala siyang fanlisting no?)

Ang panget.Quiz na namin sa Ansogeo bukas..nakaka-ulol...wala akong alam sa Geometry...o sige..medyo me alam ako pero yung prof namin mukhang mahirap mag-bigay ng quiz...mapapa-aral pa tuloy ako...*imbes na manood ng Gluhen o di kaya magbasa ng Megatokyo*..
(huwag tularan:Masamang estudyante)

Dun sa quiz namin sa Jprizal.Napaka-ganda ng grade ko.
12/25. Grabe.Umabot pa ako ng 12.Pero 17 ang passing.Lang yang buhay...kelangan bumawi.

Sige.Kelangan na talagang ma...tuuuuuuuuuu......llooooggg.....*snorgggggkkkk*

Thursday, September 25, 2003

On the Kris and Joey issue...

Dito mo makikita kung gaano ka-tsismoso ang mga pilipino at kung gaano kasugapa ang media sa ratings. Tignan mo...kung ordinaryong tao ba yan...magiging headline ba yan ng mga dyaryo?Hindi. Pagpipiyestahan ba yan ng media? Hindi. Yun na nga kasi..si Kris Aquino yon..sikat siya...kaya malamang buong pilipinas excited sa kanya..kaya lahat ng manyayari sa kanila covered ng media eh..siyempre...ratings yan eh.

Tayo namang mga pilipino..mas iniintindi pa ito...dati si Jose Pidal..pulitika..ngayon naman si Kris at Joey...showbiz...*kasalukuyang nag-aaway ang ateneo at la salle players dahil sugapa si Gaco sa bola*.....ba't hindi na lang pag-tuunan ng pansin ang lumalalang problema ng kidnapping sa pilipinas...palibhasa kasi...controversial.

controversial=issue=kuha atensyon lahat tao=walang nagagawa.

Kaya masaya.

On Megatokyo...

Waiiii~~~~me bago akong discovery! Ang MEGATOKYO...maraming salamat kay Ushaia ng Philotaku. Kahit amerikano gumawa...asteeegggg pa rin!!!!! Kasalukuyan ko palang siyang binabasa...asteeeggggg talaga....grabe...new discovery...

On Ateneo and La Salle ball game of Sept.25..

Gaguhan....nag-suntukan ang mga players ng la salle at ateneo...nag-simula ng naging sugapa si Gaco sa bola...tapos naki-pagsuntukan si Tenorio at nagkagulo na silang lahat paglipat ko ng channel. Ang saya-saya. Technical silang pareho.Tanggal sa court yung mga naki-pagsuntukan.Mabuti lang yon..sa ngayon hindi ko pa alam kung sino mananalo...

Tuesday, September 23, 2003

hay...ewan ko ba...meron talagang mga araw na sadyang panget...

ewan ko ngayon.....kamuntikan nanaman akong mapahiya kanina...medyo yung plema ko nag-pupumilit lumabas kaya ubo ako ng ubo...tapos bigla akong pinag-basa ng prof...masaya siya di ba?
sinumpong ulit ako nung 2nd subject...kelangan kong magtatatakbo sa labas para maka-inom ng tubig..

tapos nararamdaman ko nanamang kailangan kong pakiramdaman ang mga ka-block ko ngayon...iba nanaman ang vibes....sumasama na hindi ko alam...tsktsk..

Sana bukas hindi ganito...wala lang...

Monday, September 22, 2003

gwaah....eto nanaman tayo...nabura ko yung post ko...english pa naman...bobo...

Ano bang sinabi ko dun...ah...as i was saying i've got to post now during my 4-hr break...because i've got to do my homework in calculus tonight........

I took a gluhen quiz!!Waiii! Asteeg...



I'm Glühen Aya.
Which Weiß Kreuz Glühen Character Are You? @ Shakunetsu no Honoo.


I got Aya!*super papa*.Nyehehehe...Weiss Kreuz Glühen is one of my current favorites..(aside from noir)...
er....the series is nice...no...i think i used the wrong adjective...gluhen is not nice..its actually dark...much darker than the original series...and the characters are much more mature..as shown not only in the character designs *hindi na sila pa-cute--duo girl but also in the character's actions and perspectives...there are less fight scenes and more dialogues between characters..(that can be quite dragging)...but nevertheless..the story and the pacing is good...

If you enjoy animes with dark themes...*like me*..you'll definitely enjoy this. Its quite short..*13 episodes* and i'm currently in episode 8...i can't wait to finish the series..

Some major spoilers i learned..
*The Schwartz are going to make an appearance in episode 10..*gwaahh...major spoiler*
*There is a drama cd before gluhen and a manga series after gluhen...which i'm sure is not translated until now..

Well..try to search around for some sites to learn more about this series...while i post this and get ready for my next class..^^v

Sunday, September 21, 2003

Bakit ba me mga taong sadyang Ungas sa mundo?!

Nakaka-ewan kasi yung quiz sa Jprizal...Kailangan mong -memorize yung libro! San ka pa?! 25 items na objective type! maloloka ako! Himala na pag-naka 10 ako dun...para naman kasing ang galing niya mag-turo diba?!
Paano na ako makaka-4.0 niyan!Gago talaga siya...*sowee for the term*

Me sipon ako ngayong araw na to. Ano nanaman to?! Karma?! Na-karma na nga ako sa quiz eh...anu ba yan...
Nabuo tuloy ang concept ko ng hell...hell is having a runny nose for all eternity...grabe! Totoo yan!

Ano pa ba nanyari sa kin...nung friday..*pagkatapos ng quiz na napaka-saya*...pa-uwi na ako. Wala akong masakyan...nagpasundo ako sa tatay ko at voila! Kakain pala ang tatay at nanay ko sa labas...ang saya-saya...na-dawit pa ako...kakaiba..

Nga pala...kung napansin niyo..marami-rami na rin akong nasalihan na fanlistings...nyehehhe...iba na talaga ang nawiwili...tsktsktsk...^^

Thursday, September 18, 2003

Me conclusion ako....ang posting ko ay tuwing tuesday at thursday nalang....kung saan ang mga schedule ng uwi ko ay 4:10 ng hapon. Wala lang...

Yung commenting ko...pinalitan ko na rin...since pwede na yung Haloscan...yun na yung ginagamit ko...pero hindi ko parin ma-figure out kung pano papalitan yung link para sa comments habang pinapakita yung number ng comments...
*sakit sa ulo*

Pero mas masakit sa ulo ang Calculus....sobra! Nagsimula na kami ngayon sa limits...grabe...medyo madali pa siya...pero lagi namang sa umpisa madali...pag dating sa dulo...wala na..magkita-kita nalang tayo sa next sem...same time! Same subject! *huwag naman sana*

Eto...mas madalas na akong tumambay sa velasco..kasama ang mga blockmates kong lalakwe...nyehehe...marami narin akong nalalaman tungkol sa kanila...wala lang...masaya...nyehehehhe...

nga pala! Matakot kayo sa kin!

Dahil ako'y isang Capricorn.
(Also known as "Goat")
My Horroscope starts like this:
" Cruel, cold and heartless, the Capricorn has all the warmth of an iceberg in January. He is a tyrant at work and an inquisitor at home. " (Read more | Find yours)

Tuesday, September 16, 2003

Hay...tagal ko din hindi nag-post.Dami kasing nanyari tsaka gagawin kaya hindi na ako nag-post...gwaah..

Weekend.Umaga.ROTC.Tayuan sa gitna ng init ng araw.
Hapon.Gimik sa Glorietta.Mahabang lakaran.Pagsamahin mo sila anong makukuha mo?SAKIT NG PAA.

Weekdays.Naglalabasan na ang mga homeworks.Gabi narin ako umuuwi ngayong mga araw na to.Actually nung monday lang.

Monday.Na-meet ko ang graphtwo teacher namin na boyoyong clown pero walang make-up.Para siyang nakalagok ng isang pakete ng vetsin.Naranasan ko narin ang recitation kay Yabes..malupit ang recitation..at hindi ako natawag.(buti nalang.)

Tuesday.Ngayong araw na to.Astig ang guro namin sa Filipitwo...sobra...mga ilang bagay na natutunan ko sa kanya ngayon..

Syota- Nanggaling sa salitang "Short Time". In other
words, babaeng bayaran. Kaya kung may girlfriend ka, huwag na huwag mo siyang tatawaging syota.

Atat- Eto pa ang isang bagay na huwag na huwag mo nang babanggitin. Nanggaling kasi ito sa salitang "hot na hot." Magmumukha kang horny pag ganito.

Hay...masaya...parang mas nakakausap ko mga ka-block ko ngayon...improvement yan..nyeheheh...siguro ngayong linggo lang yan...pero huwag naman sana...hehehe...

Lord...iligtas niyo ako sa Calculus at sa Ansogeo at kay Yabes.

Thursday, September 11, 2003

Quote for the day..
"Hoy! Potang Ena Mo! Bwal Umihi Dito"
---post ng isang member ng PODN, nakita daw niya sa isang pader.

SIYET! Me nakasabay ata akong malas pagsakay ko ng jeep..umuwi ako sa bahay nagkanda-letse-letse na ang aking hapon...

-umulan ng malakas, kaya hindi ko nakuha ang 1x1 ko
-Muntikan nang masira ang PC ko..kala ko na-virus na.
-Natusok ang loob ng daliri ko ng stapler...masakit sobra.

Sana naman hindi ko madala yan bukas..PE pa naman. Lahat ng swerte sa buhay kelangan ko sa PE...dahil bano nga ako dun.

Narealize ko kung gaano ka-negosyante ang la salle. 33 na nga lang kami sa calculus, hinati pa kami at mi-nerge sa isang block. Putek! Ano ba! Eto ba ang nakukuha namin sa pagkalaki-laking tuition namin!? Grabe na talaga toh...

Di bale...nakahiram naman ako ng Endless Waltz na may extra scene *nandoon daw si dorothy*..kay kuya Boy Abunda...nyeheheh...Lol....!

Wednesday, September 10, 2003

grabe na to....pumasok ako kanina ng 3:00 *excited ba? 3:40 pa yung klase namin*

Gulat ako.....ANG KONTI NAMIN!

Onse ang nabawas samin...from 44 naging 33 nalang kami sa block...siyet! Panu pa kaya sa 3rd sem! baka masama ako sa mga matatangal sa block namin! Huwag naman sana! *Katok sa kahoy!*

Pero wala lang...nakakamiss din yung iba naming kaklase...kahit hindi ko kinakausap yung mga yun...parang kulang na ang block EK! Huhuhuhuhuhu...kakalungkot tuloy...

Nakakatakot na rin.....may Analytical Geometry kami...may Calculus Pa! Scary....

Tapos May ROTC na kami...paki sabi naman sakin kung kailangang nang mag-fatigue sa first day...KASI WALA PA AKONG FATIGUE!( Sabi sa kin 1000+ daw yung set...)

Nakakapraning din yung teacher namin sa JPRIZAL....recitation at memorization ang drama niya! dadag pasakit pa siya! Grrr....

Hay...bukas naman...isang araw na walang gagawin....

Astig tong quiz na to...at guess kung sino nakuha ko...
Duo
Duo


The One Deep Gundam Wing Personality Test
brought to you by Quizilla

Tuesday, September 09, 2003

Siyet! Bobo...Ulit nanaman ako ng type.

Wow.Grabe. Parang kelan lang nung nag finals..tapos nag-course card distribution...tapos ngayon may pasok na..grabe.Ang bilis..

Nga pala 3:30-6:00 ang pasok ko...baka makalimutan kong pumasok.....nyehehehhe...

Pumunta akong USTE at CCHQ ngayon. Pumunta akong USTE para daanan yung kasama ko..(Hi Elaine! Nyehehe..) papuntang CCHQ. Hindi ako pinapasok ng gwardya kaya kelangan pa naming ikutin ang perimeter ng USTE...sabi niya wala pang nag-aatempt nun...oo nga...sino ba naman susubok nun...papayat ka sa kalalakad nun eh...

Nameet ko rin yung mga classmates niya.grabe....ingay nila...hehehehe...

Mga narinig ko kanina...

"Di ba si Edgar yung singer ng Parokya ni Edgar?"

"Ano ang tagalog ng grasshopper?....HULING HAPUNAN!"

"Gusto mo i-sandwich kita?"

"Ano ba yung pak (palitan natin yung spelling...ma-censored tayo)fest na yan?!.....eh di tiganan mo yung etymology ng word? Ano ba yung Pak?!"

"Colored ba yung uniform niyo?"


Tapos sabi niya hindi pala niya ka-close yung mga yon...ah..okay...

Pagpunta namin ng CCHQ....wala yung hinahanap namin...-->"Yami No Matsuei...vols.1&2.."

Kaya ang nabili ko lang...isang 70 pesos na indie comic.

Siyempre pauwi sakay ng MRT...baba ng Ayala...sabay uwi.

Parang wala lang...pinagod lang namin yung mga sarili namin. Wala naman kaming nabili. Lalo na siguro yung kasama ko...mabigat pa yung dala niya kasi nga galing siyang school...tapos may importante siyang gagawin na school related..pagod pa siya pauwi. ...para nga siyang bad trip pauwi...nakaka-guilty tuloy. Ayoko naman kasing gumastos nun eh..

*Breaking News! Ang Story kong Nawawala! Nakita ko na! WAAAAAAAAAHHHHHH!!!!!!!ANG SAYA-SAYA!!!!!!*

as i was saying...ayoko na kasing gumastos nun...kasi me binili na ako 2 -3 days ago lang...kaya yun lang yung binili ko. Kakaguilty tuloy..

Pero astig yung Noir trading cards ha...

Kaya ang Hirap pag walang pera eh....

Next time....wag lumakad pag hindi kailangan...mapapagod ka lang...mapapagastos ka pa...mababad-trip pa yung kasama mo.

Siyet.May pasok na talaga bukas no?

-o-0-o-
Nakakatakot tong isang test na tinake ko....bakit? TAMA KASI SIYA!!!!!

Bom is an unsung hero, an undiscovered genius...and an unknown quantity. It is because Bom is such an unknown quantity that her heroism goes unsung and her genius undiscovered. Some people will blow their own trumpets from the highest hill even when those trumpets are battered and badly out of tune. Bom is rather the opposite. No matter how bright the light inside her shines, she will always find a bushel big enough to hide it under. Bom wants to be thought of as stable, steady and solid. She tries her best to do what the world expects of her, she wants to be a trooper - a loyal, reliable, down-to-earth kind of character. In the attempt to give this impression Bom strives to be modest, restrained and realistic. She almost succeeds. Through diligent effort Bom manages to persuade herself and the rest of the watching world that she is a known quantity. At best she will allow himself to be known for her talent in one particular area or for her courage with regard to one particular topic. The trouble is Bom is a Capricorn and Capricorns, despite all that some astrologers say, are always unknown quantities.

Deep down inside Bom yearns to be wild and crazy, footloose and fancy-free. She wants to break the rules, question convention and court controversy. Only one thing stops her - a little voice in the back of her head that says "Excuse me, who do you think you are? That's not the kind of activity that Bom can get away with." If you want to be a true friend to Bom you must encourage her to ignore that voice. She will love you for it and she won't need much encouraging. Bom was born to be brilliant. She was destined to be daring. One day she will realise this and then...the world had better look out.

eto yung link dyan...subukan mo...baka sakto rin...

Sige.Baka mabura nanaman to...


Monday, September 08, 2003

Nyahahahhaha! Upadates galore!

Una sa lahat! Nagawa ko nang panganahin ang aking commenting system! Yehey!!!Mangiyak-ngiyak na talaga ako! Kaya ikaw na nagbabasa...comment ka ha...click mo lang yung link pagkatapos ng message na to!

Second! bago na kulay niya! Di na siya boring! Nyehehehhe....de. Actually pinalitan ko lang yung kulay para makita yung link ng commenting system...

Third!Natutunan ko nang palitan yung mga links...kaya expect some updates diyan!

-o-O-o-

Astig! May blog pala si Shuro! Kaso di ko pa napupuntahan! Hindi ko kasi alam yung link! *ahem* pakibigay...*ahem ahem*...

Ano ba to...masyado na akong natutuwa. Kasi naman eh...eto lang ang ginagawa ko buong sem break! Hindi na ako nababato! Wala nga lang makatawag sa bahay kasi naka-internet ako....*patay*

Nga pala...nahagilap ko yung troika quiz! Matagal ko narin di nakita to!...pwede ko na siyang i-post! Astig! Ko nga pala may gawa niyan!

you are bom!
You're kind of similar to Bom!Even though she
always keeps to herself, she entertains people
by doing an imitation of LA Lopez, and stuff
like that. She prefers listening to talking.
She'll be disappointed if she gets low scores
to the point that she will rant about it the
whole day.Oftentimes, she could be too much of
a killjoy that makes her annoying. She loves
doing things with Photoshop, and she truly
appreciates pinoy talent.


Which Taong Troika are You?
brought to you by Quizilla

Sige! Masyado pa akong natutuwa eh! Nyahahahhaha....

Sunday, September 07, 2003

pag eto ayaw pa....give up...waahh...
*wag pansinin...tungkol ito sa isang web commenting something na ilalagay ko dito..*


testing lang...^^v


hay. Bago ang lahat!

Log for Sept.6,2003
"Dalawang Bading Na Nagsasayaw...check!" 5:34 PM. September 6,2003. McDonalds Makati Cinema Square.

Nakakagulat kasi. Kumakain kami ni Elaine sa McDo kung saan may Children's Party..tapos dun sa children's party na yun may dalawang bading na nang-gatecrash...at sumayaw ng Spaghetti! Galing mag-otso-otso!Bongga diba?!
Hindi naman sila kamag-anak nung celebrant...at hindi sila staff ng Mcdo.

"Baka kasama sila sa [birthday] package"--Ako

Siguro naghahanap ng Racket yung mga Bading...o di kaya nag-prpractice para sa Audition dun sa isa sa mga Studio sa may Pasong tamo area.

Log for September 7 ,2003

Patay...napaparami nanaman ang kain ko.... Tsk. Tumataba nanaman.

Panu bang hindi tumaba?

Kumain ng Veggies at Fruits? Mag-Exercise? Umiwas sa pagkain? Uminom ng Gamot? Magpa-lipo? (ako mag papalipo? Nyehehhe.....Joke Joke Joke...para parehas na kami ni katya santos....nyehehe...pwede..)

Kumain ng Veggies at Fruits? Kumakain naman ako nun ah...hindi nga lang palagi.
Kasi panay kanin, patatas, meat (hindi taba), at preserved foods ang kain ko. Naku...patay talaga tayo diyan...hindi maganda ang diet.

Mag-exercise? Isang bagay na hindi ko ginagawa. Kasi madali akong mapagod. parang hingal na hingal na nga ako pagumakyat ako ng 7th floors....talaga?Normal ba yun? Sorry. Pero hindi nga...hindi talaga ako nag-eexercise...konti lang ang aking Physical activity...2 points na...patay talaga tayo dito..

Umiwas sa Pagkain? Eh di pag ganun lalo kang magugutom...eh di lalo kang magtatakaw....no use diba? Siguro magbawas ng kinakain..pwede...

Uminom ng Gamot? Ano kaya? xenical? Grabe naman to. Hindi ko pa naman kailangan niyan.

Mag-pa-lipo?Pwede. Kung boldstar ako.Tsaka kung close kami ni Vicky Belo.
Saka kung kelangan ko na talaga.

Bakit ba sinasabi kong hindi ko kailangan.Hindi pa naman ako lumalampas ng 150 lbs. at wala akong balak umabot don. Hindi pa naman ako mataba to the point na obvious na. *Sa tingin ko naman to...ewan ko lang sa iba*....at ang mga t-shirt na masikip sa kapatid kung nakababata sakin ay kasya pa sakin.

Eto nalang siguro. Subukang huwag kumain ng maraming tsitsirya.

Parang magagawa ko yun.

Pfft.

Thursday, September 04, 2003

Sorry. I just have to write this in Filipino.^^v

Grabe. Nayanig ang mundo ko. At dahil yan sa isang fanfic.Yaoi pa siya. Seryoso. As in yanig.

Isa siyang 3X4 na gundam wing fic na psychological ang dating. Psych student si Trowa at pasyente niya si Quatre. Basahin niyo nalang para malaman niyo kung bakit ako napraning. Nasa Fanfiction.net siya.Title niya
Gestalt at si Caer ang nagsulat.

Waah.Makakatulog naman siguro ako nito no?

Sabi ko nga kahapon,trip ko magbasa ng yaoi fanfic kasi matagal na akong hindi nakakapagbasa...2nd year ang huli kong basa non. And this is what i get. Nayanig talaga ang mundo ko.

Siguro nagtataka kana kung bakit ako nayanig?

Wala lang..kasi sa story...parang nadistort yung reality ni Trowa...and take note...dahil kay Heero at Wufei na nasa katauhan ni Quatre!(May Mulitiple Personality Disorder si Quatre Kumbaga).. through sexual means pa to...Di ba? San ka pa?!

Pero original siya in fairness...kahit ako hindi makakisip ng ganun. Haggang Quatre at Selena sa isang gang lang ako eh.Sorry.

Saka may message pa siya...yung parang "you decide your own reality.." parang ganun. Wala lang, tama nga naman diba. Ang realidad sa iyo, Sa iba hindi. And vice versa. Kumbaga pwede na baliw ang isang tao para sa iyo, pero pwede ring ikaw yung baliw...oo, malabo pero totoo yan. Yan tuloy, pati si trowa na praning.Nyehehe..

Seryoso. Worth the read kung magbabasa ka ng fanfic.Astig siya. Pero Humanda na kayong mawindang.
Grabe na to.

Wednesday, September 03, 2003

hmm....A dose of technology soon after you got out of bed.

I didn't go out and enroll myself for the next semester. It was raining hard outside and well, i only get to commute. So i'll save enrollment for later...when its not raining anymore.

What i did today...play a PS2 game...then watched a local noontime show..and what else? Surfing the net...

After doing my routine of Checking my email, posting on forums and groups..i found nothing else to do.

And then i remembered what me and my friend talked about.

I went to an ancient site that i haven't visited for 2 or so years. And i searched what i always used to search there. Fanfiction. Particularly YAOI fanfiction.

I remembered then...me and my friends spent a lot of time surfing the net for this. We spend all of our coins and small bills printing works that will be read that evening and talked about in the morning...it was a habit..which was forgotten when academic concerns took over.

Why did i searched for fanfics.....probably because of nostalgia...or because i've got nothing else to do. I think the idea of doing what you did before gives you a nice feeling....it makes you remember some things in the past...and it makes you experience it. somewhat.

Now back to reading the downloaded work.

Tuesday, September 02, 2003

wow.I passed all my subjects!!! WAAAAAHHHHHHH!ASSTIIIIGGG!

Lang ya! Akalain mo bang 3.5 ako sa Graphone! Grabe na to!

Potential deans lister! I got an average of 3.2!*charing...*

Pero siyempre, may mas mataas sa kin. Apat ang kwatro nya. grabe.

Eto nanaman ako....gusto maging highest...masyadong competitive minded...tsktsk

Lowest ko 2.5...sa Algeb at Trigo. Grabe..baba..sayang kasi eh...kala ko pa naman 3.0 ang lowest ko..grabe...pero yung mga tao..1.0 lang masaya na!...parang dapat matuwa pa ako sa grade ko...pero wala lang...sayang kasi...

hindi naman sa nagyayabang..pero magaganda mga grades ko....proud ako dun...kaya pag mababa yung grade ko parang nakakahinayang na hindi mo maintindihan....yun na nga lang ika-pproud mo mawawala pa...

Kaya pag average lang nakukuha ko hindi ako kontento...pano pa kaya pag pasing diba?!

Pero nakakuha ako ng 2.5...swerte na daw ako sa lagay na yon....dapat nga siguro magpasalamat ako..

Don't get me wrong...i'm not a geek or anything...

Monday, September 01, 2003

Hmm...my first entry on my so-called 'blog'. I wonder...what does 'blog' mean anyway. Is it a acronym of some sort..or just a slang version of something..i Dunno...i can't even create a decent template. I'm using one of the templates the program provided.Sux.

Hmm...course card distribution is tommorrow.I hope i don't fail anything.

No. I have to think positive.

I WON'T fail anything.