Thursday, February 24, 2005

Hay..

Just as I promised,



Yep. I've already received the feared ELCITWO Quiz 1 paper, and in case you haven't noticed, I got a DAMN 3 out of 100. See, told ya I was older than my score.



The Quiz Booklet

It was as if my prayers were answered, I did not have to wait for long before i received my paper. And yes, it was a 3. 3...putsa, hindi man lang umabot ng line of 1. Of course my blockmates asked me for my score, i said, and without hesitation...

"3 ako"

"Line of 3?"

"Hinde, 3 lang seryoso."

Of course i could not help it. My voice was trembling a bit when I talked with my seatmates about their scores. The highest was a 68. The lowest in the batch, mine, I guess. It looked like the professor pitied my "Neat" quiz booklet and placed a 3, sayang naman ang tinta ng ballpen ko. But i did not allow myself to breakdown any further, ...emotional training, emotional preparation.... And then i got hold of myself. Everytime someone asks us for our scores, i would say, with a smile (not sarcastically), 3 LANG AKO! GALENG NO? LOWEST AKO SA BATCH! I guess i got over it, i did not feel too bad or down that day even though i got the lowest in the batch. I should not, because I still have a quiz that afternoon.


What went wrong?

I guess i kinda expected my score to be within that range right after i took ELCITWO quiz 1. I did not answer anything, i got too focused on part 2 (The part were i was given my 3 pts) because it was needed to solve part 3. I did not notice that there was a part 5. No points were given in part 4. I went home right after the quiz, I was almost in tears (read:ALMOST).

What went wrong? I did not solve problems beforehand. There was no time management.Did not examing the test paper carefully. Did not even write ANYTHING for partial points. Mental block. There was nobody else to blame, but myself.


What i did the afternoon after i took the ELCITWO quiz

I Slept. It was what E_kyub told me if ever there was something deeply bothering me. After I woke up, I still felt bad, REALLY BAD. I prayed seriously, watched TV, wrote about it, blogged about it, Ate, and i still could not keep it out of my head. I had to study for a quiz that evening, and i can't because of what i was feeling. I felt really bad because i was thinking, Tang ina, ako na ata ang lowest sa batch namin. Nakakahiya, Nakakahiya. Nasagutan nila, ako hindi. Ang bobo ko. Hindi ko ata kakayaning bumagsak. Hindi ako ganito, nakakahiya, nakakahiya. Mukhang irreg na ako..Mahirap nang bumawi

The next day, I sort of got over it. I was able to study for my examinations for that day.

Emotional preparation, WTF?

I did not feel all that bad. I dunno, maybe because I emoted way before the results were out. I kinda accepted it already. I did bad in the quiz, and there's no one else to blame but myself. I was anticipating the day that the results were given out, and how I was going to react my score. Tanggap ko na, bagsak ako. Lowest ako, at mas matanda ako sa score ko. Kaya huwag nang masyadong mag-eemote. Walang manyayari. Bawi nalang....kahit impossible

Of course, there is this factor where almost all of the class got VERY low scores, (even the sharp ones). At least, you wouldn't pity yourself too much. And of course, your friends who are trying their best to cheer you up. Weird thing though, when one of them tried to cheer me up, there is this lump that keeps popping in my throat. But still having friends to cheer you up are a lot of help. I guess i should be really thankful.

It also helps when you tell someone. I texted E_kyub and joke with Charlou about it.

And of course, writing about it in your blog...hehe...


What now?

The next quiz is on this Saturday. I should try to make up for my score, even though its kinda impossible since the coverage for the second exam is WAY TOO LONG, and i couldn't understand a thing as of writing. Bagsak ako o hindi sa ELCITWO, who knows. Bagsak kung bagsak, pasa kung pasa. There's nothing i could do with the 3, (except of course to write about it), all i could do is study, and try to do better in the next exam, and pray for a miracle to happen.

Kailangang Bumawi. Mahirap, pero kailangan.

*cross posted sa LJ

Saturday, February 05, 2005

Yan! Tapos ng matagal na panahon makakapagupdate narin ako!

Medyo lang kasi, sunod-sunod na yung mga test. Lahat ng subject test. Last week 3 ang test namin. Letse, kung hindi ka ba naman mapraning sa kaka-aral nun diba.

My latest frustration, yung test ko sa ELCITWO. Letse mas matanda pa ata ako sa score ko. Mahirap bumawi pag ganun, pero kaya!

I'll try to change my layout for the month of february, and make use of bloggers comment system if i can...if not, ill revert back to my haloscan again. Hope it works with my next layout. And luckily, come up with a better post.

Thanks for dropping by, *Nag-popost ako sa ingles, shet...* Sinabi ko na nga dati, madalas na ako sa LJ ko.

Thursday, January 06, 2005

Ang adjustment...

hindi ko alam kung paano to sa UP o sa ATENEO...basta ganito yan sa'min.

Sa kasamaang palad, nung nag-eenroll ako, nag-bug down yung internet connection sa cafe na pinuntahan namin ng mga ka-block ko. At nawalan ako ng isang laboratory subject, siya yung tipong pag nawala yung laboratory na yun, delayed ka na ng isang term. Regular ka nga, delayed ka naman! Siyempre hindi ako makakapayag nun diba?

Eh di punta ako sa adjustment para sa mga regular, noong Jan.4 (Tuesday). Nagsisign palang ng petition para magbukas ng bagong section nung laboratory na yun. Napakagaling naman kasi eh, gagawa lang ng section 2 pa! Di pa ginawang tatlo? Di nasayang ang pamasahe ko papuntang eskwelahan namin! Di bale, naka-pagpalit naman ako ng section.

Yung sa laboratory kong hindi nagbukas..kinabukasan ko daw aayusin, 10 ng umaga daw, bukas na daw yung section para sa laboratory, eh di papasukan ko mung yung klase ko bago yun. Pagkatapos, hindi pa daw bukas yung laboratory na section. Eh di tumambay muna kami ng mga kablock ko....na NAGING ISANG MALAKING PAGKAKAMALI! Buti nalang nagyaya siya na pumunta sa Opisina ng Vice Dean (kasi dun nagaadjust/nagpapalit ng section)..at ganitong kahabang pila ang tumambad samin!

Ang habaaah!

Fig. 1 Ang pilang nakakatense!

Pumila kami ng isang oras! At ang naabutan namin? Ang pagllunch break ng taga-Vice Deans office! Ang galing, mamimigay ng numbers (PILA numbers) ng 1:30. Ang dilemna(?), kung aalis kami sa pila, kasi lunch na nga, at hindi pa kami kumakain ng mga kablock ko. Pero sabi namin... Hindi, hindi tayo aalis dito! Mag-vivigil tayo!. At yun naman yung naging TAMANG desisyon namin! Naawa siguro yung taga-Vice dean at namigay ng numbers, kung hindi baka tumirik na ang mga mata namin sa gutom.

Pagkakain namin, pumila ulit kami nang isang oras. Inaantay namin na papasukin kami sa aircon office ng vice dean. Ang masama pa nun, may klase kami ng 2:30! Baka hindi kami makapasok sa class. Ang nakakabwiset pa, yung mga first batch na may numbers 50 above (mga hindi pumunta nung umaga) sila yung inuna. Eh di hintay to death naman kami. Pero sa wakas nakapasok narin kami, tapos may pila pa sa loob. Ang galing. Pero at least nakapasok na kami. Tuwang-tuwa ako ng maka-upo na ako sa booth ng STUDENT PERSONAL (?) ASSISTANT. Nakita ko narin sa wakas ang isa sa mga LEGENDARY persons sa College of Engineering..si Sir Apollo.

Magical Hands at work

Fig.2,Ang mahiwagang booth ni Apollo. Malabo yung kuha kasi pinakuha ko lang yan sa kaklase ko, kita pa yung daliri niya!

Tapos niyan, siyempre nakalock yung pinto dun sa front entrance kasi nga limited lang yung mga taong nakakapasok. At dumaan kami sa isang daan na minsan ka lang talaga makakadaan, ang mahiwagang shortcut papuntang velasco lobby.

Hagdanan

Fig.3, Ang mahiwagang hagdanan. Yan, kung kanina daliri niya, ngayon naman yung paa niya! Taragis!

Yung referral slip na binigay sayo ng vice dean, dadalhin mo sa accounting office. Biro mo, naka-check dun, RO (Registrar's Office) Supplies, yung isang papel na ipapaprint mo, SISENTA PESOS! Tapos yung adjustment fee, 200+, eh kasalanan ko bang mag-bug down yung computer ko...pero wala naman akong magagawa di ba?



Fig.4, Ang study hall na ginawang accounting office. Dalawang beses ako nag-antay sa mga benches na to para sa resibo

Pag nakuha mo na yung resibo mo dito, pupunta kana sa registrar ulit, at kukunin yung EAF mo.



Fig.5, Ang window 2 ng registrar's office. Siyempre, pila ulit

Eto nga pala yung EAF mo.



Fig.6, EAF, Sa wakas nakuha narin kita!

Yung EAF, enrollment assesment form. Dun mo makikita yung mga subject mo, tsaka kung magkano yung babayaran mo. At nandoon na yung maiwagang laboratory subject, ELTWOLA.
Hindi ko pa siya nababayaran, kasi nga hindi ko siya na-enrollan. Siyempre balik ako sa accounting office...para makuha ito.



Fig. 7, Resibo! Finally!

At yun ang istorya ng adjustment/late enrollment ko. At dahil yan sa adjustment na yan, 2 klase ang hindi ko napasukan! Ang galing diba. Pero atleast hindi na ako tanga adjustment.^^ Engineering student na ako! nyahahahahha

Saturday, December 25, 2004

Pasko na...paksiw pa.

Bago ko to simulang, gusto ko munang bumati, pahabol, ng
Maligayang Pasko!
at siyempre huwag kakalimutang
Maligo sa Bagong Taon!

==========================================

Ang pasko ko, okay lang. Ang pasko dito hindi nagsisimula ng 12:01 ng December 25, usually mga ala-6 ng december 25. Wala na akong inaasahang bubuksan na regalo galing sa magulang ko, di tulad nung bata pa ako, yung tipong parang first time mong magpuyat kasi excited ka nang buksan ang regalo mo. Yung tipong stick ka sa "Don't Open 'till Xmas": dati talaga ganun, para marami kang bubuksan sa umaga ng pasko. Pero ngayon, pagka-bigay, kahit december 18 palang, bukas kaagad, para maimtambak mo na sa bahay. Usually ganun yung nanyayari sa mga regalo ng kabarkada ko. Yung galing sa mga magulang, mga tipong 3 days before december 25 binibigay na, hindi na binabalot, kasi excited ka nang gamitin, tulad ng mga PS2, celphone, PC...

Siguro dahil masyado na siyang malaki para ibalot. Iba talaga ang age mo malapit-lapit na sa bente. Hindi ka na yung nagbubukas ng regalo, ni hindi mo nga mabati ang mga tao sa inyo ng "merry christmas". Parang "Okay, pasko ngayon. Merry Christmas sa inyo. Ayos may pera nanaman ako mamayang gabi."

HUwag niyong sabihin hindi ganyan ang nasa isip niyo. Magsitigil kayo mga plastik.

Ba't kaya ganun. Siguro totoo nga na ang pasko ay para sa mga bata

============================================
Pag bata ka: Ibig sabihin ko ng bata ay yung mga mula 7-14 years old. Ako noong bata pa ako, excited ako december 24 pa lang. Tinutulungan ko pa nga ang nanay kong gumawa ng salad, habang yung mata ko nakadikit na sa AXN dahil palabas ang 3x3 eyes. Pagdating ng december 25, bago ang damit, nilalabas yung mga gold na necklaces at bracelets para suotin at hindi iwala, binubudburan ka ng pabango pati yung mga parents mo. Hindi mo muna pwede buksan ang mga regalo mo kasi hindi pa kayo nagsisimba sa 7:00 am mass. Sa simbahan, siyempre kasama sina lola, pinsan, lahat. Tapos makikita mo sa daanan, lahat ng tao naka-bago, para bang walang economic depression sa pilipinas, nakangiti, maaraw, maliwanag, malamig, masaya. Ang festive. Siyempre yung masaya diyan hindi yung pagbibilang ng mga perang natanggap mo nung pasko, kundi yung paglalaro mo ng mga regalong kanina ka pang excited na buksan. Magpapayabangan pa kayo ng mga pinsan mo sa bahay ng lola mo. Ang dami niyong bisita sa bahay, ang sarap ng pagkain, spaghetti. Ang saya, lang tatalo sa pasko.

Pag malapit sa 20: Tinutulugan ang noche buena. Walang tao dito sa bahay, lahat sila tulog, o pangit ang palabas sa TV. Pagkagising mo, diretso agad sa banyo. Pagdating mo sa baba, nagkaka-gulo silang lahat kasi hindi pa handa yung mga pagkain. Sa christmas tree niyo, panay sa mga inaanak mo yung mga naka-lagay. Yung regalo mo, nasa taas, china-charge. O nasa baba, at lalaruin mo na. Magsisimba nanaman. Mga alas-10 am, last mass sa umaga. Sabado. Bukas magsisimba nanaman ulit, kasi linggo. Ang daming mga bata sa baba ng bahay niyo, istorbo. Pero mag-PPC ka parin habang hindi pa naliligo ang mga tao sa inyo para maka-pagsimba na. Soundtrip narin sa PC, hindi pang-christmas at sawa ka na doon. Magsisimba kayo, bagong shirt at pantalon lang, di bale na sapatos, pwede pa yan. Sa wakas nagkadamit narin ako. Simba isang oras. Maaraw na Makulimlim, masaya yung mga bata pero ang mga magulang mukha nang pagod. Ayos, naka-1,200 ako ngayon, mas mababa sa last year, bwiset. Dating sa bahay, bukas TV, ayos marathon sa Animax, replay sa Eat Bulaga at MTB. Daming namamasko, nood parin ng TV. La kong paki. Basta ako, manonood ng TV.

Pag may pamilya ka na: Nung oras na ba, ah, alas-6 na pala. YUng buko salad kaya sa freezer ayos ba...naku, mag-iihaw pa ng barbeque! AAAH!!! ANU BAYAN ANG AGA-AGA MAY NAMAMASKO NA???!! Inday, paliguan na si neneng at junior at magsisimba na..yung damit ko hindi pa pala nakaplantsa..mailabas ko na nga yung damit ng mga anak at asawa ko. Naku magustuhan kana ni inang yung regalo namin..yung inaanak ng anak ko nandito na, kunin mo na yung regalo mo, galing kay ninanag neneng yan. Ay! Malapit nang mag-alas-nuebe! Anu ba gisingin mo na sina junior! Ay sandali lang kukunin ko na yung mga pamasko niyo....anu bato, yung 4000 kong tig-20 NAUBOS??? Grabe, pati tong mga matatandang to ang lalakas ng apog mamasko! Ay merry christmas ate, natanggap mo ba yung ulam? Ay, sina inday wala pang regalo, magbabalot pa ako! Anu ba ineng, nagPPC ka pa magsisimba na tayo! *At marami pang ibang reklamong dumating*
======================================================

Tignan mo yun, based diyan, kanino bang pasko ang mas masaya? Sa batang maliwanag ang pasko, sa teen na nanonood ng animax marathon, o dun sa mga matatandang stressing ang pasko.

O sige sabihin niyo na na ang tunay na diwa ng pasko ay ang pagsasama-sama ng pamilya at ang pagbibigayan, pero hindi ba stressing pag nagsasama-sama ang pamilya at nagbibigayan. Magastos, Nakakataranta. Lahat na.

Para sa bata, masaya. Kasi wala pa siyang kamuwang-muwang sa mundo kundi ang gameboy niyang bago.

Para naman sa mga malapit na sa 20 katulad ko, pasko, maraming bago, makakahingi ka ng celphone, pera at PC sa parents mo. Daming tao sa baba, isang truck (totoo to, pramis) ng mga namamasko nasa bahay niyo, ang ingay.

Para naman sa mga parents, ang daming aasikasuhin, ang gastos na hindi ko akalaing nagbitaw ako ng ganung kalaking pera, nakakataranta, pero at least masaya ang pamilya ko. Pati narin ang mga kamag-anak, biyenan, pinsan ng biyenan, pamangkin ng biyenan, apo ng labandera, syota ng katulong, anak ng pinsan ng asawa mo,kabarkada ng anak mo, apo ng kapatid ng nanay ng asawa mo.... (sa kaso ko, pramis, totoo talaga siya)....

Oh well, at least lang pasok.

Sunday, December 19, 2004

Probably the last nonsense post..

I know, an update was long overdue, but i usually update this blog more nowadays. I've decided to post here when i'm in the mood to post something like my previous entries. My thought-provoking, Bob-Ongish entries. Yung mag-eenjoy saka yung hindi daily update ng buhay ko. Kasi kung gusto niyong makita yun, punta nalang kayong LJ ko.

So this will probably be the last nonsense update i'll be having. From this post onwards, i will be posting my bob ongish post, at least i intend to do so.

So what's up? Christmas is just around the corner and err...i already received my gift, my christmas+birthday gift.

But its not christmas that is keeping me excited (and scared) since friday, its the course card distribution happening tommorrow. Truthfully speaking, i should fail 3 subjects, 1 math subject, 1 major and 1 physics-nonsense course. And i need all the luck i could get.

A friend of mine send me an SMS message saying "To all LaSallians, please pass this message to 10 lasallian friends, or else you will get at least 1 0.0 in your course cards. Better Safe than sorry."

Ako naman: "Hello, sayang load! Para namang napaka-yaman ko para gumasto ng 10 pisong load para lang magpasa ng chain text." *sabay bura*

So i guess i will be getting at least 1 0.0 in the course card tommorrow.

Nah.

2 of my friends will also be sporting a new look tommorrow. Maybe a part of their "bagong buhay" activities they've done for the weekend. They went to confession yesterday...

I bet they look funny in their new haircuts.

Song that best fit tommorrow's festivities:

Himala - Rivermaya
"HIMALAAAAAAA! Kasalanan bang\ humingi ako sa langit ng\ isang himala"

Just Once - (Hindi ko kilala kung sino)
"I did my best, but i guess my best wasn't good enough"

Give love on Christmas Day - (Hindi ko rin kilala kung sino)
"Why don't you/ Give love on christmas deeeeyyyyyyy..."

Tuesday, December 07, 2004

May pauuod-paro-paro pang nalalaman

Dapat mag-bblog lang ako dito tungkol sa nakuha kong score sa QUANMET at ELCI. At habang naka-bukas ang window na yan, ay naka-bukas ang window ng friendster.

Wala lang...pancheck lang baka sakaling may bagong kaibigan o testimonial kasi kasama siya sa Christmas list ko.

Wala.

Napansin ko yung box sa may ibaba, ang nakalagay Waiting confirmation from 2 friends. Pag-click ko, inaantay ko parin ang kasagutan ng dati kong guro sa panitikan at ang kasagutan ng pinsan ko.

Hmm, ano kaya kung nagdagdag pa ako ng mga "kaibigan"?

Click dito, click doon.
Una sa pangalan ni ganito.
Uy, may bagong account na pala si ganito.
Add.
Matignan nga friends nito.
Uy, andami..
Aba, ganito na pala istura nito.
Iba na itsura niya....nila


--------------------------

Mga mukhang pamilyar sakin, at alam ko pa ang mga pangalan. Ang mga ka-batch ko sa noong high school ako. Yung adviser naming rakista na astig nung 3rd year. Yung mga popu samin. Yung mga hindi ganun ka-noticeable na namulaklak na. Mga kilala ko, na hindi ko sigurado kung kilala pa nila ako..

Malamang hindi.

Anu ba ang nakita ko? Pagbabago. Nagbabago ang tao habang tumatanda..at yun ang nakikita ko.

Ang mga babaeng pare-parehas lang ang suot dati, walang tumitingkad kung hindi dahil sa ugali,
sa talino,
o ka-weirdohan
...iba na ngayon.

Hindi ko na maiaalis yun. Yung mga mukhang ordinaryo lang dati
ngayon naka-make-up,
naka-blush on,
rebonded ang mga buhok,
naka-spaghetti't sleeveless,
may mga lalaking nakasandal sa kanilang mga balikat,
mga naka-pearl earings,
ngiting
..kikay.

Parang mga uuod na nag-metamorphosis at naging mga paru-paro.

Wala namang masama sa pagbabago. Sa katunayan, nakakaganda nga yon. Siyempre, college na. Kailangan nang magpapansin sa mga boys, di kagaya non, babae lang ang kahalubilo mo.
Kailangang maayos lagi.
Kailangang demure.
o kung di demure....hot, sexy, cool, noticeable.
Blooming.

Ordinaryo akong estudyante. Ngayon, ordinaryo parin. Walang pagbabago, bumigat lang ako ng 10 kilo. Hindi naka-uniform. Humaba ang buhok.
Parang may eyeshadow sa ilalim ng mata.
Naka-T-shirt at pantalong maluwag.
Naka-stud earings...na pilak.
Naka-timex..na bakal.

Hindi na kailangang magpapansin sa boys, kasi sila ang kausap ko madalas. Kasamang madalas. Hindi maiiwasan.

Pero, hindi ako obit, tibo, yuri...o kung anu man yung tawag niyo dun.

Babae lang, na hindi pa "nag-bbloom."

Uuod na kontento na sa pagiging uuod habang buhay.
------------------------

"Ohtso."
"Nuebe, dun sa may kanan.."

Hindi yan bingo o jueteng. Yan ang mga bagay na naririnig ko sa mga taong nakapaligid sakin.
Kung makapag-score parang kung sinong judge ng beauty contest.
Lowest to highest, 1-10.

Tingin sa kanan. Babae, naka-fit na shirt, naka-pearl earrings, straight na mahaba ang buhok...

"May boyfriend na eh..."

..at may kahawak ang kamay.

Pero hindi nila napapansin yung babae sa may likod niya. Naka-shirt na pula, pantalon, maikli ang buhok, walang earrings, naka-wristband. Pati yung nasa harap niya, naka-tshirt at pantalon lang.

-----------------------------

Kung tutuusin, saan nga ba nagmula ang kamulatan ng babae na kailangan niyang magpaganda..na kailangan niyang ma-notice, kailagan mag-dalaga, mag-ayos, mag-bloom,

..mag-kikay?

Nasa pagpapalaki ba yan?
Sa pamilya?

Noong high-school ba?
Noong mga popu sa school nanghihingi ng facial wash lagi,
para makapunta na sa banyo
na parang bang laging may mga mantika sa mukha nila
pero wala naman.
Magsuklay na para bang magpapapansin sila
pero panay babae naman sila kaya walang papansin sa kanila.
Mag-powder para walang oil sa mukha. Sige eto tanggap pa siguro.
Pero ang mag-lagay ng blush on bago mag-Algebra..
sa pagkaka-alam ko hindi naman nakakatalino ang blush, o ang lip balm.

Kung ganitong sitwasyon ang kamumulatan ng isang walang ka-muwang-muwang, hindi malayong ang isang uuod ay maging paru-paru nga.

Gawa ng mga popu. Ang mga popu, ma-boylet. Kung gusto mong maraming boylet, magladlad ka na ng kapa at maging kikay ka na sister.

----------------------------------------------------

Kung sabagay, hindi mo rin naman sila masisi.
Sino ba ang nakaka-agaw ng attensyon..

yung mga nag-aayos. Mga naka-blush-on.

Sino ba yung mga nakaka-nueve..o otso?

..yung mga naka-fit na tshirt, na mahahaba ang buhok

Eh yung mga nakaka-uno?

----------------------------------

May stereotype ang school namin. Pag-sinabi mong taga-dun ka, (bukod daw sa maraming obit), may class, may breeding, magaling mag-ingles,
prim and proper,
maayos,
ladylike,
kikay.

At anong kalalabasan ko non..

..latak. Para akong hindi taga-doon.
----------------------------------

Ang malungkot na realidad, kung gusto mong lingunin ng mga kalalakihan, kailangang mag-pakakikay, lalo na kung hindi ganoon ka striking ang iyong fez.

Kung kamukha mo man si Cindy Curleto, pero parang pimple na tinubuan ng mukha ang fez mo dahil hindi ka nag-ffacial wash, wala rin.

Kailangang magpaganda, lalo na pag hindi ka maganda.

Kung matalino ka, hindi naman sasabihin pag dumaan ka
"Wow pare, ang talino niya! Ang sarap titigan.."
Malabo naman ata yun.

Ang uuod kailangang maging paru-paro,
para hindi layuan, pandirihan
at bagkus, lapitan at pagmasdan.

-------------------------------

Yun ay, kung gusto mo lang mapansin.

Kahit sabihin mong man-hater ka,hindi mo maiaalis ang paghahanap sa atensyon. O kung hindi naman, alam mo naman ang mga stereotype ng mga babae sa pilipinas.

Pag babae, nag-aayos dapat, naglalagay ng powder sa mukha to get rid of the shine in your face,naka-hikaw man lang, you shop for the latest clothes and bags and shoes in market!market and you make rebond your hair and you make beso-beso with your kada and you go boy hunting.

Pag hindi anong tawag sayo..

Weird..mas maluphet, mapagkakamalan ka pang tibo.

Sino ba namang gustong matawag niyan di ba?

------------------------------------

Wala bang magagawa? Ganoon ba talaga...sooner or later ba magiging paru-paro din ang isang uuod kahit gaano pa to katagal manyari..

Hindi ba pag-nagpalit na ang uuod sa isang paru-paro, magiging paru-paro na siya, at iiwanan niya na ang pagkauuod niya.

Pero paano kapag hindi magawang iwanan ng uuod ang pagiging uuod niya..napag-nagpalit siya at naging paru-paro, ay ibang katauhan na siya..at hindi na niya makilala ang sarili niya..

Lumaki siyang uuod at nasanay na siya dito.

Ngunit Kailangan maging paru-paro ang uuod dahil yun ang dikta ng kalikasan.
-------------------------------------

Hindi ko alam. Baka kainin ko ang mga pinagsasasabi ko ngayon.

Pero kung may "morphin time!" na manyayari..malamang hindi pa ngayon yun.

Basta ang alam ko, hindi ako tibo.
Weird lang. Hindi tipikal pero hindi rin naman pansinin.
Hindi mahilig mag-ayos, pero disente pa namang tignan.

Kontento pa ang uuod sa pagiging uuod niya.

Sunday, December 05, 2004

Quiz results and a new layout...^^

Bilang pambawi sa hindi ko pag-uupdate...yab...i finally changed my layout earlier this morning. Umm...yeah...Quiz results...

Got this one from Kyoukou





You Are the Helper



2




You always put on a happy face and try to help those around you.

You're incredibly empathetic and care about everyone you know.

Able to see the good in others, you're thoughtful, warm, and sincere.

You connect with people who are charming and charismatic.




...saka nasa gilid yung wishlist ko..total pasko naman diba? Hehe...calling lahat ng mababait diyan...^^v

Thursday, December 02, 2004

bad treep.

bad treep ako kasi walang pasok.
walang pasok kasi inannounce ng school.
inannounce ng school kasi signal #2.
Signal#2 dahil sa bagyo.

dahil sa bagyo may patay.
dahil sa patay may sakit ang mga tao.

maysakit ang mga tao dahil sa ibang taong maysakit.
ang ibang tao ay maysakit dahil siksikan.
siksikan kasi sira ang mga bahay nila.
Sira ang mga bahay nila kasi may flashflood.
May flashflood kasi may landslide.
may landslide dahil walang puno.
Walang puno kasi pinutol.
Pintuol kasi ibebenta.
Ibebenta para kumita.

hmm...dapat ata sa isang blog to a.

Monday, November 29, 2004

Alive forevermore

...hello people...its been weeks since i last updated...(nov 14...tagal na nun..)..
pasensya na talaga...nasira kasi pc ko eh..pero good news...its up and runnin na...so i could make update na my blogspot and change the layout of my blog...

The thing is naman...my pc cannot read my photoshop cds, so i can't create banners and pix....and i still have to figure out how to make setup my animation shop..to make matinong blinkies...

And i can't do that naman kasi i have so many things to do...the finals are coming na kasi eh..and its making me speak taglish like what i am doing ngayon..

Pero rest assured..iuupdate ko to...pero in the meantime...feel libre to make visit my LJ. I usually update there nowadays eh. Ahh...mabubunyag na kung saan i make tago....hehe.

Sorry talaga...

Sunday, November 14, 2004

sa mga nagtataka...

...siguro nagtataka kayo kung bakit pa bago yung layout ko. Well sasabihin ko na. SIRA NANAMAN ANG *@%^! PC KO! Ayaw niya na mag-on....kung kelan pa naman akong maraming kailangang gawin...hindi na ako makaka-gawa ng blinkie, hindi na ako makaka-gawa ng button pin,hindi ako makakapag-type, makaka-pagphotoshop combo powerpoint, HINDI AKO MAKAKA-PAGPALIT NG LAYOUT....

Kung i-ooverhaul naman yung pc ko....taragis....ANG MGA FILES KO, ANG MGA BRUSHES AT FONTS KO! ANG MGA PICTURE NI QUATRE! (joke...)

hwaaaaaaahhhhhhhh...so much for the long update..

----------------------------------------------------

Eto nalang para masaya...gawin niyo din to sa mga blog niyo!

describe the blogger on your reads:

E-Kyub - Kabarkada kong taga-troika nung high school.TNTC blogger. Usually siya nalang yung madalas kong kausap sa mga high school friends ko. Kung sino pa yung taga-USTE.... Yung state ng blog niya, medyo may pagka-inactive kasi once a month siya mag-blog. Masaya basahin yung blog niya kasi para lang siyang nagkkwento sayo. Astig yung sounds ng blog niya 4th ave cafe!
(at hindi siya .wav yung tunog!)

Krey-zey/CassandraSisenta - Kabarkada ko ring taga-troika nung high school. TNTC blogger. Taga-La salle pero hindi ko narin masyadong nakakausap. Yung state ng blog niya madalas inactive kasi sa lj niya siya naguupdate. Pero once in a while nag-uupdate naman siya sa blogger niya. Dati english siya mag-blog pero tagalog na dito.

Shuro - Kabarkada ko ring taga-troika nung high school. TNTC blogger. Taga- Lasalle din pero hindi ko rin masyadong nakakatusap. Yung state nung blog niya on the verge of being inactive kasi siguro tamad na siya mag-update at mag-sulat. Medyo busy din sa school work kaya yun. Para ding siyang si ekyub mag-blog, parang nagkkwento, pero madalas din in english. Pag-pumili siya ng layout...astig.

Funyak/Charlou - Kabarkada ko ring taga-troika nung high school. TNTC blogger. Taga- Lasalle na may ka -M.U. na...(hehehe). Yung state ng blog niya, dati active kasi araw-araw siyang nagbblog, pero nowadays hindi na. Dahil siguro busy na rin sa school work at dahil gumawa na siya ng LJ niya.

Ayah Enna - Kabarkada kong troika blogger na taga-dlsu. Hindi ko nakakausap ni Nakikita ngayong mga araw na ito. Yung state ng blog siya...semi-active kasi once a month din siya mag-blog.Dati english siya mag-blog ngayon tagalog na. Yung blog niya maraming features (achuchuchu..) may weather, date, countdown, blinkies, atbp. kaya be patient pag-nagload yung page niya.

Jena - Kabarkada kong troika na blogger na taga UPLB. Lalo naman eto hindi ko na talaga nakakausap. Yung state ng blog niya on the verge of being inactive kasi hindi siya pala-update. Pero pag-nagupdate siya matindi. Usually kasi mahahanap mo sa blog niya yung mga articles na (in english or tagalog) talaga namang maganda ang pagkakagawa. Magaling siya mag-sulat. Napublish na nga siya sa manila bulletin eh. Siya rin gumagawa ng sarili niyang layout. Galing nga eh. Sana ako rin.

Renchan - Parte ng Pakusheto.net ring of bloggers. Nakilala ko siya sa PODN. Taga- DLSU den at sobrang hilig sa Jap stuff. (Kaya siguro siya nag-ISJ?). Yung state ng blog niya active kasi araw-araw siyang nag-bblog. Matindi din siyang gumawa ng layout (marunong siya ng dreamweaver!)...ang problema lang, madalas siyang magpost sa wikang hapon. Quoting rico swabe "Hindi ko maintindihan.."...peace tayo renchan!

Chilhyunnie - Parte ng Pakusheto.net ring of bloggers.
Nakilala ko rin siya sa PODN. Taga- DLSU den saka isang beses ko palang nakikita. Siya naman mahilig sa X tska sa Korean stuff (o Kpop lang?) tska halimaw sa academics. Yung state ng blog niya active kasi weekly siya nag-bblog. Minsan english, minsan tagalog. Maluphet gumawa ng layout kasi marunong din siyang mag-dreamweaver! Nakaka-amuse mag-basa ng blog niya kasi nakakatuwa siya mag-post kahit hindi pa-kwento yung posting niya.

Presea - Hindi ko pa alam yung current address niya. Hanapin niyo nalang sa Pakusheto.net. Taga- PODN siya at siya po ay nagtratrabaho na (ateee...hehe) at isang beses ko palang siya nakikita. Yung state ng blog niya, di ko alam. Basta sa ngayon inactive (as of press time, hindi na ata). Nakakatuwa siyang mag-blog, parang may kausap ka na bading. Hwekhwekhwek...hindi nga..

Meian - Isang beses ko palang nakikita saka hindi ko alam kung san siya nagaaral ngayon. Taga-PODN. Asteggin gumawa ng layout tska maraming alam sa net stuff. Halimaw siya (Iskowlar siya ngayon)...(sambaheeen!). In english siya madalas mag-post pero for some reason hindi ako maka-relate sa mga sinusulat niya (huuu...*deleted line*)....hehe. Kakabasa ko lang ng blog niya, magiging inactive na yung blog niya.

Amerei - Hmm. Taga-PODN na isang beses ko palang din nakikita. Mukha naman siyang mabait. Marunong siyang gumawa ng layout. Tsaka pag nag-bblog siya, para din siyang nag-kkwento. Estado ng kanyang blog, inactive, September pa huling post niya. November na ngayon.

Para dun sa iba. Sa next post nalang. Ang dami niyo kasi. Not to mention yung mga hidni ko pa na-aadd.
-------------------------------------------------------

solitary
Your soul is bound to the Solitary Rose: The
Alone.

"When I wake up alone, the shades are still
drawn on the cold window pane so they cast
their lines on my bed and lines on my
face."


The Solitary Rose is associated with loneliness,
melancholy, and patience. It is governed by
the goddess Merope and its sign is The Sword,
or Unrequited Love.

As a Solitary Rose, you may be summed up as a
hopeless romantic. You desire love and have so
much love to give, but thing just never seem to
work out the way you want them to. In life,
you can be very optomistic, even when things
are gray and nothing works out to your
expectations.


What Rose Is Your Soul Bound To?
brought to you by Quizilla

---------------------------------------------------

May pinost akong tula sa Humanposer ko. Dedicated sa isang taong nakakasama ko araw-araw. Hulaan nalang kung sino. hehe.

Saturday, November 06, 2004

Yan. Putek tapos na yung nakaka-drain na test namin. Isang Electronic Circuits tska isang Quantitative Methods. Pahinga muna ngayon. Tapos nanood kami ng Himala kanina..
Ang galing! Nakita ko na sa Personal si Isay Alvarez tska si Dulce. Tangina ang astig talaga ng boses ni Dulce Idol.

Saka na muna ako mag-uupdate. Aayusin ko tong layout ng blog ko. Tsaka magpopost ako ng mahaba. Tska gagawa ako ng avatar. Basta marami akong gagawin. Isang buwan na palang naka-lipas hindi pa ako nagpapalit ng layout.^^v

More on this pag naayos ko na yung V.12...baibai...nabisita ko na yung mga blog ng mga tao...after all these years! (OA...)

Saturday, October 30, 2004

Oi! para sa mga taong troika! kuha kayo ng TnTC blinkie kagaya nito!


1)Right click on the image and click on "save image as"
2)Save it on your computer
3)Upload it to your free image server account
4)Place the URL on your page

Yun na yon!

------------------------------------------------------------------

Me isa pa akong ginawa...sa mga may animo diyan lagay niyo to sa blog niyo.
Ako ayoko kasi wala akong animo eh. Kayo nalang! hehe

-----------------------------

Hmm...kung sinong may kakilala kay Mayor Lito Atienza dito sabihin niyo puro mga gago yung mga tao sa dangwa. Tama ba namang manigil ng SINGKWENTA PESOS SA PARKING!
Anak ng tinapa! Kahit Parking sa Ayala hindi umaabot ng ganun. Gago yung mga tanod dun wala sigurong panginom!

Nagpunta kami ng dangwa ngayong gabi. Akala ko pa naman makikita ko na yung renovated na bilihan ng mga bulaklak. Kaso mahirap talaga pag-maykasama kang may rayuma. Hindi kami nakapasok dun sa may part na pinaganda ni Meyor. Aww..sayang.
-----------------------------

Tapos na ako ng church service pero nabigyan ako ng Handbook study sa legion. Ano ba naman yun. hehe...nakaka-konsensya ring hindi na umattend ng meeting. Kasi inaasahan nilang mag-sstay ka na.
-----------------------------

Mag-ppost nga pala ako sa aking literary kuno blog...isang tula na ginawa ko nung bored ako nung religion namin.

Thursday, October 28, 2004





hmm....maybe i should start accepting blinkie jobs..hehe..
dapat talaga di ako nag-ece...hehe

Thursday, October 21, 2004

free time updates..

Yan medyo mag-uupdate na muna ako kasi ngayon lang ang free time ko..
==========================

First things first, gusto kong i-welcome sa blogging world si Pat at si Jopel..mga blockmates kong nauntog ata sa pader at biglang nagka-interes mag-blog. Tapos nalagay ko narin si Chow ngayong naka-pagpalit na ako ng layout.
Sina Chilhynnie, Renchan at siguro si presea narin.

=========================

Yan mga friendships, welcome po sa dos.uno.quatro. version 11 -> Grey Area. Yan mas simple siya parang yung isang alter ego blog ko. Pero yung blog na yun minsan ko lang i-uupdate. Usually kasi nag-susulat lang ako dun pag frustrated ako. Dun nangagaling ang english language creative juices.

my first blinkie attempt:
==============================

Anu bang nanyari sakin...yon. Mga ka-block ko "namburaot" dito sa bahay namin. In other words, pumunta sila sa bahay ko...nag-invite ako kesa naman tumanga kami ng LIMANG ORAS diba. Ginawa nila dito: nag-ps2 tapos ako gumagawa ng powerpoint. Putek ano kaya yun..pero ang mga nakaka-tawa at nakaka-inis yung mga comment ng mga tao dito sa bahay.

TATAY KO: Ba't puro lalaki yung mga kasama mo? Tomboy ka ba?

Hindi po ako tomboy. Nagkataon lang na marami akong mga ka-block na lalaki at sila yung mga ka-jive ko. Nagkataon din po na nasa engineering ako. Nagkataon din po na friends ko ang mga kababaihan sa block pero hindi ko sila ganun ka-close. Kung hindi ba naman nakaka-insulto yang comment na yan eh.

TITA KO: Ang po-pogi pala ng mga kaklase mo!

Err....HINDI KAYA. Pogi? Taragis..baka mukhang mayaman!..kaya nagmumukhang pogi!

NANAY KO: Pumunta mga kaklase mo dito? Sayang di ko nakita

Hmm...ba't kaya siya interesado? Gusto niya kayang malaman kung mukhang mga rapist ang mga ka-block ko..

==================================

Medyo masaya ako ngayon kasi pasado ako ng test ko sa QUANMET...haha...sana parehas sa ELCIONE at sa MECATWO...pero surefail ako sa MECATWO..promise. Pero worry-free ako for now kasi College of Engineering day bukas...hehe. rest week namin di bale ngayon.

Tuesday, October 19, 2004

notice

sa mga naghahanap sakin buhay pa po ako. Magpapalit lang ako ng layout ngayon free time ko...hwekhwekhwek...

Thursday, October 07, 2004

Kelangan ko nang palitan tong PC na to.

hindi ako makapagpalit ng layout. Nakakawalang ganang mag-type. Bakit? kasi 16- colors lang ang nakikita ko. At 680X kung ano pa siya. Sino ba kasing sumira ng hinayupak na video card na to. Mamatay na.

At yun. Buhay pa naman ako. Sa mga walang mabasa..pumunta kayo sa literary rant page kong barok-->Dito yon.

The idea of transferring to another school keeps popping out of my head. Maybe i will if i failed my majors..maybe. there be no falling stars this time arrrouuuund... okay tama na.

Sunday, September 26, 2004

From redacted to redactes

Bom's internet habit (circa 1999-present):
Visited sites:
1999-2001 - *mga 1st yr to 2nd yr siguro ako* http://anipike.com, http://aesthecism.com (and never did i get a password...>___<), Anti-Relena HQ,
Gundam Wing Archives, Gundamwing.net.
Yahoo groups:Wala. Mangmang pa ako sa mga ganyang bagay.
email used: bomalabs sa hotmail, bomalabs sa gundamwing.net

2001-2003 - *2nd yr to 4th yr* - PhilAnime.com, Philotaku.net, Anime-Club.com, theria.net, ayashi.net, manga translation/scanlation sites, audiogalaxy (na nademanda at pangit na ngayon)
Yahoo groups: Yahoo groups ng 3L at 4H, ng computer class namin, ng Philanime at Philotaku, mga manga translation groups (Fruity ML especially, desperado na talaga ako),ng Tapat ng Troika Congregation, ng Bakweyt (Yes naalala ko yon sa mga nakaka-alam).
email used: bomalabs@hotmail.com..dropped the bomalabs@gundamwing.net email

2003-present - *college na ako* - madalas sa Blogger.com, Indiefilipino.com, Pulpcommunity.com, friendster.com,hunter x hunter sites, daydreamgraphics.com, blogs ng ibang tao, sites ng mga bandang OPM, rivermaya.net. Minsan/madalang nalang sa mga fanlisting sites, podn.net, philanime.net, NKK boards, photoshop brushes sites, images hosting sites.
Yahoo groups: Yahoo groups ng block namin (now defunct), yahoo groups ng mga subjects ko, Tapat ng Troika groups, PinoyRock ML, Omake-Omake Anime,rivermaya.
email used:, wlngkwntenglef uses the bomalabs sa hotmail.com for friendster.


So anung meron. Wala lang. Kasi isa yang example ng mga pagbabago sa kin in..err...5 years.
Para kasing ang drastic eh. Parang harap-harapan kong nakikita ang mga pagbabago sa sarili ko
at saka sa mga interes ko...pati narin sa pag-iisip ko..

Nung first year high school ang hilig ko lang ay GUNDAM WING at GUNDAM WING lang ang laman ng utak ko. From posters, to fanfiction (ang adeek ko nun sa YAOI sobra..), to quatre, to Operation 1-3 OSTs, to comics, nakikipag-away pa ako sa mga maka-Relena non. Kung makikipag-usap ako sa kaibigan ko sa telepono inaabot kami ng madaling araw sa pag-uusap namin ng iba't ibang sitwasyon na pwedeng ilagay ang mga gundam pilots. At habang nung high school ako, nadevelop ang interest ko sa Anime...at kahit anong related don. Lahat ng gastos ko tungkol dun sa bagay na yan.

Ngayong siguro mga first year college na ako...interested pa rin ako sa anime, pero hindi na ganung kahilig. Unti-unting nalalamangan ng mga OPM AltPopRock CDs ang mga Anime OSTs ko...ang binibili ko na ngayon PULP (kasi siguro ang tagal ng Culture Crash?)...ang mga pangalan na alam ko ngayon hindi na hapon....pinoy na (tska intsik?)...ang stasyon ko na NU 107 pero dati hindi naman ako nakikinig ng radyo. Hindi ko nga alam kung kelan tsaka paano ako nagsimulang magka-interest sa OPM...pero alam ko grade 6 palang maka-Parokya na ako. (feeling ko nga pa-laos na sila ngayon..naglabas na kasi ng compilation album -> Inuman Sessions vol.1)...hmm...dala kaya to ng edad...nagiging rakista na ba ako? O poser lang..ayoko naman kasi tawagin yung sarili ko na ganun kasi hindi naman talaga ako full-fledged....haha....baka malabelan pa akong poser.

So anong ibig sabihin ng from bomalabs@hotmail.com to walangkwentanglyf@yahoo.com...yung unang email address...ang representation yan si earlyteen bom...yung bom na mahilig sa anime, yung parang walang pakialam sa mundo...yung walangkwentangly na addy...representation yan ng bom na ang tingin sa mundo ay isang malungkot na lugar kung saan hindi siya kailangan...na laging Out of Place na dinadaan siguro sa rock (kuno) music ang depression niya...yung bom na lateteen na..na college na...na laging frustrated...at walang kwenta ang lyf.

Hmm...baka temporary lang to. Hindi ko alam. Basta alam ko hindi ko na maalis sa sarili ko ang maging mahilg sa anime...at siguro makinig sa OPM. Ano kayang manyayari sakin sa susunod pang mga darating na panahon....naku baka maging kikay na ako after 5 years ulet...haha..

that will be the day. Pero malay ba natin.

Monday, September 20, 2004

Random Post number 3

Hello. Salamat po sa mga bumwisita sa blog koh. Err ala namang masyadong nanyayari sa buhay ko ngayon....except na naghahanap ako ng mga paraan na i-motivate yung sarili ko para mag-aral at hindi tamarin. Pero as of the moment nag-cut ako ng religion class ngayon...so i guess hindi talaga nagana yung motivation ko. So err yun lang muna. Wala rin akong masyadong gana mag-blog..sowee.

Me ginawa pa akong isa pang blog. Wala lang. Err..usually nagsusulat ako ng mga ganyan pag-bad trip ako.

Anu pa ba...yey! Member na ako ng pinoyrock na yahoogroup...hehe...akala ko hindi ako tatangapin eh. Tama ba namang restricted ang membership at i-ddescribe mo pa dapat ang sarili mo bago ka maka-pasok. Anu kaya yun....

plug ko lang ang aking former blockmate...si Chow..hehe..*marunong siyang gumawa ng site...ako hinde...huhuhuhuhu....

Sunday, September 12, 2004

School is her.

Bago ang lahat gusto ko munang sabihin na yung sinabi kong may album na si Rainier, hindi ako nagbibiro. Its titled "Rainier Castillo: I Love You Babe" (hindi talaga ako nagloloko promise)....So get your copies now at your favorite record bars! *lolz...sobrang sarcasm di na nakakatawa*

============================================

Yes back to school nanaman ang drama ng lola niyo. At mula sa sobrang ganda kong iskeydyul na half day araw-araw, naging 3 araw na parang high school yung pasok plus dalawang araw na pang-hapon. At yan ay dahil sa ayokong mag-solo flight.

Umaatikabong pagiging unsociable nanaman ang pinapairal. Pakiramdam ko kasi mahirap nang magsolo flight sa mga subjects ko ngayon...kaya inadjust ko yung sched kung saan me kasama ako. Yep alam kong mas masayang hiwalay ka sa mga ka-block mo kasi mas marami kang makikilala...pero mahirap para sa mga taong gaya kong napaka-sociable.Hay kaya hindi ako mabubuhay sa college eh...

hay..kahit gusto ko pang purgahin ang sarili ko sa FF X-2...ay me pasok na. Sorry bom, gigising ka ng 7:30 bukas...kumpara mo kanina 11:00...XP

Monday, September 06, 2004

Renewing an Interest

Na-mmiss ko nang mag-drawing. Matagal narin nung huli akong nag-drawing...nung Sabado pa yon...ang tagal na grabe.

Pero seryoso..miss ko na talaga ang pag-ddrawing. Hindi na ako masyadong nagkakapagdrawing dahil sa maraming dahilan...schoolwork, at mga bagong pinagkakaabalahan: e.g. P.C., PS2, Cable TV, animax, pagsusulat at kung anu-anu pa.

Pag nag-ddrawing ako ngayon, pakiramdam ko kulang ako sa practice, o minsan parang walang ka-effort effort yung mga drawing ko...yung parang di pinaghirapan ba...para siyang doodles lang pag lumalabas. Tapos yung mukha hindi lagi proportion sa katawan, malaki yung ulo. Actually sa pagddrawing ng mukha wala naman akong masyadong problema pero pagdating sa katawan wala na. Kulang talaga ako sa practice.

Kwento de Numero:
1) Grade 3 nagsimula ang interes ko sa drawing.
2)Lagi kong dino-drawing ang mga Sailor Senshi, lalo na si Sailor Moon.
3)Paano ko sila dino-drawing:2 triangle, isang inverted na nakapatong sa hindi, Isang malaking U para sa mukha, bilog at kung anu-anu pa.
4)Sa Grade 3 pad ako nag-ddrawing, at naka-color siya using Crayola Crayons.
5)Nagpalit ang mga medium: Siyempre hindi mawawala ang mga Lapis (Mongol pencil) tapos nung nagpaka-sosy ako...Steadler pa ang lapis ko, yung buong set from 4(?)F to 6B padala galing Canada.. nasan na sya? Nawala, maalaga kasi ako sa gamit eh.
6)Mga pang-outline ko: Pilot Signpen V5 or V7, nung naging sosy ulet ako, gumagamit ako ng drawing pen, Sakura, Pilot,Uni,mas malala pa, Calligraphy Pen!
7)...Pero hindi naman ako marunong mag-outline or kung gusto mong technical, "mag-ink". Hindi ko alam kung ano dapat ang makapal, kung yung outline ng buhok o yung highlights nito.
8) Pang-color: Marami.
a)Colored Pens (Yung tig-12 na 8 colored pens sa may tindahan)
b) yung Watercolor sa tindahan na tig-20 (24 na kulay with cheap brush na kasama, usually comes in Yellow plastic case)
c)Colored pencils (Coleen gamit ko, maganda daw quality, pero meron din akong Faber-Castell na gawang Malaysia)
d) yung Metallic Colored pencil na Faber-Castell na gawang malaysia den. e) Dong-A Gel pens, from Green to Neon pink.
f) Dong-A metallic pens, lahat ng variants.
g) Milk Pens and Jelly Pens.
h) Photoshop...oo pati photoshop pinatulan ko.
i) ballpen/lapis/signpen na pinang-drawing.
j) Crayola
k)Stabilo
l) tones. Yep.TONES. Nakakita kami sa National sa may Greenbelt 1, naka-tambak lang don..pinakyaw namin. Wala na siya ngayon. Sa Japan nalang kayo makakakita. Hindi ko alam kung pano gamitin. Si Ekyub marunong.
9)Hindi ko pa nasusubukang mag-kulay gamit ang poster color, yun yung gusto kong matutunan.
10) Nakaka-6 na akong 9x12 na Cattleya na sketch pad, huli ko nung 3rd year ata ako.Meron akong isang Corona na maliit, panay bastos yung drawing. Nakatambak siya somewhere sa garahe.
11) Lahat ng story na ginagawa ko, illustrated. Ultimo villain sinisigurado kong gwapo (o sa tingin ko gwapo yung pagkaka-drawing..)
12)Mas sanay akong mag-drawing ng babae kesa lalaki. Hindi ako marunong mag-drawing ng katawan ng lalaki. Yan ang napapala ng masyadong pag-ddrawing ng Sailor Moon.
13) Naka-2 beses akong nagpadala ng drawing sa Funny Komiks. Isa napublish. Tuwang- tuwa ako non!
14) Idol ko nun si DBR. Dexter B. Roxas, ang artist ng Tinay Pinay and AX series sa Funny Komiks. Ngayon part na siya ng Ground Zero na hindi na yata mag-lalabas ng issue #3..haha.
15) Panay SD na yung mga dino-drawing ko, pero hindi parin ako marunong.
16)Hindi ako marunong mag-drawing ng mga taong naka-face front, laging naka-sideview.
17)Nadadala sa practice ang pagddrawing ng sideview..yung sideview talaga...tipong ganito }...gets?
18) Pero hindi parin ako marunong mag-drawing ng kissing scene.
19) Mga iba pang bagay na hirap akong i-drawing: Kamay, Paa, sapatos, sandals, rubber shoes, pantalon, creases sa damit, shadow, boobs...
20) Medyo marunong ako ng Cross-hatching tsaka yung mga dots-dots...basta something related sa drawing techiniques...pero hindi masyado.

At sa ngayon, gusto ko ulet matutong magdrawing. Parang yung sigasig kong mag-drawing noong Grade 3. Gusto kong matuto ng proper na pag-kulay using Colored Pencils, yung tamang pag-outline/ink, PROPORTION. Gusto ulet gumawa ng mga drawing na pinaghirapan ko talaga...yung kumakain ng oras kasi kukulayan mo pa sya, binubura mo kasi hindi pantay, yung ganun. Me fulfillment kasi yon eh, pagnakagawa ka ng drawing na sobrang pinaghirapan mo at pinag-aksayahan mo ng oras. At napakatagal na panahon na since naka-gawa ako ng drawing na ganun.

Ang dami kong gustong gawin no...hay.