Na-mmiss ko nang mag-drawing. Matagal narin nung huli akong nag-drawing...nung Sabado pa yon...ang tagal na grabe.
Pero seryoso..miss ko na talaga ang pag-ddrawing. Hindi na ako masyadong nagkakapagdrawing dahil sa maraming dahilan...schoolwork, at mga bagong pinagkakaabalahan: e.g. P.C., PS2, Cable TV, animax, pagsusulat at kung anu-anu pa.
Pag nag-ddrawing ako ngayon, pakiramdam ko kulang ako sa practice, o minsan parang walang ka-effort effort yung mga drawing ko...yung parang di pinaghirapan ba...para siyang doodles lang pag lumalabas. Tapos yung mukha hindi lagi proportion sa katawan, malaki yung ulo. Actually sa pagddrawing ng mukha wala naman akong masyadong problema pero pagdating sa katawan wala na. Kulang talaga ako sa practice.
Kwento de Numero:
1) Grade 3 nagsimula ang interes ko sa drawing.
2)Lagi kong dino-drawing ang mga Sailor Senshi, lalo na si Sailor Moon.
3)Paano ko sila dino-drawing:2 triangle, isang inverted na nakapatong sa hindi, Isang malaking U para sa mukha, bilog at kung anu-anu pa.
4)Sa Grade 3 pad ako nag-ddrawing, at naka-color siya using Crayola Crayons.
5)Nagpalit ang mga medium: Siyempre hindi mawawala ang mga Lapis (Mongol pencil) tapos nung nagpaka-sosy ako...Steadler pa ang lapis ko, yung buong set from 4(?)F to 6B padala galing Canada.. nasan na sya? Nawala, maalaga kasi ako sa gamit eh.
6)Mga pang-outline ko: Pilot Signpen V5 or V7, nung naging sosy ulet ako, gumagamit ako ng drawing pen, Sakura, Pilot,Uni,mas malala pa, Calligraphy Pen!
7)...Pero hindi naman ako marunong mag-outline or kung gusto mong technical, "mag-ink". Hindi ko alam kung ano dapat ang makapal, kung yung outline ng buhok o yung highlights nito.
8) Pang-color: Marami.
a)Colored Pens (Yung tig-12 na 8 colored pens sa may tindahan)
b) yung Watercolor sa tindahan na tig-20 (24 na kulay with cheap brush na kasama, usually comes in Yellow plastic case)
c)Colored pencils (Coleen gamit ko, maganda daw quality, pero meron din akong Faber-Castell na gawang Malaysia)
d) yung Metallic Colored pencil na Faber-Castell na gawang malaysia den. e) Dong-A Gel pens, from Green to Neon pink.
f) Dong-A metallic pens, lahat ng variants.
g) Milk Pens and Jelly Pens.
h) Photoshop...oo pati photoshop pinatulan ko.
i) ballpen/lapis/signpen na pinang-drawing.
j) Crayola
k)Stabilo
l) tones. Yep.TONES. Nakakita kami sa National sa may Greenbelt 1, naka-tambak lang don..pinakyaw namin. Wala na siya ngayon. Sa Japan nalang kayo makakakita. Hindi ko alam kung pano gamitin. Si Ekyub marunong.
9)Hindi ko pa nasusubukang mag-kulay gamit ang poster color, yun yung gusto kong matutunan.
10) Nakaka-6 na akong 9x12 na Cattleya na sketch pad, huli ko nung 3rd year ata ako.Meron akong isang Corona na maliit, panay bastos yung drawing. Nakatambak siya somewhere sa garahe.
11) Lahat ng story na ginagawa ko, illustrated. Ultimo villain sinisigurado kong gwapo (o sa tingin ko gwapo yung pagkaka-drawing..)
12)Mas sanay akong mag-drawing ng babae kesa lalaki. Hindi ako marunong mag-drawing ng katawan ng lalaki. Yan ang napapala ng masyadong pag-ddrawing ng Sailor Moon.
13) Naka-2 beses akong nagpadala ng drawing sa Funny Komiks. Isa napublish. Tuwang- tuwa ako non!
14) Idol ko nun si DBR. Dexter B. Roxas, ang artist ng Tinay Pinay and AX series sa Funny Komiks. Ngayon part na siya ng Ground Zero na hindi na yata mag-lalabas ng issue #3..haha.
15) Panay SD na yung mga dino-drawing ko, pero hindi parin ako marunong.
16)Hindi ako marunong mag-drawing ng mga taong naka-face front, laging naka-sideview.
17)Nadadala sa practice ang pagddrawing ng sideview..yung sideview talaga...tipong ganito }...gets?
18) Pero hindi parin ako marunong mag-drawing ng kissing scene.
19) Mga iba pang bagay na hirap akong i-drawing: Kamay, Paa, sapatos, sandals, rubber shoes, pantalon, creases sa damit, shadow, boobs...
20) Medyo marunong ako ng Cross-hatching tsaka yung mga dots-dots...basta something related sa drawing techiniques...pero hindi masyado.
At sa ngayon, gusto ko ulet matutong magdrawing. Parang yung sigasig kong mag-drawing noong Grade 3. Gusto kong matuto ng proper na pag-kulay using Colored Pencils, yung tamang pag-outline/ink, PROPORTION. Gusto ulet gumawa ng mga drawing na pinaghirapan ko talaga...yung kumakain ng oras kasi kukulayan mo pa sya, binubura mo kasi hindi pantay, yung ganun. Me fulfillment kasi yon eh, pagnakagawa ka ng drawing na sobrang pinaghirapan mo at pinag-aksayahan mo ng oras. At napakatagal na panahon na since naka-gawa ako ng drawing na ganun.
Ang dami kong gustong gawin no...hay.
1 comment:
varcevalni racun [url=http://www.investicija1a.info]investiranje[/url]
Post a Comment