Bago ko to simulang, gusto ko munang bumati, pahabol, ng
Maligayang Pasko!
at siyempre huwag kakalimutang
Maligo sa Bagong Taon!
==========================================
Ang pasko ko, okay lang. Ang pasko dito hindi nagsisimula ng 12:01 ng December 25, usually mga ala-6 ng december 25. Wala na akong inaasahang bubuksan na regalo galing sa magulang ko, di tulad nung bata pa ako, yung tipong parang first time mong magpuyat kasi excited ka nang buksan ang regalo mo. Yung tipong stick ka sa "Don't Open 'till Xmas": dati talaga ganun, para marami kang bubuksan sa umaga ng pasko. Pero ngayon, pagka-bigay, kahit december 18 palang, bukas kaagad, para maimtambak mo na sa bahay. Usually ganun yung nanyayari sa mga regalo ng kabarkada ko. Yung galing sa mga magulang, mga tipong 3 days before december 25 binibigay na, hindi na binabalot, kasi excited ka nang gamitin, tulad ng mga PS2, celphone, PC...
Siguro dahil masyado na siyang malaki para ibalot. Iba talaga ang age mo malapit-lapit na sa bente. Hindi ka na yung nagbubukas ng regalo, ni hindi mo nga mabati ang mga tao sa inyo ng "merry christmas". Parang "Okay, pasko ngayon. Merry Christmas sa inyo. Ayos may pera nanaman ako mamayang gabi."
HUwag niyong sabihin hindi ganyan ang nasa isip niyo. Magsitigil kayo mga plastik.
Ba't kaya ganun. Siguro totoo nga na ang pasko ay para sa mga bata
============================================
Pag bata ka: Ibig sabihin ko ng bata ay yung mga mula 7-14 years old. Ako noong bata pa ako, excited ako december 24 pa lang. Tinutulungan ko pa nga ang nanay kong gumawa ng salad, habang yung mata ko nakadikit na sa AXN dahil palabas ang 3x3 eyes. Pagdating ng december 25, bago ang damit, nilalabas yung mga gold na necklaces at bracelets para suotin at hindi iwala, binubudburan ka ng pabango pati yung mga parents mo. Hindi mo muna pwede buksan ang mga regalo mo kasi hindi pa kayo nagsisimba sa 7:00 am mass. Sa simbahan, siyempre kasama sina lola, pinsan, lahat. Tapos makikita mo sa daanan, lahat ng tao naka-bago, para bang walang economic depression sa pilipinas, nakangiti, maaraw, maliwanag, malamig, masaya. Ang festive. Siyempre yung masaya diyan hindi yung pagbibilang ng mga perang natanggap mo nung pasko, kundi yung paglalaro mo ng mga regalong kanina ka pang excited na buksan. Magpapayabangan pa kayo ng mga pinsan mo sa bahay ng lola mo. Ang dami niyong bisita sa bahay, ang sarap ng pagkain, spaghetti. Ang saya, lang tatalo sa pasko.
Pag malapit sa 20: Tinutulugan ang noche buena. Walang tao dito sa bahay, lahat sila tulog, o pangit ang palabas sa TV. Pagkagising mo, diretso agad sa banyo. Pagdating mo sa baba, nagkaka-gulo silang lahat kasi hindi pa handa yung mga pagkain. Sa christmas tree niyo, panay sa mga inaanak mo yung mga naka-lagay. Yung regalo mo, nasa taas, china-charge. O nasa baba, at lalaruin mo na. Magsisimba nanaman. Mga alas-10 am, last mass sa umaga. Sabado. Bukas magsisimba nanaman ulit, kasi linggo. Ang daming mga bata sa baba ng bahay niyo, istorbo. Pero mag-PPC ka parin habang hindi pa naliligo ang mga tao sa inyo para maka-pagsimba na. Soundtrip narin sa PC, hindi pang-christmas at sawa ka na doon. Magsisimba kayo, bagong shirt at pantalon lang, di bale na sapatos, pwede pa yan. Sa wakas nagkadamit narin ako. Simba isang oras. Maaraw na Makulimlim, masaya yung mga bata pero ang mga magulang mukha nang pagod. Ayos, naka-1,200 ako ngayon, mas mababa sa last year, bwiset. Dating sa bahay, bukas TV, ayos marathon sa Animax, replay sa Eat Bulaga at MTB. Daming namamasko, nood parin ng TV. La kong paki. Basta ako, manonood ng TV.
Pag may pamilya ka na: Nung oras na ba, ah, alas-6 na pala. YUng buko salad kaya sa freezer ayos ba...naku, mag-iihaw pa ng barbeque! AAAH!!! ANU BAYAN ANG AGA-AGA MAY NAMAMASKO NA???!! Inday, paliguan na si neneng at junior at magsisimba na..yung damit ko hindi pa pala nakaplantsa..mailabas ko na nga yung damit ng mga anak at asawa ko. Naku magustuhan kana ni inang yung regalo namin..yung inaanak ng anak ko nandito na, kunin mo na yung regalo mo, galing kay ninanag neneng yan. Ay! Malapit nang mag-alas-nuebe! Anu ba gisingin mo na sina junior! Ay sandali lang kukunin ko na yung mga pamasko niyo....anu bato, yung 4000 kong tig-20 NAUBOS??? Grabe, pati tong mga matatandang to ang lalakas ng apog mamasko! Ay merry christmas ate, natanggap mo ba yung ulam? Ay, sina inday wala pang regalo, magbabalot pa ako! Anu ba ineng, nagPPC ka pa magsisimba na tayo! *At marami pang ibang reklamong dumating*
======================================================
Tignan mo yun, based diyan, kanino bang pasko ang mas masaya? Sa batang maliwanag ang pasko, sa teen na nanonood ng animax marathon, o dun sa mga matatandang stressing ang pasko.
O sige sabihin niyo na na ang tunay na diwa ng pasko ay ang pagsasama-sama ng pamilya at ang pagbibigayan, pero hindi ba stressing pag nagsasama-sama ang pamilya at nagbibigayan. Magastos, Nakakataranta. Lahat na.
Para sa bata, masaya. Kasi wala pa siyang kamuwang-muwang sa mundo kundi ang gameboy niyang bago.
Para naman sa mga malapit na sa 20 katulad ko, pasko, maraming bago, makakahingi ka ng celphone, pera at PC sa parents mo. Daming tao sa baba, isang truck (totoo to, pramis) ng mga namamasko nasa bahay niyo, ang ingay.
Para naman sa mga parents, ang daming aasikasuhin, ang gastos na hindi ko akalaing nagbitaw ako ng ganung kalaking pera, nakakataranta, pero at least masaya ang pamilya ko. Pati narin ang mga kamag-anak, biyenan, pinsan ng biyenan, pamangkin ng biyenan, apo ng labandera, syota ng katulong, anak ng pinsan ng asawa mo,kabarkada ng anak mo, apo ng kapatid ng nanay ng asawa mo.... (sa kaso ko, pramis, totoo talaga siya)....
Oh well, at least lang pasok.
No comments:
Post a Comment