Tuesday, December 07, 2004

May pauuod-paro-paro pang nalalaman

Dapat mag-bblog lang ako dito tungkol sa nakuha kong score sa QUANMET at ELCI. At habang naka-bukas ang window na yan, ay naka-bukas ang window ng friendster.

Wala lang...pancheck lang baka sakaling may bagong kaibigan o testimonial kasi kasama siya sa Christmas list ko.

Wala.

Napansin ko yung box sa may ibaba, ang nakalagay Waiting confirmation from 2 friends. Pag-click ko, inaantay ko parin ang kasagutan ng dati kong guro sa panitikan at ang kasagutan ng pinsan ko.

Hmm, ano kaya kung nagdagdag pa ako ng mga "kaibigan"?

Click dito, click doon.
Una sa pangalan ni ganito.
Uy, may bagong account na pala si ganito.
Add.
Matignan nga friends nito.
Uy, andami..
Aba, ganito na pala istura nito.
Iba na itsura niya....nila


--------------------------

Mga mukhang pamilyar sakin, at alam ko pa ang mga pangalan. Ang mga ka-batch ko sa noong high school ako. Yung adviser naming rakista na astig nung 3rd year. Yung mga popu samin. Yung mga hindi ganun ka-noticeable na namulaklak na. Mga kilala ko, na hindi ko sigurado kung kilala pa nila ako..

Malamang hindi.

Anu ba ang nakita ko? Pagbabago. Nagbabago ang tao habang tumatanda..at yun ang nakikita ko.

Ang mga babaeng pare-parehas lang ang suot dati, walang tumitingkad kung hindi dahil sa ugali,
sa talino,
o ka-weirdohan
...iba na ngayon.

Hindi ko na maiaalis yun. Yung mga mukhang ordinaryo lang dati
ngayon naka-make-up,
naka-blush on,
rebonded ang mga buhok,
naka-spaghetti't sleeveless,
may mga lalaking nakasandal sa kanilang mga balikat,
mga naka-pearl earings,
ngiting
..kikay.

Parang mga uuod na nag-metamorphosis at naging mga paru-paro.

Wala namang masama sa pagbabago. Sa katunayan, nakakaganda nga yon. Siyempre, college na. Kailangan nang magpapansin sa mga boys, di kagaya non, babae lang ang kahalubilo mo.
Kailangang maayos lagi.
Kailangang demure.
o kung di demure....hot, sexy, cool, noticeable.
Blooming.

Ordinaryo akong estudyante. Ngayon, ordinaryo parin. Walang pagbabago, bumigat lang ako ng 10 kilo. Hindi naka-uniform. Humaba ang buhok.
Parang may eyeshadow sa ilalim ng mata.
Naka-T-shirt at pantalong maluwag.
Naka-stud earings...na pilak.
Naka-timex..na bakal.

Hindi na kailangang magpapansin sa boys, kasi sila ang kausap ko madalas. Kasamang madalas. Hindi maiiwasan.

Pero, hindi ako obit, tibo, yuri...o kung anu man yung tawag niyo dun.

Babae lang, na hindi pa "nag-bbloom."

Uuod na kontento na sa pagiging uuod habang buhay.
------------------------

"Ohtso."
"Nuebe, dun sa may kanan.."

Hindi yan bingo o jueteng. Yan ang mga bagay na naririnig ko sa mga taong nakapaligid sakin.
Kung makapag-score parang kung sinong judge ng beauty contest.
Lowest to highest, 1-10.

Tingin sa kanan. Babae, naka-fit na shirt, naka-pearl earrings, straight na mahaba ang buhok...

"May boyfriend na eh..."

..at may kahawak ang kamay.

Pero hindi nila napapansin yung babae sa may likod niya. Naka-shirt na pula, pantalon, maikli ang buhok, walang earrings, naka-wristband. Pati yung nasa harap niya, naka-tshirt at pantalon lang.

-----------------------------

Kung tutuusin, saan nga ba nagmula ang kamulatan ng babae na kailangan niyang magpaganda..na kailangan niyang ma-notice, kailagan mag-dalaga, mag-ayos, mag-bloom,

..mag-kikay?

Nasa pagpapalaki ba yan?
Sa pamilya?

Noong high-school ba?
Noong mga popu sa school nanghihingi ng facial wash lagi,
para makapunta na sa banyo
na parang bang laging may mga mantika sa mukha nila
pero wala naman.
Magsuklay na para bang magpapapansin sila
pero panay babae naman sila kaya walang papansin sa kanila.
Mag-powder para walang oil sa mukha. Sige eto tanggap pa siguro.
Pero ang mag-lagay ng blush on bago mag-Algebra..
sa pagkaka-alam ko hindi naman nakakatalino ang blush, o ang lip balm.

Kung ganitong sitwasyon ang kamumulatan ng isang walang ka-muwang-muwang, hindi malayong ang isang uuod ay maging paru-paru nga.

Gawa ng mga popu. Ang mga popu, ma-boylet. Kung gusto mong maraming boylet, magladlad ka na ng kapa at maging kikay ka na sister.

----------------------------------------------------

Kung sabagay, hindi mo rin naman sila masisi.
Sino ba ang nakaka-agaw ng attensyon..

yung mga nag-aayos. Mga naka-blush-on.

Sino ba yung mga nakaka-nueve..o otso?

..yung mga naka-fit na tshirt, na mahahaba ang buhok

Eh yung mga nakaka-uno?

----------------------------------

May stereotype ang school namin. Pag-sinabi mong taga-dun ka, (bukod daw sa maraming obit), may class, may breeding, magaling mag-ingles,
prim and proper,
maayos,
ladylike,
kikay.

At anong kalalabasan ko non..

..latak. Para akong hindi taga-doon.
----------------------------------

Ang malungkot na realidad, kung gusto mong lingunin ng mga kalalakihan, kailangang mag-pakakikay, lalo na kung hindi ganoon ka striking ang iyong fez.

Kung kamukha mo man si Cindy Curleto, pero parang pimple na tinubuan ng mukha ang fez mo dahil hindi ka nag-ffacial wash, wala rin.

Kailangang magpaganda, lalo na pag hindi ka maganda.

Kung matalino ka, hindi naman sasabihin pag dumaan ka
"Wow pare, ang talino niya! Ang sarap titigan.."
Malabo naman ata yun.

Ang uuod kailangang maging paru-paro,
para hindi layuan, pandirihan
at bagkus, lapitan at pagmasdan.

-------------------------------

Yun ay, kung gusto mo lang mapansin.

Kahit sabihin mong man-hater ka,hindi mo maiaalis ang paghahanap sa atensyon. O kung hindi naman, alam mo naman ang mga stereotype ng mga babae sa pilipinas.

Pag babae, nag-aayos dapat, naglalagay ng powder sa mukha to get rid of the shine in your face,naka-hikaw man lang, you shop for the latest clothes and bags and shoes in market!market and you make rebond your hair and you make beso-beso with your kada and you go boy hunting.

Pag hindi anong tawag sayo..

Weird..mas maluphet, mapagkakamalan ka pang tibo.

Sino ba namang gustong matawag niyan di ba?

------------------------------------

Wala bang magagawa? Ganoon ba talaga...sooner or later ba magiging paru-paro din ang isang uuod kahit gaano pa to katagal manyari..

Hindi ba pag-nagpalit na ang uuod sa isang paru-paro, magiging paru-paro na siya, at iiwanan niya na ang pagkauuod niya.

Pero paano kapag hindi magawang iwanan ng uuod ang pagiging uuod niya..napag-nagpalit siya at naging paru-paro, ay ibang katauhan na siya..at hindi na niya makilala ang sarili niya..

Lumaki siyang uuod at nasanay na siya dito.

Ngunit Kailangan maging paru-paro ang uuod dahil yun ang dikta ng kalikasan.
-------------------------------------

Hindi ko alam. Baka kainin ko ang mga pinagsasasabi ko ngayon.

Pero kung may "morphin time!" na manyayari..malamang hindi pa ngayon yun.

Basta ang alam ko, hindi ako tibo.
Weird lang. Hindi tipikal pero hindi rin naman pansinin.
Hindi mahilig mag-ayos, pero disente pa namang tignan.

Kontento pa ang uuod sa pagiging uuod niya.

No comments: