Tagal ko na palang hindi nagpopost dito...kalahating buwan na...hehe..la lang^^ Ang hirap pala ng walang internet...este..walang telepono. Paano kasi bigla nalang nawalan ng dial tone yung telepono namin, eh ang PLDT sampung taon pa bago dumating pag-tinawagan niyo...haha, hindi makapag-ragna ang kapatid ko..mwahahahahahhaha(Evil Laugh >:D)..
--------------------------------------------
Ang boring ng long weekend na to. Hindi ko alam kung kelan kami pupunta sa sementeryo kasi napaka-undecided ng mga tao sa kabilang bahay..(or kung gusto niyo ng mas sosy na version, main house)..wala naman akong magawa dito. Nagpapataba lang ako lalo na't may dumating na mga balikbayan galing kena-duh...(daming tsokolateh~~~). Nood nood ng TV, nagpapaka-adeek sa Initial D Fourth Stage (kahit abnoy ang dubbing)..nagiging tolerable na nga yung dubbing eh...kasi sobrang nagagandahan ako sa series..kahit si Angel Loks-sin pa si Kyoko,o di kaya Sosing bulol pa si Takumi, wala nang kaso yun! Kahit pangit ang drawing...wala paring kaso yun~~~ Gusto ko na tuloy paanoorin yung First stage, heck, pati yung live action movie (na si Jay Chou ang bida) gusto ko ng DVD...mwahahaha...bagong ka-aadikan nanaman to. Pero I wouldn't bother with the technical parts of the series (yung mga kotse at yung mga drifting techniques)..pupurol lang utak ko dun^^
------------------------------------------
Nagsimula na akong mag-accept ng job orders para gumawa ng mga powerpoint presentations kasi mayabang ako. Pero seryoso, nakakataba ng puso at nakakalaki ng ulo yung mga kwento sakin ng mga tinulungan kong gumawa ng presentations habang nagpre-present sila...yung mga nagiging reactions ng class nila, at reactions nung mga prof^^ Malay ko ba kung totoo yung mga kwento na yun..pero nakaka-yabang siya..(haha) Hindi ko nga alam kung magkano ang i-ccharge ko eh...usually pang-lunch lang..(mga 60)...hindi ko alam kung cheap, or mahal yun..(kasi iba-iba sila ng opinion)...pero wala paring pumapatol sa offer ko...haha....better yet..dapat itigil ko na tong kahibangan ko at mag-tetest na...may exam kami sa 7 sa ADVELIN. (Hinde pa ako nag AARALLLLL!!!!) Imbis na gumawa ako ng powerpoint...ay dapat nag-aaral nalang ako..kaya pinag-iisipan ko kung itutuloy ko tong bagong kalokohan ko...hmm....
Yung pinaka-huling gawa ko nasa kanan...wala lang..->->
No comments:
Post a Comment