...the exams that is. I've taken 2/4 quiz one's, and fortunately, passed one of them despite the usual katangahans along the way (sabit tsong). There's a THERMOD quiz on Tuesday, and a very MAJOR one on Friday (that will have to be COCIRFU). Yah, so I'm taking a break this erm..early morning because my brother wouldn't let me use the PC...kupal, nagraragna kasi.
------
Its been a busy, and bizzare week. First, there were two quiz ones' on both ends of the week, and Tuesday was LEAP day. LEAP day = Alternative Class day. Also this week, lahat ng tao sa engineering may sakit. Ako may sakit, yung isang friend ko may sipon/sinusitis/allergycolitis/whatever, yung isa may trangkaso, and he was annoying all the while he was sick....langya. Yung mga nakakasalubong ko sa hallway may sakit, pati tatay ko may sakit, probably because of the weather we're having.
-------
Naka-enroll ako sa Japanese Calligraphy noong LEAP. Pagpasok ko nga nagkamali pa ako nang room, naman kasi eh, sabi sa original schedule M410 daw eh. Nalaman ko lang na nasa maling class ako (kasi origami class yun) nung pinasa na yung attendance sheet. Buti pala maagang nagpa-attendance kundi yari ako. Sponsored siya ng NKK...hiya nga ako eh...ito na nga lang ang attendan kong org activity, sa LEAP pa. (wala talaga akong kwentang member). Ako lang mag-isa kasi mas pinili ng mga taong mag-korean (bahala sila, jap ako..mwehehehe).
Siyempre, bago ka matuto ng calligraphy, dapat alam mo muna kung paano magsulat ng characters. Hiragana tsaka Katakana chart yang nasa kaliwa. La pang kanji..(asa..hehe)..yung nagturo sami exchange student, Hanako pangalan. Okay lang naman, me kasama naman siyang assistant na taga-NKK. Natuto ako kung paano magsulat ng pangalan ko sa hiragana. Pasalamat ako sa mga magulang ko madali lang gawing nihongo yung pangalan ko kasi walang d,p,b,j...hindi ko na kailangan lagyan ng tenten at maru (mga special characters po ito, parang mga punctuation marks) at kung ano pang chuva yung mga characters para ma-vary yung tunog mga kataga. Masarap siyang aralin, ang tanong, kung may oras ba..(di hamak na mas urgent ang mag-aral ngayo ng protected mode addressing).
Eto naman sa kanan, yung calligraphy paper tsaka brush..binabaso pa nung mga facilitator yung ink. Pinagkagastusan talaga, ika nga ng katabi ko. Ang astig ng papel, para siyang filter paper sa laboratory (sarap i-uwi), yung isang side coarse, yung isang side smooth. Magsusulat ka daw dapat sa smooth side. Tapos dapat concentrated tsaka tahimik. Yung position ng brush, diretso dapat. Sit straight, bawal naka-yuko, tapos yung elbow daw, a fist away from the table. Tapos sulat all the way kana.
Ito yung finished product. Calligraphy lang yung pinapagawa samin pero nilagyan ko narin ng art pambawi dun sa maling nasulat ko sa baba. Elise/Erisu dapat yun eh kaso na-mental lapse ako, maling character nasulat ko. Yung sa taas tamang hiragana na yan (well, sa tingin ko tama, paki correct kung mali) tapos yung Kanji character na tomo yung nasa gitna. Hindi napaliwanag kung ano yung ibig sabihin nung character na yan, kailangan ko pang i-google. Ibig sabihin niyan, companion. Gusto ko sanang ipa-frame eh, kaso muhkang hanggan ref nalang ata namin yan. Awwww...
No comments:
Post a Comment