Monday, October 10, 2005

Break Muna

Sa prof namin sa Rels, The Lecture Notes folder is closed parin sa IVLE. Pwede bang paki-print nalang tapos inwanan na lang sa Miguel, pa-paxerox nalang namin. (mwehehe, as if naman nababasa niya to?)

-------------

Anong ginagawa ko at nagpost ako ng ganitong oras? As usual, break nanaman sa aral. Exam sa ADVELIN mamayang tanghali. Alam niyo nanaman siguro ang routine ko, at hindi ko na kailangang ulitin. Nag-net ako kasi nga dahil sa RELS, langya, folder is closed parin. (Mag yahoo groups nalang kayo sir!) Pangalawa, tinignan ko yung balitang pinalayas na daw si Sir Rono sa St. Scho

------------

May hiwagang nanyayari sa St.Scho since umalis ang batch namin. Muhkang naghihigpit ang admin for some reason. Unang rinig ko, nag-resign daw yung dalawa sa literature teachers namin, kasi daw, hindi gusto ng admin yung paraan ng pagtuturo nila. Masyado daw liberal ang mga topics na tinatalakay sa literature classes. Siyempre nagtaka ako,tsaka nalungkot din. Kahit na medyo tagilid ang pagtuturo ng math sa st.scho (which explains kung bakit ako hirap sa math...o ako lang yun? hehe)...bawing-bawi naman pagdating sa mga lit and english classes! I mean, that's what kulasas are known for diba? (kaya wala masyadong kulasa sa engineering..haha!)...kaya ganun ang mga kulasa dahil sa trademark na mga literature classes na maluluphet, yung mga tipong mageenjoy ka talaga kasi hindi lang siya lectures, may mga activities talaga. Tapos yung mga dini-discuss, Vagina Monologues, House of the Spirits..medyo liberal, pero yun yung dahilan kung bakit interesting ang mga literature classes sa St.Scho. San ka ba naman makaka-kita ng mga prof na nag-peperform ng music video sa harap mo? (Ms. Gisala and Ms. Dela Rosa...remeber?), San ka makakahanap ng literature class na tinuturan ka ng mga chants para mainlove sayo yung crush mo (in connection with the Middle Age literature topic, Canterbury Tales), wala, wala kang mahahanap na ganyan sa ibang eskwelahan! Tapos biglang tatanggalin, liberal daw?! Potah,Ano bang meron ngayon?

Tapos ngayon naman, na-fire daw si Sir Rono. Nyemas! Institusyon na yun sa Mataas na Paaralan ng Sta. Eskolastika ah! Tapos tatanggalin? Putcha, sino bang kumag ang naging admin at ganyan na ang mga nanyayari?! Sabi nga ng mga nag-comment dun sa LJ na binasa ko, hindi na st.scho ang st.scho pag wala si Sir Rono...sabi ko sa inyo eh, institusyon na yun. Kumbaga hindi mo pwedeng tawagin ang sarili mong kulasa kung hindi ka niya Na-Okray sa Debate Class. Bakit daw siya tinanggal? Liberal daw, Outspoken...anu ba yun?!

Tama nga si Crissy, Ano na bang nanyayari sa St.Scho? I mean, yung mga tipong bagay na nagpapa-st.scho sa St.Scho, tinatanggal? Eh di para mo naring binabaan yung standards ng english classes sa st.scho...nakakalungkot isipin, hindi na mararanasan ng mga lower batch kung gaano kasaya ang mga klase na yun...ano kayang susunod na manyayari?

No comments: