news adivisory: dahil po sa aking pagkabwisit sa chatterbox ay pinalitan ko na po siya.Tenk Yu...^^v
hindi ko po ma-figure out kung papaano iibahin yung kulay ng mga messages...kaya blue muna siya pansamantala..
***************
ahahaha....magpapanggap muna akong reporter kahit sandali lang..hehe..charing..
FEATA HINDI MAG-SASARA
by Bom
November 15,2003 Wednesday
May mga kumakalat na mga balita na nagsara at lilipat ang Feata, isang tindahan ng kilala sa mga orihinal manga na kanilang ipinagbibili. Nagsimula ang balita nang may mga mamimili na nagpunta sa nasabing tindahan at nakita ito na sarado. Ayon sa post ng mamimili na ito noong Nobyembre 9, ang nakita niya lang noong pumunta siya sa nasabing tindahan ay "isang madilim na kwarto na panay karton at wala umanong mga manga." Wala rin umanong "karatula o pagpapaalam kung ito ay sumasailalim sa renobasyon o sa paglilipat."
Isang mamimili ang nagimbestiga dito. Kanyang tinawagan ang Feata at sinabi umano ng isang tindera na hindi ito magsasara bagkus ay sumasailalim lamang sa renobasyon at muling mag-bubukas sa ika-15 ng Nobyembre. Aking sinamahan ang patron sa Feata noong nasabing araw at nakita ang mga tindera na inaayos ang mga panindang manga ng naturang tindahan. Hindi pa siya bukas noong araw na iyon, ngunit napag-alaman namin na ito ay hindi mag-sasara o lilipat ng lokasyon.
haha....pwede na ba akong reporter?
***********
Lumalamig ang simoy ng hangin at 6:00 ng hapon ay mukhang 7:00 ng gabi...anong ibig sabihin non? Tiba-tiba nanaman ang mga snatcher at pulis dahil Pasko na.
Speaking of pasko...merong wish list si Presea sa kanyang blog. Makikigaya narin ako..
Wish List ni Bom
1.MAGANDANG GRADES- walang tatalo. Sana po hindi po bumababa ng 2.0 ang aking mga grade at sana po umabot ng 3.0+ ang aking average para DL ulit...hehe..^^v kung ito po'y pagmamalabis...huwag niyo na lang ako ibagsak sa kahit anong subject (lalo na ang EngCalculus na 4 units at pre-requiste sa sandamukal sa subjects) masaya na ang pasko ko.
2.DREAMWEAVER CD- Kahit taong mahihiraman lang. Trip kong matuto ng program na ito na nakaka-gawa ng mga matinding layout. Magkano? Huling Tanong ko sa Harrison 130 per CD.
3.HARRY POTTER AND THE ORDER OF THE PHOENIX- Naiintriga ako sa librong to. Magkano, 1000+...plus...pag sa national nabili yan meron na akong libreng tshirt ng LAKING NATIONAL. Ayos.
4.Eps 11-13 ng WEISS KREUZ GLUHEN- Naasar na ako. Last 3 eps nalang hindi ko pa matapos. Hindi ko matsambahan sa Animenia. Lagi wala. Packs naman o...magkano? 100 sa Animenia eh...meron diyan nag-offer 60 Php...
5. LAST ORDER SA PENGUIN- Isa siyang libro na kasama sa mga jubilee publications ng UP Press. Maganda daw siya kaya naiintriga ako. Mahirap huntingin sa National. Magkano? Sabi ng mga taga-UP press affordable for students..ewan ko lang kung ano ang affordable sa kanila..
6.BAGONG CD NG RIVERMAYA AT BIGOTILYO- They're my peyborit bands. 'Nuff said. Meron na akong live and acoustic ng Rivermaya eh. Magkano? 250...ata..
7.BLUEBERRY CHEESECAKE NG RED RIBBON- Matagal na akong di nakakakain nito..miss ko na..magkano? Isang slice=39
8.BAGONG BLOG LAYOUT- Yep. Kelangan ko talaga niyan. Pero isa tong bagay na hindi pwede ibigay kasi gusto ko ako ang me gawa. Magkano? HUwag mo nang itanong..
9.YAMI NO MATSUEI (Vols. 2-9)/FRUITS BASKET (6-10)-Mga manga na kinokolekta ko ngayon.hehe...^^v magkano? 300 per tankubon sa Feata...390 sa CCHQ.
10. MAKAPUNTA AKONG C3- Sige na. Sana naman ang finals namin hindi matapat sa araw na kasunod ng weekend na to. MAgkano? Hindi po ito nabibili.
**********
ROTC...bukod sa pagkabadtrip ko dahil ang luwag daw ng shoelaces ko...*HINDI NAMAN!*...ay nagpractice kami humawak ng M-16...putek..san ka pa? Wala pa namang bala..pero sa finals namin totoong bala daw...7 rounds kami ng firing..hanep. Ang score mo nga lang ay naka-depende sa tama mo sa target.
Pag-uwi ko..siyet! Freedom ng Paa!
No comments:
Post a Comment