Monday, November 10, 2003

HASH(0x86d13fc)
avoidant


Which Personality Disorder Do You Have?
brought to you by Quizilla

****************

Para mabawasan ang pagbagal ng pag-load ng page...i made a seperate link for my fanlistings. Nakakainggit ang blog nina Shuro at Chilhyunnie dahil bago na ang layout nila.

**************

Ei...err...haha. Still no change of layout....and it wouldn't change still for this week because the math quizzes in Geometry and Calculus ARE COMING!! *Jupapayans sabay-sabay...* HUWATT??!! *too bad...wala akong smiley ni Ogie Diaz..*corny no?

Believe me...gusto ko talagang palitan tong layout ko.
Inip na sina Trowa at Quatre.Charing! Charing!

****************

Well, its a good start. HINDI AKO PUMALPAK sa graphics class namin! Wow! Happy! Magandang panimula ng linggo..sana tuloy tuloy na yan.

*****************

Bad news. Sarado na ang feata. Sa mga hindi nakaka-alam ang Feata ay isang tindahan ng orig na japanese manga(comics) na okay kahit papaano ang presyo. San ka pa makakabili ng manga na 150???!! Bukod sa malapit pa siya sa bahay...anu bayan...tatapusin ko pa ang Yami No Matsuei tska Furuba...ngekkk....sabi daw lilipat lang sila..sana naman hindi sa Basilan! Nyahahaha...

***************

Siguro naman nabalitaan niyo yung pang-hihi-jack ng ATO control tower noong Sabado ng dalawang Air Force Personnel dahil sa kagustuhan nilang ipahayag ang hinanakit nila sa gobyerno. Ang malungkot ay napatay sila ng swat bago man lang sila nakapagsalita.

Yep, Mali ang ginawa nila. Hindi maitatanggi yon. Pero mali rin naman yung patayin sila ng walang negosasyon. Meron akong narinig sa isang Radio Station na yung ginawa nila ay hindi gaanong makaka-apekto sa Air Traffic dahil anytime ay pwedeng mag-take over ang ibang Air towers na naka-palibot dito. So, meron paring lugar para sa negosasyon.

Pero wala rin namang magawa ang swat team. Trabaho lang naman nila ang sumunod sa utos.
Actually nga ang galing nila eh, nagawa nila ng mabilis yon.

Wala tayong karapatan mang-husga doon sa commander ng swat team o doon kina Col. Villaruel.
Pero ang tanong lang naman diyan...ilang tao pa ba ang kailangang mang-hijack ng air tower at mapatay bago magbago ang sitwasyon ng corruption sa Pilipinas?

No comments: