Tuesday, November 18, 2003

hay..wala lang. Medyo frustrated ako ngayong araw na to. Actually, ngayong mga nakaraang araw. Wala lang. Naasar ako sa sarili ko at tinatamad ako. At dahil don kaya parang babagsak ako sa mga quiz ko.

CASE 1: Anal Geometry test [Monday,3:30-5:30 PM]
Ang Dapat Gawin: Mag-aral ng 9:30-11:00 PM at 3:00-6:00 AM
Ang Nanyari: Tinamad mag-aral ng 9:30. Nag-alarm ng 3:00 ng madaling araw. Gumising. Natulog at nagbalak gumising ng 4:00. Nagising-6:00 AM. Pasok? 8:00
Resulta:Halos walang nasagot sa quiz. Expecting to fail.

CASE 2:Eng Calculus test [Tuesday, 2:30-4:30 PM]
Ang Dapat Gawin: Same as Case 1
Ang Nanyari: Nakapag-aral ng 9:30-11:00 PM. Pero nagising ng 7:00 ng umaga. Pasok? 9:30.
Resulta: Nag-cram mag-aral noong lunchtime. Nakasagot naman kahit papaano.

Nakaka-asar lang kasi kung hindi ako tinamad sa pag-aaral baka matino-tino pa ang magiging score ko. Sa geometry. baka pumasa pa ako kahit papaano. Sa Calculus, kung nag-aral ako ng mabuti, sana mataas ang score ko. Kinuha kasi ng prof yung mga problems sa libro at assignments. Ang dali nalang kasi dapat non! Dun pa ako hindi nag-aral...aaarrrrgghh...ayoko na. Sayang ang pagkakataon na tumaas ng score. Not to mention kailangan ko pang bawiin yung sa geometry kung lumagpak ako. Demn.*untog ulo sa pader*

Isa pa. Yung sa filipino dos lang ang score ng group namin eh. Tapos yung mga ka-group ko yun pa yung pinag-dadasal na score namin. Parang ako Ano ba! Gusto ko ng mataas na grade! pero hindi nalang ako nagsalita. Parang okay na sila sa grade na yun..pwes ako hindi. Pero wala eh, kinamalas-malas eh natupad ang hiling nila. Eliminated ang group namin kaya dos kami. Saya. Ano nanaman kaya ang grade ko sa Filipino nito. Swerte nalang kung mga 3 pa ako sa subject na iyon.

Haha. Mukhang magkakatotoo ang prediksyon ko na hindi na ako DL next term. 5 out of 7 ang subjects na ang prino-problema ko..(GraphTwo,EngCal, AnsoGeo, PETeams*OO PE! Tangnang Volleyball yan!* at Filipitwo)

Pero libre naman ang mangarap di ba? Ika nga ng Itchyworms, kung may bayad ang mangarap, marami na sana tayong utang ngayon...

huhu...iyak na tayong lahat! Chenes!

No comments: