Sunday, June 27, 2004

Gustong bilin pero walang pera.

A. PC na bago - me naka-pagsabi huwag muna daw bumili ng PC ngayon at me lalabas daw na mga bagong parts. Pero gusto ko nang bumili. Nababadtrip na ako sa PC ko...lahat na ata ng ininstall kong program ayaw nang gumana kasi me bug..kesyo daw merong may space yung filename...kesyo daw me error sa ganito. Sira ang USB... Tangna...patapon na PC ko eh. Kung marunong lang sana ako mag-reformat tagal ko nang ginawa. Pero siyet...la akong burner..dami ko nang kantang nadownload...huhuhuhuhu...mawawala lahat yon...pero ang dami kong kailangan na software...Visual Studio..Autocad...Visio..Dreamweaver...Turbo C...LAHAT AYAW MAG-INSTALL...ARRRGGHHHH....Ang PC ko ay patapon...pang-internet at pang-MS office nalang yung letcheng yon....BAD TREEEEEEEP..

B.CDS - daming Cds na maganda ngayon...eto mga listahan.
1)Orange and Lemons
2)Cambio
3)Remainingg Eheads CDs
4)Rivermaya
5)6cyclemind (pero may pirated ako..gusto kong orig)
6)Utada Hikaru Singles Collection vol.1...an dameee sa tower records..
7) Beyonce Knowles - (wahahahaha..gulat kayo no?) de seryoso..naastigan ako sa kanya..
8) Itchyworms- may cd silang bago ata eh..
9)Moonstar 88
10) Barbies' Cradle

C. LIBRO - Damee den..
1) Libro ni Dan Brown(?)...basta yung nag-sulat ng angels and Demons tska Da Vinci Code
2) Lahat ng ma-tripan ko sa Bookstore
3) Manga- ANG TAGAAAL KO NANGGG DI NAKAKAKBILEEEEEE...LETCHE...

D. BALLPEN NA MATINO -Ayoko nang bumili ng refill ng parker..laging nawawalan ng tinta
E. INTERNET CARD
F. POCKY na snack ng mga hapon - HALOS ISANG DAAN! ANO YAN GINTOH??

Huwag niyo nalang ako i-add sa friendster...bigyan niyo nalang ako ng pera.

Friday, June 25, 2004

TULONG.KAILANGAN KO NG KADAMAY..

KAILANGAN KO NG MGA KADAMAY...KAIBIGAN...KARAMAY..MASASANDALAN..NG MAKAKAUSAP...NG MGA TAONG MAITUTURING KONG MGA KATOTO...BALIKAT NA MAIIYAKAN..MAPAKAKATIWALAANG KAPWA NA HANDANG TUMULONG...KAILANGAN KO NG...





FRIEND SA FRIENDSTER...


ADD NIYO AKO. bomalabs@hotmail.com

Dahil ginawan ako ng account ng magaling kong blockmate.

Saturday, June 19, 2004

Pagkatapos ng bagyo..

Iyesh..ang anak na pateng na 3 test na sunod sunod ay tapos na. Sa wakas. Ang resulta..bagsak ako sa test namin sa Pyenla2..kaming lahat na magkakasama..(mga 5 kami) bagsak..nyahahahha...mga hindi marunong magbasa ng VOM..haha...ako isa nalang pasado na..eh anak ng kukunin pa yung average..eh di yung score ko 53..kelangan kong above passing kasi kukunin ang average..nag-kagulo-gulo pa ako sa scheduling at natatakot pa yung mamaya. Tapos yung programming..di ko alam kung papasa ako..mwahehehe..di ako sumusunod sa instructions...yung sa phyeng2..ah..ewan.

Basta tapos na ang bagyo.

Gusto ko lang i-plug ang mga mababait na tao nanagkainteres sa gubat na ito at hindi namakaklabas MAGPAKAILANMAN! MWAHAHAHAHAHHAHAHAHHAHA....charing.

Tambay kayo sa lugar ni: Pyro, Mary, Ava,
Jhiea at Marzy.

Isa nanaman pong walang kwentang post ng inyong lingkod.

Wednesday, June 16, 2004

Relax see a movie.

Tommorrow i'm going to plunge into one of the most hectic days of my life.

The fact that i'm writing this in english means i'm starting to feel stressed already. No amount of time management is going to solve this problem. Maybe a dose of cramming and sleepless nights might help, but it does not make my life a bit easier.

I'm sleeping earlier this week..i'm supposed to be asleep by 7:30 pm by the latest, and wake up as early as 9:00 pm. By this time, hoping that no one's downstairs to disturb me, i start to prepare my stuff.

Here's the routine.

Sort out what i'm going to do first..which usually takes about 1-2 minutes.
Bring down stuff from the room upstairs...that includes a study lamp..about 30 seconds.
Set-up my discman and select a cd...maybe 1-2 minutes or so.
Fix stuff for my session, bringing out handouts, finding old notes, fixing the books, finding pens, calculators, scratch papers...which takes about 20 minutes.
If i feel like it, i would get some 3-in-1 coffee from our store, plug the airpot and fix myself some hot coffee, or find something to eat...about 15 minutes.

You probably know what i'm up to...yes, its one of those study sessions again. Yep, you read the time right..i'm to sleep at 7:30 and wake up at 9:30 in the evening. I like to study during the wee hours of the morning because no one is awake, i could concentratem and Its really my nature to study alone. During the night, the house could be very,very distracting. My brother watches tv, my father has visitors once in a while, my cousins who are currently job-hunting are staying, and again there's the loud tv, the chatter, the clatter of dishes. Upstairs, yes, it is quiet, and no one is there yet by that time, yet i feel like slacking everytime i try to study during nighttime. Its just wasn't right. I feel tired...i would rather sleep and wake up early, which i failed to do several times already..so there goes my studying schedule.

And probably you're what makes tommorrow and the next day different?

This.

There is a major exam in Physics 2 on Friday. Still can't understand anything about it, and a topic was not yet discussed...should be discussed tommorrow. Cramming-prone subject.

There is an exam in Physics Laboratory 2, still on Friday. It's about using the VOM, err..the thing that electricians use to check electricity current/flow. I don't know a thing about it....maybe how to turn it on..but i'm clueless about its different uses..i cannot even operate the damn thing. I can retake the exam if i failed, but i have to ace it the second time around because the average would be taken.

There is a major exam in C Programming still on Friday, do not know if its programming, identification, enumeration..but i felt like i did not learn something from my prof..and currently, me and my blockmates are having a hard time.

There is an exam in Modern Communications tommorrow, and it takes a lot of memorization to ace it. Our professor just like to give out that type of exams.

There is an assignment in Differential Equations due tommorrow. Yeah, its just an assignment alright. But i have this feeling that tommorrow will be one of those days that she will call somebody tommorrow to answer the assignment orally, and i wouldn't want to be caught dead without an answer.

There are other assignments, but i'm saving them for the weekends. For now, these are my burdens. Yeah, probably you're muttering 'that's nothing to what i've been through', but i find it hard to study for electric charges, C++ language, resistor colors, non-verbal communications, electric flux, Coulomb's Law, arrays, identifiers, Direct Current, Alternating current, visual aids all in just 2 mornings. Won't you?

And now why am i writing this...to waste time and relax...before i kill myself...with studying of course.

For corrections in my grammar, please comment in my haloscan. Para sa mga hindi maka-intinde ng ingles...TANGNA ANG HECTIC AYOKO NA.

Saturday, June 12, 2004

New green layout and some random thoughts.

Aba. Ingles ang title.

Kung hindi ka siguro bulag ay nakita mo na green na ang layout. Naghahanap ako ng layout sa suggestion ng aking halimaw na blockmate. At oo nga..hindi pa ako nagkakaroon ng green na layout.

O sige, hindi siya lahat green..pero may pagka green pa rin naman siya. Isang kulay na hindi ko ginamit sa pitong bersyon ng aking blog.

Nga pala, sa mga taong gusto ng entertainment, pumunta kayo dito. Me mga magagalit, me mga hindi (tulad ko)..oo..kasama ako sa mga naloko..pero sanay na ako diyan. Pero astig to. Me magagawa ako sa net pag class hours at boring ang prof sa computer lab. Makikita niyo diyan ang isang report tungkol sa mga taong may kakaibang talent at hindi po ito pagkain ng apoy.

Tapos na ang quiz 1 ko sa ENGANAL (Differential Equations)...anak ng pating..ang dale! Oo..kayo pasukan niyo palang tapos kami quiz na namin..san ka pa?! Kaso mahirap batiin baka mababa score ko. >_<

Ano pa ba..gagawa sana ako ng long entry tungkol sa computer na naninira ng floppy diskettes at ang epekto nito sa mga estudyante pero...mga walang katuturan na mga naisusulat ko kaya huwag nalang.

Ang pangit ng description ko sa gilid. Nasama pa si Rainier...smile mo kita ko feel ko! Astig! Mabuhay si Rainier na may album na! (O baka naman VCD lang yan?gets?)

Gusto kong makita ng malapitan si IYAH MANZANO (?)...basta yung host ng GameChannel. Makalaglag brief daw sabi ng mga chums kong eng eh..yung kulang nalang labasan sila (sila nagsabi non hindi ako)..nakita ko siya malayo..maganda daw talaga eh...putsa...gusto ko siyang makita

HAPPY INDEPENDENCE DAY SA MGA NOYPI! Ang dapat kantahin pagkatapos ng Pambansang Awit ay yung kanta ng BAMBOO yung Noypi..para kahit isang araw lang matuwa tayo na pinoy tayo! Hoy! Pinoy ako...bu-wo aking loob..

Ang book 5 ng Harry Potter ay...astig pero parang menopausal si Harry. Parang nasobrahan sa Crispy Pata at High Blood lagi. Pero astig siya..gustong mabasa yung 6.

Gusto kong mabasa ang Da Vinci Code.

Si Michael Lim nasa IBC channel 13 9:30-10:00 linggo ng umaga. Bumabait siya. At sana magpatuloy yon.

Palapit ng palapit ang physics exams. Mamatay na. At hindi ko pa karir ang VOM! Opo VOM at hindi BOM. Yung mga ginagamit ng mga elektrisyologist pang check ng kuryente. Mga chums ko kasing magaling..palibhasa nag-VOM na sa High School..at anong tinuro samin sa High School...papaano manganak.

Hay..walang pasok bukas pero papasok ako. Ang bait ko talgang estudyante. Pwede na akong gawan ng monumento sa vito cruz station. De..sa totoo lang bibili ako ng libro at magreresearch..WALA NA AKONG ROTC!

Thursday, June 03, 2004

Pag ang school mo may pangalan.

Iba.

Ganito kasi yon. Nandito nanaman ako sa FAVORIITTTTT kong subject. Ang MODCOMM. Isang speech subject para sa mga engineering istudents. Ang prof ko..siya. Hanapin niyo pangalan niya sa tagboard kung buhay ka pa.

Naglelecture siya...hindi naglaon napag-uusapan na ang mga katangi-katangi niyang estudyanteng naka-4.0 sa kanya (pinaka-mataas na marka)...mga 2 lang sila sa buong 7 taon siyang nagtuturo.
Tapos biglang napasok sa usapan ang pangalan ng St.Scho.

At tong katabi ko..tinignan pa ako.

Buking.

"In St.Scho, they do this extemporaneous speech where the topic is given in the morning and they are given the whole time to prepare for their speech in the afternoon. You do that do you?"

"St. Scho is very good in speech. Their english is impeccable."

At ito ang magic word
"I EXPECT MUCH FROM YOU"

NGANANAK NA PIMPOL NAMAN O! Pinahirapan niya na nga kami sa paghahanap ng topic eh..tapos I EXPECT MUCH FROM YOU PA! KUNG DI BA NAMAN.....sheet. Hay. Bakit ba kasi ako tinignan ng katabi ko. Bakit ba kasi ako nag-react. Bakit ba kasi sinagot ko yung tanung niya. BAKIT BA KASI AKO NANGGALING SA ST.SCHO.

Huwag niyo akong kuhanan ng mali...mahal ko ang st.scho. Pero...ano ba yan..sa sitwasyon ba na ganito daladala ko na ang pangalan ng St.Scho...at hindi ko pwede mag malfunction sa speech ko dahil GALING AKO SA ST.SCHO....ano ba? Anong "their english is impeccable"...BAKA DEBATE CLUB yung nakita niya! Yon talaga mga diyos sa english yon. Letse..yung mga yon ata hindi nananagalog sa bahay eh...anaaaakk ng...ako..ordinaryong kulasa lang...hindi ako diyos sa english at public speaking...yang mga subject na yan..parang ordinaryong subject lang yan...hindi ako magaling diyan...tapos sasabihan niya ako ng I EXPECT MUCH FROM YOU. Tangna talaga.

at eto ako ngayon...maglilibrary bukas sa mga topic na out of this world na kelangang may academic basis...tulad ng "Bading ba ang mga Teletubbies?"..o "Homosexuality among the animal kingdom"...yung mga ganon.

Nakwento ito ng katabi ko sa isa ko pang kasama nung pauwi na kami..tungkol sa "galing" ng st.scho sa english..at tanong ng kasama ko sakin..."English pala kayo anong ginagawa mo sa Engineering?"

Eto nanaman tayo.

Me nalaman ako. Kaya ako hindi nag-engineering kasi nga hindi ako sa english. At yon siguro ang da best na makukuha ko sa goal kong makalayo sa mga kulasa.

At yun na nga.

I EXPECT MUCH FROM YOU.

Sana hindi niya maalala.

Sunday, May 30, 2004

Unang Linggo.

Hello. Kaya lang ako nag-net ngayon kasi me HW ako sa Programming. Letche first major namin. Tapos me kupal pa kaming teacher sa ModComm..hay..

Unang linggo..maraming assignment. Pakshet. Wala akong oras mag update ngayon. Marami akong ginagawa. Sorry. Kelangan ko nang mangarir kung ayokong bumagsak..ngayon palang. Feeling ko mahihirapan ako eh.

Wednesday, May 19, 2004

In Conclusion

Helo. Ala lang..pasukan na sa lunes.....PASUKAN NA SA LUNES! O MAY GAS ABELGAS!

Mga nagawa ko ngayong summer..

..nagtinda at lahat ng related sa merchandizing.
..Nakatapos ng mga libro at kung anu-anung storya, namely: False Memory (Dean Koontz),The Last time I saw my Mother (Arlene Chai), Fruitcake (Eraserheads), Eating Fire and Drinking Water (Arlene Chai), Para Agua con Chocolate (Laura Esquivel), Chronicle of a Death Foretold (Gabriel Garcia Marquez), The Day the Dancers Came (Bienvenido Santos), Yami No Matsuei vol. 7 & 8, at iba pa na hindi ko maalala.
..Nagpuntang Intramuros, naligaw at nilibot yon..on foot.
..Nagpalit ng layout at nagblog.
..Naglaro ng suikoden iii at umabot ng chapter 4 (Si Chris ang Flame Champion ko).
..Nagdownload ng laro sa celphone kong napanalunan ng nanay ko (Sadya siyang swerte).
..Nagdownload ng kanta karamihan hindi anime related.
..Nagpaka-buryo sa NU 107 na halos pamilyar sa lahat ng kanta pero hindi parin alam ang mga title at mga kumanta nito.
..Natutong mahalin ang punk-pop-rock (salamat sa NU) pero hindi ang metal.
..Nag-enroll.
..Nag-ehersisyo ng dalawang araw.
..Gumawa ng konting gawaing bahay..konti lang.
..nagawang hindi kumain ng tsitsirya ng isang linggo (achievement yan!)
..Nag-mall.
..Nag YM.
..Nagbalik sa PhilAnime pero nanatili paring Lurker.
..Kinareer ang pagkanta ng Balisong (Balee-song) o (Ba-leesong) ng Rivermaya pero hindi parin kaya yung ginagawa ni Rico Blanco (You're everthing i wanted and MoooooooooooOOOOOOOOoooore).
..Nagpa-ayos ng Playstation.
..Tumambay sa bahay (includes kain at tulog)
..Nagsulat ng schedule sa iba't ibang papel.
..Nagsulat sa notebook.
..kumuha ng passport.
..bumili ng 2 t-shirt.
..narinig ang Felix Bakat (Dhego), Bumper to Bumper (Love Anuber) at Babae po Ako (Tuesday Vargas)

Mga hindi ko nagawa ngayong summer.

..mag-swimming.
..maging couch potato (Dahil bihira lang ako mag-TV).
..magpapayat(mwahehehehehe).
..matutong mamalantsa at maglaba (saka na yan!).
..magdrawing ng kung anu-anu sa sketchpad (parang nawala ang interes ko sa pagddrawing).
..i-update ang website ko (wala akong material!siyet).
..lumabas ng National Capital Region.
..mag-suklay.
..bumoto (dahil hindi pa pwede).
..manuod ng Sine.
..manuod ng concert (dahil me curfew).
..umatend ng convention (dahil me pasok).

At in conclusion..haha..isa po siyang ordinaryong summer...na me tinda part..hehe..yun lang.

Thursday, May 13, 2004

Raketeering

Hay. Tapos na ang Eleksyon sa bansang pilipinas. At tabla ang laban ni Manny Pacquiao dahil dun sa kanong judge na mali na scoring. At hindi ko ilalagay ang mga binoto ko dahil hindi pa ako bumoboto. Pero ang astig ang tatay ko...iboboto niya daw dapat si Ping. Pero nag bago siya ng isip dahil...

"..yayaman nanaman ang mga intsik."

o san ka pa. Yan ang astig na sagot.

-----------------------------------------------------------------

Sa likod ng eskwelahan ang tindahan namin. At dahil nga sa eleksyon ay namili kami ng mineral water. Laking gulat ko nalang ng wala ata kaming nabenta kahit isang bote ng tubig.
Tsktsk...hindi patoksky ang business. Hehe..at least marami kaming mineral at hindi na kami bibili.

Pero anu nga bang mga business ang pumatok ngayong eleksyon. Eto lang mga obserbasyon ng mga kagaya kong purgang purga na sa kampanya..

1) Sitsiteros (Poll watchers) - yung mga sumisitsit diyan sa tabi at nagsasabi na "iboto niyo si ganyan" na may malaking ID na nakalagay yung logo ng kandidato nila at naka-tshirt na may mukha ng kandidato nila.
Bayad: 200-500. Kukunin sa Baranggay Chairman.
Rating: Not bad?

2) Basurero (Flyer/sample ballot Distributor) - mga namimigay ng flyers sa kahit saan..habang nag-babahay-bahay ang mga kandidato, sa mall, sa labas ng mga eskwelahan, sa kalye. Ang mahilig sa ganito si Bro. Eddie..o siya lang lagi na-eencounter ko.
Bayad:Siguro kaparehas din ng mga poll watcher.
Rating: Not enough. Nakakapagod din to lalo na pag summer. Kulang pang mineral water at softdrinks.

3) Nangiistorbo (Jingle Sounder) - mga owner jeeps/sasakyan na me nakakabit na loud speaker sa bubong na nagpapatugtog nonstop ng iba't ibang version ng Spaghetti, Bulaklak, Lagot ka, one for each congressman or councilor. Me mga banner na nakakabit sa kanilang mga sasakyan at iniikot nila bawat kalye tuwing umaga o habang tanghali kung saan nag siyesiyesta ang mga tao. Dedicated ang mga ganito samin kaya memorize na ng mga bata at yung baliw sa kanto yung version ni Oliver Ibay ng kanta ni michael jackson.
Bayad: Malamang mas mataas sa mga sitsiteros dahil gagastos ka rin sa gas.
Rating: Hindi maganda pag wala kang auto.

4) Tagadag boys (Banda) - Kahit mapa-3 lang kayong me mga dala ng snare drums na suot lang ay ordinaryong tshirt at shorts, o mapa-full marching band kayo, okay lang. Basta kaya niyong mang-gising ng tao ayos. Nakikita lagi sa mga kandidatong nangangampanya, gumagawa ng ingay para malaman na makikipagkamay sila.
Bayad: Mahal siguro kasi hindi lahat ng councilor gumagamit nito. Me kasamang softdrinks at sandwhich siyempre dahil nakakapagod umihip habang naglalakad.
Rating: Hindi pwede ang tinadtad na tansan at lata ng gatas.

5) Epal (alipores ng mga kandidato) - Its either kamag-anak niya kayo o sobra kayong dedicated dun sa kandidato. Kayo yung mga naka-chaleco na may nakatatak na pangalan ng kandidato sa likod, nagdidikit ng poster sa mga pader habang ang iba niyong kasama ay kinakatok ang mga bahay at iniistorbo yung mga nakatira don.
Bayad: Wala kung volunteer ka, kung meron, ay siguro malaki-laki dahil sa dami ng epal na nakikita kong nakapaligid sa mga kandidato.
Rating: Para sa mga walang magawa sa bahay.

6) Yantoks (Security) - Baranggay Tanod o kahit sinong me hawak na mga yantok (yung mga ginagamit sa arnis) na nakapaligid sa mga kandidatong tumatakbong congressman pataas. Kung ang hawak mo ay hindi yantok at meron kang batuta, baril, at motorsiklo, aba, mas angas ka at malamang na mas malaki ang bayad sayo. Pero matindi ka na talaga kung naka barong ka, naka-shades, may earphone at me radio kang hawak...siguro Presidential level na yang binabantayan mo.
Bayad: Malaki. O usual kasi trabaho mo nga yon.
Rating: Hindi basta-basta...ang bayad.

7) PLDT/MERALCO boys (taga-kabit ng poster) - Para sa mga walang takot at buo ang loob...na umakyat ng hagdanan at magkabit ng mga banner sa mga building at sa kable ng kuryente. Ginagawang piyesta ang isang baranggay na hindi naman nagcecelebrate ng piyesta. Kelangang me hagdanan at sasakyan na pick-up, lalagyan ng mga banner in different sizes, shapes and colors.
Bayad: Siguro per poster ang singil ng mga to.
Rating: Pwede na sa fear factor.

8) Executioners (Events Execution) - Mga taong naka-sakay sa isang truck, o higit pa. Titigil sa gitna ng kalye. At inches from the site, ay parang magic na lumalabas ang mga stage na kahoy, with matching sound system pa courtesy of the Sound Mobiles na ang racket ay mga ordinaryong debut at weddings lang! Pagkatapos ng palabas ay magic ding nawawala ang mga stage.
Bayad: Malaki.
Rating: Di pwede sa mga small time.

9) Mighty Bonds (Taga dikit ng posters) - Mga taong bidang bidang tuwing gabi at madaling araw..kung saan ay pwede silang magdikit ng poster kung saan-saan ng hindi nasisita. Nagugulat nalang ang mga may-ari ng bahay na biglang nagkaroon ng poster ng kandidato sa kanila, at magugulat ulit ng garapal na pinatungan ng poster yung poster na garapal na dinikit sa pader ng bahay. Ang karaniwang dala ay sirang walis, isa o dalawang lata ng pintura na may lamang gawgaw formula at mga poster, siyempre me baong Red bull o di kaya extra joss pampagising dahil nga sa madaling araw sila nagdidikit.
Bayad: Siguro per kilo naman ang singil ng mga to.
Rating: Para sa mga hindi makatulog sa gabi.

----------------------------------------------------------------------

Kahit papaano siguro ay naencounter niyo na ang mga taong yan...lalo na dito sa may amen...kasi pumunta dito si LPG! Este si FPJ pala dati..mwehehehe..

hay...basta kung sinong manalo...sana magkaron sila ng initiative na maglinis ng mga poster nila..mahiya naman sila sa balat nila..ginawa nilang basura metro manila.

Saturday, May 08, 2004

Reading Advocacy Ad bom style

Yes..ang kulay ay Pula..lolz...di ko alam kung bakit...wala lang..gusto ko lang yung design eh...asteegin tska di mahirap ayusin (Pero letche naloka ako kaka-figure out kung pano paghiwalaying yung mga div layers na yan!) Featuring..err..Poop Dog...nyek! Di ko nga kilala yan eh. Haha..palitan ko nga picture ni polgas o ni tado? Kaso pula to eh..la lang.

-------------------------------------------------------------------------

Kung tatanungin niyo ako tungkol sa nanyayari sa buhay ko ngayon, tignan niyo na lang yung
description sa gilid. Yun lang yon.

At dahil NASIRA ANG **P@#$*** kng bala ng suikoden iii, ay hindi ako makapaglaro. At wala akong makitang bagong bala sa paghahalughog sa Harrison at sa UM..napakasaya ng buhay. Sa ngayon ay bagotilyo ako dahil natapos ko na yung binabasa kong libro ni Dean Koontz na "False Memory". Binili ko nung second year at hindi ko natapos dahil napaka-highfallutin/hayfallutin (di ko lam spelling) ng mga salita at sobrang kapal niya. Pero ngayong malawak-lawak na ng konti ang aking vocabulary ay nabasa ko na siya ng tuloy tuloy at nalaman ko na astig pala siya. (Kaya nga siya #1 bestseller eh)..tungkol siya sa isang praning na psychiatrist na nagkokontrol ng utak ng kanyang mga pasyente at pinapagawa ang kung anu-anu kagila-gilalas na bagay sa mga ito. Kagila-gilalas with the capital K. Pero me mga bagay dito na boring..kaya ko lang siya tinigilan ng 4 ng umaga kasi boring parts na yung mga nababasa ko.

Nabasa ko rin sa aking pagiging bagotilyo ang "The Last Time I Saw my Mother" ni Arlene Chai. Ito naman sobrang layo sa una kong binasa...tungkol siya sa Family, parang yung mga Family Saga stories eklat..astig siya kasi para mo naring nabasa ang history ng 'pinas. Touching siya..okay lang..medyo matagal ko narin kasi tong binasa eh.

---------------------------------------------------------------------

Tuwang-tuwa ako sa pagbabasa..pero yung mga ibang bagay lang...pero nakakatuwa magbasa. Me mga bagay lang na hindi nakaka-trip basahin...katulad ng Calculus at Physics..di ka lang mabobore ma-babadtrip ka pa! Di ko rin trip magbasa ng non-fiction..kaso depende din yon eh..(Non fiction yung kay idoul Bob Ong tska yung mga libro ni Ambeth Ocampo)..basta nakaktuwa mag-basa. Ewan ko ba kung bakit me mga taong hindi trip mag-basa....dahil siguro me mga ibang bagay na silang pinagkakaabalahan.

Bakit nga ako nakaka-aliw magbasa? Maraming dahilan..karamihan cliche na. Pero hindi ako yung 'read to achieve'..kelangan lang yon pag nangangarap kang maging Cum Laude. Ako yung 'reading is fun', lalo na pag nagbabasa ka ng fiction.

Noong grade 4 pa lang ako..ang binabasa ko Goosebumps, at sa hindi malamang dahilan ay hindi ko trip ang sweet valley high at babysitters club na paborito ng mga kabataan noon. Me balak nga akong mangolekta eh kaso nung nakakarami na ako nagpahiram ako sa mga kaklase kong nagbabasa rin non at nawala siyang parang mga buwis sa BIR. Pero hindi yon ang punto, natutuwa ako kasi..uhh..weirdo yung mga ending..yung mga ending na multo pala yung mga bida o di kaya tayo pala ay mga alaga lang ng mga langgam...basta yung mga ganung ending.

Noon namang mga Grade 5-6 ako ay natuwa ako sa parehong author..ngayon naman napagtripan ko yung Fear Street series niya. Hanggang ngayon marami parin sa bahay, naging brown na yung mga pages sa sobrang kalumaan. Eto naman tuwa ako pagnahuhulaan ko kung sino yung mga killer pero mas nakakatuwa pag yung hula ko mali...yung tipong mga hindi-mo-akalaing-siya na mga killer...yung mga mabait na killer na bestfriend ni ganito na boyfriend ng kaibigan mo na gustong maghiganti dahil pinahiya mo siya nung grade school pa kayo...parang ganun. Siyempre hindi mawawala dito yung mga fanfiction tungkol sa mga anime...bastos nga lang kasi yung mga binabasa ko lalaki sa lalaki(yaoi)...tsaka yun din yung mga panahon na nagbabasa ako ng mga romance novels na makakapal..yung mga Judith McNaught tska Jude Deveraux...at tama ang rinig niyo..grade 6 lang ako non. (Hinahanap ko kung saan yung mga parts na bastos..hwekhwekhwek). Doon lumalabas ang mga adolescent behavior XD Dito ko rin nakilala sina Nancy Drew at yung mga tropa niya, at katangahan kong bumili ng Agatha Christie. Nasayang lang pera ko hindi ko siya ma-gets.Di ko nga alam na mystery pala yun eh!

High school naman nung tinigilan ko na sina Nancy Drew at dahil sa pinsan ko ay nakilala ko si Sidney Sheldon na sobrang tuwa kong magbasa ay pinagalitan ako sa klase. Nagbasa din ako ng Mary Higgins Clark..at yun lang. Dito ko rin nalaman na hindi ko trip ang myth,legends at fantasy dahil nabagot ako sa Early Filipino Literature at Asian Literature at pati narin sa Greek Mythology..ay mali..angas nga pala ang greek methology..at ayoko rin kay Shakespeare..tangna niya gagamit lang siya ng salita komplikado pa!....me pa-thou-thou at thee pa siyang nalalaman...Bading!Lolz!XD
La siyang panama kay Rizal sa Noli at Fili niya..ewan ko lang sa mga kaklase ko basta enjoy ako sa pagbabasa ng dalawang librong yon...at tumuloy ang ligaya sa filipino nung fourth year kung saan comtemporary Filipino Lit na ang pinaguusapan tulad nung Ibong Mandaragit na maraming typo. (Mando Plarido(e)l the Philippine Idol!). Dun ko rin na-encounter ang iba't ibang mga literary styles na asteegin..lalo na yung surrealism (mga taong nagiging ipis) tska realism..gustong gusto ko talaga Literature tska Panitikan nung Fourth year at Third Year. (At habang tina-type ko to ay narealize ko na ang favorite subjects ko). Dito ko rin nadikubre ang mahiwagang mundo ng Pinoy Lit dahil napabasa ako ng Libro ni Bob Ong, Luwalhati Bautista at kung sino mang nagsulat ng Sa Kuko ng Liwanag.

And guess what? Nasa Engineering ako! Napakalaking joke talaga ng buhay na to at si lord ay si Bayani Agbayani!

-----------------------------------------------------------------------------

Yan, lumalabas na ang pagka-adeek ko sa pagbabasa ngayong mga panahon na bagotilyo ako. Napapagalitan na nga ako dahil me bumibili na pala sa tindahan tutok parin ako sa libro.
Nakakatuwa kasi eh..madami ka pang nalalaman..san mo malalaman na dapat matakot ka na sa mga Psychiatrist dahil sa pagbanggit nila sa isang pangalan ay pwede ka nilang patayin sa pamamagitan ng sarili mong mga kamay..at ang tawag dito ay hypnotic regression. (malabo? Basahin niyo yung libro ni Dean Koontz). Para ka naring nanood ng telenovela pero hindi taartits yung mga gumaganap kaya hindi nakakairita. Seryoso masaya magbasa ng libro..kaya okay lang sakin maiwan sa library provided walang multo. Huwag niyo nga lang akong bigyan ng dictionary o kahit anong librong related sa math o yung mga gumagamit ng lengguahe ni Miriam Defensor, ibabato ko lang sa inyo yong pabalik, at walang kasamang Dairy Creme!

-----------------------------------------------------------------------------

Sa mga taong boboto at hindi pa nila alam kung sinong iboboto nila, iboto niyo nalang yung kaparehas niyong personality..hwekhwekhwek...
Which Philippine Presidentiable Are You?

Ako si DAKING! at maraming salamat kay Chilhyunnie para sa quiz na ito.

Thursday, April 29, 2004

Hindi-na-Freshman blues..err...greens..

"Hindi ako Mag-La-La Salle! Hindi kaya ng magulang ko don!"

"Basta sa Ateneo ako."

Gusto kong tawanan ang sarili ko. Sinabi ko talaga yan..mga kalahating taon dati. 4 na eskwelahan ang pinagpipilian ko..Mapua, UST, Ateneo, at La Salle. Letse kasi UP eh. Ayaw akong tanggapin. Hmp!
Ang course kong pinasahan sa mga eskwelahan na yan pare-pareho. Bachelor of Science in Electronics and Communications Engineering. Isang course na hindi ko alam kung bakit ko kinuha...hanggang ngayong 2nd Year na ako.

Quarsem sa Mapua. Hindi kaya ng kapangyarihan ko.

At sa hindi malamang dahilan, ay hindi ko pinili ang USTE..siguro nalayuan ako. (pero mas malayo ang ateneo)

2 nalang ang natitira, Ateneo at La Salle.

Malayo ang Ateneo. Pero pag gawa na ang LRT 3 wala nang problema. Hindi pa gawa ang LRT 3 dati.
Dalawang Jeep lang ang layo ng bahay sa La Salle.
Parehas lang sila ng tuition fee.
Trisem sa La Salle, (halos) walang Bakasyon. Tapos ka ng 4 years at isang term kung regular.
Semestral sa Ateneo. Pero 5 years ka namang mag-aaral.
Bihira lang ang nakakapasa ng Entrance sa Ateneo.
Parehas silang Konyo school.
Maraming Kulasa sa La Salle.
Nakakasawa na ang Taft Avenue.
Mamang ako sa Katipunan at Quezon City.
Bago pa lang ang engineering sa Ateneo.
Naimbitahan pa ako sa Open House ng Engineering sa Ateneo.
Pamilyar na ako sa Taft Avenue, at sa mga lugar na nakapaligid dito.
Hindi ko alam kung pano mag-commute sa Ateneo.
At Malaki masyado ang campus nito, walang jeep, trycicle lang.
Patay ka pag wala kang tsikot sa Ateneo.
Maraming Jeep na dumadaan sa Taft.
Madaling makauwi galing sa Taft.
Maganda (daw) ang engineering sa La Salle.
Parehong maaksaya sa Plantsa at Sabong Panlaba dahil walang uniform.
Parehas na merong konyo crowd.
Astig pa-nakagraduate ka sa parehas na school.

Sa dulo, kinain ko rin ang mga sinabi ko. Nakita ko ang sarili ko na naghahabol sa Last Day ng confirmation sa La Salle,nakapila sa labas ng registrar's office, naglalaro ng gameboy habang naghihintay.

"Sabi ko sayo sa La Salle ka mag-aaral eh. You're meant to be!" O parang ganon sabi ng kaibigan ko. Ulul.

Pero may point siya. Lang ya, kinain ko talaga mga sinabi ko. Pati mga kabarkada ko hindi maka-paniwala kasi akala nila sa Ateneo talaga ako mag-aaral.

Hindi na bago sa akin ang maka-rinig ng ganito..

"O? Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba sa Ateneo ka?"

"Wala eh. Malayo Ateneo." Sabay kibot ng balikat.

------------------------------------------------------------------

LPEP o La Sallian Effectiveness Program. Orientation saming mga bagong rekrut. Ang tawag sa species namin ay "froshies", o diba? Term pa lang tunog konyo na.

Eto unang pagkakataon na na-explore ko ang eskwelahan..putek..halatang pinagka-gastusan ang landscaping..at ang building hindi tao. Malamang Building na siya eh.

Nagsign-up kami. Wow, daming freebies. Me notepad at ballpen kami courtesy of Polothemintwiththehole, me libreng gel, at may mini-handbook kami na parang Culture Crash ang pagkakalaminate at ang astigin ng design. Dapat lang. Mahal ang binabayad namin sa syeteks na eskwelahan na to. Meron palang libreng gel courtesy of Tricks (aanhin ko to?) at isponsored lahat ng organizers..lahat sila naka Lee Girl at Lee Guy na t-shirt (hindi daw mr.lee kasi pirated daw yun.)..at siyempre green ang font. Magtaka kana kung blue yan.

Ang sumunod ay isang programang inihanda ng mga Organizations sa sobrang haytetch na auditorium ni Yuchengco. Una me misa, tapos me speech galing sa alumni na nagkkwento tungkol sa kung gaano ka-galing ang Eng program ng La Salle at tapos nagpakitang gilas na ang mga orgs. Magaling. Astig..^^v

Sunod ay interaction sa mga ka-blockmates. Dito ko nakilala ang mga magiging kasama ko sa loob ng tatlong buwan ng first term. Bukod sa mga usual na tanong..hindi ako umiimik. Pagpasok ko nga ng second day ng LPEP? Ang ginawa ko? Nagpaka-loner at ng Gameboy! Ha...napaka-intimidating siguro ng dating ko non..walang kumakausap sakin...hehe..me katabi akong mahilig sa anime..pero hindi ko nalang kinausap..ewan ko ba sa sarili ko.

--------------------------------------------------------------------

First Term, panahon ng adjustments at tanggalin ang paninibago. Panahon din para mas makilala mo ang mga kablock mo dahil buo pa kayo ngayong term na ito. Ito ang panahon na aapat lang ang kaibigan ko sa block. Parang ganon kasi sila nalang lagi kasama ko. Hindi pa ako pala-imik pag kumakain kami. Mukha lang akong epal don..yung tipong sinasama kasi nga walang kasama....habang ang iba ay attached pa sa kanilang mga maliliit na grupo...o siguro malalaking grupo. Mahahalata mo talaga kung sino ang close kanino. Sila lang kausap ko..para bang wala akong mga ka-block kundi silang apat, kahit hindi nila ako kinakausap (yung 2 hindi ako madalas kinakausap). Nagmuhka tuloy akong mahirap lapitan.

Maswerte ang term na ito at ako'y Dean's Lister. Pero katulad nga ng sinabi ko sa nanay ko...first and last na DL ito. Hindi ko pa ramdam ang pressure ng academics.

At nawala ang cellphone at wallet ko dahil iniwanan ko sa inidoro.
Buti nalang wala pang ID.

--------------------------------------------------------------------

Second Term. Dahil sa academics, may mga natanggal sa block.

Yung isa kong ka-close, nalulong sa Ragnarok. Nagpapapasok dati, pero nawala din. Naging boss na daw siya sa Ragnarok sa sobrang ka-adikan niya.

Yung isa, laging kasama ang boyfriend niya.

Yung isa, nadeblock dahil sa academics.

Dalawa nalang kaming natira, at hindi ko siya madalas kausap.

Nasira ang barkadahan ng ibang grupo, me mga umalis at lumipat, me mga na-deblock.
Pero kahit ganon, me mga nabuo. At hindi po siya baby.

At nabuo ang magic boys ng block..mga taong nag-mamagic the gathering na tumatambay sa mga lamesa sa tabi ng Velasco (Engineering Building).

Kahit na nagmumukhang tanga minsan dahil hindi marunong mag-magic, ayos lang. Masaya silang kasama, medyo magulo, pero masaya. Ayos lang kahit nakaka-OP, nag-iisang babae sa grupo ng 9 na lalaki, at hindi marunong mag-magic.

Nagkakakilala na ng husto ang mga tao. Naroon pa rin siguro ang mga grupo..pero dahil narin siguro sa kakonti-an at sa panahon..mas naguusap na ang mga tao. At dahil narin siguro sa mga engineering math subjects na parang judges sa starstruck at star circle quest kung mangatay...

Sablay sa academics..pero wala paring bagsak. Pamilyar na sa Engineering bldg. at sa mga kalapit na building na ito, ngunit hindi sa buong la salle.

--------------------------------------------------------------------

Dumami ang mga nalaglag.Third Term. Na-dissolve halos lahat ng blocks. Damay ang block namin. Madaming lalong na-irregular, umalis ng bansa, bumigay na sa pag-aaaral at nag Leave Of Absence.

Ang buong block nahiwalay sa iba't ibang blocks. Tatlo kaming regular sa isang block. Iba't ibang tao ang mga nakilala ko..galing sa bagong block. Pero hindi ko sila ganung kinausap. Kausap ko madalas yung mga ka-block ko.

Ibang pakiramdam...hindi mo na kasama mga kasama mo dati..mahirap lalo ang mga subject..at dahil 3 kayo...laging me isang naka-tokang ma Left Out. Ito ang nanyari sakin ng sinulat ko to..

Friends, lolz, meron ba ako non? haha..ewan.pakiramdam ko wala...sa
mga kablock ko..Yung ka-close baga...wala. Mga kasama ko kinakausap
ko ng konti, ako kinakausap nila pag manhihiram ng liquid paper,
manghihingi ng yellow pad, mangongyopya ng assignment..bukod
don..wala na. Mapapaisip ka kung yun lang ang silbi mo sa buhay.

...sila yung mga tipong sinasamahan mo lang para may kasama ka
at hindi ka mag-mukhang loner. Pero sa totoo lang decoration ka lang
sa tabi.

...Tanugin mo sila tungkol sa ganito..replyan ng maikli at tapos..parang indirectang sinasabi na "okay nasagot ko na ang tanong mo tapos na usapan."

..eepal nanaman ako sa mga friends kuno ko at makikisama ako
sa kanila para hindi ako mukhang loner. Yes! Magiging Decoration
nanaman ako next term! Ang Galing!


pero in fairness...naiimbitahan ang alien sa mga debut...at tuloy-tuloy na.

Hindi ko alam kung epekto ito ng summer o ng katapusan ng school year, pero parang mas kapit ang mga tao. Mas makakausap sila..at hindi nakaka-LO.

Natapos ang term...dumating ulit ang tigbakan time. At gumigimik na ang iyong lingkod kasama ang mga blockmates niya.

Hindi parin DL. Pero pasado ng Physics at Engcal 2..


asteeeeeeeggggggg...

--------------------------------------------------------------

Pagkatapos ng lahat ng kagaguhan sa taas..ano bang punto ko? Ala lang...gusto ko lang
ipamukha sa sarili ko na ako ay studyante ng isang konyo school sa taft. Ako ay isa nang
second year na estudyante sa isang elitistang eskwelahan sa taft.

Gusto kong ipamukha sa sarili ko

..Na pinili ko na mag-aral dito ng engineering.
..Na kahit pakiramdam ko ay sobrang wala na ako sa lugar at naiwanan ako sa tabe...hindi ganoon lagi ang sitwasyon.
..Na nakatagal ako dito ng isang taon.
..Na kahit papaano ay hindi ko iniwanan ang taon na panay ka-badtripan at ka-morbidan lang ang naalala ko.
..Na hindi totoo na ayaw ko sa block ko.
..Na mali ang iniisip ko nung bago ako mag-confirm sa la salle.
..Na hindi na kailangan ng friendster dahil totoong mga katoto ang mga nasa block ko..(at hindi sila 'kuno').

Akala ko kasi dati wala talaga akong magiging fwends sa first year...na hambambuhay na akong loner sa college...pero nag-iba pag dating ng 3rd term...

at higit sa lahat..

..Na nag-enjoy ako sa pagiging frosh ko. Astig.


Saturday, April 17, 2004

It is Done.

hello people..hay..tapos na ang finals....

----------buhay academics--------------------

TAPOS NA FINALS?????TAPOS NA FINALS!!!!!!!!!! SA WAAAAAAKKKKKKKKAAAAAASSSSSS!!!!

Hindi ko na kailangan magphuyat...lang ya kasi...nag cracramming eh...ganito kasi ako mag-aral..

1)Pag-uwi galing school matutulog ako ng maaga....mga 8 ng gabi...
2)gigising ng 12...
3)mag-aaral hanggang 5..
4)at matulog..pero kung 8 ang test..hindi na ako matutulog..
(pagnagkataon nag-iinternet pa ako sa umaga...pag 9 yung test...)

Kaya lagi akong bangag pagpasok..phutek. Mga nagcracraming kasi eh.

Nakuha ko na ang course card ko..letse..1.5. O sige, pumasa naman ako at hindi ako uno (hindi pa bumabasa sa lowest grade ko)..pero gwaah...siyet..umasa pa akong dl ako..ha! Impossible..

Yung ibang course card sa lunes na ang bigayan..unang-una Physics! Hwow...kung bagsak ka..ang ganda ng umaga mo! Pero maganda na rin yon para magkaalaman na at maka-pagadjust ka..pero tangna..ayoko naman bumagsak! Alam ko naman nasagutan ko yung finals..pero ganyan ang physics..akala mo tama ka na..tapos biglang..

Pag sinwerte! Ayos! Ha..hindi na ako frosh (freshman)! Soph na ako..at mas mahirap ang mga subjects!My ghulaman! differential equations at gingineering physics 2! gwah! Pangako yan..hindi na ako magpapaka-adik sa internet! i promise..gagawa muna ako ng assignment sa gabi..magiinternet ako pag wala nang ginagawa....(wushu! Kacharingan nanaman)

Pero habang wala pa ang lunes...mag-eenjoy muna ako sa pag-nnet..

------------buhay online--------------------

Isang YM! message galing sa dating sinalihan kong board ang nakumbinse ako na magcomeback.
At dahil yon..naka-tambay ako dito sa PhilAnime. Ancient member na ako diyan..hindi lang ako nag-active ng matagal na panahon kasi..umaandar nanaman ang OP minded-ness ko..

Kaya nilagay ko na siya sa mga links ng blog ko! astiigg..

Yung site ko nga pala..hmm...ano bang ilalagay ko...hmm...lagay ko nalang dito pag may-update na

-----------buhay pans----------------------

Potcha! Sino bang may picture ni Rico Blanco sa video ng balisong! Lang ya! Makalaglag-retainers ang Papa! lolz! Hindi nga..ang gwapo niya sa balisong..para siyang nagpaderma...hay..gusto ko ng picture! Gagawin kong sig or something...hay..papa Corics ilabshu!Gwapo na nga ganda pa ng boses! Bagong prospect! Haha...charing!

Labas na nga pala ang ccom issue 14! Ano bang masasabi ko? hmm...okay lang lahat ng stories..except for One Day Isang Diwa...langya...ang bagal ng plot..at..ang babaw? Ako lang ba yon..mas naeenjoy ko pa ang kubori kikiam at cats trail eh! mas maganda pacing..at benta ako sa cats trail in fairness..yung kubori kahit mukhang nonsense yun..merong underlying na serious plot....siyempre solid fan ako ng pasig at sobra..astig talaga siya. Yung ODID..nakow! kung hindi talaga bumilis ang pacing yan...kasi naman eh..okay lang sana yung kung nagrerelease sila every 2 months..eh dyusko...labas ata sila ng issue 2 beses lang isang taon..kapraning.

Uy! nga pala..nasa national ako kahapon at nakita ko ang compilation ng "Ang pagbabalik ni Zsa Zsa Zaturnnah!". Kala ko kasi nung una ay kung anong diyologs na comic book lang yon. Pero astig! Nag-scan ako! Lang ha..benta ako sa dialog. Yung bida kasi don ay isang miyembro ng federasyon...o sige hindi niyo pa rin magets? Isa siyang mang-aagaw ng lakas!
Vhaklush! Mila-wet! haha..na parang Darna yung storya niya..nagtratransform siya at nagiging ganap na babaeng superhero. Astig nga..makabili nga ng compilation..kaso 200+ eh..wala na akong pera.

Dahil sa aking quest for papa rico ay sumali ako sa grounderz..yahoo groups ng mga pans ng rivermaya..pero magpapaka-lurker lang ako dun..me sariling mundo mga tao dun eh.

At dahil sa madalas akong nasa tindahan namin..ako'y registered texter ng NU 107. Lolz..mga nagagawa talaga ng mga walang magawa.

At dahil sa pag-aaral..mas na-appreciate ko ang cd ng Rivermaya at Eheads...kasi nung una kong pakinig hindi ko ganun ng trip eh..pero siyet..dapat ang cd hindi lang isang beses pinapakinggan..don ko lang narealize na ang ganda pala ng mga kanta...

Gusto ng free. Ano ang free? Eto pala yung sinasabing album ng rivermaya na libre..siyet gusto ko non...nakukuha lang daw yon sa mga mag..pinapamigay at na-ddownload..
asa na nga lang sa download.

Ang bagong pangalan ni Ely Buendia ay si Jesus "Dizzy" Ventura at me pinsan si Dora the Explorer...si Diego the Explorer.

---------------atbp.---------------------------

Nakuha ko to sa blog nina Rehnchan at Chilhyunnie

Kung ang tawag mo sakin ay:

Elise - Ka-block kita, o isa kang acquaintance.
Bom - Close tayo, taga-troika ka, o taga-Philotaku ka, o nagbabasa ka ng blog ko
Boma - Ikaw si charlou...o taga PhilAnime ka.
OP2 - Ikaw si Crissy.
Kasin - Ikaw si Ekyub.
E2 - Ikaw yung lower batch sa St. Scho na kaparehas ko ng pangalan..at yung mga kabarkada niya.
Negra - Ikaw ang tatay ko. Oo alam ko derogatory..pero ito talaga tawag sakin ng tatay ko.
Neg-neg - Ikaw parin ang tatay ko.
Anak - Ikaw ang nanay ko.
Inday - Ikaw ang lola ko.
Ate Elise - Ikaw ang kapatid ko, o mas bata ka sakin, o kamag-anak ko kayo sa fathers side.
Ate Lesnar- Ikaw parin ang kapatid ko.
Iles- Ikaw si Ate Rosal.
Ate Ewis - Ikaw ang Tito ko.
Elsie - Hindi ka marunong magbasa ng pangalan ko.
Baby Bom - Mga taong troika kayo. Bwiset.

Sunday, April 11, 2004

IM BAAAAAAAAEEEEEEEEEKKKKKKKKK!!!!!

Hmmm...wala lang...kating-kati na akong mag blog pagkatapos kong hindi makapagsulat ng matinong entry for one month!!!!!!!! Gumising din ako ng maaga ngayong araw na to (2:30 am) para mag-aral ng calculus (at hindi pa ako tapos!) Siyeeeeeeettttttt!!!!! Blog kooooooo.....miss na kitaaa....

Err...actually hindi pa tapos yung term...finals pa namin bukas..kaya technically hindi pa tapos yung term...pero last day ng regular classes ay last tuesday...kaya para naring tapos ang term!!!!!!! Pero sa totoo lang hindi ako magpaghintay mag blog...err...kaya eto ako ngayon...back and kicking!!!!

Sa mga patuloy paring bumibisita...err..thenk you po...wow..touch naman ako! Di bale..eto na ako at magbblog muli habang mag-uupdate ng website...more on that later (charing..nag english ba)!

Ano bang meron...ah..finals namin...6 na subject..letche...parang high school...tapos easter ngayon! Happy Easter...at ano pa ba...congratulate niyo ako...graduate na ako ng ROTC! Wahoooo! pero siyettt....awyoko nang mag-awaalll....di bale..konting tiiis..pero sana wala akong bagsak...

Speaking of which nabawi ko na yung mga bagsak ko sa calculus...ang result ko sa last quiz 72/100...grabe...kahit hindi 90+ yan tuwang tuwa na ako niyan..mangiyak-ngiyak nga ako at for the first time....walang STUDY ang papel ko....*snifff*...waahh...so happy...grabeng paghihirap ko don..nag-aral talaga ako..average ko 55 na! Hindi na ako bagsak! *sniff sniff* Thank you lord!

Ah..yung website...err..wala..maliit na project ko tungkol sa pagiging OP na mdalas kong maranasan..(pero hindi ngayong mga panahong ito salamat naman)..gagawin ko sanang outlet ng mga frustration ko...pero hindi rants yung magiging laman non huwag kayong mag-alala...salamat po sa mga bumisita!

Sige yun lang muna....tenks po ulit sa mga tao! Till the next entry!

Friday, March 26, 2004

plug para sa mga nakakamiss sa dos.uno.quatro.

punta kayo dito. Yan ang aking pagkakaabalahan sa summer kapag tapos na tong kupal na term na to. Under construction pa po siya sorry.

Friday, March 12, 2004

kupaaaalllllllll...

ang vhagal mag-enroll...kala ko tuloy tuloy na yung pagpili ko ng sections...pero siyet...kupal talaga...>_________<

Tuesday, March 09, 2004

Declaration no.001

DECLARATION


I, bom, owner of blog Dos.Uno.Quatro, of address http://carbonstereoxide.blogspot.com, is declaring a STATE OF HIATUS on this 9th day of March, the year 2004 until the end of the 3rd
term of Schoolyear 2003-2004.

WHEREAS, bom, will not update her blog during the duration of the State of HIATUS.
with the exceptions that, bom, will ONLY update her blog outside the school

WHEREAS, bom, will ONLY check other blogs ONCE A WEEK. HINDI ARAW-ARAW.

WHEREAS, bom, will use the internet only once a week or only for academic purposes

signed,
BOM


----------------------------------

yes, i'll be on hiatus. Tama po ang rinig niyo. Alam ko na kung bakit nagsisibagsakan
ang mga grades ko at ito ay dahil sa aking katamaran. Na-aadik ako sa pagnenet tuwing gabi na hindi ko na nagagawa ang homework ko sa calculus at pinapangako ko na gagawin ko ng madaling araw, eh hindi ko naman nagagawa yon. Kaya kulang ako sa practice at bumabagsak ako. Quiz 3 ko ay 45.5 ulit. Putang ina talaga.

Okay lang, titiisin ko ang hindi ko paglalabas ng sama ng loob sa blog, titiisin ko ang hindi pagtingin sa comment box ko kung merong nag-comment, titiisin ko ang hindi pagtingin sa tagboard ko, tiisiin ko ang hindi pagbisita sa mga blogs ninyo, titisin kong hindi kumuha ng quizzes, titiisin ko ang hindi pagsusulat sa blog ko..

Waah..pero mahal ko kayong mga nagbabasa ng mga kagaguhang pinagsususulat ko..me comment pa nga kayo. Hay..Itataboy ko na tong sanctuaryo ko dahil sa pangagailangan sa academics.. huwaaahh...baybay na Dos.Uno.Quatro. mamimiss kong magsulat dito...mamimiss ko kayong mga nagbabasa ng blog ko..huhuhuhuhu...iyak na tayong lahat....waaaahhhhhhhhh

>_______________________________< *hugs blog*

Sunday, March 07, 2004

Sa bahay ng kaklase ko..

lolz! Hello mga tao...nasa bahay ako ngayon ng mga kaklase ko...hehe...ang saya. Kakatapos lang kasi nang debut...eh medyo lang las pinas pa iyon kaya mahirap umuwi! kaya nandito ako ngayon...sa alabang...sa ayala alabang...sa bahay ng kaklase kong mayaman...tapos nakiki-internet...

Sige...nahihiya na ako eh...maya nalang...eedit ko nalang to....^^v

At nga pala...hindi ako uminom! Mahal beer sa Dencio's

More details later!

**********
err...so hindi ko kayo makukwentuhan dahil marami akong gagawin sa physics. Siyet.
haha..nag net ako para sa mga assignments..kaya..err..sowee...hwekhwekhwek..marami pa naman sana akong ipopost...me Q&A, yung kwento, saka quizzes..so yun.

gagawa pa ako ng HW.paksyet.

Tuesday, March 02, 2004

Psst.

Ma.
Ganda ng balisong niyo ha.
Anong tinitingin tingin mo diyan?
Manhoholdap ba kayo?
...
Me celphone ako. Maganda to.
..
mahal pag-binenta mo.
..
mga trese-mil. Nokia na colored.
Anong holdaper? Ulul.
Wala siguro kayong kakainin ngayon.
..
Sige na ma...holdapin niyo na ako..wala kayong pangkain eh.
Tangna mo a..nang-gagago ka ba?
Manlalaban nga lang ako..pero okay lang yon
?
hindi naman ako marunong ng karate eh..isang saksak lang solb nako
naka-shabu ka ba? papa-barangay kitang kupal ka.
magmumukha akong mababaw..
gago..lumayo ka na nga! dadamay mo pa ako sa kalokohan mo!
Sige na..me celphone ka na..ayaw mo non?
..
madali lang naman eh...isang saksak lang..doon sa malapit sa bituka..
..
tapos tumakbo kana..don't worry be happy...walang magsusumbong sayo sa parak
..
walang magsasampa sayo ng kaso...walang..me pakialam..
..
ma..
..
psst..
..
ma..

Monday, March 01, 2004

Letseng Poetry.


Are you easily stressed?


*****************

Oo..inaamin ko..totoo yan. And yes, tommorrow, is again, another engcal2 quiz. I'm scared...the third quiz is hard and i don't get what the prof is blabbing about up front. Really scared that i'm blogging in english. Tangna. Studying this early morning was no help. Siyet. Here i am cussing and then i'm going to pray later so that i could at least have the strength to study the whole morning and remember what i studied during the exam.

Napaka buti kong kristiano.

*****************

All these feelings just about to burst
For some reason I Felt angry all
of a sudden
yet i didn't know why
I was looking down from the
5th floor
And i want to throw something.
Anything
(myself perhaps)
down crashing below
Hoping that with it
is the anger
hitting the concrete
with a heavy thud.
That will die a quick
sudden
death.

Sunday, February 29, 2004

2 consective Space Shuttles + Anchor's away =

mahaba-habang post to.

**********
You belong in the world of darkness and are a part of the despair.
You belong in the land of darkness, otherwise known
as one of the worlds in which I dwell. All here
is beauty inspired by tragedy and great sorrow.
Write or go through other creative outlets to
express the anguish you may be feeling, and
never let anyone tell you that you are just
being 'weepy' or full of 'teenage angst'(if
you're a teenager.If not, then they really
should be punished for calling you one. They
probably are trying to insult your
maturity...fools.)and always remain yourself,
dark and amazing. Never change.


Where do you belong?(ANIME IMAGES)
brought to you by Quizilla

night
You're Element is Night. You're a loner who is very
creative but never show your work to anyone.
You may smile a little but sadness or
loneliness surround you and other can feel it
when they're near you. You have a dark or
unusual beauty that makes you mysterious and
you probably have a lot of secrets that you've
never told anyone. You're beauty is intriging
and unorthidox but the real thing that makes
you special is your eyes. Something in them
makes them like "Diamonds in the
Rough."


What's Your Element(girls)? (PICTURES)
brought to you by Quizilla

Franklin
You are Franklin!


Which Peanuts Character are You?
brought to you by Quizilla

***************
Err...nabanggit ko dito na me field trip kami sa enchanted kingdom...field trip na kanya-kanyang punta at kanya-kanyang uwi. San ka pa di ba? Eh medyo lang sa Sta. Rosa ang enchanted kingdom eh. Malayong-layong commute yon. Dapat yung mga ganon may bus! Pero hinde...sabagay...medyo tipid nga naman yon.

So natutunan ko nang mag-commute mula manila hanggang Enchanted. Sasakay ka ng kung ano papunta taft ave...bababa sa buendia..sasakay ng Tritan na pumupuntang Balibago, Sta. Rosa, Laguna..tapos bababa ng wal-mart...sasakay ng tricycle and nasa enchanted ka na! Astig.

Sinulit namin yung bayad naming 315..(magaling mag-diskwento yung prof eh..)...nasakyan ko yung mga rides..*except yung mga pambata at yung mga swan boat yung me gulong na parang bumpcar pero nasa tubig..hindi ko alam tawag don eh...saka yung carousel..saka yung gocart dahil 160 ang bayad*

Naka-3 space shuttle ako (at sa pagkakataong ito hindi na ako nakapikit! Tangna! Astig! Para kang mahuhulog!)..

2 anchors away..(Huwag mong sasakyan pagkatapos ng space shuttle kung ayaw mong sumuka/ ma-usog/sumama ang pakiramdam mo...nakapag-taas ako ng kamay sa pangalawang sakay ko)

2 jungle log jam..(Sakyan mo para mahimasmasan ka)

3 flying fiesta..(Pampatuyo ng dami..kaya nga siya nasa tapat ng rio grande eh)

4D theather..(me bayad pero sulit..ang galing grabe..me matching talsik ng tubig at hangin pa. Sulit seryoso yung 40 mong bayad)

Bumpcar...(letse..bano talga ako sa bumpcar..wala akong ginawa kung hindi umikot..buti nalang naka andar ako at naka bangga ng ilang sasakyan..pero letse..ayoko na.)

roller skater.....ferris wheel... at yung realto na walang kwenta.

3 rio grande...(ang tapang talaga ng apog ko eh..wala akong dalang pamalit yan ah. tapos naka-upo ako sa parehong spot...at lagi akong nababasa..pwede na akong gumawa ng law kung saan ka uupo para hindi ka mabasa at para mabasa ka. Buong hapon ako nagpapatuyo at nakauwi na ako sa bahay ay basa parin ang pantalon ko. Dahil dito ay hindi ako naka-pagpaintball.....waaaahhhh....)

At iyon na. Noong bandang gabi nag-bilyar ang mga tao tapos nag-videoke. Haha..astigin ang videoke..nakaka-pagbonding ang mga tao dahil doon! Hala birit kahit sintunado! Wala..nakakatuwa siya...^^v ehehehehe..

Umalis na kami ng 8:30 don...sinulit talaga namin..pero 1st time kong abutin ng ganong kagabi at malayo pa ang panggagalingan ko. Nasa Sta. Rosa ako at hindi pa ako nakaka-pagcommute ng ganong kalayo...ng gabi. Pero sa awa ng diyos ay naka-uwi ako! Salamat sa mga nagpahiram sakin ng celphone..tama ba namang mawalan ng battery sa ganoong sitwasyon.

***************
Astig na pala si Krey-Zey dahil may lakas siya ng loob para maging marcher candidate sa ROTC! Bangis mo! Idoul!^^v

***************
At sadly again..i conclude...natatapos ang weekend...panimula nanaman ng bagong linggo at quiz kami sa Calculus again. Ang galing galing!