Sunday, February 26, 2006

Plastikan Mode.

Sabi nila, ang mga walang ginagawa, walang karapatang mag-reklamo...
Sabi nila, ang mga taga-DLSU, apathetic..

Sige, sabihin niyo nang apathetic..
pero 'nak ng pating, napakalaking hassle na ng dinudulot ng mga pangyayari sa bansa ngayon.

Si Gloria, masyadong paranoid. Ang mga tao, dahil paranoid si gloria, ay paranoid narin na mag-dedeklara siya ng Martial Law. Kaya yung mga simpleng pagtatanggal ng mga tao sa military ay iniintrega na. Yun, medyo panic mode yung mga tao ngayon. Pero apparently everything has been settled.

Alam niyo kasi, para mag-kakayos-ayos na, makipag-plastikan na ang lahat, at magbabati-bati na. Parang showbiz lang naman kasi yan eh. Kung merong "We're Friends" sa showbiz, sa politics naman merong "We're loyal to the president". Mga magic words na sa isang sabi lang ay tapos ang problema, kuno. Yun ay kung gusto niyo ng madaling tapal sa sugat ng lipunan. Kung gusto niyong subukang ang swerte at mag-express palit tayo ng pangulo ulit (edsa 3 anyone?), gawan niyo lahat ng issue, pati ultimong pangungulangot ng isang general ay i-interpret niyo bilang pagtanggal ng suporta kay gloria at mag-rally kayo hanggang sa mawalan kayo ng hininga. Kung ayaw niyo naman, dahil gusto niyo ay maka-move on nga naman tayo, ay plastikan muna hanggang sa magpalit ulit tayo ng pangulo.

Pero on a lighter, and more mababaw note:

Mga hassle na dinulot ng mga nanyayari ngayong mga nakaraang araw:
-Lahat ng may lakad nung biyernes at weekend, nabulilyaso. Yung Org namin, may Get Together Party sa may bar sa may ortigas. Eh nagkataong may rally sa may EDSA, eh di yun. Tapos ang party. Sayang, party na party na yung mga tao eh. Yung iba pa nga, binilan na ng mga nanay nila nang isusuot. Mahirap talaga pag binatbati no? Yung iba pa nga may prom dapat, tapos malas-malas ngung biyernes gaganapin, eh di hindi natuloy! Tapos malamang yung mga lalakad dapat nung weekend, hindi na papayagan ng mga magulang nila, or hindi matutuloy, dahil tayo nga ay nasa state of national emergency.

-Mangangarir ka ba ng aral o hindi Hindi mo alam kung may pasok ba sa araw ng exam niyo, kasi nga anything could happen! Kaya hindi mo alam kung mag-aaral ka o hindi..at..

-Hindi mo alam kung ano ang aaralin mo kasi hindi mo alam kung anung manyayari sa exam mong napostphone dahil wala ngang pasok, at hindi mo rin alam kung mawawalan ng pasok dun sa mga araw na may exam ka.

-Pinuputakti ka ng mga mass message sa YM at text, at hindi mo na alam kung anong iisipin mo May rally daw sa may school niyo, magkakabombahan daw sa ganito, si ganito daw nakikianib sa ganito kay magkakarally tapos aalis na si gloria...grabe, anu kayang papaniwalaan mo? Or the best na gawin, burahin mo at huwag mo nang iforward, sasakit lang ulo ng mga foforwadan mo.

-Stuck ka sa Bahay Gusto mo mang umalis, hindi ka maka-alis kasi hindi mo alam kung anong manyayari.

Sino bang nakikinabang sa mga nanyayaring ito: Una, ang cellular network dahil sa dami ng text na finoforward ng mga lito at nagpapanic na tao. Pangalawa, ang mga coup plotters at mga terrorista, dahil eto exactly ang gusto nila, ang magkagulo ang madlang pilipinas.

Sinong dehado: Si gloria, kasi malamang kabado na 'yon. Pangalawa, ang mga Youth, dahil sadyang nabulilyaso ang mga plano nila, at wala silang kinalaman dun.

Saturday, February 18, 2006

Blog

Nagbblog dahil:Inaantay ko yung Naruto Chap22 Manga mag-dl

Well, wala naman talagang sense mag-update kasi wala namang nababasa. Pero wala akong paki (Actually Meron eh.) Blogging life isn't as exciting as before. Maybe because people have other priorities than blogging and visiting blogs. Well at least those who have blogs hosted in blogger. I haven't been blog hopping in quite a while. Though lagi kong binabasa yung LJ friends page ko. I wish blogger has something like that, where you could view other peoples update in just one page. Haha, ASA. Pero its been interesting exploring lj's.

Sa mga taong hindi nakaka-alam, ano nga ba yung LJ. LJ = Livejournal, site na nag-hhost ng blog. Parang friendster siya kasi add ka ng add ng friends, then you can read their journals in one page, kaya convenient. Andami nang tao na naka-LJ, minsan nga, doon nalang sila nag-uupdate. One reason kaya I don't bloghop that often. Pero what's interesting is that a lot of famous persons have their LJs too.

Example:
Here's Quark Henares LJ
and here's Mitch Dulce (the designer gal from PBB Celebrity Ed), Francis Reyes has an LJ too, but I forgot the link..hehe sorry.^^

to name a few..here's another cheesy LJ link..cheesy kasi sobrang daming tsimis kang pwede masagap. Yun nga lang, dapat magaling kang manghula ng blind item. Tungkol kanino ang tsismis, sa mga celebrity. Mapa-showbiz man o Music Industry.

aargghh...I really have to update this blog. Add a few interesting links para may mapuntahan ako habang wala akong ginagawa...:P