hindi ko alam kung paano to sa UP o sa ATENEO...basta ganito yan sa'min.
Sa kasamaang palad, nung nag-eenroll ako, nag-bug down yung internet connection sa cafe na pinuntahan namin ng mga ka-block ko. At nawalan ako ng isang laboratory subject, siya yung tipong pag nawala yung laboratory na yun, delayed ka na ng isang term. Regular ka nga, delayed ka naman! Siyempre hindi ako makakapayag nun diba?
Eh di punta ako sa adjustment para sa mga regular, noong Jan.4 (Tuesday). Nagsisign palang ng petition para magbukas ng bagong section nung laboratory na yun. Napakagaling naman kasi eh, gagawa lang ng section 2 pa! Di pa ginawang tatlo? Di nasayang ang pamasahe ko papuntang eskwelahan namin! Di bale, naka-pagpalit naman ako ng section.
Yung sa laboratory kong hindi nagbukas..kinabukasan ko daw aayusin, 10 ng umaga daw, bukas na daw yung section para sa laboratory, eh di papasukan ko mung yung klase ko bago yun. Pagkatapos, hindi pa daw bukas yung laboratory na section. Eh di tumambay muna kami ng mga kablock ko....na NAGING ISANG MALAKING PAGKAKAMALI! Buti nalang nagyaya siya na pumunta sa Opisina ng Vice Dean (kasi dun nagaadjust/nagpapalit ng section)..at ganitong kahabang pila ang tumambad samin!
Fig. 1 Ang pilang nakakatense!
Pumila kami ng isang oras! At ang naabutan namin? Ang pagllunch break ng taga-Vice Deans office! Ang galing, mamimigay ng numbers (PILA numbers) ng 1:30. Ang dilemna(?), kung aalis kami sa pila, kasi lunch na nga, at hindi pa kami kumakain ng mga kablock ko. Pero sabi namin... Hindi, hindi tayo aalis dito! Mag-vivigil tayo!. At yun naman yung naging TAMANG desisyon namin! Naawa siguro yung taga-Vice dean at namigay ng numbers, kung hindi baka tumirik na ang mga mata namin sa gutom.
Pagkakain namin, pumila ulit kami nang isang oras. Inaantay namin na papasukin kami sa aircon office ng vice dean. Ang masama pa nun, may klase kami ng 2:30! Baka hindi kami makapasok sa class. Ang nakakabwiset pa, yung mga first batch na may numbers 50 above (mga hindi pumunta nung umaga) sila yung inuna. Eh di hintay to death naman kami. Pero sa wakas nakapasok narin kami, tapos may pila pa sa loob. Ang galing. Pero at least nakapasok na kami. Tuwang-tuwa ako ng maka-upo na ako sa booth ng STUDENT PERSONAL (?) ASSISTANT. Nakita ko narin sa wakas ang isa sa mga LEGENDARY persons sa College of Engineering..si Sir Apollo.
Fig.2,Ang mahiwagang booth ni Apollo. Malabo yung kuha kasi pinakuha ko lang yan sa kaklase ko, kita pa yung daliri niya!
Tapos niyan, siyempre nakalock yung pinto dun sa front entrance kasi nga limited lang yung mga taong nakakapasok. At dumaan kami sa isang daan na minsan ka lang talaga makakadaan, ang mahiwagang shortcut papuntang velasco lobby.
Fig.3, Ang mahiwagang hagdanan. Yan, kung kanina daliri niya, ngayon naman yung paa niya! Taragis!
Yung referral slip na binigay sayo ng vice dean, dadalhin mo sa accounting office. Biro mo, naka-check dun, RO (Registrar's Office) Supplies, yung isang papel na ipapaprint mo, SISENTA PESOS! Tapos yung adjustment fee, 200+, eh kasalanan ko bang mag-bug down yung computer ko...pero wala naman akong magagawa di ba?
Fig.4, Ang study hall na ginawang accounting office. Dalawang beses ako nag-antay sa mga benches na to para sa resibo
Pag nakuha mo na yung resibo mo dito, pupunta kana sa registrar ulit, at kukunin yung EAF mo.
Fig.5, Ang window 2 ng registrar's office. Siyempre, pila ulit
Eto nga pala yung EAF mo.
Fig.6, EAF, Sa wakas nakuha narin kita!
Yung EAF, enrollment assesment form. Dun mo makikita yung mga subject mo, tsaka kung magkano yung babayaran mo. At nandoon na yung maiwagang laboratory subject, ELTWOLA.
Hindi ko pa siya nababayaran, kasi nga hindi ko siya na-enrollan. Siyempre balik ako sa accounting office...para makuha ito.
Fig. 7, Resibo! Finally!
At yun ang istorya ng adjustment/late enrollment ko. At dahil yan sa adjustment na yan, 2 klase ang hindi ko napasukan! Ang galing diba. Pero atleast hindi na ako tanga adjustment.^^ Engineering student na ako! nyahahahahha