Thursday, July 29, 2004

Walang Kwentang Buhay.

Naranasan niyo na bang ayaw niyo nang bumangon? Na gusto niyo nalang itulog lahat...yung hindi mo na trip tumayo kasi parang naiisip wala naman talagang dahilan?

Ang hirap ng ganyang pakiramdam...at ganyan ako ngayon.

Tuwing gigising nalang ako..naiisip ko kung bakit ako gumising...kung bakit ako pumapasok sa isang course na nabuburyo na ako dahil sa bawa't araw na pinapasukan ko siya ay nalalaman ko na
1)hindi ko naman talaga siya gusto.
2)Na hindi ako bagay don.
3)At mukhang ayaw ng course sakin.

Na bawa't araw gusto ko nang magshift pero pinipigilan ka lang ng panghihinayang. Na kasi sayang naman ang pagiging regular (ala pang bagsak)at sayang din ang mga gabing pinagpuyatan.Na sayang ang pagkamahal-mahal na tuition. Wala akong dahilan para mag-excel sa academics kasi tinatamad ka...at dahil hindi mo narin kaya mag-excel. Wala akong natututunan. Nagiging routine nalang ang buhay. Papasok ka at uuwi.Mapapakahirap pumasa upang isadlak ang sarili mo sa mas mahabang paghihirap na ang pangalan ay MAJOR SUBJECTS. Na ang mga kaibigan mo minsan kaibigan mo at minsan hindi. Na ikaw mismo hindi mo alam kung kaibigan ang turing mo sa kanila o hindi. Hindi mo alam mo bakit ka nag-aaral? Para pumasa? BAkit gusto mong pumasa? Kasi mahirap bumagsak? Eh para san naman yon? Para maka-graduate na ng may matinong course sa isang matinong eskwelahan? At mahirap gawin yon lalo na pagwala kang motivation.

Yan ang sitwasyon ko ngayon. Wala akong motivation. Nasa estado ako ng katamaran. Darating din ang panahon na magbubulakbol ako..ay hindi pa pala...sayang yung tuition. Nararamadaman ko lang na wala akong motivation...na walang kwenta ang buhay...nagkakakwenta lang pag may kwentuhan at tawanan..na minsan lang manyari. Na wala ring kwentang subukang mag-achieve sa academics kasi hindi mo rin naman kakayanin.

At wala kang motivation...me paki ba ang mundong ginagalawan mo? Wala. Kaya kailangan mong magpatuloy..kahit sabihing mong tinatamad ka..na wala nang dahilan...kasi kelangan mong maki-ride sa pag-ikot ng mundo...mahirap nang maiwanan.

At kung sino mang kumag ang magbibigay sakin ng purpose driven life....upakan ko kayo.

Sunday, July 18, 2004

Tula + Random Post #2

Wala lang.
 
Ano ka kung
Wala ka lang
Dumi ka nalang ba
sa isang tabi
Na pinapayagang
maglaho
Mawalis, liparin
Mahipan
 
Ano ka kung
Wala ka lang
Isang batong nakapatong
Handang Masipa ng galit
o mabato
sa Lungkot
 
Ano ka kung
Wala ka lang
Hanging nakapalibot
Nariyan at nagaalaga
ngunit hindi napapansin
hanggang sa
Magwala
 
Wala ka lang
at kung
wala ka lang
walang makakapansin
kung maglaho ka
 
-----------------------------------------------
Hehe. Down time poem of the bom. Pansinin niyo nilagay ko kasi diyan eh.Mwehehehhe.
----------------------------------------------
 
Hello people. I survived the phyeng2 quiz 2. Hmm..siyet. Wala ba akong sasabihin dito kundi puro academics. Haha.
 
Nga pala. Nagspeech kami. Nakita ko sarili ko kasi kailangan kong i-critique ang sarili ko. Hulaan niyo kung sinong nakita ko sa tape.
 
Si Junie Lee.
 
Seryoso kulang nalang managalog ako dun at siya na ang makikita niyo don. Pramis. Laging nagbli-blink, nagsasabi ng "um"...at tumitingin kung saan-saan. Me appearance siya ulit sa speech class namin sa hwebes.
 
---------------------------------------------
 
Sa mga taong nagiisip na ang Pelikula at Musikang Pinoy ay puro bullsiyet, mag-isip kayo muli. Pumunta kayo sa IndieFilipino at mag-isip muli. Grabe...astig yang site na yan, astig pa ang laman. Kung baga lahat ng pwedeng maging pag-asa ng Pelikula at Musikang Pinoy nandiyan. Nahilig kasi ako ngayon sa mga ganyan eh. Ngayon ay nakakuha ako ng kopya ng CD ng Urbandub at Cambio naghahanap na ako ng CD ng isa pang indie band..yung SpongeCola taragis la kong mahanap eh. Basta...kung sawa na kayo sa mga Acoustic at mga produkto ng Singing Contest..pumunta lang kayo dun sa site at makinig ng Indie...seryoso..astigin!

Saturday, July 10, 2004

GUSTO KONG GUMAWA NG TELENOVELA

Haha. At anak ng pateng nasa engineering talaga ako. Wow. Dapat mag-shift na ako ng communication arts...kung ma-pera ako mag-f-film major nalang ako! Susundan ko ang yapak ni Quark Henares da astig direktor.Pero..naaahh.

Naka-panood nanaman kasi ako ng isang ending ng telenovela. Yung Sana'y Wala Nang Wakas ng dos. Hehe..maka-dos ako sorry. Hindi ko makita ang innovation masyado sa Siyete. Kakatapos lang ng "Historic Finale" kuno habang tina-type ko to. O sige, medyo innovative yung "Historic Finale" pero nandoon parin yung iyakan na aabot ata ng 10 minuto at galon galon na eye-mo na pinag-gagagamit at yung mga sobrang kesong mga dialogue na sinisingitan ng mga "witty" dialogue na wala sa lugar. Pero wala akong masabi sa cinematography. Bow ako. Ang galeeng..lalo na yung pagkakakuha nung kasal ni Ara at Christian...ang galeng wala akong masabi. Pero sinira nung sobrang haba at keso nung palitan nila ng pangako nag-tataka na ako kung bakit hindi naiinip yung mga bisita sa kasal.hehe.

Lolz. Lumalabas nanaman ang pagka-baduy ko. haha..si bom ay nanood ng mga telenovelas.

Pero...hay. Umaandar nanaman ang achuchuchu sa aking utak. Yep. Gusto kong gumawa ng telenovela.

Pero hindi ordinaryong telenovela.

Gusto ko yung telenovelang hindi telenovela. Yung nakakatawa pero hindi kwelanovela.

Yung bida hindi artista. Gusto ko ordinaryong teenedyer. Hindi maganda. Hindi panget.
Ordinaryo lang. Magpapa-audition ako at pagnakita kong kikay yung nag-aaudition bagsak agad.
Pag gusto niyang mag-artista siya dahil gusto niyang sumikat bagsak din agad. Kung gusto niyang malaking sweldo, okay lang sige. Pero dapat marunong siyang umarte..o di kaya natural na sa kanyang maging ordinaryo..hindi naman niya kailangang umiyak parate eh...yung natural na sa kanya na maging dark (hindi maitim) at witty. Gusto kong bida astig na babae pero hindi naman yung sobrang astig na rocker na ang dating na naninigarilyo at nag-chochongki. Gusto ko nga yung ordinaryong tao lang pero may attitude. Parang ganun.

Yung storya, hindi madrama, hindi rin masyadong comedy. Ordinaryong buhay. Seryoso pero nakakatawa. Pero hindi yung typical na teenage drama. Yung binu-bully, yung mga matataray na kikay girls. Hindi naman ganun sa totoong buhay. Bawal ang bullying sa skwelahan. Yung mga kikay hindi naman talaga nagtataray ng walang dahilan. Tsaka nandyan lagi ang mga stereotypes...mga cheerleaders, mga swabeheng lalakeh, at lahat na ata ng bida may problema sa lovelife..ganun nalang lagi eh. Kelan ba na feature sa isang teen-oriented telenovela ang mga nakaka-asar na magulang, mga problema sa barkada, pagpunta sa isang gig, paglalaro ng counter-strike, mga asaran na hindi scripted, paggawa ng project, buntisan, chongki, yosi, inuman, anime, pahirapan makipagkaibigan, pera, paggawa ng banda, pagbasak sa mga subject, katomboyan, kabadingan, kajologan, kaastigan. Tsaka bakit ang mga bida laging magkakalapit ang mga bahay, laging nasa isang village, eh pwede namang 2 linya ng LRT ang layo ng mga bahay ng magkakabarkada. Bakit ang mga probinsiyana at mga lalaki magdamit na babae pag-minimake-over na nagiiba na ng personalidad? Anu yung nadadala ng peer pressure ng mga kikay niyang kabarkada? Napaka-stereotyped talaga ng mga teen-oriented series dito sa pinas.

Yung cinematography (naks!) nung telenovela..gusto ko laging thought oriented sa bida...tapos makikita yung mga iniimagine nung bida...kahit nakakatawa yun...yung fast forward focus sa bida..tapos yung mga iniisip niya tungkol sa iba't ibang tao at sa ibang sitwasyon...tapos hindi lang basta basta yung pagkuha sa setting...kahit ordinaryong apartment lang yan magmumukhang mansion dahil sa cinematography! Me black and white at may colored, basta gusto ko magmumukha siyang witty pero hindi lang dala sa dialogue nakikita rin sa pagkakalabas ng mga eksena.

Iniisip niyo siguro...hindi na telenovela hinihingi ko..reality tv na. Hindi telenovela pero documentary..gusto ko talaga kakaiba...hehe...pero alam kong impossibleng manyari to. Sino ba namang tao ang gusto manood ng realidad...eh meron na nga sila nun..sino bang gustong manood ng palabas na hindi maganda o pugeh ang mga bida...pero wala namang masama sa pangangarap...hindi naman to impossible kasi hindi naman kailangan ng high tech na mga kagamitan na wala ang ating entertainment industry ngayon.

Waah....at nasa engineering talagah akoh....nyahahahahahahahha....oo na mayabang na ako.
Gagayahin ko si Quark Henares...hahanap ako ng mga magulang na kasing astigin ni Atom Henares at kasing kontrobersyal ni Vicky Belo...tapos gagawa ako ng bagong genre ng telenovela...tatawagin ko syang docunovela...tapos hindi na magiging cliche ang mga telenovela dito sa pilipinas...at titigilan ko na ang walang kabuluhan kong pagppost.

Wednesday, July 07, 2004

RANDOM THOUGHTS#1

Yan. Magsisimula na akong magbilang ng random posts. Hehe..sa nakikita niyo ang tagaaal ko nang di nakakapag-update.Mga isang linggo. Random thoughts lang...wala akong isusulat na long essay ngayon.Hehe..

*****

Sa mga nagtataka...ako ay 70 sa MODCOMM. Passing lang. 80 dapat eh. Minus 10 kasi nag-overtime ako ng 8 FRIGGIN SECONDS! At nireregla ata si sir. So me mga taong nung ibang araw nagreport nakaka-82 kaya minus 10 72 parin sila. Bugbog nanaman ang aking ego. Naturingan pa man ding kulasa....TAPOS PASSING SA SPEECH SUBJECT??!! ANONG KLASEH YANNNN????

*****

Sa tingin ko hindi na talaga ako makaka-90+ sa kahit anong math-concerned quiz. Hay...frustrating yun no. Para sakin. Kasi yun nalang talaga yung chance ko na makakuha ng mataas. Ewan ko ba. Frustrated DL kasi ako eh. Gusto ko maayos academics ko, hindi yung passing lang. Pero wala eh. Hindi ako halimaw. Nasa engineering ako. Na kahit magsipag ako ng todo-todo pasado lang ang makukuha ko. Takot akong bumagsak. Hindi ako masaya sa passing grade. Oo na. Mayabang na ako. Pero dun sa mga subjects na wala kang magawa kundi magpasalamat dahil pumasa ka...katulad ng physics.....TENK YU LOWRD PUMASA AKO NG PHYSICS!!

*****

Nabasa ko yung isang compilation ng libro ni F.SIONIL JOSE yung THE SAMSONS (featuring THE PRETENDERS and MASS)..astig sobra..na-dedepict niya ang kahirapan ng pilipinas sa isang libro. Ang galing...National Artist for Literature ang dating. Kung gugustuhin ko mang magsulat ng nobela parang ganun...realidad ang laman..yun kasi yung mga trip kong libro..lalo na yung mga tungkol sa pilipinas eh..kahit nakakafrustrate pa minsan-minsan. Ehehe...napaghahalataang suki ako sa Filipinana section ako sa library.

*****

Reasons why bom is bobo:
1) Kulasang "passing" lang sa isang speech subject.
2) Nagsisipag na sa mga subject pero passing lang ang nakukuha.
3) Laging may nakakalimutang gamit.
4) Nilublob ang celphone sa tubig.
5) Hindi makagawa ng matinong project sa kahit anong Computer Aided Design program.
6) Medyo madalas hindi makarelate sa mga usapang politikal kasi walang masabi.
7) Nasa mukha.
8) Ka-simpleng bagay hindi ma-explain.
9) Hindi maka-isip ng iba pang rason na-ilalagay dito.
10) Masyadong mayabang di nagprapractice ng speech.

******

Hay. Yan. Ang aking self-esteem ay bumababa...naalala ko tuloy yung kanta sa recollection...I love myself...the way i am.....napaka-laking bullsiyet. Kelangan ko nanaman ang aking morbid layout...mwehehehheeh...joks lang.