Saturday, December 25, 2004

Pasko na...paksiw pa.

Bago ko to simulang, gusto ko munang bumati, pahabol, ng
Maligayang Pasko!
at siyempre huwag kakalimutang
Maligo sa Bagong Taon!

==========================================

Ang pasko ko, okay lang. Ang pasko dito hindi nagsisimula ng 12:01 ng December 25, usually mga ala-6 ng december 25. Wala na akong inaasahang bubuksan na regalo galing sa magulang ko, di tulad nung bata pa ako, yung tipong parang first time mong magpuyat kasi excited ka nang buksan ang regalo mo. Yung tipong stick ka sa "Don't Open 'till Xmas": dati talaga ganun, para marami kang bubuksan sa umaga ng pasko. Pero ngayon, pagka-bigay, kahit december 18 palang, bukas kaagad, para maimtambak mo na sa bahay. Usually ganun yung nanyayari sa mga regalo ng kabarkada ko. Yung galing sa mga magulang, mga tipong 3 days before december 25 binibigay na, hindi na binabalot, kasi excited ka nang gamitin, tulad ng mga PS2, celphone, PC...

Siguro dahil masyado na siyang malaki para ibalot. Iba talaga ang age mo malapit-lapit na sa bente. Hindi ka na yung nagbubukas ng regalo, ni hindi mo nga mabati ang mga tao sa inyo ng "merry christmas". Parang "Okay, pasko ngayon. Merry Christmas sa inyo. Ayos may pera nanaman ako mamayang gabi."

HUwag niyong sabihin hindi ganyan ang nasa isip niyo. Magsitigil kayo mga plastik.

Ba't kaya ganun. Siguro totoo nga na ang pasko ay para sa mga bata

============================================
Pag bata ka: Ibig sabihin ko ng bata ay yung mga mula 7-14 years old. Ako noong bata pa ako, excited ako december 24 pa lang. Tinutulungan ko pa nga ang nanay kong gumawa ng salad, habang yung mata ko nakadikit na sa AXN dahil palabas ang 3x3 eyes. Pagdating ng december 25, bago ang damit, nilalabas yung mga gold na necklaces at bracelets para suotin at hindi iwala, binubudburan ka ng pabango pati yung mga parents mo. Hindi mo muna pwede buksan ang mga regalo mo kasi hindi pa kayo nagsisimba sa 7:00 am mass. Sa simbahan, siyempre kasama sina lola, pinsan, lahat. Tapos makikita mo sa daanan, lahat ng tao naka-bago, para bang walang economic depression sa pilipinas, nakangiti, maaraw, maliwanag, malamig, masaya. Ang festive. Siyempre yung masaya diyan hindi yung pagbibilang ng mga perang natanggap mo nung pasko, kundi yung paglalaro mo ng mga regalong kanina ka pang excited na buksan. Magpapayabangan pa kayo ng mga pinsan mo sa bahay ng lola mo. Ang dami niyong bisita sa bahay, ang sarap ng pagkain, spaghetti. Ang saya, lang tatalo sa pasko.

Pag malapit sa 20: Tinutulugan ang noche buena. Walang tao dito sa bahay, lahat sila tulog, o pangit ang palabas sa TV. Pagkagising mo, diretso agad sa banyo. Pagdating mo sa baba, nagkaka-gulo silang lahat kasi hindi pa handa yung mga pagkain. Sa christmas tree niyo, panay sa mga inaanak mo yung mga naka-lagay. Yung regalo mo, nasa taas, china-charge. O nasa baba, at lalaruin mo na. Magsisimba nanaman. Mga alas-10 am, last mass sa umaga. Sabado. Bukas magsisimba nanaman ulit, kasi linggo. Ang daming mga bata sa baba ng bahay niyo, istorbo. Pero mag-PPC ka parin habang hindi pa naliligo ang mga tao sa inyo para maka-pagsimba na. Soundtrip narin sa PC, hindi pang-christmas at sawa ka na doon. Magsisimba kayo, bagong shirt at pantalon lang, di bale na sapatos, pwede pa yan. Sa wakas nagkadamit narin ako. Simba isang oras. Maaraw na Makulimlim, masaya yung mga bata pero ang mga magulang mukha nang pagod. Ayos, naka-1,200 ako ngayon, mas mababa sa last year, bwiset. Dating sa bahay, bukas TV, ayos marathon sa Animax, replay sa Eat Bulaga at MTB. Daming namamasko, nood parin ng TV. La kong paki. Basta ako, manonood ng TV.

Pag may pamilya ka na: Nung oras na ba, ah, alas-6 na pala. YUng buko salad kaya sa freezer ayos ba...naku, mag-iihaw pa ng barbeque! AAAH!!! ANU BAYAN ANG AGA-AGA MAY NAMAMASKO NA???!! Inday, paliguan na si neneng at junior at magsisimba na..yung damit ko hindi pa pala nakaplantsa..mailabas ko na nga yung damit ng mga anak at asawa ko. Naku magustuhan kana ni inang yung regalo namin..yung inaanak ng anak ko nandito na, kunin mo na yung regalo mo, galing kay ninanag neneng yan. Ay! Malapit nang mag-alas-nuebe! Anu ba gisingin mo na sina junior! Ay sandali lang kukunin ko na yung mga pamasko niyo....anu bato, yung 4000 kong tig-20 NAUBOS??? Grabe, pati tong mga matatandang to ang lalakas ng apog mamasko! Ay merry christmas ate, natanggap mo ba yung ulam? Ay, sina inday wala pang regalo, magbabalot pa ako! Anu ba ineng, nagPPC ka pa magsisimba na tayo! *At marami pang ibang reklamong dumating*
======================================================

Tignan mo yun, based diyan, kanino bang pasko ang mas masaya? Sa batang maliwanag ang pasko, sa teen na nanonood ng animax marathon, o dun sa mga matatandang stressing ang pasko.

O sige sabihin niyo na na ang tunay na diwa ng pasko ay ang pagsasama-sama ng pamilya at ang pagbibigayan, pero hindi ba stressing pag nagsasama-sama ang pamilya at nagbibigayan. Magastos, Nakakataranta. Lahat na.

Para sa bata, masaya. Kasi wala pa siyang kamuwang-muwang sa mundo kundi ang gameboy niyang bago.

Para naman sa mga malapit na sa 20 katulad ko, pasko, maraming bago, makakahingi ka ng celphone, pera at PC sa parents mo. Daming tao sa baba, isang truck (totoo to, pramis) ng mga namamasko nasa bahay niyo, ang ingay.

Para naman sa mga parents, ang daming aasikasuhin, ang gastos na hindi ko akalaing nagbitaw ako ng ganung kalaking pera, nakakataranta, pero at least masaya ang pamilya ko. Pati narin ang mga kamag-anak, biyenan, pinsan ng biyenan, pamangkin ng biyenan, apo ng labandera, syota ng katulong, anak ng pinsan ng asawa mo,kabarkada ng anak mo, apo ng kapatid ng nanay ng asawa mo.... (sa kaso ko, pramis, totoo talaga siya)....

Oh well, at least lang pasok.

Sunday, December 19, 2004

Probably the last nonsense post..

I know, an update was long overdue, but i usually update this blog more nowadays. I've decided to post here when i'm in the mood to post something like my previous entries. My thought-provoking, Bob-Ongish entries. Yung mag-eenjoy saka yung hindi daily update ng buhay ko. Kasi kung gusto niyong makita yun, punta nalang kayong LJ ko.

So this will probably be the last nonsense update i'll be having. From this post onwards, i will be posting my bob ongish post, at least i intend to do so.

So what's up? Christmas is just around the corner and err...i already received my gift, my christmas+birthday gift.

But its not christmas that is keeping me excited (and scared) since friday, its the course card distribution happening tommorrow. Truthfully speaking, i should fail 3 subjects, 1 math subject, 1 major and 1 physics-nonsense course. And i need all the luck i could get.

A friend of mine send me an SMS message saying "To all LaSallians, please pass this message to 10 lasallian friends, or else you will get at least 1 0.0 in your course cards. Better Safe than sorry."

Ako naman: "Hello, sayang load! Para namang napaka-yaman ko para gumasto ng 10 pisong load para lang magpasa ng chain text." *sabay bura*

So i guess i will be getting at least 1 0.0 in the course card tommorrow.

Nah.

2 of my friends will also be sporting a new look tommorrow. Maybe a part of their "bagong buhay" activities they've done for the weekend. They went to confession yesterday...

I bet they look funny in their new haircuts.

Song that best fit tommorrow's festivities:

Himala - Rivermaya
"HIMALAAAAAAA! Kasalanan bang\ humingi ako sa langit ng\ isang himala"

Just Once - (Hindi ko kilala kung sino)
"I did my best, but i guess my best wasn't good enough"

Give love on Christmas Day - (Hindi ko rin kilala kung sino)
"Why don't you/ Give love on christmas deeeeyyyyyyy..."

Tuesday, December 07, 2004

May pauuod-paro-paro pang nalalaman

Dapat mag-bblog lang ako dito tungkol sa nakuha kong score sa QUANMET at ELCI. At habang naka-bukas ang window na yan, ay naka-bukas ang window ng friendster.

Wala lang...pancheck lang baka sakaling may bagong kaibigan o testimonial kasi kasama siya sa Christmas list ko.

Wala.

Napansin ko yung box sa may ibaba, ang nakalagay Waiting confirmation from 2 friends. Pag-click ko, inaantay ko parin ang kasagutan ng dati kong guro sa panitikan at ang kasagutan ng pinsan ko.

Hmm, ano kaya kung nagdagdag pa ako ng mga "kaibigan"?

Click dito, click doon.
Una sa pangalan ni ganito.
Uy, may bagong account na pala si ganito.
Add.
Matignan nga friends nito.
Uy, andami..
Aba, ganito na pala istura nito.
Iba na itsura niya....nila


--------------------------

Mga mukhang pamilyar sakin, at alam ko pa ang mga pangalan. Ang mga ka-batch ko sa noong high school ako. Yung adviser naming rakista na astig nung 3rd year. Yung mga popu samin. Yung mga hindi ganun ka-noticeable na namulaklak na. Mga kilala ko, na hindi ko sigurado kung kilala pa nila ako..

Malamang hindi.

Anu ba ang nakita ko? Pagbabago. Nagbabago ang tao habang tumatanda..at yun ang nakikita ko.

Ang mga babaeng pare-parehas lang ang suot dati, walang tumitingkad kung hindi dahil sa ugali,
sa talino,
o ka-weirdohan
...iba na ngayon.

Hindi ko na maiaalis yun. Yung mga mukhang ordinaryo lang dati
ngayon naka-make-up,
naka-blush on,
rebonded ang mga buhok,
naka-spaghetti't sleeveless,
may mga lalaking nakasandal sa kanilang mga balikat,
mga naka-pearl earings,
ngiting
..kikay.

Parang mga uuod na nag-metamorphosis at naging mga paru-paro.

Wala namang masama sa pagbabago. Sa katunayan, nakakaganda nga yon. Siyempre, college na. Kailangan nang magpapansin sa mga boys, di kagaya non, babae lang ang kahalubilo mo.
Kailangang maayos lagi.
Kailangang demure.
o kung di demure....hot, sexy, cool, noticeable.
Blooming.

Ordinaryo akong estudyante. Ngayon, ordinaryo parin. Walang pagbabago, bumigat lang ako ng 10 kilo. Hindi naka-uniform. Humaba ang buhok.
Parang may eyeshadow sa ilalim ng mata.
Naka-T-shirt at pantalong maluwag.
Naka-stud earings...na pilak.
Naka-timex..na bakal.

Hindi na kailangang magpapansin sa boys, kasi sila ang kausap ko madalas. Kasamang madalas. Hindi maiiwasan.

Pero, hindi ako obit, tibo, yuri...o kung anu man yung tawag niyo dun.

Babae lang, na hindi pa "nag-bbloom."

Uuod na kontento na sa pagiging uuod habang buhay.
------------------------

"Ohtso."
"Nuebe, dun sa may kanan.."

Hindi yan bingo o jueteng. Yan ang mga bagay na naririnig ko sa mga taong nakapaligid sakin.
Kung makapag-score parang kung sinong judge ng beauty contest.
Lowest to highest, 1-10.

Tingin sa kanan. Babae, naka-fit na shirt, naka-pearl earrings, straight na mahaba ang buhok...

"May boyfriend na eh..."

..at may kahawak ang kamay.

Pero hindi nila napapansin yung babae sa may likod niya. Naka-shirt na pula, pantalon, maikli ang buhok, walang earrings, naka-wristband. Pati yung nasa harap niya, naka-tshirt at pantalon lang.

-----------------------------

Kung tutuusin, saan nga ba nagmula ang kamulatan ng babae na kailangan niyang magpaganda..na kailangan niyang ma-notice, kailagan mag-dalaga, mag-ayos, mag-bloom,

..mag-kikay?

Nasa pagpapalaki ba yan?
Sa pamilya?

Noong high-school ba?
Noong mga popu sa school nanghihingi ng facial wash lagi,
para makapunta na sa banyo
na parang bang laging may mga mantika sa mukha nila
pero wala naman.
Magsuklay na para bang magpapapansin sila
pero panay babae naman sila kaya walang papansin sa kanila.
Mag-powder para walang oil sa mukha. Sige eto tanggap pa siguro.
Pero ang mag-lagay ng blush on bago mag-Algebra..
sa pagkaka-alam ko hindi naman nakakatalino ang blush, o ang lip balm.

Kung ganitong sitwasyon ang kamumulatan ng isang walang ka-muwang-muwang, hindi malayong ang isang uuod ay maging paru-paru nga.

Gawa ng mga popu. Ang mga popu, ma-boylet. Kung gusto mong maraming boylet, magladlad ka na ng kapa at maging kikay ka na sister.

----------------------------------------------------

Kung sabagay, hindi mo rin naman sila masisi.
Sino ba ang nakaka-agaw ng attensyon..

yung mga nag-aayos. Mga naka-blush-on.

Sino ba yung mga nakaka-nueve..o otso?

..yung mga naka-fit na tshirt, na mahahaba ang buhok

Eh yung mga nakaka-uno?

----------------------------------

May stereotype ang school namin. Pag-sinabi mong taga-dun ka, (bukod daw sa maraming obit), may class, may breeding, magaling mag-ingles,
prim and proper,
maayos,
ladylike,
kikay.

At anong kalalabasan ko non..

..latak. Para akong hindi taga-doon.
----------------------------------

Ang malungkot na realidad, kung gusto mong lingunin ng mga kalalakihan, kailangang mag-pakakikay, lalo na kung hindi ganoon ka striking ang iyong fez.

Kung kamukha mo man si Cindy Curleto, pero parang pimple na tinubuan ng mukha ang fez mo dahil hindi ka nag-ffacial wash, wala rin.

Kailangang magpaganda, lalo na pag hindi ka maganda.

Kung matalino ka, hindi naman sasabihin pag dumaan ka
"Wow pare, ang talino niya! Ang sarap titigan.."
Malabo naman ata yun.

Ang uuod kailangang maging paru-paro,
para hindi layuan, pandirihan
at bagkus, lapitan at pagmasdan.

-------------------------------

Yun ay, kung gusto mo lang mapansin.

Kahit sabihin mong man-hater ka,hindi mo maiaalis ang paghahanap sa atensyon. O kung hindi naman, alam mo naman ang mga stereotype ng mga babae sa pilipinas.

Pag babae, nag-aayos dapat, naglalagay ng powder sa mukha to get rid of the shine in your face,naka-hikaw man lang, you shop for the latest clothes and bags and shoes in market!market and you make rebond your hair and you make beso-beso with your kada and you go boy hunting.

Pag hindi anong tawag sayo..

Weird..mas maluphet, mapagkakamalan ka pang tibo.

Sino ba namang gustong matawag niyan di ba?

------------------------------------

Wala bang magagawa? Ganoon ba talaga...sooner or later ba magiging paru-paro din ang isang uuod kahit gaano pa to katagal manyari..

Hindi ba pag-nagpalit na ang uuod sa isang paru-paro, magiging paru-paro na siya, at iiwanan niya na ang pagkauuod niya.

Pero paano kapag hindi magawang iwanan ng uuod ang pagiging uuod niya..napag-nagpalit siya at naging paru-paro, ay ibang katauhan na siya..at hindi na niya makilala ang sarili niya..

Lumaki siyang uuod at nasanay na siya dito.

Ngunit Kailangan maging paru-paro ang uuod dahil yun ang dikta ng kalikasan.
-------------------------------------

Hindi ko alam. Baka kainin ko ang mga pinagsasasabi ko ngayon.

Pero kung may "morphin time!" na manyayari..malamang hindi pa ngayon yun.

Basta ang alam ko, hindi ako tibo.
Weird lang. Hindi tipikal pero hindi rin naman pansinin.
Hindi mahilig mag-ayos, pero disente pa namang tignan.

Kontento pa ang uuod sa pagiging uuod niya.

Sunday, December 05, 2004

Quiz results and a new layout...^^

Bilang pambawi sa hindi ko pag-uupdate...yab...i finally changed my layout earlier this morning. Umm...yeah...Quiz results...

Got this one from Kyoukou





You Are the Helper



2




You always put on a happy face and try to help those around you.

You're incredibly empathetic and care about everyone you know.

Able to see the good in others, you're thoughtful, warm, and sincere.

You connect with people who are charming and charismatic.




...saka nasa gilid yung wishlist ko..total pasko naman diba? Hehe...calling lahat ng mababait diyan...^^v

Thursday, December 02, 2004

bad treep.

bad treep ako kasi walang pasok.
walang pasok kasi inannounce ng school.
inannounce ng school kasi signal #2.
Signal#2 dahil sa bagyo.

dahil sa bagyo may patay.
dahil sa patay may sakit ang mga tao.

maysakit ang mga tao dahil sa ibang taong maysakit.
ang ibang tao ay maysakit dahil siksikan.
siksikan kasi sira ang mga bahay nila.
Sira ang mga bahay nila kasi may flashflood.
May flashflood kasi may landslide.
may landslide dahil walang puno.
Walang puno kasi pinutol.
Pintuol kasi ibebenta.
Ibebenta para kumita.

hmm...dapat ata sa isang blog to a.

Monday, November 29, 2004

Alive forevermore

...hello people...its been weeks since i last updated...(nov 14...tagal na nun..)..
pasensya na talaga...nasira kasi pc ko eh..pero good news...its up and runnin na...so i could make update na my blogspot and change the layout of my blog...

The thing is naman...my pc cannot read my photoshop cds, so i can't create banners and pix....and i still have to figure out how to make setup my animation shop..to make matinong blinkies...

And i can't do that naman kasi i have so many things to do...the finals are coming na kasi eh..and its making me speak taglish like what i am doing ngayon..

Pero rest assured..iuupdate ko to...pero in the meantime...feel libre to make visit my LJ. I usually update there nowadays eh. Ahh...mabubunyag na kung saan i make tago....hehe.

Sorry talaga...

Sunday, November 14, 2004

sa mga nagtataka...

...siguro nagtataka kayo kung bakit pa bago yung layout ko. Well sasabihin ko na. SIRA NANAMAN ANG *@%^! PC KO! Ayaw niya na mag-on....kung kelan pa naman akong maraming kailangang gawin...hindi na ako makaka-gawa ng blinkie, hindi na ako makaka-gawa ng button pin,hindi ako makakapag-type, makaka-pagphotoshop combo powerpoint, HINDI AKO MAKAKA-PAGPALIT NG LAYOUT....

Kung i-ooverhaul naman yung pc ko....taragis....ANG MGA FILES KO, ANG MGA BRUSHES AT FONTS KO! ANG MGA PICTURE NI QUATRE! (joke...)

hwaaaaaaahhhhhhhh...so much for the long update..

----------------------------------------------------

Eto nalang para masaya...gawin niyo din to sa mga blog niyo!

describe the blogger on your reads:

E-Kyub - Kabarkada kong taga-troika nung high school.TNTC blogger. Usually siya nalang yung madalas kong kausap sa mga high school friends ko. Kung sino pa yung taga-USTE.... Yung state ng blog niya, medyo may pagka-inactive kasi once a month siya mag-blog. Masaya basahin yung blog niya kasi para lang siyang nagkkwento sayo. Astig yung sounds ng blog niya 4th ave cafe!
(at hindi siya .wav yung tunog!)

Krey-zey/CassandraSisenta - Kabarkada ko ring taga-troika nung high school. TNTC blogger. Taga-La salle pero hindi ko narin masyadong nakakausap. Yung state ng blog niya madalas inactive kasi sa lj niya siya naguupdate. Pero once in a while nag-uupdate naman siya sa blogger niya. Dati english siya mag-blog pero tagalog na dito.

Shuro - Kabarkada ko ring taga-troika nung high school. TNTC blogger. Taga- Lasalle din pero hindi ko rin masyadong nakakatusap. Yung state nung blog niya on the verge of being inactive kasi siguro tamad na siya mag-update at mag-sulat. Medyo busy din sa school work kaya yun. Para ding siyang si ekyub mag-blog, parang nagkkwento, pero madalas din in english. Pag-pumili siya ng layout...astig.

Funyak/Charlou - Kabarkada ko ring taga-troika nung high school. TNTC blogger. Taga- Lasalle na may ka -M.U. na...(hehehe). Yung state ng blog niya, dati active kasi araw-araw siyang nagbblog, pero nowadays hindi na. Dahil siguro busy na rin sa school work at dahil gumawa na siya ng LJ niya.

Ayah Enna - Kabarkada kong troika blogger na taga-dlsu. Hindi ko nakakausap ni Nakikita ngayong mga araw na ito. Yung state ng blog siya...semi-active kasi once a month din siya mag-blog.Dati english siya mag-blog ngayon tagalog na. Yung blog niya maraming features (achuchuchu..) may weather, date, countdown, blinkies, atbp. kaya be patient pag-nagload yung page niya.

Jena - Kabarkada kong troika na blogger na taga UPLB. Lalo naman eto hindi ko na talaga nakakausap. Yung state ng blog niya on the verge of being inactive kasi hindi siya pala-update. Pero pag-nagupdate siya matindi. Usually kasi mahahanap mo sa blog niya yung mga articles na (in english or tagalog) talaga namang maganda ang pagkakagawa. Magaling siya mag-sulat. Napublish na nga siya sa manila bulletin eh. Siya rin gumagawa ng sarili niyang layout. Galing nga eh. Sana ako rin.

Renchan - Parte ng Pakusheto.net ring of bloggers. Nakilala ko siya sa PODN. Taga- DLSU den at sobrang hilig sa Jap stuff. (Kaya siguro siya nag-ISJ?). Yung state ng blog niya active kasi araw-araw siyang nag-bblog. Matindi din siyang gumawa ng layout (marunong siya ng dreamweaver!)...ang problema lang, madalas siyang magpost sa wikang hapon. Quoting rico swabe "Hindi ko maintindihan.."...peace tayo renchan!

Chilhyunnie - Parte ng Pakusheto.net ring of bloggers.
Nakilala ko rin siya sa PODN. Taga- DLSU den saka isang beses ko palang nakikita. Siya naman mahilig sa X tska sa Korean stuff (o Kpop lang?) tska halimaw sa academics. Yung state ng blog niya active kasi weekly siya nag-bblog. Minsan english, minsan tagalog. Maluphet gumawa ng layout kasi marunong din siyang mag-dreamweaver! Nakaka-amuse mag-basa ng blog niya kasi nakakatuwa siya mag-post kahit hindi pa-kwento yung posting niya.

Presea - Hindi ko pa alam yung current address niya. Hanapin niyo nalang sa Pakusheto.net. Taga- PODN siya at siya po ay nagtratrabaho na (ateee...hehe) at isang beses ko palang siya nakikita. Yung state ng blog niya, di ko alam. Basta sa ngayon inactive (as of press time, hindi na ata). Nakakatuwa siyang mag-blog, parang may kausap ka na bading. Hwekhwekhwek...hindi nga..

Meian - Isang beses ko palang nakikita saka hindi ko alam kung san siya nagaaral ngayon. Taga-PODN. Asteggin gumawa ng layout tska maraming alam sa net stuff. Halimaw siya (Iskowlar siya ngayon)...(sambaheeen!). In english siya madalas mag-post pero for some reason hindi ako maka-relate sa mga sinusulat niya (huuu...*deleted line*)....hehe. Kakabasa ko lang ng blog niya, magiging inactive na yung blog niya.

Amerei - Hmm. Taga-PODN na isang beses ko palang din nakikita. Mukha naman siyang mabait. Marunong siyang gumawa ng layout. Tsaka pag nag-bblog siya, para din siyang nag-kkwento. Estado ng kanyang blog, inactive, September pa huling post niya. November na ngayon.

Para dun sa iba. Sa next post nalang. Ang dami niyo kasi. Not to mention yung mga hidni ko pa na-aadd.
-------------------------------------------------------

solitary
Your soul is bound to the Solitary Rose: The
Alone.

"When I wake up alone, the shades are still
drawn on the cold window pane so they cast
their lines on my bed and lines on my
face."


The Solitary Rose is associated with loneliness,
melancholy, and patience. It is governed by
the goddess Merope and its sign is The Sword,
or Unrequited Love.

As a Solitary Rose, you may be summed up as a
hopeless romantic. You desire love and have so
much love to give, but thing just never seem to
work out the way you want them to. In life,
you can be very optomistic, even when things
are gray and nothing works out to your
expectations.


What Rose Is Your Soul Bound To?
brought to you by Quizilla

---------------------------------------------------

May pinost akong tula sa Humanposer ko. Dedicated sa isang taong nakakasama ko araw-araw. Hulaan nalang kung sino. hehe.

Saturday, November 06, 2004

Yan. Putek tapos na yung nakaka-drain na test namin. Isang Electronic Circuits tska isang Quantitative Methods. Pahinga muna ngayon. Tapos nanood kami ng Himala kanina..
Ang galing! Nakita ko na sa Personal si Isay Alvarez tska si Dulce. Tangina ang astig talaga ng boses ni Dulce Idol.

Saka na muna ako mag-uupdate. Aayusin ko tong layout ng blog ko. Tsaka magpopost ako ng mahaba. Tska gagawa ako ng avatar. Basta marami akong gagawin. Isang buwan na palang naka-lipas hindi pa ako nagpapalit ng layout.^^v

More on this pag naayos ko na yung V.12...baibai...nabisita ko na yung mga blog ng mga tao...after all these years! (OA...)

Saturday, October 30, 2004

Oi! para sa mga taong troika! kuha kayo ng TnTC blinkie kagaya nito!


1)Right click on the image and click on "save image as"
2)Save it on your computer
3)Upload it to your free image server account
4)Place the URL on your page

Yun na yon!

------------------------------------------------------------------

Me isa pa akong ginawa...sa mga may animo diyan lagay niyo to sa blog niyo.
Ako ayoko kasi wala akong animo eh. Kayo nalang! hehe

-----------------------------

Hmm...kung sinong may kakilala kay Mayor Lito Atienza dito sabihin niyo puro mga gago yung mga tao sa dangwa. Tama ba namang manigil ng SINGKWENTA PESOS SA PARKING!
Anak ng tinapa! Kahit Parking sa Ayala hindi umaabot ng ganun. Gago yung mga tanod dun wala sigurong panginom!

Nagpunta kami ng dangwa ngayong gabi. Akala ko pa naman makikita ko na yung renovated na bilihan ng mga bulaklak. Kaso mahirap talaga pag-maykasama kang may rayuma. Hindi kami nakapasok dun sa may part na pinaganda ni Meyor. Aww..sayang.
-----------------------------

Tapos na ako ng church service pero nabigyan ako ng Handbook study sa legion. Ano ba naman yun. hehe...nakaka-konsensya ring hindi na umattend ng meeting. Kasi inaasahan nilang mag-sstay ka na.
-----------------------------

Mag-ppost nga pala ako sa aking literary kuno blog...isang tula na ginawa ko nung bored ako nung religion namin.

Thursday, October 28, 2004





hmm....maybe i should start accepting blinkie jobs..hehe..
dapat talaga di ako nag-ece...hehe

Thursday, October 21, 2004

free time updates..

Yan medyo mag-uupdate na muna ako kasi ngayon lang ang free time ko..
==========================

First things first, gusto kong i-welcome sa blogging world si Pat at si Jopel..mga blockmates kong nauntog ata sa pader at biglang nagka-interes mag-blog. Tapos nalagay ko narin si Chow ngayong naka-pagpalit na ako ng layout.
Sina Chilhynnie, Renchan at siguro si presea narin.

=========================

Yan mga friendships, welcome po sa dos.uno.quatro. version 11 -> Grey Area. Yan mas simple siya parang yung isang alter ego blog ko. Pero yung blog na yun minsan ko lang i-uupdate. Usually kasi nag-susulat lang ako dun pag frustrated ako. Dun nangagaling ang english language creative juices.

my first blinkie attempt:
==============================

Anu bang nanyari sakin...yon. Mga ka-block ko "namburaot" dito sa bahay namin. In other words, pumunta sila sa bahay ko...nag-invite ako kesa naman tumanga kami ng LIMANG ORAS diba. Ginawa nila dito: nag-ps2 tapos ako gumagawa ng powerpoint. Putek ano kaya yun..pero ang mga nakaka-tawa at nakaka-inis yung mga comment ng mga tao dito sa bahay.

TATAY KO: Ba't puro lalaki yung mga kasama mo? Tomboy ka ba?

Hindi po ako tomboy. Nagkataon lang na marami akong mga ka-block na lalaki at sila yung mga ka-jive ko. Nagkataon din po na nasa engineering ako. Nagkataon din po na friends ko ang mga kababaihan sa block pero hindi ko sila ganun ka-close. Kung hindi ba naman nakaka-insulto yang comment na yan eh.

TITA KO: Ang po-pogi pala ng mga kaklase mo!

Err....HINDI KAYA. Pogi? Taragis..baka mukhang mayaman!..kaya nagmumukhang pogi!

NANAY KO: Pumunta mga kaklase mo dito? Sayang di ko nakita

Hmm...ba't kaya siya interesado? Gusto niya kayang malaman kung mukhang mga rapist ang mga ka-block ko..

==================================

Medyo masaya ako ngayon kasi pasado ako ng test ko sa QUANMET...haha...sana parehas sa ELCIONE at sa MECATWO...pero surefail ako sa MECATWO..promise. Pero worry-free ako for now kasi College of Engineering day bukas...hehe. rest week namin di bale ngayon.

Tuesday, October 19, 2004

notice

sa mga naghahanap sakin buhay pa po ako. Magpapalit lang ako ng layout ngayon free time ko...hwekhwekhwek...

Thursday, October 07, 2004

Kelangan ko nang palitan tong PC na to.

hindi ako makapagpalit ng layout. Nakakawalang ganang mag-type. Bakit? kasi 16- colors lang ang nakikita ko. At 680X kung ano pa siya. Sino ba kasing sumira ng hinayupak na video card na to. Mamatay na.

At yun. Buhay pa naman ako. Sa mga walang mabasa..pumunta kayo sa literary rant page kong barok-->Dito yon.

The idea of transferring to another school keeps popping out of my head. Maybe i will if i failed my majors..maybe. there be no falling stars this time arrrouuuund... okay tama na.

Sunday, September 26, 2004

From redacted to redactes

Bom's internet habit (circa 1999-present):
Visited sites:
1999-2001 - *mga 1st yr to 2nd yr siguro ako* http://anipike.com, http://aesthecism.com (and never did i get a password...>___<), Anti-Relena HQ,
Gundam Wing Archives, Gundamwing.net.
Yahoo groups:Wala. Mangmang pa ako sa mga ganyang bagay.
email used: bomalabs sa hotmail, bomalabs sa gundamwing.net

2001-2003 - *2nd yr to 4th yr* - PhilAnime.com, Philotaku.net, Anime-Club.com, theria.net, ayashi.net, manga translation/scanlation sites, audiogalaxy (na nademanda at pangit na ngayon)
Yahoo groups: Yahoo groups ng 3L at 4H, ng computer class namin, ng Philanime at Philotaku, mga manga translation groups (Fruity ML especially, desperado na talaga ako),ng Tapat ng Troika Congregation, ng Bakweyt (Yes naalala ko yon sa mga nakaka-alam).
email used: bomalabs@hotmail.com..dropped the bomalabs@gundamwing.net email

2003-present - *college na ako* - madalas sa Blogger.com, Indiefilipino.com, Pulpcommunity.com, friendster.com,hunter x hunter sites, daydreamgraphics.com, blogs ng ibang tao, sites ng mga bandang OPM, rivermaya.net. Minsan/madalang nalang sa mga fanlisting sites, podn.net, philanime.net, NKK boards, photoshop brushes sites, images hosting sites.
Yahoo groups: Yahoo groups ng block namin (now defunct), yahoo groups ng mga subjects ko, Tapat ng Troika groups, PinoyRock ML, Omake-Omake Anime,rivermaya.
email used:, wlngkwntenglef uses the bomalabs sa hotmail.com for friendster.


So anung meron. Wala lang. Kasi isa yang example ng mga pagbabago sa kin in..err...5 years.
Para kasing ang drastic eh. Parang harap-harapan kong nakikita ang mga pagbabago sa sarili ko
at saka sa mga interes ko...pati narin sa pag-iisip ko..

Nung first year high school ang hilig ko lang ay GUNDAM WING at GUNDAM WING lang ang laman ng utak ko. From posters, to fanfiction (ang adeek ko nun sa YAOI sobra..), to quatre, to Operation 1-3 OSTs, to comics, nakikipag-away pa ako sa mga maka-Relena non. Kung makikipag-usap ako sa kaibigan ko sa telepono inaabot kami ng madaling araw sa pag-uusap namin ng iba't ibang sitwasyon na pwedeng ilagay ang mga gundam pilots. At habang nung high school ako, nadevelop ang interest ko sa Anime...at kahit anong related don. Lahat ng gastos ko tungkol dun sa bagay na yan.

Ngayong siguro mga first year college na ako...interested pa rin ako sa anime, pero hindi na ganung kahilig. Unti-unting nalalamangan ng mga OPM AltPopRock CDs ang mga Anime OSTs ko...ang binibili ko na ngayon PULP (kasi siguro ang tagal ng Culture Crash?)...ang mga pangalan na alam ko ngayon hindi na hapon....pinoy na (tska intsik?)...ang stasyon ko na NU 107 pero dati hindi naman ako nakikinig ng radyo. Hindi ko nga alam kung kelan tsaka paano ako nagsimulang magka-interest sa OPM...pero alam ko grade 6 palang maka-Parokya na ako. (feeling ko nga pa-laos na sila ngayon..naglabas na kasi ng compilation album -> Inuman Sessions vol.1)...hmm...dala kaya to ng edad...nagiging rakista na ba ako? O poser lang..ayoko naman kasi tawagin yung sarili ko na ganun kasi hindi naman talaga ako full-fledged....haha....baka malabelan pa akong poser.

So anong ibig sabihin ng from bomalabs@hotmail.com to walangkwentanglyf@yahoo.com...yung unang email address...ang representation yan si earlyteen bom...yung bom na mahilig sa anime, yung parang walang pakialam sa mundo...yung walangkwentangly na addy...representation yan ng bom na ang tingin sa mundo ay isang malungkot na lugar kung saan hindi siya kailangan...na laging Out of Place na dinadaan siguro sa rock (kuno) music ang depression niya...yung bom na lateteen na..na college na...na laging frustrated...at walang kwenta ang lyf.

Hmm...baka temporary lang to. Hindi ko alam. Basta alam ko hindi ko na maalis sa sarili ko ang maging mahilg sa anime...at siguro makinig sa OPM. Ano kayang manyayari sakin sa susunod pang mga darating na panahon....naku baka maging kikay na ako after 5 years ulet...haha..

that will be the day. Pero malay ba natin.

Monday, September 20, 2004

Random Post number 3

Hello. Salamat po sa mga bumwisita sa blog koh. Err ala namang masyadong nanyayari sa buhay ko ngayon....except na naghahanap ako ng mga paraan na i-motivate yung sarili ko para mag-aral at hindi tamarin. Pero as of the moment nag-cut ako ng religion class ngayon...so i guess hindi talaga nagana yung motivation ko. So err yun lang muna. Wala rin akong masyadong gana mag-blog..sowee.

Me ginawa pa akong isa pang blog. Wala lang. Err..usually nagsusulat ako ng mga ganyan pag-bad trip ako.

Anu pa ba...yey! Member na ako ng pinoyrock na yahoogroup...hehe...akala ko hindi ako tatangapin eh. Tama ba namang restricted ang membership at i-ddescribe mo pa dapat ang sarili mo bago ka maka-pasok. Anu kaya yun....

plug ko lang ang aking former blockmate...si Chow..hehe..*marunong siyang gumawa ng site...ako hinde...huhuhuhuhu....

Sunday, September 12, 2004

School is her.

Bago ang lahat gusto ko munang sabihin na yung sinabi kong may album na si Rainier, hindi ako nagbibiro. Its titled "Rainier Castillo: I Love You Babe" (hindi talaga ako nagloloko promise)....So get your copies now at your favorite record bars! *lolz...sobrang sarcasm di na nakakatawa*

============================================

Yes back to school nanaman ang drama ng lola niyo. At mula sa sobrang ganda kong iskeydyul na half day araw-araw, naging 3 araw na parang high school yung pasok plus dalawang araw na pang-hapon. At yan ay dahil sa ayokong mag-solo flight.

Umaatikabong pagiging unsociable nanaman ang pinapairal. Pakiramdam ko kasi mahirap nang magsolo flight sa mga subjects ko ngayon...kaya inadjust ko yung sched kung saan me kasama ako. Yep alam kong mas masayang hiwalay ka sa mga ka-block mo kasi mas marami kang makikilala...pero mahirap para sa mga taong gaya kong napaka-sociable.Hay kaya hindi ako mabubuhay sa college eh...

hay..kahit gusto ko pang purgahin ang sarili ko sa FF X-2...ay me pasok na. Sorry bom, gigising ka ng 7:30 bukas...kumpara mo kanina 11:00...XP

Monday, September 06, 2004

Renewing an Interest

Na-mmiss ko nang mag-drawing. Matagal narin nung huli akong nag-drawing...nung Sabado pa yon...ang tagal na grabe.

Pero seryoso..miss ko na talaga ang pag-ddrawing. Hindi na ako masyadong nagkakapagdrawing dahil sa maraming dahilan...schoolwork, at mga bagong pinagkakaabalahan: e.g. P.C., PS2, Cable TV, animax, pagsusulat at kung anu-anu pa.

Pag nag-ddrawing ako ngayon, pakiramdam ko kulang ako sa practice, o minsan parang walang ka-effort effort yung mga drawing ko...yung parang di pinaghirapan ba...para siyang doodles lang pag lumalabas. Tapos yung mukha hindi lagi proportion sa katawan, malaki yung ulo. Actually sa pagddrawing ng mukha wala naman akong masyadong problema pero pagdating sa katawan wala na. Kulang talaga ako sa practice.

Kwento de Numero:
1) Grade 3 nagsimula ang interes ko sa drawing.
2)Lagi kong dino-drawing ang mga Sailor Senshi, lalo na si Sailor Moon.
3)Paano ko sila dino-drawing:2 triangle, isang inverted na nakapatong sa hindi, Isang malaking U para sa mukha, bilog at kung anu-anu pa.
4)Sa Grade 3 pad ako nag-ddrawing, at naka-color siya using Crayola Crayons.
5)Nagpalit ang mga medium: Siyempre hindi mawawala ang mga Lapis (Mongol pencil) tapos nung nagpaka-sosy ako...Steadler pa ang lapis ko, yung buong set from 4(?)F to 6B padala galing Canada.. nasan na sya? Nawala, maalaga kasi ako sa gamit eh.
6)Mga pang-outline ko: Pilot Signpen V5 or V7, nung naging sosy ulet ako, gumagamit ako ng drawing pen, Sakura, Pilot,Uni,mas malala pa, Calligraphy Pen!
7)...Pero hindi naman ako marunong mag-outline or kung gusto mong technical, "mag-ink". Hindi ko alam kung ano dapat ang makapal, kung yung outline ng buhok o yung highlights nito.
8) Pang-color: Marami.
a)Colored Pens (Yung tig-12 na 8 colored pens sa may tindahan)
b) yung Watercolor sa tindahan na tig-20 (24 na kulay with cheap brush na kasama, usually comes in Yellow plastic case)
c)Colored pencils (Coleen gamit ko, maganda daw quality, pero meron din akong Faber-Castell na gawang Malaysia)
d) yung Metallic Colored pencil na Faber-Castell na gawang malaysia den. e) Dong-A Gel pens, from Green to Neon pink.
f) Dong-A metallic pens, lahat ng variants.
g) Milk Pens and Jelly Pens.
h) Photoshop...oo pati photoshop pinatulan ko.
i) ballpen/lapis/signpen na pinang-drawing.
j) Crayola
k)Stabilo
l) tones. Yep.TONES. Nakakita kami sa National sa may Greenbelt 1, naka-tambak lang don..pinakyaw namin. Wala na siya ngayon. Sa Japan nalang kayo makakakita. Hindi ko alam kung pano gamitin. Si Ekyub marunong.
9)Hindi ko pa nasusubukang mag-kulay gamit ang poster color, yun yung gusto kong matutunan.
10) Nakaka-6 na akong 9x12 na Cattleya na sketch pad, huli ko nung 3rd year ata ako.Meron akong isang Corona na maliit, panay bastos yung drawing. Nakatambak siya somewhere sa garahe.
11) Lahat ng story na ginagawa ko, illustrated. Ultimo villain sinisigurado kong gwapo (o sa tingin ko gwapo yung pagkaka-drawing..)
12)Mas sanay akong mag-drawing ng babae kesa lalaki. Hindi ako marunong mag-drawing ng katawan ng lalaki. Yan ang napapala ng masyadong pag-ddrawing ng Sailor Moon.
13) Naka-2 beses akong nagpadala ng drawing sa Funny Komiks. Isa napublish. Tuwang- tuwa ako non!
14) Idol ko nun si DBR. Dexter B. Roxas, ang artist ng Tinay Pinay and AX series sa Funny Komiks. Ngayon part na siya ng Ground Zero na hindi na yata mag-lalabas ng issue #3..haha.
15) Panay SD na yung mga dino-drawing ko, pero hindi parin ako marunong.
16)Hindi ako marunong mag-drawing ng mga taong naka-face front, laging naka-sideview.
17)Nadadala sa practice ang pagddrawing ng sideview..yung sideview talaga...tipong ganito }...gets?
18) Pero hindi parin ako marunong mag-drawing ng kissing scene.
19) Mga iba pang bagay na hirap akong i-drawing: Kamay, Paa, sapatos, sandals, rubber shoes, pantalon, creases sa damit, shadow, boobs...
20) Medyo marunong ako ng Cross-hatching tsaka yung mga dots-dots...basta something related sa drawing techiniques...pero hindi masyado.

At sa ngayon, gusto ko ulet matutong magdrawing. Parang yung sigasig kong mag-drawing noong Grade 3. Gusto kong matuto ng proper na pag-kulay using Colored Pencils, yung tamang pag-outline/ink, PROPORTION. Gusto ulet gumawa ng mga drawing na pinaghirapan ko talaga...yung kumakain ng oras kasi kukulayan mo pa sya, binubura mo kasi hindi pantay, yung ganun. Me fulfillment kasi yon eh, pagnakagawa ka ng drawing na sobrang pinaghirapan mo at pinag-aksayahan mo ng oras. At napakatagal na panahon na since naka-gawa ako ng drawing na ganun.

Ang dami kong gustong gawin no...hay.

Wednesday, September 01, 2004

Mahabang post as promised.

KUMAGGGG.....Bwishet yang blogger na yan! Internal Server Error ang kupal...mahaba yung post ko seryoso. Tapos hahantong lang sa ganito. Sa likod ng utak ko nagsasabi "Itype mo sa notepad...itype mo sa notepad..." pero hinde...
-------------------------------------------------------------------------------------

Salamat nga pala sa mga bumati sa mahal kong blog. Oo alam ko ka-weirdohan pero magagawa ko weirdo din yung may-ari eh...ehehehehe..^^v Basta post lang kayo ng kung anu-ano diyan para masaya. Sa totoo lang ngayon pa lang yung anibersayo ng aking blog kasi ngayon pa lang nag-September. Kaya let me officially say Happy First Anniversary sa aking blog. Haha weirdo ko talaga.
-------------------------------------------------------------------------------------

Technically sembreak na namin...sa wakas pahinga narin. Pero ang pangit lang dito wala akong dahilan para hindi magtinda sa tindahan namin. Hindi ko pwede sabihin na "Nag-aaral ako eh.." baka isagot pa sakin ng tatay ko "Ulul...sinong niloko mo?"
-------------------------------------------------------------------------------------

Ngayong sembreak me gusto akong manyari. Gusto kong mahanap ulet yung 'gana' ko sa pag-aaral. Kasi naman yung mga grade ko ngayon yung mga tipong SuperDos with UnoSingko the .5 wonder...pero dati naman nakaka-DL naman ako..(ng isang term..) pero yung mga grades hindi naman kasi ganun ka-baba dati...pero ngayon.. Para kasing soobrang tamad ko ngayon for some reason...

1)Nangongopya ng Program ng ibang tao. Hindi ko kasi alam kung paano gumawa. Yung prof kasi di nagtututro...at ako naman..eto hindi inaaral yung hindi niya tinuturo.

2)Umookay na sa pasadong grade.

3)Nag-aaral ng finals...the morning before the test.

4)Tamad gumawa ng assignment...minsan kumokopya nalang den.

Para talagang nawawalan na ako ng ganang mag-aral. At sana yung 'gana' na yon...mahanap ko ngayong mga darating na araw na wala akong gagawin.
-------------------------------------------------------------------------------------

Pero kahit ano namang 'gana' meron ka...kung KUMAG naman yung prof mo....wala den.
-------------------------------------------------------------------------------------

Naka-bili na ako ng cd ng SPONGE COLA pagkatapos ng pangungulit ko ng 2 buwan sa tower records at M1....at....disappointed ako. Yung bili ko kasi 100...eh di tuwang-tuwang naman ako kasi 100 lang (sabagay kasi independent relase lang siya)..pagdating ko sa bahay sabay patugtog...abakalainmong LILIMA LANG ANG KANTA???? Okey lang sana kung 10 o 8 lang yung kanta...pero hinde....5. Sabagay kasi nga 100 lang yon...pero...ba't yung ibang band na independent...at least 8 songs sa CD nila...i was really disappointed. Ganun ba talaga kamahal mag-record ng songs...okey maganda naman yung quality ng pag-kakarecord at wala naman talaga akong paki sa packaging pero...5 songs lang talaga...
-------------------------------------------------------------------------------------

Next CD to buy:Imago's new album Next Book:Anything interesting to read (Da Vinci Code maybe?) Next Manga: Yami No Matsuei Vol.8/9...oo alam ko hindi na tinutuloy ng author yang series na yan pero matatapos ko na rin lang naman eh (11 yung dulo)...hmm..ano kayang magandang manga na isunod (suggestion anyone?) huwag yung mahaba ah...yung kaya naman ng budget
-----------------------------------------------------------------------------------

Speaking of Manga...sa mga nagbabasa ng fruits basket...alam niyo na siguro na Babae si Akito...haha....babae pala yung mokong...eto yung isa sa mga series na gusto kong ituloy..pero naasar ako kasi wala akong makitang translation ng mga earlier chapters ng manga na to...kaya nakakahinayang siyang bilin...hay sino ba kasing meron
-------------------------------------------------------------------------------------

And to think na kung marunong ka lang talagang mag-hapon...
-------------------------------------------------------------------------------------

Sa ngayon pag-nakakatakas ako sa pagtitinda, balak kong mag-laro ng PS2. Natapos ko na rin yung SUIKODEN III and i'm looking forward to SUIKODEN IV...wala akong PS para maglaro ng I and II (At kahit sabihin niyo sa akin na gumagana ang bala ng PS sa PS2...ayaw po sakin...). Nakolekta ko narin yung 108 stars and yung bonus na ending...ang Cheeezy...tungkol sa kontrabida yung kwento tapos ang cheezy.
Balak ko ngayon i-100% yung FF X-2. Huling laro ko mga 94% lang...me na-miss kasi ako. That should keep me busy for the whole sem break. Siguro pati yung pangalawang sembreak kasi sobrang haba nung X-2 (kung i-100% mo siya).
-------------------------------------------------------------------------------------

Balita sa ngayon:
1)Binabagyo ang Pilipinas: Kawawa naman ang mga tao sa Central luzon.
2)SI RAINIER MAY ALBUM NA! PUTEK SUSUGOD TALAGA AKO SA TOWER AT BIBILI! BAKA MAUBOS!@__@*Ano kayang gagawin niya don sa album niya ngingiti?*..me crush daw siya kay sandara...talaga lang ha?
3)Course Card Distribution Bukas..
4)Sembreak namin
hehe yun lang.^^v

Tuesday, August 24, 2004

Random Post number ewan

Added something to my growing list of fanlisting. Kurapika and Hisoka...hehe...na-asteegan ako kay Kurapika pero kay Hisoka.....grabe ibang lebel....seryoso....^^v

Basta pangako pag natapos ang linggong to at yung monday na to ..magppost ako ng mahaba.

Malapit nang mag-1st year anniversary ang DOS.UNO.QUATRO. Watch out me pakulo akong balak bukod sa me pagka-magarbong layout.

Lalalalala...*sings ala Viva Hotbabes....*

Saturday, August 14, 2004

Something Happy for a Change.

Pasensya na sa huling post...gusto ko lang talaga mag sulat nun kasi panlabas din yon ng istress...(suppressed in the processss...stttrrrresssss...)..hehe...at kating-kati lang ako magsulat non..Pero itong isusulat ko yung masayang nanyari nung araw na yon na puro stress nalang ang inabot ko..

NU 107 ROCKOLOGY 2004 feat. PINIKPIKAN and RIVERMAYA

Eto ang kwento ng una kong ROCKOLOGY.
Umuwi ako sa bahay...di pa ako sigurado kung pupunta ko. Wala kasi akong kasama tapos me test pa ako nun kinabukasan sa ENGANAL. Pero hinde...lang ya ROCKOLOGY yon! Mga ganung bagay hindi pinapalampas yon...libreng concert! San ka pa? Tapos NU pa ang me pakana kaya malamang astig yon!
Kaya yon...nagpalit ako ng damit tapos babalik ako don sa eskewl...habang di pa dumadating tatay ko. E saktong pagbaba ko dumating siya pagkasundo niya sa kapatid ko. Medyo kabado ako pero konti lang kasi alam ko namang papayagan ako....palabas na ko sabi sakin.."O san ang punta mo?""Balik akong school me concert don eh...""Sige pasundo ka nalang kung gagabihin ka..."
O di ba swerte..me dala-dala pa nga akong ENGANAL book eh...iniisip ko makakapag-aral ako bago magconcert. Pagdating ko dun iniisip ko wala akong makakasalubong na mga kablock ko kasi iniisip ko na mag-solo flight nalang ako...hiya kasi ako sa kanila eh (sa hindi malamang dahilan..hehe)...pero hinde...nandoon sila...nagbabasketbol pa! Haha...di nalang ako magpapakita sa kanila...desidido na talaga akong mag-solo flight non.
Pero pagdating ko dun sa pagdadausan...naispatan ako..patay. Pero yung nakakita sakin chums ko naman...okay lang..mga 3 lang kami dong mag-kakablock...tagal ngang magsimula kasi nag-ssound check pa yung mga tao. Eto yung mga highlights nung concert.
--Tumutugtog yung Pinikpikan. Natapos bigla. Nagtaka kami. Sabi nila "Ah...Sound Check palang yun"...hehe...astigg..
--Nakita ko si Dylan at Squid, sila yung host. Si Squid di ko masydong kilala eh pero putek ang ganda ni Dylan diyosa grabe...itsura at boses. Hindi siya naka-kikay outfit...naka-black na maluwag na tshirt siya tapos naka-bonnet tapos brown yung hair niya. Astig rocker talaga.
--Ang panget lang sa ganito..maraming sponsors = maraming commercials = maraming boring games.
--Unang nag-perform yung isang band galing La Salle pero di sila ganun ka-sikat. Pero astig sila in fairness. Kung yung crowd hindi lang talaga asiwa magtatatalon at magagagalaw astig yung performance nila. Pero maganda yung tunog nila...parang slap..kakatuwa rin yung gitara.
--Pangalawang nagperform ang Pinikpikan. Isa pa silang astig..astig yung vocalist nilang babae..mala-Cynthia Alexander/Grace Nono yung boses..meron din silang magaling na gitarista pero nakakabilib talaga yung mga nagtatambol...ang galing...sabay na sabay talaga sila. Maganda yung mga kanta nila...sarap bilin yung CD.
--Nakakaindak yung tunog nung sa Pinikpikan...sabi pa nga nung gitarista nila "I invite everyone to get down on the floor and dance.."..after 2 songs ata...me mga sumasayaw-sayaw na sa baba...2 girls saka isang guy..nakakatuwa silang panoorin..
--Pagkalipas na ng maraming kanta..marami nang taong sumasayaw..yung mga kaklase kong nag-babasketbol nagsla-slaman...di naman ka slam-slam ang music..
--Me kantang me mga kulintang..ay di pala kulintang tawag don..basta yung instrumento ng mga igorot..lalong nakaka-indak yung tugtugan nila
--Nakakatuwa mag-perform ang Pinikpikan...ang galeng...galing nung vocalist..sabay-sabay talaga sila mag-tambol..kakaiba pa yung music nila..hindi yung your usual music...galeng..yun lang.
--Mahaba-haba rin yung performance nila..tagal kasi dumating ng Rivermaya eh..pero hindi naman yon iniintindi ng Audience...pero nakikita na namin silang umaali-aligid sa likod.
--Dumating ang rivermaya..lahat ng taong naka-upo sa amphitheater takbuhan pababa...literal halos lahat. Ako sa taas lang nanonood. Pinapanood ko lang yung mga kablock kong nag-tatalunan tska nag sasaya sa baba....gusto kong bumaba...pero ayokong bumaba. Ewan ko..nahihiya nanaman ako for some reason. Malamang kasi panay lalaki yung nandun..tapos iniisip ko pa kung anong sasabihin nila (pasensya na ganun talaga ako)
--Me nakita akong girl na kablockmate. Blessing siya. Siya yung dahilan kung bakit ako bumaba. Ginulat ko siya at malamang nagulat siya...yung mga kablock ko rin..sabi nila "O nandito ka?" hehe...yung iba nakipag-appear..yung iba naki-huy...
--Nakita ko ng malapitan si Rico Blanco....tang ina ang GWAPEEEENGGGSSS GRABE!!!!! ANG POGI TALAGA! ANG PUTI PA!!! Kung may camera phone lang talaga ako..
--Lahat ng members ng Rivermaya maputi...pati yung guitarista nila ang puti ren..ang pogi den..tangna....
--Enjoy sa baba...talunan..islaman kuno..pero hindi ako maka-pagrocker sign...KASI HINDI AKO MARUNONG...baka mamaya tawanan lang ako dun..sabihin i love you pala ginagawa ko..kakahiya diba? Enjoy talaga ako...parang kinalimutan ko na may test kinabukasan..saya grabe!
--Meron parang sinapian sa crowd...putek nagtatambling...nagbabackflip..nagwawala...yung crowd na tahimik putek nagwawala den dahil sa kanya..yung taong yon kaklase ko sa isang subject..hehe^^v inasar ko nung nagkita kami..
9:30 na natapos yung concert....grabe enjoy talaga! Di bale nang me exam bukas...bukas nalang isipin yon...grabe...kahit curfew na walang pake...ngayon ko na talaga nararamdaman tong sa mga ganitong events..na college na ako..dati umuwi lang ako ng alas-8 gabi na yon eh...tapos ngayon uwian ako alas-10 na...paalam ko pa nun on the same day. Grabe saya talaga!^^v

Wednesday, August 11, 2004

Hectic days are here.

As of today i slept for 2 hours.
Later, i hope i could get some sleep, which is about 3 hours if i intend to sleep by 7 pm.
And then the usual cram for the quiz routine, which takes up about 5 hours, from night till the wee hours of the morning.

The next day, the same routine...there will be a quiz on both thursday and friday..both of them hard, both of them major, both of them time consuming and mind-bending.

And today we have a major machine problem where your grade depends on your conscience...pakapalan nalang to ng mukha. Heck you can even give yourself 100 if you left your conscience at home or it got lost in a gutter somewhere on your way to school. In my case i hadn't.Yet i needed the grade badly.

And i still need sleep.

They want me to skip mecaone class to be able to edit our video for modcomm.

I am about to lose 300 bucks because of that stupid video.

This is school. It has a better plot than those shit you call telenovelas on tv....

demmet.

Sunday, August 08, 2004

Flickr

This is a test post from flickr, a fancy photo sharing thing.

Ang galing...bagong discovery ko yan...nakuha ko pa sa isang astig na site na kakabisita ko lang..ang psychicpants.net

Nga pala...kung nabasa niyo yung post ko dati...something related to my docuvela post...well guess what...hehe..nakakita na ako ng ganung show..sa GMA7...basta bago ata siya mag-SOP...sige..tungkol siya sa kikay stuff (like love and relationships)..pero i don't mind...nandun yung concept nung gusto kong show...ang pangalan nung show "3R..relationships,respect at isa pang R (hindi ko alam kung ano yung isa"...hindi gaano sikat yung mga cast...basta yung isa ata si Reema Chanco...pero kahit ganun yung topic....astig...gusto ko yung concept nung show...nandun pa yung sinasabi ko mga kakenkoyan..panoorin niyo...

Saturday, August 07, 2004

Hectic days are coming.

Wala lang...di ko na masyado trip yung template ko kasi ang pangit ng labas ng mga post ko ang crowded tignan...di gaganahan magbasa yung mga readers nung blog...kung meron.

Anong meron sakin...hectic week ko nanaman ngayon...ngayon lang ako naka-ranas ng patong-patong na mga projects sa subject eh...demn...kaya eto..nagbblog nalang habang gumagawa ng project.Yun lang.

Thursday, July 29, 2004

Walang Kwentang Buhay.

Naranasan niyo na bang ayaw niyo nang bumangon? Na gusto niyo nalang itulog lahat...yung hindi mo na trip tumayo kasi parang naiisip wala naman talagang dahilan?

Ang hirap ng ganyang pakiramdam...at ganyan ako ngayon.

Tuwing gigising nalang ako..naiisip ko kung bakit ako gumising...kung bakit ako pumapasok sa isang course na nabuburyo na ako dahil sa bawa't araw na pinapasukan ko siya ay nalalaman ko na
1)hindi ko naman talaga siya gusto.
2)Na hindi ako bagay don.
3)At mukhang ayaw ng course sakin.

Na bawa't araw gusto ko nang magshift pero pinipigilan ka lang ng panghihinayang. Na kasi sayang naman ang pagiging regular (ala pang bagsak)at sayang din ang mga gabing pinagpuyatan.Na sayang ang pagkamahal-mahal na tuition. Wala akong dahilan para mag-excel sa academics kasi tinatamad ka...at dahil hindi mo narin kaya mag-excel. Wala akong natututunan. Nagiging routine nalang ang buhay. Papasok ka at uuwi.Mapapakahirap pumasa upang isadlak ang sarili mo sa mas mahabang paghihirap na ang pangalan ay MAJOR SUBJECTS. Na ang mga kaibigan mo minsan kaibigan mo at minsan hindi. Na ikaw mismo hindi mo alam kung kaibigan ang turing mo sa kanila o hindi. Hindi mo alam mo bakit ka nag-aaral? Para pumasa? BAkit gusto mong pumasa? Kasi mahirap bumagsak? Eh para san naman yon? Para maka-graduate na ng may matinong course sa isang matinong eskwelahan? At mahirap gawin yon lalo na pagwala kang motivation.

Yan ang sitwasyon ko ngayon. Wala akong motivation. Nasa estado ako ng katamaran. Darating din ang panahon na magbubulakbol ako..ay hindi pa pala...sayang yung tuition. Nararamadaman ko lang na wala akong motivation...na walang kwenta ang buhay...nagkakakwenta lang pag may kwentuhan at tawanan..na minsan lang manyari. Na wala ring kwentang subukang mag-achieve sa academics kasi hindi mo rin naman kakayanin.

At wala kang motivation...me paki ba ang mundong ginagalawan mo? Wala. Kaya kailangan mong magpatuloy..kahit sabihing mong tinatamad ka..na wala nang dahilan...kasi kelangan mong maki-ride sa pag-ikot ng mundo...mahirap nang maiwanan.

At kung sino mang kumag ang magbibigay sakin ng purpose driven life....upakan ko kayo.

Sunday, July 18, 2004

Tula + Random Post #2

Wala lang.
 
Ano ka kung
Wala ka lang
Dumi ka nalang ba
sa isang tabi
Na pinapayagang
maglaho
Mawalis, liparin
Mahipan
 
Ano ka kung
Wala ka lang
Isang batong nakapatong
Handang Masipa ng galit
o mabato
sa Lungkot
 
Ano ka kung
Wala ka lang
Hanging nakapalibot
Nariyan at nagaalaga
ngunit hindi napapansin
hanggang sa
Magwala
 
Wala ka lang
at kung
wala ka lang
walang makakapansin
kung maglaho ka
 
-----------------------------------------------
Hehe. Down time poem of the bom. Pansinin niyo nilagay ko kasi diyan eh.Mwehehehhe.
----------------------------------------------
 
Hello people. I survived the phyeng2 quiz 2. Hmm..siyet. Wala ba akong sasabihin dito kundi puro academics. Haha.
 
Nga pala. Nagspeech kami. Nakita ko sarili ko kasi kailangan kong i-critique ang sarili ko. Hulaan niyo kung sinong nakita ko sa tape.
 
Si Junie Lee.
 
Seryoso kulang nalang managalog ako dun at siya na ang makikita niyo don. Pramis. Laging nagbli-blink, nagsasabi ng "um"...at tumitingin kung saan-saan. Me appearance siya ulit sa speech class namin sa hwebes.
 
---------------------------------------------
 
Sa mga taong nagiisip na ang Pelikula at Musikang Pinoy ay puro bullsiyet, mag-isip kayo muli. Pumunta kayo sa IndieFilipino at mag-isip muli. Grabe...astig yang site na yan, astig pa ang laman. Kung baga lahat ng pwedeng maging pag-asa ng Pelikula at Musikang Pinoy nandiyan. Nahilig kasi ako ngayon sa mga ganyan eh. Ngayon ay nakakuha ako ng kopya ng CD ng Urbandub at Cambio naghahanap na ako ng CD ng isa pang indie band..yung SpongeCola taragis la kong mahanap eh. Basta...kung sawa na kayo sa mga Acoustic at mga produkto ng Singing Contest..pumunta lang kayo dun sa site at makinig ng Indie...seryoso..astigin!

Saturday, July 10, 2004

GUSTO KONG GUMAWA NG TELENOVELA

Haha. At anak ng pateng nasa engineering talaga ako. Wow. Dapat mag-shift na ako ng communication arts...kung ma-pera ako mag-f-film major nalang ako! Susundan ko ang yapak ni Quark Henares da astig direktor.Pero..naaahh.

Naka-panood nanaman kasi ako ng isang ending ng telenovela. Yung Sana'y Wala Nang Wakas ng dos. Hehe..maka-dos ako sorry. Hindi ko makita ang innovation masyado sa Siyete. Kakatapos lang ng "Historic Finale" kuno habang tina-type ko to. O sige, medyo innovative yung "Historic Finale" pero nandoon parin yung iyakan na aabot ata ng 10 minuto at galon galon na eye-mo na pinag-gagagamit at yung mga sobrang kesong mga dialogue na sinisingitan ng mga "witty" dialogue na wala sa lugar. Pero wala akong masabi sa cinematography. Bow ako. Ang galeeng..lalo na yung pagkakakuha nung kasal ni Ara at Christian...ang galeng wala akong masabi. Pero sinira nung sobrang haba at keso nung palitan nila ng pangako nag-tataka na ako kung bakit hindi naiinip yung mga bisita sa kasal.hehe.

Lolz. Lumalabas nanaman ang pagka-baduy ko. haha..si bom ay nanood ng mga telenovelas.

Pero...hay. Umaandar nanaman ang achuchuchu sa aking utak. Yep. Gusto kong gumawa ng telenovela.

Pero hindi ordinaryong telenovela.

Gusto ko yung telenovelang hindi telenovela. Yung nakakatawa pero hindi kwelanovela.

Yung bida hindi artista. Gusto ko ordinaryong teenedyer. Hindi maganda. Hindi panget.
Ordinaryo lang. Magpapa-audition ako at pagnakita kong kikay yung nag-aaudition bagsak agad.
Pag gusto niyang mag-artista siya dahil gusto niyang sumikat bagsak din agad. Kung gusto niyang malaking sweldo, okay lang sige. Pero dapat marunong siyang umarte..o di kaya natural na sa kanyang maging ordinaryo..hindi naman niya kailangang umiyak parate eh...yung natural na sa kanya na maging dark (hindi maitim) at witty. Gusto kong bida astig na babae pero hindi naman yung sobrang astig na rocker na ang dating na naninigarilyo at nag-chochongki. Gusto ko nga yung ordinaryong tao lang pero may attitude. Parang ganun.

Yung storya, hindi madrama, hindi rin masyadong comedy. Ordinaryong buhay. Seryoso pero nakakatawa. Pero hindi yung typical na teenage drama. Yung binu-bully, yung mga matataray na kikay girls. Hindi naman ganun sa totoong buhay. Bawal ang bullying sa skwelahan. Yung mga kikay hindi naman talaga nagtataray ng walang dahilan. Tsaka nandyan lagi ang mga stereotypes...mga cheerleaders, mga swabeheng lalakeh, at lahat na ata ng bida may problema sa lovelife..ganun nalang lagi eh. Kelan ba na feature sa isang teen-oriented telenovela ang mga nakaka-asar na magulang, mga problema sa barkada, pagpunta sa isang gig, paglalaro ng counter-strike, mga asaran na hindi scripted, paggawa ng project, buntisan, chongki, yosi, inuman, anime, pahirapan makipagkaibigan, pera, paggawa ng banda, pagbasak sa mga subject, katomboyan, kabadingan, kajologan, kaastigan. Tsaka bakit ang mga bida laging magkakalapit ang mga bahay, laging nasa isang village, eh pwede namang 2 linya ng LRT ang layo ng mga bahay ng magkakabarkada. Bakit ang mga probinsiyana at mga lalaki magdamit na babae pag-minimake-over na nagiiba na ng personalidad? Anu yung nadadala ng peer pressure ng mga kikay niyang kabarkada? Napaka-stereotyped talaga ng mga teen-oriented series dito sa pinas.

Yung cinematography (naks!) nung telenovela..gusto ko laging thought oriented sa bida...tapos makikita yung mga iniimagine nung bida...kahit nakakatawa yun...yung fast forward focus sa bida..tapos yung mga iniisip niya tungkol sa iba't ibang tao at sa ibang sitwasyon...tapos hindi lang basta basta yung pagkuha sa setting...kahit ordinaryong apartment lang yan magmumukhang mansion dahil sa cinematography! Me black and white at may colored, basta gusto ko magmumukha siyang witty pero hindi lang dala sa dialogue nakikita rin sa pagkakalabas ng mga eksena.

Iniisip niyo siguro...hindi na telenovela hinihingi ko..reality tv na. Hindi telenovela pero documentary..gusto ko talaga kakaiba...hehe...pero alam kong impossibleng manyari to. Sino ba namang tao ang gusto manood ng realidad...eh meron na nga sila nun..sino bang gustong manood ng palabas na hindi maganda o pugeh ang mga bida...pero wala namang masama sa pangangarap...hindi naman to impossible kasi hindi naman kailangan ng high tech na mga kagamitan na wala ang ating entertainment industry ngayon.

Waah....at nasa engineering talagah akoh....nyahahahahahahahha....oo na mayabang na ako.
Gagayahin ko si Quark Henares...hahanap ako ng mga magulang na kasing astigin ni Atom Henares at kasing kontrobersyal ni Vicky Belo...tapos gagawa ako ng bagong genre ng telenovela...tatawagin ko syang docunovela...tapos hindi na magiging cliche ang mga telenovela dito sa pilipinas...at titigilan ko na ang walang kabuluhan kong pagppost.

Wednesday, July 07, 2004

RANDOM THOUGHTS#1

Yan. Magsisimula na akong magbilang ng random posts. Hehe..sa nakikita niyo ang tagaaal ko nang di nakakapag-update.Mga isang linggo. Random thoughts lang...wala akong isusulat na long essay ngayon.Hehe..

*****

Sa mga nagtataka...ako ay 70 sa MODCOMM. Passing lang. 80 dapat eh. Minus 10 kasi nag-overtime ako ng 8 FRIGGIN SECONDS! At nireregla ata si sir. So me mga taong nung ibang araw nagreport nakaka-82 kaya minus 10 72 parin sila. Bugbog nanaman ang aking ego. Naturingan pa man ding kulasa....TAPOS PASSING SA SPEECH SUBJECT??!! ANONG KLASEH YANNNN????

*****

Sa tingin ko hindi na talaga ako makaka-90+ sa kahit anong math-concerned quiz. Hay...frustrating yun no. Para sakin. Kasi yun nalang talaga yung chance ko na makakuha ng mataas. Ewan ko ba. Frustrated DL kasi ako eh. Gusto ko maayos academics ko, hindi yung passing lang. Pero wala eh. Hindi ako halimaw. Nasa engineering ako. Na kahit magsipag ako ng todo-todo pasado lang ang makukuha ko. Takot akong bumagsak. Hindi ako masaya sa passing grade. Oo na. Mayabang na ako. Pero dun sa mga subjects na wala kang magawa kundi magpasalamat dahil pumasa ka...katulad ng physics.....TENK YU LOWRD PUMASA AKO NG PHYSICS!!

*****

Nabasa ko yung isang compilation ng libro ni F.SIONIL JOSE yung THE SAMSONS (featuring THE PRETENDERS and MASS)..astig sobra..na-dedepict niya ang kahirapan ng pilipinas sa isang libro. Ang galing...National Artist for Literature ang dating. Kung gugustuhin ko mang magsulat ng nobela parang ganun...realidad ang laman..yun kasi yung mga trip kong libro..lalo na yung mga tungkol sa pilipinas eh..kahit nakakafrustrate pa minsan-minsan. Ehehe...napaghahalataang suki ako sa Filipinana section ako sa library.

*****

Reasons why bom is bobo:
1) Kulasang "passing" lang sa isang speech subject.
2) Nagsisipag na sa mga subject pero passing lang ang nakukuha.
3) Laging may nakakalimutang gamit.
4) Nilublob ang celphone sa tubig.
5) Hindi makagawa ng matinong project sa kahit anong Computer Aided Design program.
6) Medyo madalas hindi makarelate sa mga usapang politikal kasi walang masabi.
7) Nasa mukha.
8) Ka-simpleng bagay hindi ma-explain.
9) Hindi maka-isip ng iba pang rason na-ilalagay dito.
10) Masyadong mayabang di nagprapractice ng speech.

******

Hay. Yan. Ang aking self-esteem ay bumababa...naalala ko tuloy yung kanta sa recollection...I love myself...the way i am.....napaka-laking bullsiyet. Kelangan ko nanaman ang aking morbid layout...mwehehehheeh...joks lang.

Sunday, June 27, 2004

Gustong bilin pero walang pera.

A. PC na bago - me naka-pagsabi huwag muna daw bumili ng PC ngayon at me lalabas daw na mga bagong parts. Pero gusto ko nang bumili. Nababadtrip na ako sa PC ko...lahat na ata ng ininstall kong program ayaw nang gumana kasi me bug..kesyo daw merong may space yung filename...kesyo daw me error sa ganito. Sira ang USB... Tangna...patapon na PC ko eh. Kung marunong lang sana ako mag-reformat tagal ko nang ginawa. Pero siyet...la akong burner..dami ko nang kantang nadownload...huhuhuhuhu...mawawala lahat yon...pero ang dami kong kailangan na software...Visual Studio..Autocad...Visio..Dreamweaver...Turbo C...LAHAT AYAW MAG-INSTALL...ARRRGGHHHH....Ang PC ko ay patapon...pang-internet at pang-MS office nalang yung letcheng yon....BAD TREEEEEEEP..

B.CDS - daming Cds na maganda ngayon...eto mga listahan.
1)Orange and Lemons
2)Cambio
3)Remainingg Eheads CDs
4)Rivermaya
5)6cyclemind (pero may pirated ako..gusto kong orig)
6)Utada Hikaru Singles Collection vol.1...an dameee sa tower records..
7) Beyonce Knowles - (wahahahaha..gulat kayo no?) de seryoso..naastigan ako sa kanya..
8) Itchyworms- may cd silang bago ata eh..
9)Moonstar 88
10) Barbies' Cradle

C. LIBRO - Damee den..
1) Libro ni Dan Brown(?)...basta yung nag-sulat ng angels and Demons tska Da Vinci Code
2) Lahat ng ma-tripan ko sa Bookstore
3) Manga- ANG TAGAAAL KO NANGGG DI NAKAKAKBILEEEEEE...LETCHE...

D. BALLPEN NA MATINO -Ayoko nang bumili ng refill ng parker..laging nawawalan ng tinta
E. INTERNET CARD
F. POCKY na snack ng mga hapon - HALOS ISANG DAAN! ANO YAN GINTOH??

Huwag niyo nalang ako i-add sa friendster...bigyan niyo nalang ako ng pera.

Friday, June 25, 2004

TULONG.KAILANGAN KO NG KADAMAY..

KAILANGAN KO NG MGA KADAMAY...KAIBIGAN...KARAMAY..MASASANDALAN..NG MAKAKAUSAP...NG MGA TAONG MAITUTURING KONG MGA KATOTO...BALIKAT NA MAIIYAKAN..MAPAKAKATIWALAANG KAPWA NA HANDANG TUMULONG...KAILANGAN KO NG...





FRIEND SA FRIENDSTER...


ADD NIYO AKO. bomalabs@hotmail.com

Dahil ginawan ako ng account ng magaling kong blockmate.

Saturday, June 19, 2004

Pagkatapos ng bagyo..

Iyesh..ang anak na pateng na 3 test na sunod sunod ay tapos na. Sa wakas. Ang resulta..bagsak ako sa test namin sa Pyenla2..kaming lahat na magkakasama..(mga 5 kami) bagsak..nyahahahha...mga hindi marunong magbasa ng VOM..haha...ako isa nalang pasado na..eh anak ng kukunin pa yung average..eh di yung score ko 53..kelangan kong above passing kasi kukunin ang average..nag-kagulo-gulo pa ako sa scheduling at natatakot pa yung mamaya. Tapos yung programming..di ko alam kung papasa ako..mwahehehe..di ako sumusunod sa instructions...yung sa phyeng2..ah..ewan.

Basta tapos na ang bagyo.

Gusto ko lang i-plug ang mga mababait na tao nanagkainteres sa gubat na ito at hindi namakaklabas MAGPAKAILANMAN! MWAHAHAHAHAHHAHAHAHHAHA....charing.

Tambay kayo sa lugar ni: Pyro, Mary, Ava,
Jhiea at Marzy.

Isa nanaman pong walang kwentang post ng inyong lingkod.

Wednesday, June 16, 2004

Relax see a movie.

Tommorrow i'm going to plunge into one of the most hectic days of my life.

The fact that i'm writing this in english means i'm starting to feel stressed already. No amount of time management is going to solve this problem. Maybe a dose of cramming and sleepless nights might help, but it does not make my life a bit easier.

I'm sleeping earlier this week..i'm supposed to be asleep by 7:30 pm by the latest, and wake up as early as 9:00 pm. By this time, hoping that no one's downstairs to disturb me, i start to prepare my stuff.

Here's the routine.

Sort out what i'm going to do first..which usually takes about 1-2 minutes.
Bring down stuff from the room upstairs...that includes a study lamp..about 30 seconds.
Set-up my discman and select a cd...maybe 1-2 minutes or so.
Fix stuff for my session, bringing out handouts, finding old notes, fixing the books, finding pens, calculators, scratch papers...which takes about 20 minutes.
If i feel like it, i would get some 3-in-1 coffee from our store, plug the airpot and fix myself some hot coffee, or find something to eat...about 15 minutes.

You probably know what i'm up to...yes, its one of those study sessions again. Yep, you read the time right..i'm to sleep at 7:30 and wake up at 9:30 in the evening. I like to study during the wee hours of the morning because no one is awake, i could concentratem and Its really my nature to study alone. During the night, the house could be very,very distracting. My brother watches tv, my father has visitors once in a while, my cousins who are currently job-hunting are staying, and again there's the loud tv, the chatter, the clatter of dishes. Upstairs, yes, it is quiet, and no one is there yet by that time, yet i feel like slacking everytime i try to study during nighttime. Its just wasn't right. I feel tired...i would rather sleep and wake up early, which i failed to do several times already..so there goes my studying schedule.

And probably you're what makes tommorrow and the next day different?

This.

There is a major exam in Physics 2 on Friday. Still can't understand anything about it, and a topic was not yet discussed...should be discussed tommorrow. Cramming-prone subject.

There is an exam in Physics Laboratory 2, still on Friday. It's about using the VOM, err..the thing that electricians use to check electricity current/flow. I don't know a thing about it....maybe how to turn it on..but i'm clueless about its different uses..i cannot even operate the damn thing. I can retake the exam if i failed, but i have to ace it the second time around because the average would be taken.

There is a major exam in C Programming still on Friday, do not know if its programming, identification, enumeration..but i felt like i did not learn something from my prof..and currently, me and my blockmates are having a hard time.

There is an exam in Modern Communications tommorrow, and it takes a lot of memorization to ace it. Our professor just like to give out that type of exams.

There is an assignment in Differential Equations due tommorrow. Yeah, its just an assignment alright. But i have this feeling that tommorrow will be one of those days that she will call somebody tommorrow to answer the assignment orally, and i wouldn't want to be caught dead without an answer.

There are other assignments, but i'm saving them for the weekends. For now, these are my burdens. Yeah, probably you're muttering 'that's nothing to what i've been through', but i find it hard to study for electric charges, C++ language, resistor colors, non-verbal communications, electric flux, Coulomb's Law, arrays, identifiers, Direct Current, Alternating current, visual aids all in just 2 mornings. Won't you?

And now why am i writing this...to waste time and relax...before i kill myself...with studying of course.

For corrections in my grammar, please comment in my haloscan. Para sa mga hindi maka-intinde ng ingles...TANGNA ANG HECTIC AYOKO NA.

Saturday, June 12, 2004

New green layout and some random thoughts.

Aba. Ingles ang title.

Kung hindi ka siguro bulag ay nakita mo na green na ang layout. Naghahanap ako ng layout sa suggestion ng aking halimaw na blockmate. At oo nga..hindi pa ako nagkakaroon ng green na layout.

O sige, hindi siya lahat green..pero may pagka green pa rin naman siya. Isang kulay na hindi ko ginamit sa pitong bersyon ng aking blog.

Nga pala, sa mga taong gusto ng entertainment, pumunta kayo dito. Me mga magagalit, me mga hindi (tulad ko)..oo..kasama ako sa mga naloko..pero sanay na ako diyan. Pero astig to. Me magagawa ako sa net pag class hours at boring ang prof sa computer lab. Makikita niyo diyan ang isang report tungkol sa mga taong may kakaibang talent at hindi po ito pagkain ng apoy.

Tapos na ang quiz 1 ko sa ENGANAL (Differential Equations)...anak ng pating..ang dale! Oo..kayo pasukan niyo palang tapos kami quiz na namin..san ka pa?! Kaso mahirap batiin baka mababa score ko. >_<

Ano pa ba..gagawa sana ako ng long entry tungkol sa computer na naninira ng floppy diskettes at ang epekto nito sa mga estudyante pero...mga walang katuturan na mga naisusulat ko kaya huwag nalang.

Ang pangit ng description ko sa gilid. Nasama pa si Rainier...smile mo kita ko feel ko! Astig! Mabuhay si Rainier na may album na! (O baka naman VCD lang yan?gets?)

Gusto kong makita ng malapitan si IYAH MANZANO (?)...basta yung host ng GameChannel. Makalaglag brief daw sabi ng mga chums kong eng eh..yung kulang nalang labasan sila (sila nagsabi non hindi ako)..nakita ko siya malayo..maganda daw talaga eh...putsa...gusto ko siyang makita

HAPPY INDEPENDENCE DAY SA MGA NOYPI! Ang dapat kantahin pagkatapos ng Pambansang Awit ay yung kanta ng BAMBOO yung Noypi..para kahit isang araw lang matuwa tayo na pinoy tayo! Hoy! Pinoy ako...bu-wo aking loob..

Ang book 5 ng Harry Potter ay...astig pero parang menopausal si Harry. Parang nasobrahan sa Crispy Pata at High Blood lagi. Pero astig siya..gustong mabasa yung 6.

Gusto kong mabasa ang Da Vinci Code.

Si Michael Lim nasa IBC channel 13 9:30-10:00 linggo ng umaga. Bumabait siya. At sana magpatuloy yon.

Palapit ng palapit ang physics exams. Mamatay na. At hindi ko pa karir ang VOM! Opo VOM at hindi BOM. Yung mga ginagamit ng mga elektrisyologist pang check ng kuryente. Mga chums ko kasing magaling..palibhasa nag-VOM na sa High School..at anong tinuro samin sa High School...papaano manganak.

Hay..walang pasok bukas pero papasok ako. Ang bait ko talgang estudyante. Pwede na akong gawan ng monumento sa vito cruz station. De..sa totoo lang bibili ako ng libro at magreresearch..WALA NA AKONG ROTC!

Thursday, June 03, 2004

Pag ang school mo may pangalan.

Iba.

Ganito kasi yon. Nandito nanaman ako sa FAVORIITTTTT kong subject. Ang MODCOMM. Isang speech subject para sa mga engineering istudents. Ang prof ko..siya. Hanapin niyo pangalan niya sa tagboard kung buhay ka pa.

Naglelecture siya...hindi naglaon napag-uusapan na ang mga katangi-katangi niyang estudyanteng naka-4.0 sa kanya (pinaka-mataas na marka)...mga 2 lang sila sa buong 7 taon siyang nagtuturo.
Tapos biglang napasok sa usapan ang pangalan ng St.Scho.

At tong katabi ko..tinignan pa ako.

Buking.

"In St.Scho, they do this extemporaneous speech where the topic is given in the morning and they are given the whole time to prepare for their speech in the afternoon. You do that do you?"

"St. Scho is very good in speech. Their english is impeccable."

At ito ang magic word
"I EXPECT MUCH FROM YOU"

NGANANAK NA PIMPOL NAMAN O! Pinahirapan niya na nga kami sa paghahanap ng topic eh..tapos I EXPECT MUCH FROM YOU PA! KUNG DI BA NAMAN.....sheet. Hay. Bakit ba kasi ako tinignan ng katabi ko. Bakit ba kasi ako nag-react. Bakit ba kasi sinagot ko yung tanung niya. BAKIT BA KASI AKO NANGGALING SA ST.SCHO.

Huwag niyo akong kuhanan ng mali...mahal ko ang st.scho. Pero...ano ba yan..sa sitwasyon ba na ganito daladala ko na ang pangalan ng St.Scho...at hindi ko pwede mag malfunction sa speech ko dahil GALING AKO SA ST.SCHO....ano ba? Anong "their english is impeccable"...BAKA DEBATE CLUB yung nakita niya! Yon talaga mga diyos sa english yon. Letse..yung mga yon ata hindi nananagalog sa bahay eh...anaaaakk ng...ako..ordinaryong kulasa lang...hindi ako diyos sa english at public speaking...yang mga subject na yan..parang ordinaryong subject lang yan...hindi ako magaling diyan...tapos sasabihan niya ako ng I EXPECT MUCH FROM YOU. Tangna talaga.

at eto ako ngayon...maglilibrary bukas sa mga topic na out of this world na kelangang may academic basis...tulad ng "Bading ba ang mga Teletubbies?"..o "Homosexuality among the animal kingdom"...yung mga ganon.

Nakwento ito ng katabi ko sa isa ko pang kasama nung pauwi na kami..tungkol sa "galing" ng st.scho sa english..at tanong ng kasama ko sakin..."English pala kayo anong ginagawa mo sa Engineering?"

Eto nanaman tayo.

Me nalaman ako. Kaya ako hindi nag-engineering kasi nga hindi ako sa english. At yon siguro ang da best na makukuha ko sa goal kong makalayo sa mga kulasa.

At yun na nga.

I EXPECT MUCH FROM YOU.

Sana hindi niya maalala.

Sunday, May 30, 2004

Unang Linggo.

Hello. Kaya lang ako nag-net ngayon kasi me HW ako sa Programming. Letche first major namin. Tapos me kupal pa kaming teacher sa ModComm..hay..

Unang linggo..maraming assignment. Pakshet. Wala akong oras mag update ngayon. Marami akong ginagawa. Sorry. Kelangan ko nang mangarir kung ayokong bumagsak..ngayon palang. Feeling ko mahihirapan ako eh.

Wednesday, May 19, 2004

In Conclusion

Helo. Ala lang..pasukan na sa lunes.....PASUKAN NA SA LUNES! O MAY GAS ABELGAS!

Mga nagawa ko ngayong summer..

..nagtinda at lahat ng related sa merchandizing.
..Nakatapos ng mga libro at kung anu-anung storya, namely: False Memory (Dean Koontz),The Last time I saw my Mother (Arlene Chai), Fruitcake (Eraserheads), Eating Fire and Drinking Water (Arlene Chai), Para Agua con Chocolate (Laura Esquivel), Chronicle of a Death Foretold (Gabriel Garcia Marquez), The Day the Dancers Came (Bienvenido Santos), Yami No Matsuei vol. 7 & 8, at iba pa na hindi ko maalala.
..Nagpuntang Intramuros, naligaw at nilibot yon..on foot.
..Nagpalit ng layout at nagblog.
..Naglaro ng suikoden iii at umabot ng chapter 4 (Si Chris ang Flame Champion ko).
..Nagdownload ng laro sa celphone kong napanalunan ng nanay ko (Sadya siyang swerte).
..Nagdownload ng kanta karamihan hindi anime related.
..Nagpaka-buryo sa NU 107 na halos pamilyar sa lahat ng kanta pero hindi parin alam ang mga title at mga kumanta nito.
..Natutong mahalin ang punk-pop-rock (salamat sa NU) pero hindi ang metal.
..Nag-enroll.
..Nag-ehersisyo ng dalawang araw.
..Gumawa ng konting gawaing bahay..konti lang.
..nagawang hindi kumain ng tsitsirya ng isang linggo (achievement yan!)
..Nag-mall.
..Nag YM.
..Nagbalik sa PhilAnime pero nanatili paring Lurker.
..Kinareer ang pagkanta ng Balisong (Balee-song) o (Ba-leesong) ng Rivermaya pero hindi parin kaya yung ginagawa ni Rico Blanco (You're everthing i wanted and MoooooooooooOOOOOOOOoooore).
..Nagpa-ayos ng Playstation.
..Tumambay sa bahay (includes kain at tulog)
..Nagsulat ng schedule sa iba't ibang papel.
..Nagsulat sa notebook.
..kumuha ng passport.
..bumili ng 2 t-shirt.
..narinig ang Felix Bakat (Dhego), Bumper to Bumper (Love Anuber) at Babae po Ako (Tuesday Vargas)

Mga hindi ko nagawa ngayong summer.

..mag-swimming.
..maging couch potato (Dahil bihira lang ako mag-TV).
..magpapayat(mwahehehehehe).
..matutong mamalantsa at maglaba (saka na yan!).
..magdrawing ng kung anu-anu sa sketchpad (parang nawala ang interes ko sa pagddrawing).
..i-update ang website ko (wala akong material!siyet).
..lumabas ng National Capital Region.
..mag-suklay.
..bumoto (dahil hindi pa pwede).
..manuod ng Sine.
..manuod ng concert (dahil me curfew).
..umatend ng convention (dahil me pasok).

At in conclusion..haha..isa po siyang ordinaryong summer...na me tinda part..hehe..yun lang.

Thursday, May 13, 2004

Raketeering

Hay. Tapos na ang Eleksyon sa bansang pilipinas. At tabla ang laban ni Manny Pacquiao dahil dun sa kanong judge na mali na scoring. At hindi ko ilalagay ang mga binoto ko dahil hindi pa ako bumoboto. Pero ang astig ang tatay ko...iboboto niya daw dapat si Ping. Pero nag bago siya ng isip dahil...

"..yayaman nanaman ang mga intsik."

o san ka pa. Yan ang astig na sagot.

-----------------------------------------------------------------

Sa likod ng eskwelahan ang tindahan namin. At dahil nga sa eleksyon ay namili kami ng mineral water. Laking gulat ko nalang ng wala ata kaming nabenta kahit isang bote ng tubig.
Tsktsk...hindi patoksky ang business. Hehe..at least marami kaming mineral at hindi na kami bibili.

Pero anu nga bang mga business ang pumatok ngayong eleksyon. Eto lang mga obserbasyon ng mga kagaya kong purgang purga na sa kampanya..

1) Sitsiteros (Poll watchers) - yung mga sumisitsit diyan sa tabi at nagsasabi na "iboto niyo si ganyan" na may malaking ID na nakalagay yung logo ng kandidato nila at naka-tshirt na may mukha ng kandidato nila.
Bayad: 200-500. Kukunin sa Baranggay Chairman.
Rating: Not bad?

2) Basurero (Flyer/sample ballot Distributor) - mga namimigay ng flyers sa kahit saan..habang nag-babahay-bahay ang mga kandidato, sa mall, sa labas ng mga eskwelahan, sa kalye. Ang mahilig sa ganito si Bro. Eddie..o siya lang lagi na-eencounter ko.
Bayad:Siguro kaparehas din ng mga poll watcher.
Rating: Not enough. Nakakapagod din to lalo na pag summer. Kulang pang mineral water at softdrinks.

3) Nangiistorbo (Jingle Sounder) - mga owner jeeps/sasakyan na me nakakabit na loud speaker sa bubong na nagpapatugtog nonstop ng iba't ibang version ng Spaghetti, Bulaklak, Lagot ka, one for each congressman or councilor. Me mga banner na nakakabit sa kanilang mga sasakyan at iniikot nila bawat kalye tuwing umaga o habang tanghali kung saan nag siyesiyesta ang mga tao. Dedicated ang mga ganito samin kaya memorize na ng mga bata at yung baliw sa kanto yung version ni Oliver Ibay ng kanta ni michael jackson.
Bayad: Malamang mas mataas sa mga sitsiteros dahil gagastos ka rin sa gas.
Rating: Hindi maganda pag wala kang auto.

4) Tagadag boys (Banda) - Kahit mapa-3 lang kayong me mga dala ng snare drums na suot lang ay ordinaryong tshirt at shorts, o mapa-full marching band kayo, okay lang. Basta kaya niyong mang-gising ng tao ayos. Nakikita lagi sa mga kandidatong nangangampanya, gumagawa ng ingay para malaman na makikipagkamay sila.
Bayad: Mahal siguro kasi hindi lahat ng councilor gumagamit nito. Me kasamang softdrinks at sandwhich siyempre dahil nakakapagod umihip habang naglalakad.
Rating: Hindi pwede ang tinadtad na tansan at lata ng gatas.

5) Epal (alipores ng mga kandidato) - Its either kamag-anak niya kayo o sobra kayong dedicated dun sa kandidato. Kayo yung mga naka-chaleco na may nakatatak na pangalan ng kandidato sa likod, nagdidikit ng poster sa mga pader habang ang iba niyong kasama ay kinakatok ang mga bahay at iniistorbo yung mga nakatira don.
Bayad: Wala kung volunteer ka, kung meron, ay siguro malaki-laki dahil sa dami ng epal na nakikita kong nakapaligid sa mga kandidato.
Rating: Para sa mga walang magawa sa bahay.

6) Yantoks (Security) - Baranggay Tanod o kahit sinong me hawak na mga yantok (yung mga ginagamit sa arnis) na nakapaligid sa mga kandidatong tumatakbong congressman pataas. Kung ang hawak mo ay hindi yantok at meron kang batuta, baril, at motorsiklo, aba, mas angas ka at malamang na mas malaki ang bayad sayo. Pero matindi ka na talaga kung naka barong ka, naka-shades, may earphone at me radio kang hawak...siguro Presidential level na yang binabantayan mo.
Bayad: Malaki. O usual kasi trabaho mo nga yon.
Rating: Hindi basta-basta...ang bayad.

7) PLDT/MERALCO boys (taga-kabit ng poster) - Para sa mga walang takot at buo ang loob...na umakyat ng hagdanan at magkabit ng mga banner sa mga building at sa kable ng kuryente. Ginagawang piyesta ang isang baranggay na hindi naman nagcecelebrate ng piyesta. Kelangang me hagdanan at sasakyan na pick-up, lalagyan ng mga banner in different sizes, shapes and colors.
Bayad: Siguro per poster ang singil ng mga to.
Rating: Pwede na sa fear factor.

8) Executioners (Events Execution) - Mga taong naka-sakay sa isang truck, o higit pa. Titigil sa gitna ng kalye. At inches from the site, ay parang magic na lumalabas ang mga stage na kahoy, with matching sound system pa courtesy of the Sound Mobiles na ang racket ay mga ordinaryong debut at weddings lang! Pagkatapos ng palabas ay magic ding nawawala ang mga stage.
Bayad: Malaki.
Rating: Di pwede sa mga small time.

9) Mighty Bonds (Taga dikit ng posters) - Mga taong bidang bidang tuwing gabi at madaling araw..kung saan ay pwede silang magdikit ng poster kung saan-saan ng hindi nasisita. Nagugulat nalang ang mga may-ari ng bahay na biglang nagkaroon ng poster ng kandidato sa kanila, at magugulat ulit ng garapal na pinatungan ng poster yung poster na garapal na dinikit sa pader ng bahay. Ang karaniwang dala ay sirang walis, isa o dalawang lata ng pintura na may lamang gawgaw formula at mga poster, siyempre me baong Red bull o di kaya extra joss pampagising dahil nga sa madaling araw sila nagdidikit.
Bayad: Siguro per kilo naman ang singil ng mga to.
Rating: Para sa mga hindi makatulog sa gabi.

----------------------------------------------------------------------

Kahit papaano siguro ay naencounter niyo na ang mga taong yan...lalo na dito sa may amen...kasi pumunta dito si LPG! Este si FPJ pala dati..mwehehehe..

hay...basta kung sinong manalo...sana magkaron sila ng initiative na maglinis ng mga poster nila..mahiya naman sila sa balat nila..ginawa nilang basura metro manila.

Saturday, May 08, 2004

Reading Advocacy Ad bom style

Yes..ang kulay ay Pula..lolz...di ko alam kung bakit...wala lang..gusto ko lang yung design eh...asteegin tska di mahirap ayusin (Pero letche naloka ako kaka-figure out kung pano paghiwalaying yung mga div layers na yan!) Featuring..err..Poop Dog...nyek! Di ko nga kilala yan eh. Haha..palitan ko nga picture ni polgas o ni tado? Kaso pula to eh..la lang.

-------------------------------------------------------------------------

Kung tatanungin niyo ako tungkol sa nanyayari sa buhay ko ngayon, tignan niyo na lang yung
description sa gilid. Yun lang yon.

At dahil NASIRA ANG **P@#$*** kng bala ng suikoden iii, ay hindi ako makapaglaro. At wala akong makitang bagong bala sa paghahalughog sa Harrison at sa UM..napakasaya ng buhay. Sa ngayon ay bagotilyo ako dahil natapos ko na yung binabasa kong libro ni Dean Koontz na "False Memory". Binili ko nung second year at hindi ko natapos dahil napaka-highfallutin/hayfallutin (di ko lam spelling) ng mga salita at sobrang kapal niya. Pero ngayong malawak-lawak na ng konti ang aking vocabulary ay nabasa ko na siya ng tuloy tuloy at nalaman ko na astig pala siya. (Kaya nga siya #1 bestseller eh)..tungkol siya sa isang praning na psychiatrist na nagkokontrol ng utak ng kanyang mga pasyente at pinapagawa ang kung anu-anu kagila-gilalas na bagay sa mga ito. Kagila-gilalas with the capital K. Pero me mga bagay dito na boring..kaya ko lang siya tinigilan ng 4 ng umaga kasi boring parts na yung mga nababasa ko.

Nabasa ko rin sa aking pagiging bagotilyo ang "The Last Time I Saw my Mother" ni Arlene Chai. Ito naman sobrang layo sa una kong binasa...tungkol siya sa Family, parang yung mga Family Saga stories eklat..astig siya kasi para mo naring nabasa ang history ng 'pinas. Touching siya..okay lang..medyo matagal ko narin kasi tong binasa eh.

---------------------------------------------------------------------

Tuwang-tuwa ako sa pagbabasa..pero yung mga ibang bagay lang...pero nakakatuwa magbasa. Me mga bagay lang na hindi nakaka-trip basahin...katulad ng Calculus at Physics..di ka lang mabobore ma-babadtrip ka pa! Di ko rin trip magbasa ng non-fiction..kaso depende din yon eh..(Non fiction yung kay idoul Bob Ong tska yung mga libro ni Ambeth Ocampo)..basta nakaktuwa mag-basa. Ewan ko ba kung bakit me mga taong hindi trip mag-basa....dahil siguro me mga ibang bagay na silang pinagkakaabalahan.

Bakit nga ako nakaka-aliw magbasa? Maraming dahilan..karamihan cliche na. Pero hindi ako yung 'read to achieve'..kelangan lang yon pag nangangarap kang maging Cum Laude. Ako yung 'reading is fun', lalo na pag nagbabasa ka ng fiction.

Noong grade 4 pa lang ako..ang binabasa ko Goosebumps, at sa hindi malamang dahilan ay hindi ko trip ang sweet valley high at babysitters club na paborito ng mga kabataan noon. Me balak nga akong mangolekta eh kaso nung nakakarami na ako nagpahiram ako sa mga kaklase kong nagbabasa rin non at nawala siyang parang mga buwis sa BIR. Pero hindi yon ang punto, natutuwa ako kasi..uhh..weirdo yung mga ending..yung mga ending na multo pala yung mga bida o di kaya tayo pala ay mga alaga lang ng mga langgam...basta yung mga ganung ending.

Noon namang mga Grade 5-6 ako ay natuwa ako sa parehong author..ngayon naman napagtripan ko yung Fear Street series niya. Hanggang ngayon marami parin sa bahay, naging brown na yung mga pages sa sobrang kalumaan. Eto naman tuwa ako pagnahuhulaan ko kung sino yung mga killer pero mas nakakatuwa pag yung hula ko mali...yung tipong mga hindi-mo-akalaing-siya na mga killer...yung mga mabait na killer na bestfriend ni ganito na boyfriend ng kaibigan mo na gustong maghiganti dahil pinahiya mo siya nung grade school pa kayo...parang ganun. Siyempre hindi mawawala dito yung mga fanfiction tungkol sa mga anime...bastos nga lang kasi yung mga binabasa ko lalaki sa lalaki(yaoi)...tsaka yun din yung mga panahon na nagbabasa ako ng mga romance novels na makakapal..yung mga Judith McNaught tska Jude Deveraux...at tama ang rinig niyo..grade 6 lang ako non. (Hinahanap ko kung saan yung mga parts na bastos..hwekhwekhwek). Doon lumalabas ang mga adolescent behavior XD Dito ko rin nakilala sina Nancy Drew at yung mga tropa niya, at katangahan kong bumili ng Agatha Christie. Nasayang lang pera ko hindi ko siya ma-gets.Di ko nga alam na mystery pala yun eh!

High school naman nung tinigilan ko na sina Nancy Drew at dahil sa pinsan ko ay nakilala ko si Sidney Sheldon na sobrang tuwa kong magbasa ay pinagalitan ako sa klase. Nagbasa din ako ng Mary Higgins Clark..at yun lang. Dito ko rin nalaman na hindi ko trip ang myth,legends at fantasy dahil nabagot ako sa Early Filipino Literature at Asian Literature at pati narin sa Greek Mythology..ay mali..angas nga pala ang greek methology..at ayoko rin kay Shakespeare..tangna niya gagamit lang siya ng salita komplikado pa!....me pa-thou-thou at thee pa siyang nalalaman...Bading!Lolz!XD
La siyang panama kay Rizal sa Noli at Fili niya..ewan ko lang sa mga kaklase ko basta enjoy ako sa pagbabasa ng dalawang librong yon...at tumuloy ang ligaya sa filipino nung fourth year kung saan comtemporary Filipino Lit na ang pinaguusapan tulad nung Ibong Mandaragit na maraming typo. (Mando Plarido(e)l the Philippine Idol!). Dun ko rin na-encounter ang iba't ibang mga literary styles na asteegin..lalo na yung surrealism (mga taong nagiging ipis) tska realism..gustong gusto ko talaga Literature tska Panitikan nung Fourth year at Third Year. (At habang tina-type ko to ay narealize ko na ang favorite subjects ko). Dito ko rin nadikubre ang mahiwagang mundo ng Pinoy Lit dahil napabasa ako ng Libro ni Bob Ong, Luwalhati Bautista at kung sino mang nagsulat ng Sa Kuko ng Liwanag.

And guess what? Nasa Engineering ako! Napakalaking joke talaga ng buhay na to at si lord ay si Bayani Agbayani!

-----------------------------------------------------------------------------

Yan, lumalabas na ang pagka-adeek ko sa pagbabasa ngayong mga panahon na bagotilyo ako. Napapagalitan na nga ako dahil me bumibili na pala sa tindahan tutok parin ako sa libro.
Nakakatuwa kasi eh..madami ka pang nalalaman..san mo malalaman na dapat matakot ka na sa mga Psychiatrist dahil sa pagbanggit nila sa isang pangalan ay pwede ka nilang patayin sa pamamagitan ng sarili mong mga kamay..at ang tawag dito ay hypnotic regression. (malabo? Basahin niyo yung libro ni Dean Koontz). Para ka naring nanood ng telenovela pero hindi taartits yung mga gumaganap kaya hindi nakakairita. Seryoso masaya magbasa ng libro..kaya okay lang sakin maiwan sa library provided walang multo. Huwag niyo nga lang akong bigyan ng dictionary o kahit anong librong related sa math o yung mga gumagamit ng lengguahe ni Miriam Defensor, ibabato ko lang sa inyo yong pabalik, at walang kasamang Dairy Creme!

-----------------------------------------------------------------------------

Sa mga taong boboto at hindi pa nila alam kung sinong iboboto nila, iboto niyo nalang yung kaparehas niyong personality..hwekhwekhwek...
Which Philippine Presidentiable Are You?

Ako si DAKING! at maraming salamat kay Chilhyunnie para sa quiz na ito.

Thursday, April 29, 2004

Hindi-na-Freshman blues..err...greens..

"Hindi ako Mag-La-La Salle! Hindi kaya ng magulang ko don!"

"Basta sa Ateneo ako."

Gusto kong tawanan ang sarili ko. Sinabi ko talaga yan..mga kalahating taon dati. 4 na eskwelahan ang pinagpipilian ko..Mapua, UST, Ateneo, at La Salle. Letse kasi UP eh. Ayaw akong tanggapin. Hmp!
Ang course kong pinasahan sa mga eskwelahan na yan pare-pareho. Bachelor of Science in Electronics and Communications Engineering. Isang course na hindi ko alam kung bakit ko kinuha...hanggang ngayong 2nd Year na ako.

Quarsem sa Mapua. Hindi kaya ng kapangyarihan ko.

At sa hindi malamang dahilan, ay hindi ko pinili ang USTE..siguro nalayuan ako. (pero mas malayo ang ateneo)

2 nalang ang natitira, Ateneo at La Salle.

Malayo ang Ateneo. Pero pag gawa na ang LRT 3 wala nang problema. Hindi pa gawa ang LRT 3 dati.
Dalawang Jeep lang ang layo ng bahay sa La Salle.
Parehas lang sila ng tuition fee.
Trisem sa La Salle, (halos) walang Bakasyon. Tapos ka ng 4 years at isang term kung regular.
Semestral sa Ateneo. Pero 5 years ka namang mag-aaral.
Bihira lang ang nakakapasa ng Entrance sa Ateneo.
Parehas silang Konyo school.
Maraming Kulasa sa La Salle.
Nakakasawa na ang Taft Avenue.
Mamang ako sa Katipunan at Quezon City.
Bago pa lang ang engineering sa Ateneo.
Naimbitahan pa ako sa Open House ng Engineering sa Ateneo.
Pamilyar na ako sa Taft Avenue, at sa mga lugar na nakapaligid dito.
Hindi ko alam kung pano mag-commute sa Ateneo.
At Malaki masyado ang campus nito, walang jeep, trycicle lang.
Patay ka pag wala kang tsikot sa Ateneo.
Maraming Jeep na dumadaan sa Taft.
Madaling makauwi galing sa Taft.
Maganda (daw) ang engineering sa La Salle.
Parehong maaksaya sa Plantsa at Sabong Panlaba dahil walang uniform.
Parehas na merong konyo crowd.
Astig pa-nakagraduate ka sa parehas na school.

Sa dulo, kinain ko rin ang mga sinabi ko. Nakita ko ang sarili ko na naghahabol sa Last Day ng confirmation sa La Salle,nakapila sa labas ng registrar's office, naglalaro ng gameboy habang naghihintay.

"Sabi ko sayo sa La Salle ka mag-aaral eh. You're meant to be!" O parang ganon sabi ng kaibigan ko. Ulul.

Pero may point siya. Lang ya, kinain ko talaga mga sinabi ko. Pati mga kabarkada ko hindi maka-paniwala kasi akala nila sa Ateneo talaga ako mag-aaral.

Hindi na bago sa akin ang maka-rinig ng ganito..

"O? Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba sa Ateneo ka?"

"Wala eh. Malayo Ateneo." Sabay kibot ng balikat.

------------------------------------------------------------------

LPEP o La Sallian Effectiveness Program. Orientation saming mga bagong rekrut. Ang tawag sa species namin ay "froshies", o diba? Term pa lang tunog konyo na.

Eto unang pagkakataon na na-explore ko ang eskwelahan..putek..halatang pinagka-gastusan ang landscaping..at ang building hindi tao. Malamang Building na siya eh.

Nagsign-up kami. Wow, daming freebies. Me notepad at ballpen kami courtesy of Polothemintwiththehole, me libreng gel, at may mini-handbook kami na parang Culture Crash ang pagkakalaminate at ang astigin ng design. Dapat lang. Mahal ang binabayad namin sa syeteks na eskwelahan na to. Meron palang libreng gel courtesy of Tricks (aanhin ko to?) at isponsored lahat ng organizers..lahat sila naka Lee Girl at Lee Guy na t-shirt (hindi daw mr.lee kasi pirated daw yun.)..at siyempre green ang font. Magtaka kana kung blue yan.

Ang sumunod ay isang programang inihanda ng mga Organizations sa sobrang haytetch na auditorium ni Yuchengco. Una me misa, tapos me speech galing sa alumni na nagkkwento tungkol sa kung gaano ka-galing ang Eng program ng La Salle at tapos nagpakitang gilas na ang mga orgs. Magaling. Astig..^^v

Sunod ay interaction sa mga ka-blockmates. Dito ko nakilala ang mga magiging kasama ko sa loob ng tatlong buwan ng first term. Bukod sa mga usual na tanong..hindi ako umiimik. Pagpasok ko nga ng second day ng LPEP? Ang ginawa ko? Nagpaka-loner at ng Gameboy! Ha...napaka-intimidating siguro ng dating ko non..walang kumakausap sakin...hehe..me katabi akong mahilig sa anime..pero hindi ko nalang kinausap..ewan ko ba sa sarili ko.

--------------------------------------------------------------------

First Term, panahon ng adjustments at tanggalin ang paninibago. Panahon din para mas makilala mo ang mga kablock mo dahil buo pa kayo ngayong term na ito. Ito ang panahon na aapat lang ang kaibigan ko sa block. Parang ganon kasi sila nalang lagi kasama ko. Hindi pa ako pala-imik pag kumakain kami. Mukha lang akong epal don..yung tipong sinasama kasi nga walang kasama....habang ang iba ay attached pa sa kanilang mga maliliit na grupo...o siguro malalaking grupo. Mahahalata mo talaga kung sino ang close kanino. Sila lang kausap ko..para bang wala akong mga ka-block kundi silang apat, kahit hindi nila ako kinakausap (yung 2 hindi ako madalas kinakausap). Nagmuhka tuloy akong mahirap lapitan.

Maswerte ang term na ito at ako'y Dean's Lister. Pero katulad nga ng sinabi ko sa nanay ko...first and last na DL ito. Hindi ko pa ramdam ang pressure ng academics.

At nawala ang cellphone at wallet ko dahil iniwanan ko sa inidoro.
Buti nalang wala pang ID.

--------------------------------------------------------------------

Second Term. Dahil sa academics, may mga natanggal sa block.

Yung isa kong ka-close, nalulong sa Ragnarok. Nagpapapasok dati, pero nawala din. Naging boss na daw siya sa Ragnarok sa sobrang ka-adikan niya.

Yung isa, laging kasama ang boyfriend niya.

Yung isa, nadeblock dahil sa academics.

Dalawa nalang kaming natira, at hindi ko siya madalas kausap.

Nasira ang barkadahan ng ibang grupo, me mga umalis at lumipat, me mga na-deblock.
Pero kahit ganon, me mga nabuo. At hindi po siya baby.

At nabuo ang magic boys ng block..mga taong nag-mamagic the gathering na tumatambay sa mga lamesa sa tabi ng Velasco (Engineering Building).

Kahit na nagmumukhang tanga minsan dahil hindi marunong mag-magic, ayos lang. Masaya silang kasama, medyo magulo, pero masaya. Ayos lang kahit nakaka-OP, nag-iisang babae sa grupo ng 9 na lalaki, at hindi marunong mag-magic.

Nagkakakilala na ng husto ang mga tao. Naroon pa rin siguro ang mga grupo..pero dahil narin siguro sa kakonti-an at sa panahon..mas naguusap na ang mga tao. At dahil narin siguro sa mga engineering math subjects na parang judges sa starstruck at star circle quest kung mangatay...

Sablay sa academics..pero wala paring bagsak. Pamilyar na sa Engineering bldg. at sa mga kalapit na building na ito, ngunit hindi sa buong la salle.

--------------------------------------------------------------------

Dumami ang mga nalaglag.Third Term. Na-dissolve halos lahat ng blocks. Damay ang block namin. Madaming lalong na-irregular, umalis ng bansa, bumigay na sa pag-aaaral at nag Leave Of Absence.

Ang buong block nahiwalay sa iba't ibang blocks. Tatlo kaming regular sa isang block. Iba't ibang tao ang mga nakilala ko..galing sa bagong block. Pero hindi ko sila ganung kinausap. Kausap ko madalas yung mga ka-block ko.

Ibang pakiramdam...hindi mo na kasama mga kasama mo dati..mahirap lalo ang mga subject..at dahil 3 kayo...laging me isang naka-tokang ma Left Out. Ito ang nanyari sakin ng sinulat ko to..

Friends, lolz, meron ba ako non? haha..ewan.pakiramdam ko wala...sa
mga kablock ko..Yung ka-close baga...wala. Mga kasama ko kinakausap
ko ng konti, ako kinakausap nila pag manhihiram ng liquid paper,
manghihingi ng yellow pad, mangongyopya ng assignment..bukod
don..wala na. Mapapaisip ka kung yun lang ang silbi mo sa buhay.

...sila yung mga tipong sinasamahan mo lang para may kasama ka
at hindi ka mag-mukhang loner. Pero sa totoo lang decoration ka lang
sa tabi.

...Tanugin mo sila tungkol sa ganito..replyan ng maikli at tapos..parang indirectang sinasabi na "okay nasagot ko na ang tanong mo tapos na usapan."

..eepal nanaman ako sa mga friends kuno ko at makikisama ako
sa kanila para hindi ako mukhang loner. Yes! Magiging Decoration
nanaman ako next term! Ang Galing!


pero in fairness...naiimbitahan ang alien sa mga debut...at tuloy-tuloy na.

Hindi ko alam kung epekto ito ng summer o ng katapusan ng school year, pero parang mas kapit ang mga tao. Mas makakausap sila..at hindi nakaka-LO.

Natapos ang term...dumating ulit ang tigbakan time. At gumigimik na ang iyong lingkod kasama ang mga blockmates niya.

Hindi parin DL. Pero pasado ng Physics at Engcal 2..


asteeeeeeeggggggg...

--------------------------------------------------------------

Pagkatapos ng lahat ng kagaguhan sa taas..ano bang punto ko? Ala lang...gusto ko lang
ipamukha sa sarili ko na ako ay studyante ng isang konyo school sa taft. Ako ay isa nang
second year na estudyante sa isang elitistang eskwelahan sa taft.

Gusto kong ipamukha sa sarili ko

..Na pinili ko na mag-aral dito ng engineering.
..Na kahit pakiramdam ko ay sobrang wala na ako sa lugar at naiwanan ako sa tabe...hindi ganoon lagi ang sitwasyon.
..Na nakatagal ako dito ng isang taon.
..Na kahit papaano ay hindi ko iniwanan ang taon na panay ka-badtripan at ka-morbidan lang ang naalala ko.
..Na hindi totoo na ayaw ko sa block ko.
..Na mali ang iniisip ko nung bago ako mag-confirm sa la salle.
..Na hindi na kailangan ng friendster dahil totoong mga katoto ang mga nasa block ko..(at hindi sila 'kuno').

Akala ko kasi dati wala talaga akong magiging fwends sa first year...na hambambuhay na akong loner sa college...pero nag-iba pag dating ng 3rd term...

at higit sa lahat..

..Na nag-enjoy ako sa pagiging frosh ko. Astig.