Sunday, January 08, 2006

An Advisory (besides other things)

On Kupals

Apparently may nag-kukupal sa Anime Community ngayon. Just received this through an email (Omake News Network)

Kung kayo yung tipong hindi palabasa, ang summary lang naman nitong sulat na ito ay dapat mag-ingat ang mga anime groups sa isang tao na nag-ngangalang MIKE ABUNDO dahil sa kanyang Modus Operandi.

Sa Pagkakaintindi ko..
1)Kung merong kayong anime site na puntahan ng tao, kunwari FILCOSPLAY.TK, bibilan niya 'to ng domain, in this case FILCOSPLAY.COM.
2)Tong binili niyang domain, naka-directa sa isang forum na siya ang may gawa, pero hindi naman talaga yung orig na FILCOSPLAY forum. Kumbaga yung traffic na dapat mapunta sa original forum ng filcosplay, napupunta sa ginawa niyang forum, dahil narin sa kalituhan sa web address. Mas madali nga namang puntahan ang FILCOSPLAY.COM, kesa sa s7.invisionfree...at FILCOSPLAY.TK
3)Hindi lang yan. Siyempre hindi naman makakapayag yung mga original na may-ari ng forum kaya nag-dialogue sila. Ang gusto nitong taong to, ay IDODONATE niya daw yung domain name provided na ilalagay nila sa site na dinonate niya yun. Kinukumbinse niya yung mga original na may-ari na total, mas accessible nga naman yung may .com na domain, ay dapat pumayag na sila sa deal.
4)Anu ang kakupalan doon: simple, uungasan niya yung mga original na may-ari dahil pinagkakakitaan niya yung site traffic na dapat ay sa kanila. Hindi lang sa FILCOSPLAY niya ginawa yun, pati ata sa dating PINOYCOSPLAY, at mas maluphet pa, sa ANIME-EXPLOSION. Ang kapal naman ng apog ng taong 'to, ano ho?

Kaya ho sa mga tao, pakabantayan niyo po ang mga domain niyo.

------------------------


Kay Bilis entry.Again.

Grabe, last year ko na ng pagiging teenager. Disin-nuebe na ako. Bilis, parang kelan lang naghahanap ako ng ka-chat sa cellphone at nasabihan pa akong bata dahil 13 years old lang ako nung ginawa ko yon, tapos ngayon, ako na ata ang pinaka-matandaang youth dito sa baranggay namin. Pakiramdam ko ang dami nang nanyari sa buhay ko, pero kung iisipin wala pa ako sa kalingkingan. Medyo natatakot nga rin ako kasi huling term ko na bilang third year, tapos next year fourth year na..nyemas, Senior citizen nanaman ako! Parang kahapon lang yung 2003, nung pinili kong pumasok sa DLSU kasi mas malapit sa bahay,at sinadlak ko sarili ko sa ECE. Tapos ngayon 2006 na! Tama ba naman yun? Grabeng talon from St.Scho the finishing school exclusive for girls to DLSU ECE na wawalo lang ang babae sa isang section. From too much english to too much math. Yung mga babae kong kasama naging lalake na. Yung mga usapang boyfriend/girlfriend, nung high school pang mga popular people lang, ngayon may tatawag sayo sa telepono para lang manghingi ng advice. Nakakayanig ng mundo, pero you get used to it, tapos mapapansin mo, ganun na pala katagal, tatlong taon.

Hindi naman sa pagiging sentimental, pero nagpapasalamat talaga ako para sa mga taong nakilala ko (take note, nakilala), sa mga pangyayaring naranasan, sa mga lugar na napuntahan. Sa nanay at tatay kong nagpapa-aral at nagpapakain samin, sa kapatid kong na ang "sandali" ay equal sa 30 min pag nasa harap ng PC, Sa pamilyang nag-aaway away dahil sa inggit. Yung mga ka-group kong nagpaiyak sakin nung 2nd yr. HS sa harap ng klase dahil bagsak kami sa investigatory project at hindi sila tumulong, yung mga taong feeling ko pinagtri-tripan ako pero hindi pala (ngayong college ko lang na-realize yun), yung mga Taong TROIKA na umiinom ng icetea/toyo/fishball sauce/gravy concotion para sa isang dare at may kanya-kanyang buhay na ngayon, sa ST.SCHO na nagturo sakin kung paano mag-appreciate ng art,maging conio at the same time maka-masa,at nagbigay sakin ng extrang yabang at popularity dahil nga galing ako dun at maraming taga-lasalle na galing doon, kaya maraming nag-hhi sakin(St.Scho powers daw..haha), yung mga taga-PHILOTAKUatPHILANIME na nag-introduce sakin sa mundo ng mga anime convention noog high school, ang ECE block EK ng 2003, na ngayon ay nagdadamayan parin kahit nalagas na ang halos kalahati sa kanila, sa mga prof na nagbahagi ng kwento,pasensya,at katatawanan, sa COE ng lasalle dahil kahit papaano ay hindi boring ang buhay dahil sa mga tsismis na umiikot at sa mga events,sa mga tambay ng ENGWALK - Likod ng Z2 branch na pugad ng mga musikero,magikero,ECES members, mag-ON at marami pang iba,sa mga OPM bands na kinalolokohan ko ngayon, sa ANIME na nagbibigay ng extra entertainment, sa blogger at Y!M na pinagmumulan ng away, sa PANDACAN dahil madaling mag-communte papunta kahit saan..

basta..sa lahat. Para sa inyo tong entry na 'to.

No comments: