Sunday, December 18, 2005

Hay....sobrang tagal na talaga as in..

Yey! Sa wakas bakasyon na namin! At sa wakas makakapag-post narin ako ng entry.
Grabe, sobrang daming nanyari ngayong term! Sige, irerecount ko isa-isa para may matino naman akong entry sa pagbabalik!^^

1.ENG DAY! - 60 years na ang eng..siyempre bongga ang celebration. Dan Dizon ba naman mag-organize eh. Daming pakulo, may souvenir pa na-dog tag! Eto yung block pic namin kasama yung original ORIENT1 prof namin. ORIENT1 yung orientation subject namin nung mga freshman pa kami at buo pa yung block namin. Nakakatuwa nga eh, we were simply having a block pic tapos nakita kami ng prof namin, tapos eto yung naganap:

ProfNamin:"Original Block ba to?"
Kami:"Opo.^^"
ProfNamin:"Sinong ORIENT niyo?"
Kami:"Kayo po!"
ProfNamin:"Ay! Yan sige Picture tayo!"


At yung picture na yun ay yung nasa kaliwa. Madami pang nanyari, astig nung concert nung gabi. Hale bored me..pero at least napanood ko yung sugarfree live, tapos ang angas nung mga MechEng na mga prof na nag-Old School Rock..tapos benta ako dun sa isang prof ng chem eng, talbog silang lahat na nagsasayaw dun! May fireworks pa nung gabi, grabe ang big time talaga. Mga 11:30 ng gabi na natapos, tapos may make-up class pa kami ng 8 kinabukasan sa COCIRFU. Ang galing no?

2.HABITAT FOR HUMANITY - Gumawa kami diyan ng bahay para sa community service namin nung relstri. Isang araw lang kami gumawa kasi sa Home for the Dying and the Destitute yung isang sabado namin. (La kong picture kasi bawal kumuha). Buti nalang talaga hindi maaraw, masarap mag-trabaho. Pinagawa kami ng drainage, kaya kailangan naming mag-pala, piko, at maglipat ng dumi sa kabilang street. Masaya siya, hindi mo iniinda yung pagod kasi marami kang kasama tapos naggagaguhan kayo dun. Masaya siya grabe.^^

3.PROJECT+QUIZ+FINALS = NGARAG at WALANG TULOG - Yan ang mga itsura ng mga estudyanteng nag-kukumahog sa STRC at gumagawa ng project. Yeah, we're rushing, and panicking and all that, but it was fun in a way because you get to bond with your batchmates while waiting for the FeCl to eat your PCB's copper. You're also relieved dahil meron karing mga kasamang nagkukumahog. Nakakausap mo yung mga ka-batch mong hindi mo nakakausap dati. Tapos habang ginagawa namin yan, may mga quiz kami..mga hindi pa kami aral...hehe..masaya yan pramis. Tapos by this time hindi ko alam kung pasado kami or hinde.

4.Making Enemies out of your friends - 'Nuff said.

5.Rigodon ng mga Samahan - Siyempre, hindi naman maiiwasan yan every term, kasi sa kasawiang palad may mga bumabagsak, or some problems on relationships (Note:not related to love). New faces are showing up in our tambayans, and we get to discover new people, and knowing new people, siyempre may mga dalang chizmaks yung mga yan.hahahaha:D

6.Analcom,Cocirfu,MOBOT,RADIO - 'Nuff said #2.


Madami pa yan, hindi ko lang talaga ma-account sa sobrang dami ng nanyari ngayon term.

==============================


Gusto ko lang idagdag...birthday kahapong nga mga troika people na si Crissy at Tina. Nilibre nila kami sa glorietta! Asteeg! Pero ang mas astig pa, nag-kataong may FREE CONCERT ng P.A.R.I.! Siyete! ANG GALEENG TALAGA NG UP DHARMA DOWN! Picture nila yang nasa taas..bad trip hindi ako maka-lapit kasi may barrier. IDOL KO NA SILA..hehe...tapos meron narin akong EMBRACE ng Urbandub! hehe...sa wakassss!

Napanood ko rin yung MTV Homecoming Featuring Aia De Leon ng Imago. Sa St.Scho pala yun nag-high school! Ang astig! Teacher na yung mga naging teacher ko..si Mrs.Isidro, sina Ms. Bucad..tapos yung picture sa taas (na kinuhanan ko sa TV), sa music room ng St.Scho yan. Tapos meron ding binigay na shirt sa kanya, nakalagay KULASA AKO....gusto ko yung Shirt na yuN!!!!

No comments: