some friend of mine is being a prick right now.Anyway..
Yung yearbook. Binasa ko lahat ng entries sa baba ng iba't ibang mukha ng HS '03. Nga pala, opinyon ko to, alang aangal! kung may reklamo kayo, wala akong paki, blog ko to!
Mga obserbasyon:
Mga gasgas na linya
-She's really God's gift
-That's (insert name here)! sa dulo ng description
-She might be a snob but once you get to know her/jive with her..
-She's a really good friend once you get to know her..
-She's a kind, friendly person..
-Thanks (insert name here) for coming into our lives (WTF?!)
Mga frequently said "likes"
-Chocolate. Oo nga lahat naman ng tao mahilig sa tsokolate. Pero marami talagang tao ang mahilig sa tsokolate.
-Purple Hindi lang pala si Shuro ang mahilig sa purple. Maraming HS '03 ang mahilig sa purple.
-Alex Band Marami din akong na-encounter na entries na may pangalan ni Alex Band. Oo na pogi na siya.
Mga stand out na entries
-Yung kay Joan Cam at kay Karen Martin. Yung kay karen lang ya astig yun, yung kay Joan...ermmm....sabihin na nating na-entertain ako? wahehehehehehe...pramis hindi ko kinaya!
Mga general na obserbasyon
-Lahat ng tao sa 4S magagaling, at mayroon talaga silang sariling mundo. Kung hindi math at physics whiz, best debater. Anak ng pating, totoo ba yan? Tsaka parang sila-sila lang ang magkaka-kilala. Dahil siguro apat na taon din silang nag-bonding.
-Maraming Religious. Totoo nga namang sabi sa bibliya na pag-ika'y nanampalataya, huwag mong gayahin ang mga pariseo na bino-brodkast sa buong mundo na religious sila. Pero at least dapat makita mo sa mga pag-uugali nila na maka-diyos talaga sila. Mga isa't kalahati silang mga plastik. Hindi ko naman sila nilalahat, meron talaga akong mga kilalang mga maka-diyos talaga, at isinabubuhay yung mga pananampalataya nila...(that will be 2 on my list)...Maybe i'm just biased,kasi minsan plastik din naman ako at hindi ako mabuting kristiyano, but that's another story.
-Paulit-ulit yung mga description. Pramis, minsan, pare-parehas na mga salita yung ginagamit. Yung iba para maiba lang, mukhang kinuha pa sa thesarus, langya, Gregarious, sang lupalop ng mundo kinuha yun? Lahat nalang ng tao, kind, sweet, true friend, friend who will listen to you, oo na lahat tayo ganun.
-Parang binebenta yung mga tao. The descriptions make the student ideal. Langya, sana pwede mag-lagay ng mga kagaguhan doon. "Elise is a paranoid student na laging iniisip na pinagtritripan siya ng mga tao, its hard to make friends with her, siya ay mukhang gusgusin at may putok.."..parang ganun.
-Maraming tao gusto mag-doktor or lawyer. Sige mag-doktor kayong lahat, para walang kulasa sa engineering. Mwahahahahahah!
-Marami palang mga Mother Theresa sa batch namin. At hindi ako kasama dun. Masama ako eh. So sue me.
-Under the sea ang motif ng yearbook. Who the fuck decided that?
-Besides the pictures and the directories and the clubs, what else? Walang kalokohan sa yearbook. Extra stuff. Yun lang? Corny. Ang lakas kong mag-reklamo eh no? Kung gusto ko ng kalokohan, dapat nag-staffer ako ng PAX! Wakekeke..
----------------------
Tapos namin makuha yung yearook, nag-mcdo kami ni e_kyub. Natanong niya sakin kung ano bang mas gusto ko, college or high school? Sagot ko nung una: Di ko alam eh, bawa't isa kasi kanya kanyang kalokohan. What the yearbook made me realize? That i like college better. Bakit? I realize that I'm surrounded by REAL people in college, nakaka-baba nga lang ng morale kasi mas maraming matalino sayo (feeling matalino nga ako nung HS), pero at least totoo yung mga tao sa college, o sa eng, in particular. I felt that noong high school, ang mga tao, divided into strata, kanya-kanyang barkadahan, mga popu sa mga hindi popu, mga kikay sa hindi. Parang ang hirap maabot ng mga tao noong high school, sa harap mo nakangiti, pero tinatawanan ka na pala ng mga kabarkada sa likod. Parang mas tanggap ako ng mga tao ngayong college, noong high school hindi ko maramdaman na ganoon. Pakiramdam ko noong high school, lahat ng tao hinahamak ka. Pag iba ka, kakaiba ang tingin nila sayo. Mga isa't kalahating plastik, ika nga. Pero uulitin ko lang, hindi ko nilalahat. Siyempre nandyan ang TNTC, at mga dalawang dosenang totoong taong naencounter ko noong HS.
Ngayong college, malay ko ba, baka parehas din sila ng mga tao noong HS at hindi ko lang alam, pero at least hindi ko nararamdaman na ganoon. Hindi ko nararamdaman na plastik sila. Tsaka medyo mayabang na ako ngayong college eh..wahehehehe..tama ba yun? O baka biased lang ako kasi there's this grudge/insecurity/feeling-ko-pinagtritripan-ako-ng-buong-mundo-noong-highschool angle...WTF?...yun lang.
5 comments:
Helpful info. Lucky me I found your website unintentionally, and I am surprised why
this coincidence didn't came about earlier! I bookmarked it.
Look at my blog ... What is a Paramedic?
I just could not leave your website before suggesting that I extremely enjoyed the usual
info a person provide in your guests? Is going to be again regularly in
order to check out new posts
My web-site : Local News aggregation website
Malaysia & Singapore & brunei greatest on-line blogshop for wholesale
& supply korean accessories, earrings, earstuds,
pendant, rings, bracelet, bracelet & hair add-ons.
Promotion 35 % wholesale markdown. Ship Worldwide
Also visit my homepage :: paku stitch
Malaysia & Singapore & brunei ideal on-line blogshop for wholesale & quantity korean
add-ons, accessories, earstuds, pendant, rings, bracelet, hair & trinket accessories.
Offer 35 % wholesale markdown. Ship Worldwide
Have a look at my web page ; programas de memória
Thank you for sharing your info. I really appreciate your efforts and I will be waiting for your further post
thank you once again.
Also visit my web site Full Review
Post a Comment