Friday, June 24, 2005

Mga bagay na you could learn from Manong Driver.

The DotA game ended in Surf Trip and the players were making bayad na so I decided to go home.It almost 9 o'clock pm na and so I made para the jeepney along taft near Yellow Cab. Walang tao in front so I rode sa harap. Maya-maya there's this smell, it smelled like alak. I make silip in the back and then there's this mama who looks like a taong grasa. And he's drunk! My God I felt I bit scared 'coz you know he might make wala-wala and make saksak me with his payong. But you know what the mamang driver was talking to the taong grasa, being patient I guess. The drunk tg dropped off at Quirino and I was relieved. I said to the mamang driver..

"Ma, nagbayad ba yun?"
The mamang driver didn't sagot me.
"Nakakatakot eh, baka mamaya saksakin tayo ng payong nun.." I said, pabiro
The mamang driver said..
"Matino namang kausap yung mama eh.."
"Di katulad ng ibang tao diyan, maayos nga yung itsura, bastos naman."
Ouch.
"Dapat sa mga ganyan kinakausap ng maayos. Kasi sasagutin ka naman niyan ng maayos eh. Yung ibang tao naiilang, gaya mo kanina diba? Naiilang ka.."
Oo nga.

I do not remember what I said and what the mamang driver said pagkatapos nun. Basta all I remembered that I was made pahiya by the mamang driver. Mabait naman yung mamang driver eh. Tinanong pa nga niya me kung saan ako baba. I told him to drop me off sa tapat ng PGH. Then I went home na.Grabeh whatta night...and it was raining really hard pa.

*****

Nahihiya ako sa sarili ko. I became something I loathe. Putsa, ako tong aasta asta na hindi ako konyo, tapos pinamuhka sakin nung mamang drayber na ganun ako. Para tuloy nag mukha akong makasariling konyo na galing ng La Salle, na walang ginawa kundi mandiri sa mga taong hindi niya ka-lebel. Iniisip ko takot lang ako nung gabing yun, pero hindi eh.

Siguro yung mama, anghel na pinadala ni lord para paalalahanan ako na magpahalaga sa kapwa ko. Pero tangina talaga, nahihiya ako sa sarili ko pramis.

Kung hindi niyo nagets yung entry sa taas, I was being sarcastic by the way.

No comments: