Naranasan niyo na bang ayaw niyo nang bumangon? Na gusto niyo nalang itulog lahat...yung hindi mo na trip tumayo kasi parang naiisip wala naman talagang dahilan?
Ang hirap ng ganyang pakiramdam...at ganyan ako ngayon.
Tuwing gigising nalang ako..naiisip ko kung bakit ako gumising...kung bakit ako pumapasok sa isang course na nabuburyo na ako dahil sa bawa't araw na pinapasukan ko siya ay nalalaman ko na
1)hindi ko naman talaga siya gusto.
2)Na hindi ako bagay don.
3)At mukhang ayaw ng course sakin.
Na bawa't araw gusto ko nang magshift pero pinipigilan ka lang ng panghihinayang. Na kasi sayang naman ang pagiging regular (ala pang bagsak)at sayang din ang mga gabing pinagpuyatan.Na sayang ang pagkamahal-mahal na tuition. Wala akong dahilan para mag-excel sa academics kasi tinatamad ka...at dahil hindi mo narin kaya mag-excel. Wala akong natututunan. Nagiging routine nalang ang buhay. Papasok ka at uuwi.Mapapakahirap pumasa upang isadlak ang sarili mo sa mas mahabang paghihirap na ang pangalan ay MAJOR SUBJECTS. Na ang mga kaibigan mo minsan kaibigan mo at minsan hindi. Na ikaw mismo hindi mo alam kung kaibigan ang turing mo sa kanila o hindi. Hindi mo alam mo bakit ka nag-aaral? Para pumasa? BAkit gusto mong pumasa? Kasi mahirap bumagsak? Eh para san naman yon? Para maka-graduate na ng may matinong course sa isang matinong eskwelahan? At mahirap gawin yon lalo na pagwala kang motivation.
Yan ang sitwasyon ko ngayon. Wala akong motivation. Nasa estado ako ng katamaran. Darating din ang panahon na magbubulakbol ako..ay hindi pa pala...sayang yung tuition. Nararamadaman ko lang na wala akong motivation...na walang kwenta ang buhay...nagkakakwenta lang pag may kwentuhan at tawanan..na minsan lang manyari. Na wala ring kwentang subukang mag-achieve sa academics kasi hindi mo rin naman kakayanin.
At wala kang motivation...me paki ba ang mundong ginagalawan mo? Wala. Kaya kailangan mong magpatuloy..kahit sabihing mong tinatamad ka..na wala nang dahilan...kasi kelangan mong maki-ride sa pag-ikot ng mundo...mahirap nang maiwanan.
At kung sino mang kumag ang magbibigay sakin ng purpose driven life....upakan ko kayo.
No comments:
Post a Comment