Saturday, July 10, 2004

GUSTO KONG GUMAWA NG TELENOVELA

Haha. At anak ng pateng nasa engineering talaga ako. Wow. Dapat mag-shift na ako ng communication arts...kung ma-pera ako mag-f-film major nalang ako! Susundan ko ang yapak ni Quark Henares da astig direktor.Pero..naaahh.

Naka-panood nanaman kasi ako ng isang ending ng telenovela. Yung Sana'y Wala Nang Wakas ng dos. Hehe..maka-dos ako sorry. Hindi ko makita ang innovation masyado sa Siyete. Kakatapos lang ng "Historic Finale" kuno habang tina-type ko to. O sige, medyo innovative yung "Historic Finale" pero nandoon parin yung iyakan na aabot ata ng 10 minuto at galon galon na eye-mo na pinag-gagagamit at yung mga sobrang kesong mga dialogue na sinisingitan ng mga "witty" dialogue na wala sa lugar. Pero wala akong masabi sa cinematography. Bow ako. Ang galeeng..lalo na yung pagkakakuha nung kasal ni Ara at Christian...ang galeng wala akong masabi. Pero sinira nung sobrang haba at keso nung palitan nila ng pangako nag-tataka na ako kung bakit hindi naiinip yung mga bisita sa kasal.hehe.

Lolz. Lumalabas nanaman ang pagka-baduy ko. haha..si bom ay nanood ng mga telenovelas.

Pero...hay. Umaandar nanaman ang achuchuchu sa aking utak. Yep. Gusto kong gumawa ng telenovela.

Pero hindi ordinaryong telenovela.

Gusto ko yung telenovelang hindi telenovela. Yung nakakatawa pero hindi kwelanovela.

Yung bida hindi artista. Gusto ko ordinaryong teenedyer. Hindi maganda. Hindi panget.
Ordinaryo lang. Magpapa-audition ako at pagnakita kong kikay yung nag-aaudition bagsak agad.
Pag gusto niyang mag-artista siya dahil gusto niyang sumikat bagsak din agad. Kung gusto niyang malaking sweldo, okay lang sige. Pero dapat marunong siyang umarte..o di kaya natural na sa kanyang maging ordinaryo..hindi naman niya kailangang umiyak parate eh...yung natural na sa kanya na maging dark (hindi maitim) at witty. Gusto kong bida astig na babae pero hindi naman yung sobrang astig na rocker na ang dating na naninigarilyo at nag-chochongki. Gusto ko nga yung ordinaryong tao lang pero may attitude. Parang ganun.

Yung storya, hindi madrama, hindi rin masyadong comedy. Ordinaryong buhay. Seryoso pero nakakatawa. Pero hindi yung typical na teenage drama. Yung binu-bully, yung mga matataray na kikay girls. Hindi naman ganun sa totoong buhay. Bawal ang bullying sa skwelahan. Yung mga kikay hindi naman talaga nagtataray ng walang dahilan. Tsaka nandyan lagi ang mga stereotypes...mga cheerleaders, mga swabeheng lalakeh, at lahat na ata ng bida may problema sa lovelife..ganun nalang lagi eh. Kelan ba na feature sa isang teen-oriented telenovela ang mga nakaka-asar na magulang, mga problema sa barkada, pagpunta sa isang gig, paglalaro ng counter-strike, mga asaran na hindi scripted, paggawa ng project, buntisan, chongki, yosi, inuman, anime, pahirapan makipagkaibigan, pera, paggawa ng banda, pagbasak sa mga subject, katomboyan, kabadingan, kajologan, kaastigan. Tsaka bakit ang mga bida laging magkakalapit ang mga bahay, laging nasa isang village, eh pwede namang 2 linya ng LRT ang layo ng mga bahay ng magkakabarkada. Bakit ang mga probinsiyana at mga lalaki magdamit na babae pag-minimake-over na nagiiba na ng personalidad? Anu yung nadadala ng peer pressure ng mga kikay niyang kabarkada? Napaka-stereotyped talaga ng mga teen-oriented series dito sa pinas.

Yung cinematography (naks!) nung telenovela..gusto ko laging thought oriented sa bida...tapos makikita yung mga iniimagine nung bida...kahit nakakatawa yun...yung fast forward focus sa bida..tapos yung mga iniisip niya tungkol sa iba't ibang tao at sa ibang sitwasyon...tapos hindi lang basta basta yung pagkuha sa setting...kahit ordinaryong apartment lang yan magmumukhang mansion dahil sa cinematography! Me black and white at may colored, basta gusto ko magmumukha siyang witty pero hindi lang dala sa dialogue nakikita rin sa pagkakalabas ng mga eksena.

Iniisip niyo siguro...hindi na telenovela hinihingi ko..reality tv na. Hindi telenovela pero documentary..gusto ko talaga kakaiba...hehe...pero alam kong impossibleng manyari to. Sino ba namang tao ang gusto manood ng realidad...eh meron na nga sila nun..sino bang gustong manood ng palabas na hindi maganda o pugeh ang mga bida...pero wala namang masama sa pangangarap...hindi naman to impossible kasi hindi naman kailangan ng high tech na mga kagamitan na wala ang ating entertainment industry ngayon.

Waah....at nasa engineering talagah akoh....nyahahahahahahahha....oo na mayabang na ako.
Gagayahin ko si Quark Henares...hahanap ako ng mga magulang na kasing astigin ni Atom Henares at kasing kontrobersyal ni Vicky Belo...tapos gagawa ako ng bagong genre ng telenovela...tatawagin ko syang docunovela...tapos hindi na magiging cliche ang mga telenovela dito sa pilipinas...at titigilan ko na ang walang kabuluhan kong pagppost.

No comments: