Monday, December 15, 2003

Okay. Medyo mahaba-haba ang isusulat ko ngayon kaya..err...to start things off..

Kay Ate Meian..nalagay ko na sa fanlisting section ko yung code ng podn blogs sa wakas..hehe^^v

***************
Kung ikaw ay isang anime fan malamang ay alam mo na merong major event na nangyari kamakailan lang..noong saturday at sunday. Ito po ang *drumroll please* C3 CONVENTION! Yep. I was there..sang araw nga lang..noong saturday. Anong pakiramdam ko noong araw na yon? Halo. Badtrip na Goodtrip na hindi ko alam. Dahil sa mga dahilang..

*Medyo letdown ng konti kasi wala akong taga-troikang
kasama *ahemahemtamaannaangtamaan* Pero okay lang...naiintindihan ko kayo....

*WALA AKONG PERRRRRRRRAAAAAAAAAA! AS IN! And to think na ang daming pwedeng bilin don! At eto ang mga listahan na bibilhin ko sana kung me pera talaga ako..
1)CCCOM issue 13
2)Tshirt ng C3-seryoso..para meron akong maipakita sa mga sa block ko..hehe...*yabang blues ulit*
3)Pin ng CCCom-para bagong isasabit sa bag
4)Ground zero- Sa tingin ko sa C3 lang talaga ako makakabili ng comics nila...kahit hantingin ko pa ang iba't ibang mall na kaya kong hantingin....waaahhhh...
5) Pugad Baboy disi-sais- Waaaahhhh.....pugad baboy yon! And to think kung bumili ako non pwede ko pang pa-autograph kay Idol Pol Medina Jr.
6)VCD NG Gluhen!- Ang dameeeng nagbebenta ng VCD don...promise!
7)Pagkain- yep. Pagkain. Kumain ako sa bahay para hindi ako gumastos at maka-uwi pa. Habang nakatamabay ako non gusto kong kumain.

*HINDI KO NAKITA ANG STAY AWAY ENTRY NA NA-PLAY SA MAIN SCREEN!- Wala lang. Kahit hindi kami manalo *inaasahan na talaga namin yon* basta makita ko lang mapanood ng tao yung video namin...masaya na ako don.
hindi na-fullfill ang aking sense of acheivement..and to think na maraming sakripisyo ang taong troika para sa video na iyon..

Goodtrip parin dahil....

*NAKITA KO ANG RIVERMAYAAAAAAAAAAAAAAA!!-Yep. Nagperform live ang rivermaya sa C3 as suprise guest. Talagang na-suprise ako! ASTEEGGGGGGGGGGGGG!!!!!AHAYYYYYYYYYY!PAPA RICOOOO!ANG SARAP MONG DAKMAIN!!!!!ASSSTTTTTTEEEEEGGGGGGG KA TALAGAAAA! ILABSHU!AHAHAYAYAHAHAYAAYYYYYY...hehe...lumalabas ang tunay kong kulay.... panira ng image..

*Nakita ko si Idol Pol Medina Jr..ang may gawa ng pugad baboy. Sayang hindi ako nakakuha ng autograph.

*At marami akong nakitang tao...hehe..especially galing PODN...at sila ay sina...in no particular order..

JC,Cheska at Michiko- Nope. Hindi po sila taga-PODN. Sila'y mga friends ko sa lower batch sa scho..saya ng kwento niyo...hindi ko alam na mahirap pala ang entrance test sa La Salle Ngayon...grabe..good luck sa inyo..^^v

Karina- Hello! astig ng Indie niyo! Yan lang ang binili ko sa buong Con..seryoso..

Renchan- Thank you po sa CD. Huwag po kayong mag-alala...isosoli ko yan! Ngayon ang problema ko nalang ay kung paano paganahin ang CD sa PC ko at me period nanaman ang PC ko. Naks naman...ang galing mag-voice over...

Ate Meian-hehe...sure ka gagawan mo ako ng layout? Kung totoo man yan..ay thank you po! Ang mga ateng katulad mo ay pinagpapala..hehe..basta huwag kang hihingi sakin ng sports car ah...

Ate Presea- HINOTO-SAMAAAA! Hehehe..sa mga hindi po nakaka-alam siya po ay nag-cosplay as Hinoto ng X/1999. Hindi po biro ang ginawa niya dahil medyo komplikado (at mahal) yung kasuotan ng kanyang character... instant celebrity po ang bruha....finalist pa siya na deserve naman po niya..hehe..hello po!

Amerei- Sa wakas! Nakita ko narin ang alien sa katalinuhan! Hellooo po! Tuwang-tuwa siya dahil nakita niyang nag-perform ang student council officer nila sa Battle of the Bands....kung hindi ako nagkakamali...

Ate Mara aka Marqeaux Urameshi - Ang friendly niyo po sobra! Makwento pa kayo..hello po! Sorry po kung kinulit ko kayo sa text noong sunday....hehe...

Zechs- Siya ang nakinabang sa ballpen na dinala ko noong c3...hehe...nakwento ko na sa isang taga-troika yung sinulat mo sa papel...malamang nakarating na kay shuro yon...hehe...^^v

Silver Moon- Nagulat ako sa reaction niya noong nakita niya ako.....hindi ko talaga alam kung ba't ganoon yung reaction niya...hehe..hello po..

ZannyWammy- Asteeeeggggg...nagcosplay as Sakura Kinamoto...nakahanap pa siya ng Tomoyo niya...hehe..^^v

Kyokou- Hello po. Hindi ko po siya masyadong nakausap kasi me iba po siyang kasama.

Bluewind- Ang haba pala ng buhok mo..hello din!^^v

Bryan- Err...hindi ko rin siya masyadong naka-usap.

Ano pa bang meron sa c3...ah..

*Err...merong dalawang cosplayer...si GunMage Yuna at GunMage Rikku. Seryoso...para silang mga model. Maganda na Sexy pa at carry nila yung mga costume nila na maganda rin ang execution. Crowd Favorite sila at hindi sila tinigilan ng mga Pictures buong maghapon! No wonder nanalo sila ng 3rd place sa Competition. Seryoso. Ganda nila. Nakaka-tibo...swear!

*Kapansin-pansin ang dami ng booths! Seryoso! Ang daming merchandise na pwedeng bilin!From VCDs to Action Figures to Inflatable Porings to Comics to CCcom merchandise...kulang nalang magbenta sila ng aliw..

*For some reason ang konti ng tao...hindi ko lang alam baka sabay-sabay nawalan ng pera ang mga tao o sadyang bad timing talaga ang mga tao..

*Ang astig noong Short Entry Film na Mala-Matrix. Ang astig ng effects at kahanga-hanga ang editing! Professional talaga! Bidang-Bida! Ang galing-galing!Hands down ako grabe! Meron ding mga animated entries na mapapasabi ka ng SIYET!PAANO NILA GINAWA YANNNN????!!!

*Instant Celebrity si Hinoto..haha...at sa sobrang haba ng kanyang costume eh naging assitant pa kami ng mga ibang taga-PODN...nagkaroon pa kami ng Stage exposure..nakakahiya...nyeheheh...

*Hindi ko na-ikot ng maayos ang mga booths...wala kasi akong kasama eh..saka nahihiya akong tumingin..wala akong pera......*sobsobsobsob*

All in all...organized at maayos talaga yung event. Magaling talaga mag-organize ang CCCom...kung sino man ang behind sa event na iyon...saludo ako sa inyo mga kapatid.

Too bad. Sa tinigin ko talaga hindi ko siya na-enjoy fully.

Oh well. Ganyan talaga..

And one more thing..hindi ko nakuha yung video. Yun lang talaga ang main reason ko kung bakit ako pumuntang c3.

No comments: