haha...ngayon lang ako nagpost. Hindi kasi ako de-prepaid ngayon. De internet cafe lang ako...at pambayad ko pamasko ko.
Err...ano ba. Belated merry christmas sa inyong lahat. Na-get/got over ko na yung Hindi ko pagiging DL...yep. Ganyan lang talaga ang buhay...haha..Bawi nalang daw next term.
Ano bang nanyari sa akin ngayong pasko? Hmm...pagkatapos kong kumain ng Ispaghetting Puti noong noche buena ay deretso tulog ako at hindi ako maka-pag PS2. Masayang gumising dahil isusuot ko na ang get-up ko at magsisimba..hehe. Nakoh..ano tong nanyayari sakin...nakikiporma narin kagaya ng mga kasing gulang ko..hehe....
Hmm...ano pa ba..yep. Isa kami sa mga katangi-tanging pamilya na pumupuntang sementeryo pag pasko. Naburat lang ako kasi mahabang kwento. Basta..pinag-lead nanaman ako ng prayer sa puntod. Sabihin niyo nang masama ako para hindi magdasal...pero ano ba? Marunong naman kayo mag-dasal di ba???!!! Tapos pagdadasalin niyo pa ako ng rosary na hindi niyo naman maintindihan kasi Ingles?? Yan tuloy...siguro binato na ni Mama Mary yung mga rosas na nakarating sa kanya kasi sapilitan lang yon. Ang pinupunto ko lang dito eh mas magandang magdasal noong spontaneous at taos sa puso...hindi yung memorized prayers na hindi mo naman maintindihan ang totoong ibig sabihin...Aarrgghh..eto lang talaga ang ayaw ko sa pag punta sa Sementeryo.
Anong pinagkaka-abalahan ko ngayon? Final Fantasy X-2....frustrated ako at hindi ko matatapos ang laro ng 100% story complete....*At may walkthrough na ako non*...sinusubukan ko nalang na makarami ng percent as much as possible...hay..letche yung mga boss..mahirap matapos.
Err...naka-1,600 ako noong pasko. Nangalahati ba naman?! Pinambili ko kasi ng regalo sa mga kamag-anakan at sa troika people...yep..naka-800 ako...ganyan ko kayo kamahal...drama ba daw?! Hindi ko talaga alam kung paano ako umabot ng 800...mura lang naman yung mga pinamili ko...pero inabot ako ng 800. Hoy..mga troika people...kelan pa tayo magkikita-kita para mabigay ko mga regalo mo..
No comments:
Post a Comment