Thursday, May 13, 2004

Raketeering

Hay. Tapos na ang Eleksyon sa bansang pilipinas. At tabla ang laban ni Manny Pacquiao dahil dun sa kanong judge na mali na scoring. At hindi ko ilalagay ang mga binoto ko dahil hindi pa ako bumoboto. Pero ang astig ang tatay ko...iboboto niya daw dapat si Ping. Pero nag bago siya ng isip dahil...

"..yayaman nanaman ang mga intsik."

o san ka pa. Yan ang astig na sagot.

-----------------------------------------------------------------

Sa likod ng eskwelahan ang tindahan namin. At dahil nga sa eleksyon ay namili kami ng mineral water. Laking gulat ko nalang ng wala ata kaming nabenta kahit isang bote ng tubig.
Tsktsk...hindi patoksky ang business. Hehe..at least marami kaming mineral at hindi na kami bibili.

Pero anu nga bang mga business ang pumatok ngayong eleksyon. Eto lang mga obserbasyon ng mga kagaya kong purgang purga na sa kampanya..

1) Sitsiteros (Poll watchers) - yung mga sumisitsit diyan sa tabi at nagsasabi na "iboto niyo si ganyan" na may malaking ID na nakalagay yung logo ng kandidato nila at naka-tshirt na may mukha ng kandidato nila.
Bayad: 200-500. Kukunin sa Baranggay Chairman.
Rating: Not bad?

2) Basurero (Flyer/sample ballot Distributor) - mga namimigay ng flyers sa kahit saan..habang nag-babahay-bahay ang mga kandidato, sa mall, sa labas ng mga eskwelahan, sa kalye. Ang mahilig sa ganito si Bro. Eddie..o siya lang lagi na-eencounter ko.
Bayad:Siguro kaparehas din ng mga poll watcher.
Rating: Not enough. Nakakapagod din to lalo na pag summer. Kulang pang mineral water at softdrinks.

3) Nangiistorbo (Jingle Sounder) - mga owner jeeps/sasakyan na me nakakabit na loud speaker sa bubong na nagpapatugtog nonstop ng iba't ibang version ng Spaghetti, Bulaklak, Lagot ka, one for each congressman or councilor. Me mga banner na nakakabit sa kanilang mga sasakyan at iniikot nila bawat kalye tuwing umaga o habang tanghali kung saan nag siyesiyesta ang mga tao. Dedicated ang mga ganito samin kaya memorize na ng mga bata at yung baliw sa kanto yung version ni Oliver Ibay ng kanta ni michael jackson.
Bayad: Malamang mas mataas sa mga sitsiteros dahil gagastos ka rin sa gas.
Rating: Hindi maganda pag wala kang auto.

4) Tagadag boys (Banda) - Kahit mapa-3 lang kayong me mga dala ng snare drums na suot lang ay ordinaryong tshirt at shorts, o mapa-full marching band kayo, okay lang. Basta kaya niyong mang-gising ng tao ayos. Nakikita lagi sa mga kandidatong nangangampanya, gumagawa ng ingay para malaman na makikipagkamay sila.
Bayad: Mahal siguro kasi hindi lahat ng councilor gumagamit nito. Me kasamang softdrinks at sandwhich siyempre dahil nakakapagod umihip habang naglalakad.
Rating: Hindi pwede ang tinadtad na tansan at lata ng gatas.

5) Epal (alipores ng mga kandidato) - Its either kamag-anak niya kayo o sobra kayong dedicated dun sa kandidato. Kayo yung mga naka-chaleco na may nakatatak na pangalan ng kandidato sa likod, nagdidikit ng poster sa mga pader habang ang iba niyong kasama ay kinakatok ang mga bahay at iniistorbo yung mga nakatira don.
Bayad: Wala kung volunteer ka, kung meron, ay siguro malaki-laki dahil sa dami ng epal na nakikita kong nakapaligid sa mga kandidato.
Rating: Para sa mga walang magawa sa bahay.

6) Yantoks (Security) - Baranggay Tanod o kahit sinong me hawak na mga yantok (yung mga ginagamit sa arnis) na nakapaligid sa mga kandidatong tumatakbong congressman pataas. Kung ang hawak mo ay hindi yantok at meron kang batuta, baril, at motorsiklo, aba, mas angas ka at malamang na mas malaki ang bayad sayo. Pero matindi ka na talaga kung naka barong ka, naka-shades, may earphone at me radio kang hawak...siguro Presidential level na yang binabantayan mo.
Bayad: Malaki. O usual kasi trabaho mo nga yon.
Rating: Hindi basta-basta...ang bayad.

7) PLDT/MERALCO boys (taga-kabit ng poster) - Para sa mga walang takot at buo ang loob...na umakyat ng hagdanan at magkabit ng mga banner sa mga building at sa kable ng kuryente. Ginagawang piyesta ang isang baranggay na hindi naman nagcecelebrate ng piyesta. Kelangang me hagdanan at sasakyan na pick-up, lalagyan ng mga banner in different sizes, shapes and colors.
Bayad: Siguro per poster ang singil ng mga to.
Rating: Pwede na sa fear factor.

8) Executioners (Events Execution) - Mga taong naka-sakay sa isang truck, o higit pa. Titigil sa gitna ng kalye. At inches from the site, ay parang magic na lumalabas ang mga stage na kahoy, with matching sound system pa courtesy of the Sound Mobiles na ang racket ay mga ordinaryong debut at weddings lang! Pagkatapos ng palabas ay magic ding nawawala ang mga stage.
Bayad: Malaki.
Rating: Di pwede sa mga small time.

9) Mighty Bonds (Taga dikit ng posters) - Mga taong bidang bidang tuwing gabi at madaling araw..kung saan ay pwede silang magdikit ng poster kung saan-saan ng hindi nasisita. Nagugulat nalang ang mga may-ari ng bahay na biglang nagkaroon ng poster ng kandidato sa kanila, at magugulat ulit ng garapal na pinatungan ng poster yung poster na garapal na dinikit sa pader ng bahay. Ang karaniwang dala ay sirang walis, isa o dalawang lata ng pintura na may lamang gawgaw formula at mga poster, siyempre me baong Red bull o di kaya extra joss pampagising dahil nga sa madaling araw sila nagdidikit.
Bayad: Siguro per kilo naman ang singil ng mga to.
Rating: Para sa mga hindi makatulog sa gabi.

----------------------------------------------------------------------

Kahit papaano siguro ay naencounter niyo na ang mga taong yan...lalo na dito sa may amen...kasi pumunta dito si LPG! Este si FPJ pala dati..mwehehehe..

hay...basta kung sinong manalo...sana magkaron sila ng initiative na maglinis ng mga poster nila..mahiya naman sila sa balat nila..ginawa nilang basura metro manila.

No comments: