Thursday, April 29, 2004

Hindi-na-Freshman blues..err...greens..

"Hindi ako Mag-La-La Salle! Hindi kaya ng magulang ko don!"

"Basta sa Ateneo ako."

Gusto kong tawanan ang sarili ko. Sinabi ko talaga yan..mga kalahating taon dati. 4 na eskwelahan ang pinagpipilian ko..Mapua, UST, Ateneo, at La Salle. Letse kasi UP eh. Ayaw akong tanggapin. Hmp!
Ang course kong pinasahan sa mga eskwelahan na yan pare-pareho. Bachelor of Science in Electronics and Communications Engineering. Isang course na hindi ko alam kung bakit ko kinuha...hanggang ngayong 2nd Year na ako.

Quarsem sa Mapua. Hindi kaya ng kapangyarihan ko.

At sa hindi malamang dahilan, ay hindi ko pinili ang USTE..siguro nalayuan ako. (pero mas malayo ang ateneo)

2 nalang ang natitira, Ateneo at La Salle.

Malayo ang Ateneo. Pero pag gawa na ang LRT 3 wala nang problema. Hindi pa gawa ang LRT 3 dati.
Dalawang Jeep lang ang layo ng bahay sa La Salle.
Parehas lang sila ng tuition fee.
Trisem sa La Salle, (halos) walang Bakasyon. Tapos ka ng 4 years at isang term kung regular.
Semestral sa Ateneo. Pero 5 years ka namang mag-aaral.
Bihira lang ang nakakapasa ng Entrance sa Ateneo.
Parehas silang Konyo school.
Maraming Kulasa sa La Salle.
Nakakasawa na ang Taft Avenue.
Mamang ako sa Katipunan at Quezon City.
Bago pa lang ang engineering sa Ateneo.
Naimbitahan pa ako sa Open House ng Engineering sa Ateneo.
Pamilyar na ako sa Taft Avenue, at sa mga lugar na nakapaligid dito.
Hindi ko alam kung pano mag-commute sa Ateneo.
At Malaki masyado ang campus nito, walang jeep, trycicle lang.
Patay ka pag wala kang tsikot sa Ateneo.
Maraming Jeep na dumadaan sa Taft.
Madaling makauwi galing sa Taft.
Maganda (daw) ang engineering sa La Salle.
Parehong maaksaya sa Plantsa at Sabong Panlaba dahil walang uniform.
Parehas na merong konyo crowd.
Astig pa-nakagraduate ka sa parehas na school.

Sa dulo, kinain ko rin ang mga sinabi ko. Nakita ko ang sarili ko na naghahabol sa Last Day ng confirmation sa La Salle,nakapila sa labas ng registrar's office, naglalaro ng gameboy habang naghihintay.

"Sabi ko sayo sa La Salle ka mag-aaral eh. You're meant to be!" O parang ganon sabi ng kaibigan ko. Ulul.

Pero may point siya. Lang ya, kinain ko talaga mga sinabi ko. Pati mga kabarkada ko hindi maka-paniwala kasi akala nila sa Ateneo talaga ako mag-aaral.

Hindi na bago sa akin ang maka-rinig ng ganito..

"O? Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba sa Ateneo ka?"

"Wala eh. Malayo Ateneo." Sabay kibot ng balikat.

------------------------------------------------------------------

LPEP o La Sallian Effectiveness Program. Orientation saming mga bagong rekrut. Ang tawag sa species namin ay "froshies", o diba? Term pa lang tunog konyo na.

Eto unang pagkakataon na na-explore ko ang eskwelahan..putek..halatang pinagka-gastusan ang landscaping..at ang building hindi tao. Malamang Building na siya eh.

Nagsign-up kami. Wow, daming freebies. Me notepad at ballpen kami courtesy of Polothemintwiththehole, me libreng gel, at may mini-handbook kami na parang Culture Crash ang pagkakalaminate at ang astigin ng design. Dapat lang. Mahal ang binabayad namin sa syeteks na eskwelahan na to. Meron palang libreng gel courtesy of Tricks (aanhin ko to?) at isponsored lahat ng organizers..lahat sila naka Lee Girl at Lee Guy na t-shirt (hindi daw mr.lee kasi pirated daw yun.)..at siyempre green ang font. Magtaka kana kung blue yan.

Ang sumunod ay isang programang inihanda ng mga Organizations sa sobrang haytetch na auditorium ni Yuchengco. Una me misa, tapos me speech galing sa alumni na nagkkwento tungkol sa kung gaano ka-galing ang Eng program ng La Salle at tapos nagpakitang gilas na ang mga orgs. Magaling. Astig..^^v

Sunod ay interaction sa mga ka-blockmates. Dito ko nakilala ang mga magiging kasama ko sa loob ng tatlong buwan ng first term. Bukod sa mga usual na tanong..hindi ako umiimik. Pagpasok ko nga ng second day ng LPEP? Ang ginawa ko? Nagpaka-loner at ng Gameboy! Ha...napaka-intimidating siguro ng dating ko non..walang kumakausap sakin...hehe..me katabi akong mahilig sa anime..pero hindi ko nalang kinausap..ewan ko ba sa sarili ko.

--------------------------------------------------------------------

First Term, panahon ng adjustments at tanggalin ang paninibago. Panahon din para mas makilala mo ang mga kablock mo dahil buo pa kayo ngayong term na ito. Ito ang panahon na aapat lang ang kaibigan ko sa block. Parang ganon kasi sila nalang lagi kasama ko. Hindi pa ako pala-imik pag kumakain kami. Mukha lang akong epal don..yung tipong sinasama kasi nga walang kasama....habang ang iba ay attached pa sa kanilang mga maliliit na grupo...o siguro malalaking grupo. Mahahalata mo talaga kung sino ang close kanino. Sila lang kausap ko..para bang wala akong mga ka-block kundi silang apat, kahit hindi nila ako kinakausap (yung 2 hindi ako madalas kinakausap). Nagmuhka tuloy akong mahirap lapitan.

Maswerte ang term na ito at ako'y Dean's Lister. Pero katulad nga ng sinabi ko sa nanay ko...first and last na DL ito. Hindi ko pa ramdam ang pressure ng academics.

At nawala ang cellphone at wallet ko dahil iniwanan ko sa inidoro.
Buti nalang wala pang ID.

--------------------------------------------------------------------

Second Term. Dahil sa academics, may mga natanggal sa block.

Yung isa kong ka-close, nalulong sa Ragnarok. Nagpapapasok dati, pero nawala din. Naging boss na daw siya sa Ragnarok sa sobrang ka-adikan niya.

Yung isa, laging kasama ang boyfriend niya.

Yung isa, nadeblock dahil sa academics.

Dalawa nalang kaming natira, at hindi ko siya madalas kausap.

Nasira ang barkadahan ng ibang grupo, me mga umalis at lumipat, me mga na-deblock.
Pero kahit ganon, me mga nabuo. At hindi po siya baby.

At nabuo ang magic boys ng block..mga taong nag-mamagic the gathering na tumatambay sa mga lamesa sa tabi ng Velasco (Engineering Building).

Kahit na nagmumukhang tanga minsan dahil hindi marunong mag-magic, ayos lang. Masaya silang kasama, medyo magulo, pero masaya. Ayos lang kahit nakaka-OP, nag-iisang babae sa grupo ng 9 na lalaki, at hindi marunong mag-magic.

Nagkakakilala na ng husto ang mga tao. Naroon pa rin siguro ang mga grupo..pero dahil narin siguro sa kakonti-an at sa panahon..mas naguusap na ang mga tao. At dahil narin siguro sa mga engineering math subjects na parang judges sa starstruck at star circle quest kung mangatay...

Sablay sa academics..pero wala paring bagsak. Pamilyar na sa Engineering bldg. at sa mga kalapit na building na ito, ngunit hindi sa buong la salle.

--------------------------------------------------------------------

Dumami ang mga nalaglag.Third Term. Na-dissolve halos lahat ng blocks. Damay ang block namin. Madaming lalong na-irregular, umalis ng bansa, bumigay na sa pag-aaaral at nag Leave Of Absence.

Ang buong block nahiwalay sa iba't ibang blocks. Tatlo kaming regular sa isang block. Iba't ibang tao ang mga nakilala ko..galing sa bagong block. Pero hindi ko sila ganung kinausap. Kausap ko madalas yung mga ka-block ko.

Ibang pakiramdam...hindi mo na kasama mga kasama mo dati..mahirap lalo ang mga subject..at dahil 3 kayo...laging me isang naka-tokang ma Left Out. Ito ang nanyari sakin ng sinulat ko to..

Friends, lolz, meron ba ako non? haha..ewan.pakiramdam ko wala...sa
mga kablock ko..Yung ka-close baga...wala. Mga kasama ko kinakausap
ko ng konti, ako kinakausap nila pag manhihiram ng liquid paper,
manghihingi ng yellow pad, mangongyopya ng assignment..bukod
don..wala na. Mapapaisip ka kung yun lang ang silbi mo sa buhay.

...sila yung mga tipong sinasamahan mo lang para may kasama ka
at hindi ka mag-mukhang loner. Pero sa totoo lang decoration ka lang
sa tabi.

...Tanugin mo sila tungkol sa ganito..replyan ng maikli at tapos..parang indirectang sinasabi na "okay nasagot ko na ang tanong mo tapos na usapan."

..eepal nanaman ako sa mga friends kuno ko at makikisama ako
sa kanila para hindi ako mukhang loner. Yes! Magiging Decoration
nanaman ako next term! Ang Galing!


pero in fairness...naiimbitahan ang alien sa mga debut...at tuloy-tuloy na.

Hindi ko alam kung epekto ito ng summer o ng katapusan ng school year, pero parang mas kapit ang mga tao. Mas makakausap sila..at hindi nakaka-LO.

Natapos ang term...dumating ulit ang tigbakan time. At gumigimik na ang iyong lingkod kasama ang mga blockmates niya.

Hindi parin DL. Pero pasado ng Physics at Engcal 2..


asteeeeeeeggggggg...

--------------------------------------------------------------

Pagkatapos ng lahat ng kagaguhan sa taas..ano bang punto ko? Ala lang...gusto ko lang
ipamukha sa sarili ko na ako ay studyante ng isang konyo school sa taft. Ako ay isa nang
second year na estudyante sa isang elitistang eskwelahan sa taft.

Gusto kong ipamukha sa sarili ko

..Na pinili ko na mag-aral dito ng engineering.
..Na kahit pakiramdam ko ay sobrang wala na ako sa lugar at naiwanan ako sa tabe...hindi ganoon lagi ang sitwasyon.
..Na nakatagal ako dito ng isang taon.
..Na kahit papaano ay hindi ko iniwanan ang taon na panay ka-badtripan at ka-morbidan lang ang naalala ko.
..Na hindi totoo na ayaw ko sa block ko.
..Na mali ang iniisip ko nung bago ako mag-confirm sa la salle.
..Na hindi na kailangan ng friendster dahil totoong mga katoto ang mga nasa block ko..(at hindi sila 'kuno').

Akala ko kasi dati wala talaga akong magiging fwends sa first year...na hambambuhay na akong loner sa college...pero nag-iba pag dating ng 3rd term...

at higit sa lahat..

..Na nag-enjoy ako sa pagiging frosh ko. Astig.


No comments: