Saturday, October 11, 2003

Paggooood ako ngayong araw na ito...ROTC kasi...tapos volleyball ako kahapon..

***

Waah...me blog si na si Krey-zey...nyahahahah...ayos..dumadami links ko...
Black siya...wala lang...iba eh...buti pa siya nakakapag-post sa ingles ng hindi na-co-concious

Speaking of Blogs...baka mag-palit narin ako ng layout...theme...si TADO AT ERNING! Asteegg...abangan..
***

ROTC...hindi ka ba mapapagod kung naka-attention ka ng 1 1/2 oras...
Hindi mo pa rin ma-visualize?
imaginin mong me mag-speech na limang tao sa yo..
at nakatayo ka lang...
na naka-combat boots..
sa ilalim ng araw..
na naka-fatigue
Sige..nag-"Tikas pahinga" kami..pero wala...nangawit pa rin ako..useless..

Hay...ranting nanaman...dapat iwasan ko na to...bukod sa nagiging boring ang entry..at wala
talaga akong karapatan...dahil pinili kong mag-ROTC..hahaha..tiis-tiis muna..

***

Nagunlantang ako sa post na ito sa yahoo! Groups ng
BobongPinoy
...

GAGAWIN DAW 51st STATE NG AMERIKA ANG PILIPINAS???!!!

Ang automatic na pumasok sa utak ko...SIYET!GAGO!HINDI NIYO NA GINALANG ANG MGA PINAGLABAN
NG MGA BAYANI NATIN!


Pero oo nga..me point din kasi tong email na to...possibleng ma-resolba kaagad ang mga problema natin
sa bansa kung magiging 51st state tayo ng Amerika...tama...aksyon ang kailangan ngayon..
madaling solusyon to sa mga problema ng mga taong naghihirap at sa katakot-takot na problema pang-seguridad
ng bansa natin..agarang solusyon..

Ewan ko ba kung sino ang nagsabi nito..pero tama ang sinabi niya...mahilig sa madadaling bagay
ang mga tao...gusto nila..instant...yung tipong hindi pinag-hihirapan..automatic kumbaga.

Parang ganito rin ang usapan dito eh..*click*..51st state na ng US ang Pilipinas..*click* tanggal kurakot..
ayos ekonomiya..tanggal poverty..*click* automatic..solb na ang problema..

Saan ang pwede mong ipagmalaki dun? 51st state kana ng US...Amerikano kana...nawalan ka ng identidad..
hindi ka na Pilipino..at pinagdidikan mo ang sarili sa pagiging Amerikano mo..pero mismong mga Amerikano
niluluwa ka...nasaan na ang identity mo..wala na..Amerikano ka na nga eh..

Naging maunlad ka nga...ng mabilis..pero pinaghirapan mo ba?..hindi..automatic ginhawa kasi ang buhay mo
Ang pagunlad kasi...ang pagresolva sa mga problema ng bansa...pinaghihirapan yan..ang mga bansang maunlad
ngayon sa SouthEast Asia, tulad ng Korea at Japan, Mahihirap din naman yan eh...pero nagtiyaga sila...yun
umunlad..hindi automatic...hindi *click*...

At ang problema din sa mga automatic na solusyon..madali silang nawawala...

Ang pagunlad na pinaghirapan..permanente..at..natututo ka..

Oo..inaamin ko...wala akong maibibigay na solusyon sa talamak na problema ng bansa ngayon.
pero GHULAY! Maging state ng Amerika ang Pilipinas..anong klaseng solusyon yan? Automatic..
hindi pinag-hirapan...at hindi ka pa SIGURADO! Malay mo ba kung papayag ang mga kano diyan?
Plus..hindi matututo ang pilipino na magpatakbo sa sarili niyang pamahalaan..hindi niya matututunang
tumayo sa sariling paa..

Saka san ka ba nakarinig ng bansa nag-pa-tuta sa ibang bansa..ngayong mga panahon na ito..
Mga pinoy lang ang mga makaka-isip niyan..

No comments: