Wala lang, pumapatay nanaman ng oras, na dapat ginagamit kong pang-aral or pang-tulog..tsktsk...tapos sisisihin ko sarili ko kung bakit ako bumabagsak..hay..
So yun. Its really weird hearing lower batches screaming here..."Siyetttt...hindi ko nakuha yung dream sched ko"..."or...nakuha mo ba to", or "anong section mo..?"...things like that. Somehow, I feel really old. Ang tanda ko na. I remember when me and my friends trek different internet cafes so that we chould enroll in the same sections. Sabay-sabay kami mag-eenroll...tapos tinatawanan yung mga hindi maka-pasok sa ganitong section...which is ginagawan ng paraan sa adjustment. Ngayon, hindi na ganun. Hiwa-hiwalay na kami ng enrollment dates dahil sa priority enrollment. 2 nalang kaming nag-eenroll ngayon ng mauuna, tapos siyempre, may mga bagong issues na kaming iniisip ngayon. Dapat umiwas sa mga powerhouse ng batch (hehe..medyo allergic ang mga tao sa kanila...lolz:P), we also have to make sure to enroll in sections where our other (unfortunate) friends can enroll. Tapos anak ng pating, Methods of Research for ECE students na kami...tama yan. Feeling ko talaga napaka-tanda na namin. Sumasalpak na sa muhka ko na THIRD YEAR KA NA, ISANG TERM NALANG THESIS KA NA....I'm already hearing the term THESIS often, from people looking for thesis mates...to casual conversations..to what ifs. Ewan ko lang, medyo takot kasi ako sa thesis eh. Its not that I don't have thesismates...actually nag-usap-usap na kami..as usual, silang tatlo ang kasama ko..and i'm thankful na meron. Pero its scary, hindi pa naman sigurado eh, paano pag-bumagsak ako, may kailangan pa akong kunin na subjects para sure na, pero paano pag bumagsak ako sa isang subject..na sana hindi naman manyari. I'm also scared of the actual THESIS, I'm still having doubts if we could do something that big. (Haha, walang tiwala sa sarili)
It seems like yesterday na sinasabi ko na bakit ko ba sinadlak ang sarili ko sa course na to, tapos ngayon, third year na ako. Parang noong pinaka-una kong electronics subject (ELCIONE), i'm having doubts kung pang-ECE talaga ako, tapos next term, kukunin ko na ang pinaka-huli kong electronics subject (INDELIN). Tignan mo nga naman ang buhay. Parang noong 2003 lang, kaka-LPEP niyo palang, at kumukuha palang kayo ng Calculus subjects, tapos ang dami niyo pa, ngayon, pati upper and lower batches ka-tropa mo na kasi sobrang konti nalang kayo. Yung iba, nasa ibang bansa na, yung iba sa ibang school, sa ibang course, sa ibang bundok. Hindi na pipitsuging subjects yung mga kinukuha mo...yung mga kabarkada mo sa ibang college nag-thethesis na...may mga boyfriend na...
Ang bilis ng buhay.
Nakaka-overwhelm.