Thursday, April 28, 2005

Nagbabagang Update..

joke lang.Ngayon lang ako nagpost kasi akala ko may mag-bobother magbasa nung mahaba kong entry. Pero asa pa ako.

Mga nagawa ko ngayong mga nakaraang araw/linggo:
-Nagawa ang una kong blog layout. Yep made it all by myself gamit ko photoshop at dreamweaver. Kung gusto niyong tignan punta kayo dito.
-#6 Ranking sa Need for Speed. At hindi pa ako marunong mag-drift. Maganda sana yung Mitsubishi Eclipse kaso ang bagal ang hirap paabutin ng gear 5. Pag drift kapatid ko pinaglalaro ko.
-Nakapunta akong Cartimar Recto. Refer to past post. Lang ya dun lang pala yung lugar na yon. In case na nagtataka kayo kung bakit ako nandoon, gusto ko kasing makabili ng mga cd na pirated na mahirap hanapin sa ibang lugar.
-Binasa yung libro ni Agatha Christie, The Moving Finger tsaka Man in the Brown Suit. Grade six ko siya binili, ngayon ko lang binasa. At hindi na ako magtataka kung bakit. British English hindi ko matake. Pero tinapos ko siya. Meron pa akong isang libro niya, wala pa akong balak basahin. Manigas siya.
-Binasa yung libro ni Nelson DeMille, The General's Daughter. Astig yung libro nakakatuwa siyang basahin. Literal na natatawa ako dun sa mga banat ni Pareng Nelson, pero don't get me wrong. Detective novel siya. Alam niyo naman ako, mahilig sa mga ganyan.
-One Piece, Naruto, Hajime No Ippo. Holy trinity ko sa Hapon. Pag lumabas sinisigurado kong makaka-uwi ako ng alas-singko. Nakakatuwa lang ngumiti si Luffy..hehehehe^^
-Tumambay sa Uste. Was supposed to be girl bonding, pero hindi pumot-si yung isa naming kasama. Ang ginawa namin ng mga barkada ni e-kyub,tumambay lang sa isa sa mga tambayan doon dahil pare-parehas kaming mga walang pera pang mall. Lolz umalis ako pa ng bahay tatambay rin lang pala ako.HAaha..Eto yung picture o....de joke lang.
-Sumama sa mga pinsan ko sa kanilang Job Hunting. At ang hirap mag-hanap ng trabaho! Siyete. Ngayon pa nga lang pinapakuha ako na ng Non-Pro Civil Service Exam.
-Kumain at Matulog ng Matino. Mga bagay na hindi ko nagawa ng 10 buwan.
-Magpagupit. Its totally short now. Init eh.

Wala akong pera. Wala akong magawa. Bored na ako. Gusto nang pumasok na hindi. Miss ko na mga tao sa La Salle. Kupal kapatid ko laging nag-raragnarok sarap burahin ng account niya sa PC. Wala akong naabutan sa YM. Ayokong mag-advance reading. Gusto kong gumala pero wala nga akong pera. Gusto kong pumunta ng Sarabia Optical sa UP. Gusto ko ng Sanwich Rockers t-shirt tsaka shirt ng typecast para bago ang porma sa pasukan. Pero wala akong Pera. Hindi nag-bblog ang mga tao ngayong summer. Dati araw-araw kung mag-update. Wala akong Pera. Alang nagyaya ng lakad. Nasabi ko na ba na wala akong pera?

Saturday, April 23, 2005

WAHOOOOO!!!

Finally! Naka-gawa narin ako ng sarili kong layout! Kahit medyo sabog yung code...nyehehehehe...astig ba? Sorry kung puro blue...lolzXD

Thursday, April 21, 2005

TRIP OBJECTIVE NO.1 - Acheived!

Nung una bad trip ako, kasi ginising ako ng 6:00 ng umaga para pumunta sa Ninang ko sa
Pag-ibig (Yung housing Corporation po). Anong time namin siya na-meet....mga 9:30 am lang naman. Nagising pa ako ng maaga. Yun na nga, yung Pag-ibig, located siya sa Atrium sa Makati, pati narin yung BIR.

atrium1

The Atruim of Makati. Mukhang big time no?

Okay na sana eh. Mangha na ako...astig na sana, eh biglang nagyaya sa C.R. yung mga kasama ko (Si Mama, Si Tita, yung Anak ni Tita, at yung daughter in law ni tita)...anak ng pating! Walang salamin yung CR...nakita ko plywood....mga government offices talaga...'alang budget...

Yun, bukod sa nakapag-mano ako sa ninang ko, sinamahan ko ang mga sanpips ko para mag-apply ng trabaho sa Pag-ibig. Siyempre inuna sila sa interview, kasi medyo matindi yung Backer nila (yung ninang ko). Ngayon ko lang talaga na-realize na TANG INA ANG HIRAP MAHIHIRAPAN AKONG MAGHANAP NG TRABAHO! Bukod sa wala akong backer, dahil ang aking pamilya ay walang kilala sa electronics field, at nung tumingin ako sa Classified ads sa dyaryo wala akong nakitang naghahanap ng ECE grads, at kung meron man, lalaki.AT BABAE AKO....siyete...natatakot na ako. Narealize ko rin na ang hirap mag-hanap ng trabaho sa pilipinas.

Pero ipag-patuloy natin ang kwento...pag-katapos namin kumain ay pumunta kami sa DBP service agency (nakalimutan ko yung pangalan) sa may tapat ng DBP building sa Makati Avenue. Para kaming mga tangang nagfi-fieldtrip kasi ang dami-dami namin! Sa mga job hunters diyan, kung balak niyong mag-trabaho sa government, pumunta kayo sa DBP. Yan ang agency ng mga government offices. Pero bago ka maging regular
kailangan mo muna ng Civil Service Exam.

Pagkatapos nun, mula makati, nag MRT-LRT ako at ang pinsan ko papuntang Carriedo. Layo no?

Kukuha kasi siya ng NBI at Transcript of Records sa City College of Manila. Sa NBI, kailangan pa siyang interviewhin kasi may kapangalan siya Estafadora (Kaya buti nalang Unique ang pangalan ko).

Nung pumunta akong CCM, isa lang ang masasabi ko, SALUDO AKO SA MGA ESTUDYANTE DON! Oo nga, libre siya, pero sa mga facilites, parang hindi ka talaga gaganahan mag-aral. No offense sa mga taga-CCM, pero nalulungkot ako sa mga nakita ko. Eto yung mga estudyanteng masisipag mag-aral (Scholar silang lahat mga tsong), at hindi nila deserve ang mga facilites na ganun. Hindi ko siya ma-describe..basta para siyang lumang office building nung panahon pa ni Marcos, na ginawang make-shift school. Yung mga classroom, parang mga dating opisina na nilagyan ng Blackboard at upuan, yung registrar's office, parang Accounting Office/Cashier ng mga nagoopisina, yung label nga ng registrar's office, computer printout lang, madilim, yung mga hagdanan nila, yung staircase ng typical office building, tapos yung mga elevator, hindi gumagana. Paano pag nagkasunog dun? Nakakaasar, wala talagang budget ang gobyerno para sa edukasyon. Kung kasing yaman lang ako nina Yuchengco, mag-dodonate talaga ako ng isang matinong building dun eh.

Tapos nun, pumunta na kami dito:

cartimar1

Cartimar Recto: PunkRock/Alternative/OPM cd heaven

Ngayong summer vacation, dalawang lugar ang gusto kong puntahan. Una: yung Sarabia Optical sa UP shopping Center. Pangalawa: Cartimar Recto. At naka-punta na ako sa Pangalawa! Yey!

Medyo mahaba yung nilakad namin (Mula Sta. Cruz hanggang Recto, ang layo!)..tapos nung una sinabi ko pa sa pinsan ko, "Ha? Eto na ba yun"...pero mukhang yun na nga. Maraming nagbebenta ng mga pankista gear sa sidewalk (i.e. : Black beads, black earrings, mga pouch na may mukha ni Che Guevarra, mga wristband na may marijuana at flag ng jamaica, mga tunnel earrings, mga bracelet, etc), tapos sa isang gilid, nandoon ang gold mine, YUNG MGA CD MISMO!

Taragis! Wala akong paki kung may mga mandudukot don! 3 for 100 ang mga CD..at hindi lang basta ang mga CD..mga Cd ng mga independent na banda, tsaka yung mga rock na hindi mo makita sa Tower Records! Hell they even have Coheed and Cambria and Mars Volta Cds! Kaya pala ang tawag dun:TOWER RECTO! Siyete..pag nagkataon, baka maging suki na ako dun.

Sayang ngalang hindi ako nakalibot at CD lang ang nabili ko dun. Dun nakabili ng mga astigin na Shirt yung ka-block ko eh.^^v

NEXT STOP: The UP SARABIA OPTICAL STORE and the newly opened store in Congressional Avenue named "The Bukswagen Experiments"...pero siyete, hindi ako marunong pumunta sa Congressional Avenue!

Now this would be easier if I had a Car.

CDs
cds

Mga merch na nauwi ko, 3 for 100

Friday, April 08, 2005

Finally

Yey! Finally i'm back. Hehe, after 3 final exams! Still 2 more to go...BASETRO and ELCITWO..dalawang mga matitindi na exam sa dalawang huling araw. Hindi na ako depressed masyado, medyo bad trip lang kasi...WALA AKONG BOSES mga kaibigan, tatlong araw na. Kaya lagi akong nababatuhan ng linyang.."San ang concert ha?"...letse para akong nagbibinata.Malala na kasi yung ubo ko. Hindi nga ako nakapag-aral ng matino eh. Mag-aaral ako 2 hours before the exam. San ka pa?

Ang hirap pala ng walang boses. Lalo na pag nag-cocommute ka. Dyahe mag-salita, imbes na sabihin mong makiki-abot ng bayad, kailangan mo pang kalabitin yung mga katabi mo, tapos magtataka sila kung bakit, sabay papakita mo sa kanila yung pamasahe mo, tapos iaabot na nila. Hindi ka pwede sumakay ng jeep na may padding yung bubong,kasi hindi ka pwede kumatok para pumara. Wala kang boses kaya hindi ka makakasigaw ng "PARA!", at ng, "SA TABI LANG PO!". Kung wala kang choice,at padded jeepney ang nasakyan mo, kailangan mong umupo sa strategic places, sa likod malapit sa driver, o sa harap sa tabi ng driver, para rinig yung namamalat mong boses. Kailangan sakto yung pamasahe mo, para hindi ka na tatanungin kung "SAAN PO BABABA?", patay kung ganun, kasi kahit sumigaw ka na, lalabas sayo, supot.

Mahirap pa pag gusto mong magsalita, kailangan mong isulat sa papel o di kaya itype sa celphone mo. HIndi ka maka-order, kasi nga wala kang boses. Hindi ka ma-gets nung mga kaklase mo, gusto mong mag-react pero hindi ka maka-react, hindi ka maka-pagexplain pag nagtatanung yung mga kaklase mo.

Kaya bilib din ako sa mga pipi eh. Ngayon ko lang naintindihan kung gaano kahalaga ang ating mga boses.